XVII. The Three Hunters

2471 Words
(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW) LUMABAS na ako nang hospital at nakabalik na rin ako sa school.Napagpasyahan nila nanay at tatay na huwag pag-usapan ang ginawa ko hanggang sa hindi pa daw ako handang magkwento tungkol sa problema ko sa sarili ko. Bumaba ako sa dining area at nakita ko silang nag-aalmusal na.  “Good Morning anak,” sabi ni nanay sa akin. “Good morning din po,” sagot ko sa kaniya.Tumingin ako tatay na ngumiti din sa akin, tumingin ako kay Ate. “Good Morning din Ate,” sabi ko sa kaniya pero inirapan niya ako. “Nay, tay matutulog na ako. Maaga yung shift ko mamaya eh,” sabi ni Ate at saka niya dinedma at pumasok na nang kwarto niya. “Hayaan mo na lang ang Ate mo ha?” sabi ni Nanay sa akin at mahina akong tumango sa kaniya.Tinapos ko na ang pagkain at saka ako pumasok sa school. Ang daming multo na kumakausap sa akin pero dinededma ko sila dahil sa iniisip ko si Ate. Pagpasok ko sa school ay parang normal lang ang araw, naglesson kami, nag-quiz tapos may mga multo na umi-epal sa gilid. Walang ganang nagsusulat ako sa notebook ko nang malaglag ang ballpen ko, aabutin ko sana iyon pero biglaang sumulpot si Zenrick sa tabi ko. “Ay Multo!” sigaw ko at napatingin ang mga kaklase ko sa akin. “Sorry!” sabi ko sa kanila.Binaling ko ang tingin ko kay Zenrick na nagpapa-cute pa tapos siya ang pumulot sa ballpen ko at ginamit iyon. “Malalim yata ang iniisip mo, may problema ka pa ba bukod kay Azazel?” tanong niya sa akin at saka niya pinapungay ang mga mata niya. “Hindi ka nakakatulong sa problema ko, tumahimik ka nga diyan!” sabi ko sa kaniya at saka ko sinabunutan ang sarili ko. “Alam mo ang sungit mo na naman sa akin. Nung isang gabi lang doon sa hospital ay gustong-gusto mo ang halik ko,” sabi niya sa akin saka siya nag-pout ng sobra. “Ayy! Nakakadiri ka talaga tigilan mo nga iyan!” sigaw ko ulit sa kaniya at muling napatingin ang mga kaklase ko sa akin. “Pasensya na ulit… Sorry…” mahinang bulong ko sabay taas ng kamao ko, susuntukin ko talaga siya. “Alam mo Ericka kung ipapakita mo lang sa amin ang sayad ng ulo mo, lumayas ka na lang sa room namin.” Sabi ng isa kong kaklase, lalaki siya at siya ang class president namin. Siya si Teejay, masyado siyang seryoso at kabaliwan talaga ang tingin niya sa third eye ko. “Pasensya na TJ,” sabi ko at minataan ko si Zenrick na ang sama na nang tingin kay TJ. “Nakakaistorbo ka na kasi, ayusin mo 'yang ugali mo kung ayaw mong sabihin ko sa dean na may baliw sa college department na nakapasok.” Sabi niya ulit sa akin at saka ako napayuko. “Hindi siya baliw, ayusin mo yang pananalita mo,” sabi ni Zenrick at tumayo ito.Inawat ko siya pero nagteleport na siya sa likod ni Teejay at saka ito tinangkang suntikin. “Zenrick ano ba?!” sigaw ko pero may nagsalita. “Huwag, ako na ang magso-sorry para sa kapatid ko,” sabi ng isang babaeng multo. Bata pa siya at mukhang kaedad lang nang Ate Ria ko. Naka itim siyang spagetti blouse at maong na skirt, may kolorete pa ang mukha niya. “Sino ka?” tanong ni Zenrick pero hindi ito sumagot agad. “Pagsabihan mo yang kapatid mo ha? Walang modo eh,” sabi ni Zenrick at naglakad ito pabalik sa tabi ko. “Isa pang pagpapakita ng signs na baliw ka, ire-report kita sa dean para makick out ka sa FEU.” Sabi sa akin ni Teejay at umupo siya ulit sa upuan niya at saka nag-aral, gano'n din naman ang ginawa ko. Sumilip sa akin si Cristine. “Hayaan mo na yan, walang lovelife yun kaya bitter sa life.” Sabi sa akin ni Cristine ngumiti na lang ako sa kaniya at binaling ang tingin ko sa babaeng multo na nakatayo malapit kay Teejay. Buong klase namin ay hindi siya nawala sa tabi ni Teejay, kahit saan niya magpunta ito sumusunod siya. Kapatid niya daw ito sabi niya kanina pero wala namang nababanggit si TJ na may kapatid siya. Prente lang si Zenrick na nakaupo sa tabi ko, minsan nagpapa-cute siya sa gilid kaya naman nagpapa-cute rin ako sa kaniya. Sinundan siya nang tingin ko nung tumayo siya at pumunta sa likod ko para yakapin ako habang nasa gitna kami ng klase. “Ano bang ginagawa mo?” pabulong kong tanong sa kaniya. “Niyayakap ka, baka kasi nasaktan ka sa sinabi ng lalaking iyon. Gusto kong gumaan yung pakiramdam mo,” sagot niya sa akin. “Sanay na ako,” sagot ko sa kaniya pero umiling siya sa akin. “Hindi ka dapat sinasaktan ng ganon kasi special ka,” sagot niya sa akin at mas humigpit ang yakap niya sa akin. Muling napatingin sa akin si Teejay at saka ito ngumisi. Maya-maya pa ay lumabas ito ng classroom, naiwan ang Ate niyang multo sa loob at saka ito naupo sa malapit sa bintana. Tumayo din naman ako. “Saan ka pupunta? Ayaw mo na sa yakap ko?” tanong niya sa akin at umiling ako. “Sa Ate ni Teejay, may itatanong lang ako,” sagot ko sa kaniya at saka ako lumapit sa multo. Ngumiti ako sa kaniya at tumingin siya sa akin. “Hello!” bati ko sakaniya. “Huwag mo na akong kausapin mas lalo kang pagdidiskitahan ng kapatid ko,” sabi niya sa akin. “Alam ko pero sanay na ako, Ako nga pala si Ericka ikaw?” sabi ko sa kaniya at nilahad ko ang kamay ko sa harap niya. “Tricia, kapatid ako ni Teejay,” sabi niya sa akin.Umupo ako sa tabi niya, nagtinginan pa ang mga kaklase ko naiwan sa room. “Nasabi na kaya ni Teejay yung tungkol sa kaniya?” tanong ng isa akong kaklaseng lalaki. “Oo daw eh, pero sana huwag muna para tayo muna mananakot sa kaniya,” bulong din naman nung isang kaklase kong lalaki bago sila nagsialisan ng classroom. Kumunot ang noo ni Zenrick saka sila sinubukang sundan pero tumigil siya. “Kitams, mas scaredness sila sa'yo? Pinag-uusapan nila kanina na isumbong ka na sa College head para mawala ka na sa school na ito at itong si baby bradah ko pumayag naman,” sabi niya sa akin. “Ano pa bang magagawa ko? Sanay naman na ako na palipat lipat ng school dahil sa third eye ko,” sagot ko sa kaniya. Lumapit si Zenrick sa amin at saka tumabi sa akin. “Bakit ka andito, may unfinished business ka ba? “Wala naman, gusto ko lang alagaan si Teejay.” “Alam mo kasi iyang kapatid ko kahit matalino eh sobrang pilyo, kung ano- ano ang pinaggagawang kalokohan kaya kailangan kong bantayan,” dagdag pa niya sa akin. “Hanggang ‘di pa siya nagtitino ‘di ako pwedeng umalis. Baka mamaya makabuntis ‘yang batang  iyan pag-alis ko,” saad niya sa akin. “Wala siyang karapatang ipahiya si Ericka do'n,” sabi naman ni Zenrick sinamaan ko siya nang tingin dahil doon. “Bakit totoo naman ah? Wala kang sayad sa utak Ericka. It just happened that you are gifted.” sabi ni Zenrick sa akin. “Abnormalidad ‘to at hindi regalo.” “Kung wala yang third eye mo hindi kita makilala at hindi ako maiinlove sa pinaka espesyal na tao sa mundong to, kaya wag mong sabihing abnormalidad ang bagay na nagdala sayo sa akin,” sagot niya sa akin at napangiti na lang ako habang nag-iinit ang pisngi ko. “Hala, Jowa mo tong multong 'to?” tanong ni Ate Tricia sa akin at tumango ako. “Hindi siya multo, demon hunter siya,” sagot ko sa kaniya at saka siya tumango. “Kaya pala ang awra mo kanina nung nag pak ganern ka sa bradah ko,” sabi niya at saka niya pinitik ang fingers niya. “But infairness kung ikaw kuya ay parang aliveness nakoow bagay kayo nito ni Ericka, ang cute niyo together,” sabi niya sa akin at saka siya nag flip hair. “Oh, ayan na si baby bradah,” sabi niya at tiningnan niya ang kapatid niya. Kitang kita ko ang saya niya habang bubuntot bunto kay Teejay. “I think wala namang problema ang Ate ni Teejay. She doesn't need help,” sabi ni Zenrick sa akin. “Akala ko lang naman eh, gusto ko magkaroon tayo case number 6 para mawaglit ko si Azazel sa utak ko,” sagot ko sa kaniya. Pumasok si Teejay sa room at saka ngumisi sa akin pero muli rin siyang lumabas. “Ayoko talaga ang ngisi niya, kung demonyo lang 'yan kanina ko pa napatay,” sabi sa akin niya sa akin at saka lumabas ang asul na mata niya. “Masyado kang hot headed, tara mamasyal na lang tayo sa park,” sabi ko sa kaniya at kinuha ko ang bag ko.Magkahawak kamay kaming namasyal ni Zenrick nagkwentuhan pa kami at saka naghabulan pero lagi naman akong talo kasi nakakapagteleport siya. “Oh hi there young man!” napalingon kami ni Zenrick at nakita namin si Azazel na nasa gilid at hawak si Teejay sa kwelyo. “Bitawan mo si Teejay!” sigaw ko sa kaniya pero tumawa lang siya. “This man is doing something creepy,” sabi niya at saka niya kinuha ang cellphone ni Teejay. “Para saan to, bata?” tanong niya sa seryosong boses. “Ano bang pakialam mo, papakita ko lang yang pakikipag-usap niya sa hangin sa dean namin,” sagot niya kay Azazel. “Destiny, may ginagawa siyang bad sayo at ayokong may ginagawang bad sa destiny ko,” sagot niya sa akin at hinagis niya si Teejay sa puno. Napadaing ito sa pagkabagsak niya.  “Tigilan mo na 'to Azazel, walang kinalaman tong bata kay Ericka o sa akin,” sabi ni Zenrick sa kaniya. “Tinuturuan ko lang siya ng leksyon. Hindi niya talaga ipapasa ang video na iyan sa dean, tama ba ako?” tanong niya kay Teejay, agad akong siya pinabangon. “Okay ka lang ba, pagpasensyahan mo na siya ha?” tanong ko sa kaniya pero tinulak lang niya ako. “The hell, ano bang pakialam mo sa akin?” tanong ni TJ sa akin at sinamaan ako ng tingin at pilit niyang kinukuha ang cellphone niya kay Azazel. “Give me my phone back!” saad ni TJ pero umiling si Azazel. “Tigilan mo na lang siya, Azazel. He's a human for God's sake,” sabi ni Zenrick pero umiling ang demonyong ito. “Do you want to know what I heard?” “Azazel, please huwag mo nang pagtripan si TJ,” pakiusap ko sa kaniya. “I overheard some demons urging a group of students of bullying a girl who they believe crazy in their class,” sabi niya sa akin.“And they planned on doing some nasty things to that girl. The girl, who happened to be my destiny. Walang pwedeng mangharas kay Destiny kung ‘di ang demonyo niya. For short, ang demonyong ‘yon ang nagmamay-ari sa kaniya, sa katawan, kaluluwa at virginity n’ya,” dagdag pa niya at saka niya muling sinalya sa puno si TJ gamit ang isa niyang kamay. He groaned because of the pain. “f**k!”mura ni Teejay. “At ako ang demonyong yon,” mariin na saad ni Azazel sa kaniya. “f**k what the hell! What kind of human are you?” Teejay asked him pero tumawa lang siya at mas diniin ito sa puno “I'm not a human, Humans call me as a black angel but I prefer to called as the devil,”sagot ni Azazel. His black wings showed infront of Teejay, so as his eyes, it turned into a red one, humalakhak pa siya na s’yang kinatakot ni Teejay. His black wings are shining like a black dimanond, hindi s’ya pangit na pakpak. Parang sosyal na pakpak, parang pakpak ni Zenrick pero black version.Pakpak na kapag binenta ko yayaman talaga ako. “Azazel!” pagpigil ko sa kaniya pero ‘di siya nagpapigil. He still tried to kill Teejay but Zenrick stopped him.“Huwag mo siyang sasaktan,” suway ni Zenrick sa kaniya. “This guy just planned to play with Ericka.” “Kahit na, ako na ang bahalang magturo ng leksyon sa kaniya. Huwag mo lang siyang saktan, si Ericka ang mapapahamak sa ginagawa mo lalo na gusto siyang paalisin sa school na ito dahil sa third eye niya.” sabi ni Zenrick, tumingin sa akin si Azazel na tila ba ako ang pagbabasehan niya ng desisyon niya. My answer will either save or destroy TJ’s life but in either way, I’m sure that he’ll make him suffer. He’s not a Demon that spares people, and if ever he did. He’ll find other way to punish him. “Sige na, tantanan mo na siya. Please?” “Come on, dapat ginagantihan niyo siya. Sa mga ganitong panahon ‘di uso ang magpakabait! I was kind as f**k before but  the Heavens left me.” Pagpupumilit niya pero hindi ako pumayag.Binitawan niya si Teejay at tinulungan pa itong tumayo, nanginginig ito na tumingin sa kaniya. “Mabuti mabait si destiny, pero isa pang subok na saktan siya kung ‘di hihilain ko pati yang katawan mo sa impyerno hanggang sa masunog, nagkakaintindihan tayo?” tanong niya kay TJ at tumango ito sa sobrang takot. Mas hinigpitan pa nito ang sakal kay TJ, sakal na halos sumunog sa leeg nito. “Azazel!” sita ko sa kaniya at saka niya binitawan si TJ. “Masyado kang mabait destiny,” sabat ni Azazel at saka siya kumindat. “Siguro nga ikaw na ang para sa akin,” dagdag pa nito at saka siya tumawa. Natigil na lang siya sa pagtawa nang may arrow na lumipad at muntikang tumusok sa akin. Napigilan ito ni Zenrick dahil nahawakan niya ang arrow.“Oh! Ang galing mo Zenrick! Ang galing- galing mo!” puri sa kaniya ni Azazel. “Saan galing iyan?” tanong ni TJ sa akin, ibinaba ni Zenrick ang arrow at saka nagbago ang anyo niya. “TJ, umalis ka na okay, basta lumayo ka. Umalis ka na!” taboy ko sa kaniya pero nagkunot lang ang noo niya.Isa pang arrow ang nag-attempt na tumama sa akin pero si Azazel naman na ang nakasalo nun at saka niya dinurog. “What? Im not going to leave without you,” sabi niya sa akin. “The school needs to know about this! Who the hell bought arrow inside the viscin—‘ “Umalis ka na lang please?!” pakiusap ko sa kaniya. “Mamatay ka kapag ‘di ka aalis dito!” sigaw niya sa akin. “At madadamay ka kung ‘di ka makikinig sa akin! Just leave and don’t tell anyone about this,” singhal ko sa kaniya  at ginawa nga niya. “Hunters!” sigaw ni Zenrick at saka hinanap ang mga taong nagtatago sa paligid. Tapos may dalawang arrow pa ang nagtangkang tumama sa akin pero napigilan ulit niya. “Ow, nandito na ang mga gustong pumatay sa akin. Good Luck, Zenrick sana maprotektahan mo ako ng maayos kung hindi mamatay si Ericka.” Sabi ni Azazel sa kaniya. Zenrick made him visible sa demon hunter na anyo nito at isang lalaki ang nakita namin, actually tatlo silang demon hunter. Isang babae at dalawang lalaki. “Hello, Azazel!” sabi sa kaniya nang babaeng iyon. “Oh Hi there, Irhana!” sagot naman nito. Irhana ang pangalan ng demon hunter na iyon “Did you miss me my dear?” “Of course, Azazel. I missed the days that we f****d,” sagot naman nito.“But I also miss the thrill of killing you,” dagdag pa nito at saka niya sinugod si Azazel pero nakailag ito. “Irhana, we must kill his vessel to finish him off.”sabi ng isang demon hunter. “No, Im not gonna let you finish Ericka. You need to defeat me.” Sabi naman ni Zenrick at saka niya ako pinatago sa likod niya. Azazel laughed off before disappearing, and the rain started pouring. As they raise their weapons up. A battle begin between them.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD