ERICKA DEL CARLOS POINT OF VIEW
MAHIGIT isang buwan na ang lumipas matapos ang kamatayan ni Tanya. Naging usap–usapan sa buong university ang pagkamatay niya pero pinalabas na lang ng magulang niya na seizures iyon at mga drugs na hindi kinayang tanggapin ng katawan niya habang nasa hospital. It’s the safest way to keep the reason of her death. Nakokonsensya ako, I wasn’t able to save her, nakakatulong ako sa mga multo pero sa buhay, hindi ko man lang nailigtas. Sana may paraan pa para makabawi ako kay Tanya.
“Yung demonyong iyon, para siyang pamilyar sa akin. I’ve seen him somewhere.” Sabi ni Zenrick at napatingin ako sa kaniya na biglaang sumulpot sa tabi ko, nag-iisip din kagaya ko. Kahit nag-iisip siya pasulpot- sulpot pa rin siya.
“Pamilyar?” tanong ko pabalik sa kaniya.
“Habang naglalaban kami ay may pumapasok na ala-ala sa isip ko. May sinabi din siya na hindi ko maintindihan,” sabi niya muli sa akin.
“Baka pamilyar lang s’ya dahil sa magkasing itim kayong dalawa?” tanong ko pabalik sa kaniya sinamaan niya ako ng tingin dahil doon.
“I'm not kidding, come on! Sa tagal ko ng naging multo, ngayon lang may sumagi na memory sa utak ko.”
“Do you think that Demon is related in my life?”he asked me at nagkibit balikat ako.
“Hindi ko alam,” sagot ko pabalik sa kaniya.“Siguro buhay mo na yung dapat atupagin natin,”sabi ko sa kaniya
“I am afraid to remember who I am,” sagot niya sa akin.
“God, I was a Jazz Ballet dancer! That’s horrible…” sabi niya sa akin at saka siya nanginig na parang natakot sa nalaman niya mula sa buhay niya.
“You're a famous Jazz ballet dancer,” pagtama ko sa kaniya.“And you have Magenta behind you during those years,” dagdag ko pa sa kaniya.
“Hindi ka ba nacu-curious na malaman kung sino si Magenta?” I asked him.
“Curious din ako Ericka, the song, penmanship, picture and everything. I am damn curious about my life but I’m afraid to remember it, parang masakit maalala.” sagot niya sa akin. “Pero masasagot niyan ang tanong mo kung bakit ka nandito. Kung bakit nawala ang ala-ala mo, kung sino ka. Zenrick, buhay mo ang babalik sa’yo kapag inalala mo ang nakaraan mo,” saad ko sa kaniya.
“Siguro tama ka, kailangang alamin ko ang nakaraan ko,” he replied.
“Before Tanya's death, ang sabi niya sa akin familiar ang pangalan na Zenrick St. Croix at tatanungin niya ang kuya niya tungkol doon,” saad ko sa kaniya. Naalala ko ang sabi ni Tanya sa akin.
“Halika, pupuntahan natin si Kuya Hans,” sabi ko sa kaniya at hinila ko siya paalis sa kwarto ko. Lumabas kami ng bahay at sumakay ng taxi papunta sa bahay nila Tanya nang mapansin kong hindi ko pa pala binibitawan ang kamay niya.
“Sorry.”
“No, I actually like it when you are holding my hand.” Sagot niya sa akin at muli niyang hinawakan ang kamay ko. Tahimik lang kami doon, habang hawak ko ang kamay niya. May nakita kong vision, isang babae.
“Gagawin ko ang lahat huwag lang siyang mawalan ng pag-asa sa mga pangarap niya. I’ll do everything for his dreams…” sabi ng babaeng ito sa demonyong iyon.”Ano ang mai-i-alay mong kapalit ng hiling mo?” tanong ng demonyo pabalik sa kaniya. Natigil ako ng pisilin ng makarinig ako ng tumatapik sa akin at tumatawag sa pangalan ko.
“Ang minimithi mo…”
“Are you sure? Buhay mo kapalit ng pangarap ng lalaking mahal mo? Romantic….”
“Miss! Miss! Okay lang po ba kayo?” tanong ng taxi driver sa akin. Humihingal akong bumalik sa ulirat ko.
“Ericka! Ano bang nangyayari sa'yo?” tanong sa akin ni Zenrick.
“Okay lang ako nanaginip lang siguro ako,” sagot ko sa kaniya at tumingin ako sa taxi driver.
“Sigurado po ba kayo Ma'am?” tanong niya sa akin at tumango ako sa taxi driver. Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho hanggang sa marating namin ang bahay nila Tanya. Pinapasok naman kami agad ng maids nito at pinahintay si Kuya Hans sa amin. Mamaya–maya ay bumaba na siya at nakangiti siyang tumingin sa akin.
“Ericka, anong ginagawa mo dito?” bungad niya sa akin.
“Dinadalaw ka po,” sagot ko sa kaniya.
“Drop the “Po” hindi naman ako ganon katanda. 26 pa lang ako Ericka.” Sabi niya sa akin at saka ito ngumiti ng mala anghel.
“Nakakainis talaga mukha nito eh,” sabi ni Zenrick, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
“Bakit? Totoo naman eh. Umalis na nga lang tayo, mas gusto kong maging clueless sa identity ko kesa landiin ka niya sa harap ko,” Ano ba tong multong to, possessive kung makakilos feeling niya jowa ko siya.
“Ericka? May problema ba?” tanong sa akin ni Kuya Hans.
“Ah wala naman, may tanong lang sana ako sayo,” sagot ko sa kaniya. “Ano iyon?” at saka niya ako inayang maupo sa sofa.Pumagitna pa si Zenrick sa amin para hindi daw kami magtabi.
“Bago kasi mamatay si Tanya, may tinanong ako sa kaniya at sabi niya baka kilala mo yung sinasabi ko,” sagot ko sa kaniya.
“Sino ba yung tinutukoy mo? Maybe I can help you,” sagot naman niya sa akin.
“Kilala mo ba si Zenrick St. Croix?” tanong ko sa kaniya at saglit siyang napaisip nagbago ang emosyon ng mukha niya.
“Kilala mo ba siya?” tanong ko ulit sa kaniya.
“He was one of the greatest dancers at my school, he was popular and great. He died years ago,”sagot niya sa akin.
“Alam ko na iyon, gusto kong malaman kung sino siya,” sagot ko sa kaniya.
“Iyon lang ang alam ko sa kaniya. He was perfect and he have everything, even her.” Sagot niya sa akin at nag-faint saglit ang boses niya.
Her, he knows something about him. Maybe that “Her,” was Magenta.
“How about Magenta?” I asked him napatingin siya sa akin.
“Magenta? Her real name is Margaret Abott. She disappeared after Zenrick's comeback on stage. Magenta ang tawag sa kaniya ni Zenrick kasi laging gumagamit ng Magenta colored lipstick si Margaret. Black & Magenta couple ang tawag sa kanila,” sagot niya sa akin.
“Black and Magenta?”
“n***o e…”
“Pigilan mo ako!” pikon na giit ni Zenrick sa akin. “Totoo naman, maitim ka…” saad ko sa kaniya, tinirikan tuloy n’ya ako ng mata.
“She was Zenrick's ex – lover who was always there for him even before his accident,” dagdag pa niya sa akin.
“Na-aksidente siya dati?” I asked him.
“Hanggang doon lang ang alam ko. Bakit mo ba natanong si Zenrick sa akin?” he asked me again.
“Wala lang, na-curious lang ako, pero hindi ba nawawala siya? Paano siya nawala?” sagot ko sa kaniya at napatingin ako kay Zenrick na nag-iisip ng malalim ngayon.
“Zenrick disappeared years ago, biglaan siyang nawala. Walang traces or clues. Lahat kami ang alam namin patay na siya. Nagpaalam siya dati na pupunta sa Baler, Quezon para hanapin si Margaret tapos hindi na siya bumalik..” pagpapaliwanag niya sa akin.
Nagpaalam na ako kay Hans at umalis na kami sa bahay niya.
“Nasaan na si Margaret?” I asked him.
“Hindi ko nga naalala diba? Paano ko masasagot 'yan?” tanong niya pabalik sa akin.
“Ito naman pilosopo masyado,” sita ko sa kaniya at saka ko siya inirapan.
“Kung masasagot natin kung nasaan siya baka maalala mo na kung sino ka, she was your lover in the first place. Kapag nakita mo siya sigurado ako maalala m—aahh!” napasigaw ako ng muntikan akong masagasaan, mabuti ay nayakap ako ni Zenrick. Hindi ako nakahinga ng maramdaman ko ang init ng katawan niya, bakit ba parang buhay ang multong ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing hinahawakan niya ako?
“Niligtas na naman kita,” sabi niya sa akin at saka siya ngumiti.
“Salamat,” sagot ko sa kaniya at saka ako tumayo ng maayos.
“Tingnan mo yung babae oh nagsasalita mag-isa,” bulong ng isang babae na dumaan sa harap ko.
Natawa na lang ako, “Nasanay ka na ano?” tanong niya sa akin.”Oo, nasanay na ako sa mga taong napagkakamalaang may sayad ako ng dahil sa'yo,” sagot ko sa kaniya at saka ako ngumiti.
“Sana totoong tao na lang ako para makita nila kung gaano kagwapo ang kasama mo ngayon,” sagot niya sa akin at saka siya kumindat.
“Alam mo para kang tanga,” sabi ko sa kaniya.
“Bakit hindi ba totoo, gwapo naman talaga ako ha?” he asked me at saka niya inilapit ang mukha niya sa akin.
“Baka gusto mo halikan kita ulit?” tanong niya sa akin at napalunok na lang ako.
“Ayoko nga!” sagot ko sa kaniya.”Gusto mong maulit yun'no? Yung mahalikan kita gamit ang usher lips ko,” sabi niya sa akin at kinagat niya ang labi niya.
“Nakakadiri ka!” sagot ko sa kaniya at saka ako pinagtinginan ng mga tao.
‘Baliw yata 'to,” bulong nila kaya umubo ako.
“Pasensya na po,” saad ko at tumakbo ako kasi namumula ako ng sobra.”Ano ba ito? Bakit ganito!” sigaw ko at biglaan naman siyang sumulpot sa harap ko.
“Namumula ka masyado babe, halatang halata ang intensyon mo,” sabi niya sa akin.
“Alam mo dapat ang iniisip mo ay kung paano natin mahahanap si Margaret!” sagot ko sa kaniya.
“Hindi ba pwedeng feelings mo muna?” tanong niya sa akin.
“Paano kung lovelife mo muna?” dagdag pa niya sa akin, marahas ko siyang binatukan.
“Manahimik ka nga diyan!” sagot ko sa kaniya pero hinawakan niya ang kamay ko at dinikit niya ako sa kaniya.
“Zen—” natigil ako ng halikan niya ako. Ang init ng halik niya, imbes na magka-goosebumps ako hindi iyon ang nangyari. Napapikit na lang ako habang gumagalaw ang mga labi namin. Sobrang passionate ng kiss niya at hindi ko mapigilan ang sarili ko na sagutin iyon.
“You are giving me a reason to be alive,” sabi niya sa akin at saka niya yinakap ng mahigpit.
***
(ZENRICK ADEL ST. CROIX’S POINT OF VIEW)
“WHAT have you done?” I asked my self nang gumala-gala ang kaluluwa ko sa gitna ng daan. Ano bang ginawa ko? I kissed Ericka pero hindi dahil sa pinagtitripan ko siya, it's because I want to kiss her. Pangalawang beses ko na itong ginawa sa kaniya pero heto ako, pakiramdam ko first kiss ang halik namin.
Why do I feel this way?
Habang naglalakad ako ay may nabangga akong lalaking nakaputing damit na kasing puti ng damit ko.
“Pasensya na tol!” sabi ko sa kaniya at naglakad pa ako.
“St. Croix,” tawag niya sa akin huminto ako sa paglalakad ko. “Kilala mo ako?” I asked him at tinuro ko ang sarili ko ngumiti lang siya sa akin.
“Huwag mong kalimutan ang totoong dahilan kung bakit ka nandito,” sagot niya sa akin at biglaan siyang nawala.Ano ba siya multo?! Nanlaki ang mga mata ko.
“May multo ang mga multo?” tanong ko sa sarili ko at nag-teleport ako papunta kay Ericka.
“Ericka! Eri—” natigil ako ng makita ko siyang kakalabas sa CR at nagsusuot pa ng panty niya. Di ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi, her long legs and cute butt cheeks. Nakaramdam ako ng pagkislot sa loob ng pantalon ko. I looked at it, and my cheeks blushed. Damn! Am I having a ghostly boner right now? The hell! Mali ito! Bakit ako nagkakaroon ng boner e ‘di naman ako tao. Multo ako for f**k’s sake. Nilunok ko ang laway ko at saka bumuntong hininga.
“Wow!” sabi ko at tumingin siya sa akin at malakas siyang tumili at saka ako binato ng napakalaking vase. Nasalo ko naman ang vase at napigilan ang pagkabasag nito.
“Ano na namang ginawa ko?” tanong ko sa kaniya pero tinilian lang niya ulit ako.
“Bastos!” sabi niya at saka siya tumakbo pero natalisod siya kaya agad ko naman siyang sinalo.
“Mag-ingat ka nga!” suway ko sa kaniya.
“Bitawan mo ako!” bulyaw niya sa akin pero hindi ko ginawa. “Tanga ka ba?Edi kapag binitawan kita malaglag ka,” sabi ko sa kaniya. “Basta bitawan mo ako,” aniya at mas diniinan ko ang hawak ko sa kaniya ng may mapisil ako.
Teka? Ano ba to? s**t! Dibdib niya 'to!
“Aaah!” malakas siyang tumili at tuluyan ko na siyang nabitawan. Hindi na ako nakakilos dahil sa dibdib pala niya ang nahawakan ko at napatingin na lang ako sa kamay ko.
“Sobrang bastos mo talaga, Zenrick!”sabi niya at kamao na niya ang sunod na lumipad sa aking mukha.
“Hindi ko sinasadya, nataranta lang ako. H’wag mo naman akong bugbugin!” sagot ko sa kaniya at hinawakan ang ilong ko na sobrang sakit.
“Kahit na!” angal niya sa akin.
“Dede ko ‘yung hinawakan mo! Dede ko!” sigaw niya sa akin.
“I'm sorry it's not my intention to touch you, saka multo na ako hindi naman masama kung mahawakan kita if ever,” sagot ko naman sa kaniya.
“Zenrick naman eh! Hindi ka kasi normal na multo. Nahahahawakan kita, nahahawakan mo ko, nahahalikan mo ako kaya hindi tama yung nahawakan mo yung dibdib ko!” sigaw niya sa akin at tumakbo siya sa banyo para doon na magbihis. Mayamaya naman ay lumabas na siya ng banyo.
“Ano bang kailangan mo?” tanong niya sa akin.
“May nakita akong lalaki kanina tapos sabi niya, huwag ko daw kalimutan ang dahilan kung bakit ako nandito tapos naglaho na siya.” Sabi ko sa kaniya at saka ko siya nilapitan ng sobrang lapit.
“Wag ka ngang lumapit sa akin, natataranta ako,” suway niya sa akin at naglagay siya ng unan sa pagitan sa tabi namin. “Bakit ka naman matataranta sa akin? Multo ako, Ericka.” Nakita ko ang pag-ikot ng kaniyang mga mata
“Sigurado ako multo yun,” sagot ko sa kaniya.
“Minumulto ako ng nakaraan ko,” dagdag ko pa sa kaniya.
“Paano ka mumultuhin eh multo ka na?” tanong niya sa akin at saka niya ako hinarap.
“Zenrick, baka naman may kinalaman din yung mumu na iyon sa'yo. Baka kailangan na nating mahanap si Margaret Abott para masagot na ang tanong sa pagkatao mo,” sagot niya sa akin.
Margaret, Margaret.Bakit kasi hindi ko siya maalala? Naiinis na ako, kada gabi na lang naalala ko yung tugtog doon sa CD, yung sulat. Minsan nanaginip ako na may babaeng hindi ko kakilala ang nakatingin sa akin. Minsan naman umiiyak ang babaeng iyon.
“Hindi ko siya maalala,” sagot ko sa kaniya.
“Paano kung balikan natin yung condominium unit mo?” tanong niya pabalik sa akin.
“Para ano, makapagnakaw na naman ng picture frame ko?” I asked her binatukan naman niya ako ng malakas. 'Hindi! Titingnan natin kung sino si Margaret Abott,” sagot naman niya sa akin.
“Lover ko na nawawala, kung nawala siya bago ako namatay ano pa bang koneksyon niya sa buhay ko?” taong niya muli sa akin. Past is past na nga kasi, bakit pa kasi ako ginugulo nung demonyong iyon eh. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya sa akin nung naglalaban kami.
Kahit na anong gawin mo, mapupunta pa rin sa akin ang kaluluwa niya dahil hinding-hindi mo ako matatalo, kahit na anong gawin ng anghel na nagsugo sa'yo. Hindi niya ako matatalo. Iyon ang sinabi sa akin nung demonyo nung naglalaban kami.
Multo lang ako na amnesiac, why the hell an angel would summon me to fight him?
Am I an angel too?
I just want to save Ericka that time. Iyon ang dahilan kung bakit ko siya nilabanan, I want to save someone. I want to save som— yes, it's right. I chose to die because I want to save someone. I'm pretty sure of that.
“Zenrick!” nagising ako ng tawagin ako ni Ericka.
“May problema ba?” she asked me.”I want to save someone,” sabi ko sa kaniya.
“I died because I want to save someone,” pagulit ko pa sa kaniya.
“Namatay ka kasi gusto mong may iligtas at si Margaret,” sabi niya sa akin at agad siyang tumayo.
“Tara na, pupuntahan natin yung condo mo tapos hahanapin natin si Margaret Abott mo!” sabi niya sa akin.
“Pero ano pa ring koneksyon ni Margaret doon sa demonyo? Doon sa mga sinabi sa akin nung demonyo?” I asked her.
“Ano bang sinabi sayo ha? Sinasakal kasi ako ni Tanya no’n at hindi ko marinig,” saad ko sa kaniya.
“Hinding-hindi ko daw siya matatalo kahit anong subok ko, kahit na sugo pa ako nung anghel na tumawag sa akin,” sagot ko sa kaniya at nag-isip siya sa saglit.
“Kailangan nga nating hanapin si Margaret,” sagot niya sa akin at kinuha niya ang purse niya at saka niya ako hinila palabas.
“Lalabas ka na naman ba?” tanong ng Ate niya na sumilip mula sa kusina.“Opo Ate, saglit lang ako, bye,” sagot ni Ericka at magkahawak kaming naglakad papunta sa sakayan ng taxi.
Siguro nga kuntento na ako sa pagiging multo ko pero binigyan ako ni Ericka ng dahilan para alamin ang katotohanan sa buhay ko, bakit? Kasi gusto kong paniwalaan yung sabi ni Marciel na hindi ako ganap na kaluluwa marahil baka buhay pa ako. Gusto kong mabuhay para makilala ko si Ericka at makasama siya.
***
(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW)
NARATING namin ang condominium unit ni Zenrick. “Ikaw yata yung case number 5,” sabi ko sa kaniya. “Gusto ko sana ako yung nag-i-imbestiga at hindi iniimbestigahan,” sagot niya sa akin habang nakatingin siya sa set ng video tapes na nandoon. Ako naman mga papel ang nakita ko doon at mga envelopes. Nakapukaw ng pansin ko ang malaking envelope na andoon binuksan ko ito at set ng X-rays ng paa ang nakita ko pati mga diagnosis.
Patient name: Zenrick Adel St. Croix
“Zenrick, tingnan mo 'to,” sabi ko sa kaniya at lumapit siya sa akin.Binasa ko ang mga papel na iyon at nakita ko na resulta iyon ng isang check up at ang nakalagay doon ang mga salitang “Permanent injury.”
“Hindi ba sabi ni Kuya Hans nakabalik ka sa pagsasayaw matapos ng isang aksidente?” tanong ko sa kaniya at tumango siya sa akin.
“Pero nakalagay dito hindi ka na makakalakad,” sagot ko naman sa kaniya at hinawakan ko ang resulta ng X–rays niya.
Napatingin ako kay Zenrick nang matapos ang flashback na nakita ko. Nakita ko na lumpo si Zenrick tapos wala na siyang pag-asa sa buhay niya. Nando’n si Margaret at umiiyak sa tabi niya.
“Anong nangyari? Anong nakita mo?” tanong niya sa akin at nabitawan ko ang X–ray.
“I'm sorry,” sagot ko sa kaniya.
“Bakit ka nagso-sorry? Ano nga ang nakita mo?' tanong niya pabalik sa akin.
“Si Margaret, inaalagaan ka niya kasi nalumpo ka. Zenrick, Mahal na mahal mo siya pero mas mahal ka niya,” sagot ko sa kaniya.
“Okay, fine I loved her pero paano ako nakalakad ulit? Bakit siya nawala? Anong kinalaman nung demonyo sa buhay ko?” sunod sunod niyang tanong sa akin. Tinuloy namin ang panghahalugad at may nakita akong isang journal doon bubuksan ko sana iyon ng may narinig ako.
“Kukunin pa kita…” tumingin ako kay Zenrick na seryosong nagbabasa ng mga papel sa gilid.Ang boses na ‘yon, alam ko kung kanina ‘yon.
“Kukunin kita at magiging akin ka rin. Kung ‘di tayo napagbigyan ng langit pwes ang impyerno ang tutupad ng hiling ko,” bulong pa ulit nito tumingin ako sa bintana at nakita ko ang demonyong kumuha kay Tanya na nakatingin sa akin.
“Halika dito…” bulong niya sa akin. “Halika… magsama tayo sa impyerno dahil iyon ang magiging paraiso natin. Ang paraisong nararapat sa’yo…” bulong muli nito. Nanginig ang kalamnan ko sa takot pakiramdam ko nasa harap lang siya ng aking tainga. Pakiramdam ko ay huhugutin niya ako sa impyerno.
“Nandito ka na naman,” nadinig ko si Zenrick at agad niyang sinugod ang demonyong iyon.“Zenrick huwag!” sigaw ko sa kaniya. May lumabas sa kaniya na puting aura, gaya ng aura na lumabas sa kaniya nung naglaban sila sa bahay ni Tanya. Zenrick flew in the air, tumagos siya sa bintana at ang puti niyang aura ay naging pakpak tapos nagsuntukan sila sa ere.
“Hindi mo ako matatalo Zenrick, habang buhay ka nang magiging ganyan at hanggang sa hindi mo ako natatalo, tuluyang maghihirap si Margaret. Kapag dumating na ang oras niya, hindi mo na siya maliligtas pa,” sabi nito at tumawa siya ng sobrang lakas. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!” sigaw ni Zenrick sa kaniya.
“Anong alam mo tungkol sa akin?” tanong ni Zenrick sa kaniya lumapit ang demonyo sa kaniya.
“Sobrang dami, Zenrick,” sagot niya dito at bigla siyang nagpakita sa harap ko, hinawakan nito ang pisngi ko.
“Huwag mo siyang hahawakan!” sigaw ni Zenrick at sumugod siya pero ginamitan siya ng powers ng demonyo para hindi siya makalapit.
“Kung ako sa'yo huwag mong hayaan na maging déjà vu ang lahat, sa panahong ito ikaw naman ang kumilos para sa babaeng mahal mo,” sabi niya at biglaan siyang naglaho.Nanghina naman si Zenrick at bumagsak siya sa ground floor.
“Zenrick!” sigaw ko at agad ko siyang pinuntahan.
Anong ibig sabihin ng demonyo na iyon?