(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW)
MINULAT ko ang mga mata ko at nakita ko si nanay at tatay sa tabi ko. “Nanay,”tawag ko sa kaniya. Itinuon niya ang atensyon niya sa akin.
“Ericka, anak ko….” sabi niya at agad niya akong yinakap ng mahigpit.Napaiyak na lang ako dahil sa sobrang takot ko. Muntikan akong mamatay nang dahil kay Azazel.
“Bakit ka ba naglaslas ha?” tanong niya sa akin at umiling ako. Hinanap ng paningin ko si Ate Ria at nakita ko siya sa gilid na tila ba may kinikimkim na sama ng loob sa akin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na demonyo ang may kagagawan nito diba? “Hindi ko alam,” sagot ko sa kanila at saka ko hinawakan ang aking pulso, dalawang pulso ko ang may laslas.
“Hindi naman ako nagkulang sa pag-aalaga sayo diba?” tanong ng Ate ko sa akin at napayuko na lang ako. Gusto kong sabihin kung ano ang nangyayari pero natatakot ako.
“Bakit ka ba nagpakamatay ha? “ tanong niya sa akin at saka siya umiyak. Hindi ako nakasagot ng maayos sa kaniya. “Hindi ba kung problema ka naman diyan sa third eye mo, ginagawan ko ng paraan pero ikaw yung may ayaw!” sigaw niya sa akin at saka niya ako binatukan.
“Pero, anong ginawa mo? Gugulatin na lang ako ng tawag na--- Ayy! Nakakainit ka ng ulo Ericka!” sigaw niya sa akin
“Tama na iyan, Ria!”awat sa kaniya ni nanay. Biglang sumulpot si Zenrick sa gilid at saka siya tumingin sa akin at mahinang ngumiti.
Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama ko.“Are you fine?” he asked me at umiling ako sa kaniya at saka ako umiyak na rin ng sobra. “Takot na takot na ako, ayokong mamatay,” sabi ko sa kaniya. Iyon ang nararamdaman ko, gusto kong takasan ang mga nangyayari sa akin. Gusto kong burahin itong marka ni Azazel sa akin pero hindi pwede iyon.
“Kung gusto mong mabuhay edi sana ‘di ka naglaslas!”sagot ni Ate sa mga sinabi ko kahit na para kay Zenrick iyon.“I'm Sorry, Ate…” sagot ko sa kaniya, pero nag walk-out lang ang ate ko.
“Ate Ria!” tawag ko sa kaniya. Agad naman hinabol ni Tatay si Ate Ria para kausapin ito, sumunod din si nanay at naiwan kami ni Zenrick sa loob ng kwarto.
“Patawarin mo ako,” bulong niya sa akin. Inilagay niya ang noo niya sa ulo ko.
“Natatakot ako Zenrick, paano kung—”
“Sshhh... wag kang magsalita ng kahit na ano ha? Ililigtas kita diba? Ako pa rin yung knight mo at hindi magbabago iyon. Hindi ko hahayaan na masaktan ka ni Azazel,” sabi niya sa akin at hinalikan niya ang ulo ko.
“Masakit pa ba ang kamay ko?' tanong niya sa akin at tumango ako, “Malalim yung hiwa na ginawa ni Azazel. Porket hindi niya nararamdaman yung sakit sinagad niya,” sabi ko sa kaniya.
“Hindi 'yan sasagarin ni Azazel kasi pwede rin niya iyong ikamatay kapag namatay ka. Ginawa niya iyon para hindi ko siya patayin. Hindi ko magagawa ang misyon ko bilang isang hunter kung ‘di ko mapapatay si Azazel,” sagot niya sa akin.
“Para mapatay siya dapat mamatay muna ako?” tanong ko sa kaniya at tumango siya sa akin.
“Hindi ko hahayaan na mangyari iyon,” sagot niya sa akin.Hinawakan ko ang markang inilagay ni Azazel sa leeg ko.
“Hahanap ako ng paraan para mabali ang sumpa niya,” sabi niya sa akin at saka siya tumayo, kumuha siya ng baso ng tubig at saka inabot sa akin.
“Master na master mo na ang pagpapagalaw ng mga bagay ha?” I asked him.
“Matagal ko nang master ito, nakalimutan ko lang dahil kay Azazel. I can still do what humans can do, the difference is that I have power and I was turned in to celestial being with wings,” sagot niya sa akin at nahiga siya sa tabi ko. “I can also turn into human if I want to. Hindi ko lang maalala kung paano kaya Castiel helped me.”
“Hindi ka anghel?” tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa akin. “Yung boss ko siya ang anghel. He was one of God’s 12 trusted angels. His name was Castiel,” saad niya sa akin.
“Pero sabi ni Ka- Isko dati may anghel akong tutulungan. Ililigtas ko sa kadiliman. Hindi ba ikaw ‘yon?” I asked him, umiling siya.
“I’m a simple human turned into a hunter. Saka huwag mo ng isipin ang sinabi ni Ka- Isko baka akala niya e anghel ‘yung nakita pero ako pala dahil may pakpak ako. Albularyo siya at pwede siyang malito.” Saad niya sa akin.
Tumango na lang ako sa kaniya. “Huwag mo nang isipin si Ka- Isko okay? Isipin mo na lang ay ang sarili mo. Dinamay ka ni Azazel sa problema namin. Hindi ka dapat maitim sa gulong ito. You’re just a normal human being who deserves a peaceful life, I’m sorry…”
He hugged me very tight. Ang sarap para sa pakiramdam ang mayakap ni Zenrick, lalo na't hindi nakaka-goosebumps ang mayakap siya.Parang may electric shock na dumadaloy sa katawan ko.“Mawawala pa kaya ang sumpa na nilagay n’ya sa akin?” tanong ko sa kaniya.
“I’ll find a way… gagawin ko ang lahat mawala lang ang sumpa niya.” Aniya. Nagkwento pa siya ng nagkwento sa akin pero nakatulog na ako.
Hindi nagtagal ay bumalik din si nanay sa loob ng kwarto ko at binantayan ako, umuwi na kasi si tatay at si Ate. Ang magiging gawi eh dito muna sa Manila si nanay hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo, para daw mabantayan ako. Wala naman akong angal doon pero kinakabahan ako. Habang nasa hospital ako ay may mga kaluluwa na nagru-room to room sa loob ng hospital. Hindi tuloy ako makatulog ng maayos, habang natutulog si nanay sa gilid eh naisipan kong bumangon. Makikipagkwentuhan na lang ako sa mga mumu na nandito, baka makatulong pa ako. Just kidding, I need to think for a while, masyadong nakakabaliw ang mga nangyayari ngayon baka… hindi ko na kayanin.
Naglakad–lakad ako at may nakita akong matandang multo na pinapanood ang sarili niya habang nakahiga sa ER. Meron ding bata na naglalaro pa habang bali ang kamay niya. Meron ding white lady na nakaupo sa altar sa may chapel sa loob ng hospital.
“Ericka…” nakarinig ako ng babaeng tumawag sa akin. “Ericka,” muli niyang bulong .
“Sino iyan?” tanong ko at lumapit ako sa isang kwarto, nagflicker ang lights tapos binuksan ko ang pintuan. “Sino iyan? Mumu ka ba?” tanong ko.Sa halip may patalim na lumipad sa gilid ko.
“Hindi ako mumu pero gagawin kitang mumu,” sabi sa akin ng boses na iyon lumabas ang isang babae na maganda at may asul na mata. Kaparehas nang kay Zenrick.
“Ikaw pala ang kailangan kong patayin para mabingwit ko ang ulo ni Azazel,” sabi niya at dinilaan niya ang patalim sa kabilang kamay niya.Bigla niya akong sinugod, napigilan ko ang kamay niya.
“Papatayin kita,” sabi niya sa akin at saka siya tumawa. Sinipa ko siya at saka ako tumakbo palabas ng kwarto iyon. Takbo lang ako ng takbo, bawat matakbuhan ko ay namamatay ang ilaw.
“Wala ka ng kawala Ericka, kailangan mong magbayad sa pagiging vessel ni Azazel.” Sabi niya sa akin at dinaganan niya ako attinutok niya ang patalim sa mukha.
“Huwag mo akong patayin, please?” pagmamakaawa ko.
“Sorry, but it's every hunter's mission.” Sabi niya sa akin at inangat niya ang patalim niya para itusok sa puso ko nang may pumigil sa kaniya.
“Stop it, Irhana!” si Zenrick, inagaw niya ang patalim ng hunter at saka niya ito binuhat at sinalya sa pader.
“Ano bang ginagawa mo Zenrick? Ito ang binaba na misyon ni Castiel sa bawat demon hunters. To kill Azazel's vessel,” sabi niya kay Zenrick pero sinakal lang siya ni Zenrick. “Si Azazel ang dapat patayin at hindi si Ericka,”sagot ni Zenrick at lumabas ang kaniyang puting awra.
“I'm Sorry Zenrick, pero kung kailangan kita talunin to kill his vessel, I will.” sagot nung Irhana na iyon at naglaban sila ni Zenrick, malakas siya at malakas din si Zenrick. Sinuntok siya ni Elira and he punched her back, gumamit na rin sila ng armas at halos magliparan ang gamit dito sa kwarto kung nasaan kami.
“Tama na iyan!” sigaw ko at nagtigil si Zenrick. Nakuha iyon ni Elira na chance para sipain siya at lumapit sa akin para saksakin ako ulit pero nahawakan naman ni Zenrick ang patalim niya saka niya inuntog si Elira sa lapag.
“Umalis ka na Ericka, bumalik ka na sa kwarto mo. At huwag kang lalabas hanggang sa ‘di ka nakakarinig ng apat na katok. Malinawag?” sabi ni Zenrick sa akin at saka ako tumakbo pero may lalaking humarang sa akin.
May asul din siyang mga mata, isang demon hunter. “Akin na ang puso mo,” sabi niya sa akin at ngumiti siya.Lumabas pa ang ngipin na may isang gintong pustiso. Medyo matanda na siya at parang nasa 40's na.
“Aaahhh!” malakas na lang akong sumigaw at saka niya ako sinalya sa pader.
“Ang galing mamili ni Azazel ng vessel, ang ganda mo ha.” sabi niya sa akin.
“Sa pangit no'n, ang ganda na nangbingwit niya. Sabagay, no one knows how he really looks like. He deceives people by his ugly charms,” sabi niya muli at inangat niya ang patalim niya.Itinaas niya ang pagkakasalya niya sa akin para masakal ako.
“Huwag po please?” pakiusap ko pero hindi siya nakinig, nabigla na lang ako nang manlaki ang mga mata niya at nabitawan niya ako, hinawakan ko ang leeg ko. Nakita kong bumagsak ang katawan ng demon hunter na iyon at nakatayo si Zenrick sa harap ko. Agad siyang lumebel sa akin.
“Nasaktan ka ba?” tanong niya at tiningnan niya ako.
“Muntikan akong mamatay,” sabi ko sa kaniya at umiyak ako.
“It’s okay, I already killed them. Hindi ka na nila masasaktan ulit,” sagot niya sa akin at yinakap niya ako ng mahigpit, sobrang higpit.
“Natatakot ako, paano kung dumating ulit sila tapos mamatay na talaga ako?” tanong ko sa kaniya, pinunasan niya ang luha ko.
“Hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Walang pwedeng makalapit sayo para saktan ka Ericka. Tao, demonyo, multo o kahit na hunters hindi ko sila bibigyan ng karapatan para saktan ka,”sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Napangiwi pa ako dahil dumugo ulit ang sugat ko sa kamay ko.
“Halika na, ihahatid na kita sa kwarto mo,” sabi niya sa akin at sinipa niya ang bangkay nang namatay na hunter. Binuhat niya ako na parang bagong kasal.
“Zenrick, bakit mo ba ako gustong iligtas?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pabalik sa kwarto ko.“Kasi iyon ang misyon ko, nung unang beses kitang makita. Wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang pasayahin ka, bantayan ka, iligtas ka, kahit mahalin ka,”sagot niya sa akin.
“Kahit naalala ko si Margaret, iyon pa rin ang gusto kong gawin sayo,” Sagot niya sa akin at saka siya mahinang ngumiti.Hinaplos ko ang pisngi niya.
‘Mahal kita…” sabi ko sa kaniya at saka siya tumigil sa paglalakad niya tumingin siya sa akin aat inilapit ko ang labi ko sa labi niya. Tinugon naman niya ang halik ko at saka ko ibinaba para mas mahalikan pa niya ako. Gumalaw ang mga labi niya, hinawakan niya ang beywang ko at mas nilapit pa niya sa kaniya. Soon, his tongue asked for permission at pinagbigyan ko naman iyon.
Tumigil ako sa halik naming dalawa. “Baka nagising na si mama sa kwarto ko,” sabi ko sa kaniya at saka siya tumawa. “Hindi ba siya aalis doon para pwede nating ituloy ang kiss natin?” Tanong niya sa akin at saka ako namula ng sobra.
“Grabe ka!” sigaw ko sa kaniya.
Tumalikod na ako para bumalik sa kwarto namin pero hinila niya ako ulit.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya.
“Mahal din kita,” sagot niya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko.
***
HINATID na nga ako si Zenrick sa kwarto ko.Hinintay niya muna ako na makatulog bago siya umalis at bumalik sa demon hunting niya, kailangan pa rin kasi niyang gawin ang trabaho niya. Hinalikan niya ako muli bago siya umalis kaya hindi ko matago ang kilig sa aking mga ngiti.
Mas lalo akong hindi makakatulog nito eh.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nakatulog na rin ako.
“Kumusta?” Isang lalaki ang lumapit sa akin. Tumingin ako sa sarili ko at nakita ko na nakasuot ako ng damit na parang pang gypsy at ang lalaki naman ay nakasuot ng damit pangmayaman, parang pang Western ang style ng damit niya, maganda s’yang lalaki ngunit kakaiba ang awra n’ya. Nakakatakot siya kung tutuusin,pero kahit natatakot ako may kakaibang tapang akong nararamdaman. Ngumiti ako ng makita ko ang lalaking iyon, “Ikaw pala…”
“Nagkita na ba kayo?” tanong n’ya sa akin. Tumango ako at muling ngumisi. Pakiramdam ko hindi ako ang nakikita ko ngayon kung ‘di ibang tao. “Sigurado ka ba sa nais mong gawin ko?”
“Oo naman… Papa-ibigin mo lang siya.”
“Hindi ba maliit lang na bagay ‘yan kumpara sa laki ng hinihingi ko sa’yo?”
“Malaking bagay na ito, Racquel. Sobrang laking bagay na nito at saka kilala mo ako. Tuso ako pero marunong akong tumimbang ng mga taong dapat kong gantimpalaan.” Ngumisi ako at biglaan na lang nawala ang lahat. Humihingal akong bumangon, ano ba itong napapaginipan ko? Bakit parang napapadalas ata ang panaginip ko tungkol sa babaeng kahawig ko at sa anghel na iyon?
Muli akong humiga at pinagkibit balikat ang aking panaginip. Marahil ay wala lang ito. Dala lang siguro ito ng pagod ko.
Isang bangungungot. Sa gitna ng tulog ko ay may naramdaman akong humahaplos sa aking pisngi pababa sa leeg ko. Hindi ko maipaliwanag pero ang sarap nito sa pakiramdam. Bumaba din ang kamay nito sa aking hita pataas sa aki-- bigla kong hinawakan ang kamay nito at minulat ko ang mga mata ko.
Isang nakakatakot na halimaw ang nakita ko. “Akin ka!” sigaw niya sa akin.
“Aaahh!” sigaw ko hinawakan niya ang aking kamay.Pilit niyang hinalikan ang leeg koat inaalis ang suot kong damit, nagpumiglas ako pero hindi ko siya dahil malakas siya.
“Tulong!” bulong ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Biglaang nakarinig ako ng sigaw, kasabay noon ay ang pagkawala niya sa top ko, nakita ko na lang yung halimaw na nakahandusay sa sahig.
“Hayok kang demonyo ka. Kalma lang. Akin na 'to e.” Tumingin ako at nakita ko si Azazel na nakatayo sa harap ko.
Ngumiti siya sa akin. “Hello, destiny!” bati niya sa akin at umatras ako sa kama.
“Pagpasensyahan mo na itong si Fargo, tigang yata kaya pati vessel ko pagtitripan.” sagot niya sa akin at saka niya inalis ang suot niyang puting t-shirt niya. Bumungad sa akin ang maganda niyang katawan na puno ng tattoo, hindi madumi tingnan ang katawan niya dahil ang ganda ng mga tats niya. Ngumisi siya kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.
“Pinoprotektahan ang virginity ng destiny ko. Alam mo naman, mahilig ako sa virgin.” sagot niya sa akin at saka s’ya kumindat.
“Ang sabi no’ng mga hunters vessel mo daw ako. Ano ba ‘yung vessel?” tanong ko sa kaniya. He smirked at me.
“Isang taong magiging daan para maging masaya ako. Ikaw ang papawi ng nararamdaman kong galit. Galit na libo- libong taon mong pinukol sa akin.” Sagot niya sa akin at saka siya tumawa.
“Ano bang nagawa ko sa’yong masama? Bakit ako? Bakit kita ginalit?!” sunod- sunod kong tanong sa kaniya. He licked his own lips at saka siya lumebel sa akin. Eye to eye and I saw the pain that was hidden in his demonic eyes. The pain the makes him more evil as time goes by.
“Alam mo kung bakit ako galit sa’yo dahil ‘di ka babalik sa mundong ‘to kung ‘di mo pagdudusahan ang ginawa mo sa akin.” He told me again. “Kung sino man ang nanakit sa’yo ay hindi ako ‘yon!”Muli ay tinawanan niya ako.Nabigla na lang ako nang alisin niya ang t-shirt niya sa harap ko.
“Suotin mo ‘to,” utos niya sa akin at inabot niya ang t-shirt sa akin.
“Ayoko,”mariin kong pagtanggi sa utos niyang pagsuot ng shirt ko. “Bawiin mo muna ‘tong sumpa mo sa akin! Bawiin mo!” sigaw ko sa kaniya. I just want to be free against him at gagawin ko ang lahat mawala lang ang sumpang ito. “Isuot mo sabi ang damit na ito…” mariin n’yang utos sa akin.
“Ayoko nga!”
“Eh anong gusto mo makita ko iyang dibdib mo?” tanong niya pabalik sa akin at dinako niya ang tingin sa aking hospital gown na nakababa dahil sa m******s na halimaw kanina. Agad kong tinakpan ang katawan ko at hinablot ang damit na inaalok niya sa akin.
“Bastos!”
“Thank you, I always take that word as a compliment!” He smiled again. Nakakainis talaga siya, nagpalit lang siya ng anyo ay naging mayabang na siya e dati ang pangit naman niya. Kainis!
“Pwede ba maging sunog at mabaho ka na lang ulit? Nakakairita yang itsura mo eh.” Singhal ko sa kaniya habang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.Inangat niya ang baba ko at pinatingin sa kaniya. Nakita kong naging pula ang mga mata niya.
“Paano kung sabihin kong ito talaga ang itsura ko?” tanong niya sa akin.
“Walang gwapong demonyo, lahat pangit. Katulad mo,” sagot ko sa kaniya. Maghina niya akong tinawanan dahil do’n. “Well, I’m the greatest exemption.” Sagot n’ya sa akin.
“Basta pangit ka pa rin kahit ganyan ang itsura mo. Masama ka pa rin kahit ganyan ka! Pangit ka pa din!” He chuckled.
“Nakakasakit ka naman pero na-flatter ako kasi parang inamin mo na ring gwapo ako,” mahina niyang sagot sa akin.
“Feelingero!” muli niyang akong tinawanan.
”May pag-asa na ba ako sa’yo, Destiny?” tanong niya sa akin.
“Wala kang pag-asa sa akin, demonyo! Mamatay tao!” sigaw ko sa kaniya.Ngumisi at buong lakas niya akong hiniga sa kama, inangat niya ang kamay ko sa at hinawakan ng mahigpit.
“Aray!” iyak ko ng mapisil niya ang sugat ko, tumawa siya sa akin.
“Nakakasakit ka na ha?” tanong niya sa akin at inilapit niya ang labi niya sa akin at dinikit ang katawan niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init niya, nakakapaso siya sa sobrang init.
“Bitawan mo ako!” sigaw ko sa kaniya gumalaw ako pero may naramdaman akong kumislot mula sa kaniya, nanlaki ang mga mata ko.
Omg!Balak niya akong patayin, sasaksakin niya ang tiyan ko.
“Aww!” sigaw niya at hinawakan niya ang birdy niya. Sinipa ko kasi ang p*********i niya para iyon ang masaksak imbes na ako.
“Para saan iyon, destiny?” tanong niya sa akin.
“Papatayin mo ako ano? May nakatagong patalim diyan sa pantalon mo no?” tanong ko sa kaniya, ininda niya ang sakit at naiinis siyang tumingin sa akin.
“Bakit kita papatayin eh magkadugtong ang buhay natin?” tanong niya sa akin.“It's my d**k, you shithead!” mura niya sa akin at namula ako.
“Ano?” tanong ko sa kaniya.
“It's my d**k, I was trying to get laid. f**k!” sagot niya sa akin muli ko siyang sinipa at sinigawan. “Aray! Ang puta! Tangina!” mura n’ya sa akin.
“Bastos kang demonyo ka,hindi ka lang soul stealer, m******s ka pa! Isusumbong kita kay Zenrick!” sigaw ko sa kaniya at naiinis siyang tumingin sa akin.
“Bwisit ka, sana hindi na lang kita niligtas kay Fargo,” sagot niya sa akin at saka siya tumalikod para umalis.
“Tama 'yan! Umalis ka na lang demonyo ka! Bad ka!” sigaw ko sa kaniya pero nawala na siya. Isusumbong ko siya kay Zenrick matapos nito.