(Ericka Del Carlos' POV)
NANAGINIP ako kanina, naglalakad daw ako sa daan na puno ng mga puting rosas.Nakasuot ako ng puting damit at may lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng nilalakaran ko. Hindi lang siya isang basta-bastang lalaki, isang siyang gwapong nilalang. Nang ngumiti siya ay lumabas ang kaniyang pakpak na kasing kinang nang isang diyamante.
Sobrang saya ko habang papalapit sa kaniya ngunit nang marating ko ang dulo ng nilalakaran ko. Unti- unti siyang naging itim, ang kaniyang awra at maging ang kaniyang mabigat na pakpak.
"Bakit mo 'to ginawa?" tanong ko sa kaniya.
"Gusto pa kitang makasama, Racquel. Magiging tao ako at maalagaan ko kayo ng ating anak. Pero mali ang desisyon ko. Ngayon, mawawala ka lalo sa akin." tumulo ang luha nito.
Bumuka ang lupa at may sari- saring boses akong nadidinig doon. MGa pagmamakaawa, mga boses na puno ng pait at sakit."Aze..." bulong sa kaniyang pangalan.
Sino si Aze?
"Hindi na pwede, pero kapag nagkita tayo ulit. Hindi ka na mahihirapan pa tulad ngayon. Pangako ko 'yan. Patawarin mo ako..." saad niya sa akin.
"Patawarin mo ako,"bulong niya muli sa akin.
Bakit ka humihingi ng tawad sa akin?
Tuluyan siyang nilamon ng lupang 'yon.
Napasigaw na lang ako at nang gumising ako. Punong- puno ng luha ang aking mga mata. Kakaibang panaginip naman 'yon, parang totoo kung tutuusin.
Ang gwapo nung anghel, sobrang gwapo niya.
Pero sino si Racquel? Mananaginip na nga lang ako lovestory pa ng iba. Hindi 'yung akin. Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip ko ang panaginip ko."Bakit ka ba umalis sa bar kagabi?" tanong ni Tanya sa akin at binalik niya ang bag ko sa akin.Wala pa ang professor namin kaya nakapamewang siya ngayon sa harap ko.
"Don't tell me that you saw ghosts again?" She asked me.
Hindi ako nagsalita. "Erika, dinala ka namin doon para makapag-unwind ka at makapagrelax." Alam kong maganda ang intensyon nila at gusto ko rin pero... yung mga multo talaga. Ayaw nila akong tigilan.
"At hindi para magwala na parang shunga," dagdag naman ni Cristine. "You need to have a life girl, don't let the stigma kill your life."
"Tanya, kahit gusto kong mag-unwind nandyan sila at hindi sila nawawala sa kahit na saang lugar. Kahit iyang itim na lalaki na nakakapit sa'yo ay hindi rin nawawala." Sabi ko sa kaniya, napahawak siya sa shoulders niya. Yung itim na mama naman sa tabi niya ay tumingin sa akin na tila ba may nakikita siyang kung ano sa aking mukha. Napaiwas ako ng tingin dahil doon.
"Akin ka..." bulong niya bago siya tuluyang mawala. My heart raced because of it.
"You are creeping me out,"sabi niya sa akin at umupo siya sa tabi ko.
"But is it real? Nakakakita ka talaga?"she asked me. Iyong batang naglalaro sa pagitan ng mga upuan at agad na lumingon at nagteleport sa tabi ni Tanya.
"Wag na nga nating pag-usapan 'yan. Nakakatakot," sabi ko sa kaniya, hinawakan ni Tanya ang shoulders ko.
"But I want to know about it, saka diba sabi mo may black thing beside me?"she asked me. Nanlaki ang mata ng bata at lumipat ito sa tabi ko, nangilabot ako sa lamig na bumalot sa sistema ko."It's always whispering beside me. Pointing you," bulong sa akin ni Tanya.
"Ha?"
"Never mind!"
"Alam mo ba na may lalaki lagi diyan sa tabi mo?" tanong ko sa kaniya. "Hah? Anong lalaki, I don't feel anything." Pero alam kong nagsisinungaling si Tanya sa akin. Alam kong may idea siya, at alam kong binabagabag din siya nito.
"Ate balik mo ko kay Mommy. Please po, please..." sabi niya sa akin at hinila ang sleeves ng damit ko.
"Tanya, wag na lang nating pag-usapan," sabi ko sa kaniya. "Bakit, may ghost ba around?"she asked me at tumango ako tinuro ko ang bata sa tabi ko.
"Ate, gusto ko na kay mommy, balik mo na ko kay Mommy." Bulong muli ng bata sa akin.
"Omg! Mayro'ng multo diyan?!" sigaw niya, nabatukan ko na lang siya dahil napalingon yung isang multo na laging dumadaan sa hallway at tumingin sa akin.
Agad akong lumabas ng classroom at nagtatakbo. "Ate wag kang aalis! Please, dito ka lang po ate!" saad nung batang multo habang umiiyak ng malakas. Ang iyak na 'yon, 'di siya maingay pero ramdam ko ang lungkot, ramdam ko na tila ba nawalan s'ya ng pag-asa. Nilingon ko siya at nahabag ako sa nakita ko. Isa lang siyang bata, hindi naman siya nakakatakot. Ang cute pa niya na bata, para siyang siopao pero nakakatakot siya kapag pagala-gala at naglalaro na sa room. Naging itim kasi ang buong mata niya, minsan lumuluha pa ng dugo at sobrang nakakatakot nito.
"Ate!" tawag niya ulit sa akin at umiling ako. I shouldn't meddle with ghost's lives, baka kasi maging lapitin ako lalo at saka nangako ako kay Ate na hindi na ako mag-o-open ng topic about sa ghosts. Dangerous daw kasi yun sabi ng albularyo, dapat iwasan ko sila kundi madidikit sila sa buhay ko.
Hinding- hindi na ako magiging normal kung sakali.
"Ate, pakiusap naman po..." sabi mulu ng batang 'yon at dugo na ang niluha nito napaatras ako at nabangga ako sa isang lalaki.
"Miss..."aniya. Lumingon naman ako at nakita ko kung sino ang tumawag sa akin.
Si Kuya morenong jawline na nagligtas sa akin.
"Ikaw yung magandang babae kagabi, hindi ba?" tanong niya sa akin.
"Ikaw si Kuya na nagligtas sa akin." Sabi ko sa kaniya, pilyo siyang ngumiti sa akin.
"Ako nga 'yon!" saad n'ya sabay kindat.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya.
"Well, I'm studying here..." pagpaliwanag niya sa akin at saka siya tumawa na parang kinabahan siya.
"Wow este, talaga?" sabi ko sa kaniya. Dito rin siya nag-aaral naku baka maging kaibigan ko siya.
"I never thought that I'll meet you again.Nagmamadali kasi ako kaya nakalimutan kong tanungin ang pangalan mo." Sabi niya sa akin bahagya akong natawa.
"Eh ako dapat ang nagtatanong sayo no'n dahil ikaw ang nagligtas ko sa akin." sagot ko sa kaniya.
"But when you looked at me in the eye, I felt like I was the one who was saved," sambit niya sa akin, nagtataka akong tumingin sa kaniya. Pinapakilig ba n'ya ako o pinapaasa?
"Nagwo-worry na si Mommy sa akin," sabi ulit ng bata at tiningnan ko siya.Nakahawak na siya sa palda ng uniporme ko at umiiyak.
"Bata, 'di ko alam kung nasaan Mommy mo. Sorry!" sabi ko sa kaniya at tumingin ako ulit sa lalaki.
"Sinong kausap mo Miss?"he asked me.
"Yung ba-- ah.. Wala wala... naalala ko lang yung line ko sa play," saad niya sa akin.
"Okay, by the way my name is Zenrick St. Croix, you?"he asked me and he laid his hand in front of me, hinawakan ko ito at ang lamig ng kaniyang kamay nakaramdam ako na parang nakuryente ako dahil doon. Habang nagtatagal ang touch niya sa kamay ko ay nagiging warm 'yon.
"Erika Del Carlos," sagot ko sa kaniya.
"Great! Nice meeting you Erika." saad niya sa akin at saka siya naglakad palayo sa akin.
"Salamat ulit sa pagligtas sa akin ha?" saad ko sa kaniya at muli siyang ngumiti. Nakita ko siyang naglakad palayo pero napunta ulit ang atensyon ko sa bata na nakakapit sa palda ko.
"Ate, good boy po ako. Nag-play lang ako sa room pero ayoko na do'n, gusto ko na balik Mommy. Ibalik mo ako sa aking Mommy," sabi niya sa akin napalunok ako.
"Eh bata, nasaan ba yung Mommy mo? Saka ang tagal mo ng patay dito sa school. Di ko alam kung makikilala pa kita o kung may makakakilala sayo," tanong ko sa kaniya.
"Ako po si Lloyd, kilala ako ni Manong Juro." Sabi niya sa akin at tinuro niya ang matandang janitor na naglilinis sa amin.
"Ate, kapag nakita ko na si Mommy, hindi na ako titingin sa'yo pag natutulog ka sa room tapos kakausapin ko yung ibang ghost na wag kang takutin. Promise!" sabi niya sa akin. Napabuntong hininga ako.
"Mapapahamak ako sayo eh," saad ko sa kaniya at saka ko hinawakan ang kamay niya.
"Wala pa naman si Ma'am, hanapin muna natin mommy mo," saad ko sa kaniya at ngumiti siya naglakad siya sa kasama ko at pinuntahan namin ni Manong Juro.
"Manong!" tawag ko at lumingon ito. Nakasuot pa siya ng headset niya at kumakanta ng para-paraan ni Nadine Lustre.
Iba talaga tong Janitor na ito. "Oh bakit hija, may kalat ba sa room niyo na nais mong ipalinis?" tanong niya sa akin umiling ako.
"Wala po, may tanong lang po sana ako tungkol sa batang nagngangalang Lloyd?" tanong ko sa kaniya.
"Lloyd? Ah yung anak ni Professor Flor na madalas niyang dinadala dito dati," sabi niya sa akin.
"Opo, yung batang maliit," saad ko.
"Paano mo kilala si Lloyd eh mas matanda pa iyon sa'yo kung nagkataon. Hay, sayang nga lang ang batang iyon dahil namatay sa murang edad. Sobrang masayahin at pilyo pero lahat ng makakasama niya eh pinapasaya niya ng sobra," saad nito sa akin.
"Opo nga po eh, pwede ko po bang matanong kung saan yung mommy ni Lloyd?" tanong ko sa kaniya.
"Si Professor Flor eh nag-resign na'yon matapos mamatay ng anak niya, hindi kinaya na maglibing sa anak niya. Sabi ng iba nabaliw daw siya matapos mamatay nang kaniyang anak.Pero kung gusto niyo siyang makita, itanong niyo kay Teacher Nelly, kasabayan no'n si Ma'am Flor." Sabi niya sa akin at ngumiti ito. Nagpasalamat ako sa Janitor at tumingin sa bata.
"Narinig mo si Mang Juro?" tanong ko sa kaniya.
"Bad boy ako, napaiyak ko si Mommy noong nawala ako," sabi niya sa akin.
"Hindi naman ibig sabihin n'on bad ka na, hindi mo gustong mawala. Walang may gusto n'on. Walang may gustong mamatay ka, namimiss ka ng Mom mo kaya siya nasasaktan. Kaya ngayon ibabalik kita sa kaniya para maging okay na si--"
"Are you still rehearsing?" nakita ko si Zenrick sa harap ko na nakatayo namula ako ng makita ko siya.
"Hala, narinig mo ako?" tanong ko sa kaniya at tinago ko ang bata.
'Of course, para ka kayang may kausap. Akala ko may kausap ka talaga," sabi niya sa akin.
"Wala, hehehe. Anong ginagawa mo dito?" I asked him.
"Well, I'm bored. Naghahanap ako ng gagawin, may alam ka ba?"he asked me.
"May ginagawa ako, kaso lang baka ma-weirdohan ka kapag nalaman mo. Hindi kasi normal," sabi ko sa kaniya.
"Weird? Hindi naman. I'm always doing weird things kahit ako mismo weird. Ano ba yun?" tanong niya sa akin. Tinuro ko si Lloyd.
"Hinahanap ko 'yung Mommy niya," sabi ko sa kaniya. He stared at my hand.
"Hinahanap mo yung nanay nung upuan?" he asked me back at mahina siyang tumawa. "
"Oo este hindi! May bata kasi diyan na 'di mo nakikita. Iyon ang hinahanap ko yung Mama nung batang 'yon." Sagot ko naman sa kaniya. Naku, baka naiisip niyang baliw na ako. Napapikit na lang ako habang iniisip na mare-reject na naman ako. "Sabi ko na ba e pagtatawanan mo ako..."
"Ate, wala ngang naniniwala sa'yo na nakakakita ka ng mumu na tulad ko, tapos ine-expect mong maniwala siya?" tanong ni Lloyd sa akin.
"Tama ka, nababaliw na yata ako." saad ko sa kaniya.
"No, hindi ka baliw. Hindi ka baliw sa paningin ko. You're beautiful in my eyes." Namula ako nang dahil doon at 'di agad naka-react.
"Ayiee, kinikilig si Ate." Sinamaan ko ng tingin si Lloyd dahil sa pangbubuyo n'ya.
"So sinasabi mong may bata d'yan sa chair?"he asked me tumango ako sa kaniya at tumingin siya kay Lloyd. As in tumingin talaga siya sa direksyon kung nasaan si Lloyd.
"Ate nakikita ba niya ako?" tanong naman ni Lloyd sa akin nagkibit balikat ko.
"So, saan natin makikita yung mom nitong bata?"he asked me.
Umiling ako sa kaniya. "Then tara na, hanapin na natin yung mom niya." Sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. I felt his cold touch on my hand na parang may tingling sensation na bumubuhay sa katawang lupa ko.
"Where should we start?"he asked me.
"Si Ma'am Nelly daw yung may kilala sa Mom nung bata." I said at pinuntahan nga namin si Ma'am Nelly, naibigay niya ang address ni Ma'am Flor sa amin ni Zenrick.Napagpasiyahan namin na bukas na lang pumunta sa bahay ng propesora na iyon at umuwi na muna.
"Zenrick pasensya ka na ha? Ang weird ko na nga tapos sinakyan mo pa ako. Siguro e naiirita ka na talaga sa akin." sabi ko sa kaniya.
"No, you're not weird at all," sabi niya sa akin at saka siya humarap sa akin. "You're an interesting person," sagot niya sa akin at hinarap niya ako, inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"You're pretty too, I like people who are pretty and interesting at the same time," sabi niya sa akin at namula na ako.
"I could've wish I've met you earlier," he said.
"Ha?" tanong ko.
"Wala lang, can I walk you home?" tanong niya sa akin tumango ako sa kaniya. "Walk me home?" he smiled at me. "Pwede din kitang buhatin kung gusto mong buhatin kita imbes na ilakad pauwi." Saad n'ya sa akin. Namula nang dahil doon.
"Sira! Sige na, maglakad na tayo pauwi."
Nagkwentuhan kami tungkol doon sa bata, hindi ko alam pero bakit parang di niya kinukwestyon yung tungkol sa existence nung bata. Malinaw naman na di niya nakikita yun pero nakikisakay siya sa ka-weirdohan ko.
"Ito na yung bahay ko," sabi ko sa kaniya.
"Oh," sagot niya sa akin at ngumiti siya. "Gusto mong pumasok sa loob?" tanong ko sa kaniya, papasok na sana siya pero inangasan siya ni Xingxing.
"Hala Xing! Bakit ba ang ingay mo sa harap ni Zenrick? Nakakahiya oh." Sabi ko sa kaniya at tumingin ako kay Zenrick, he smiled and looked at his watch.
"Aalis na ako dahil kailangan ko gumawa ng homework. Salamat na lang ah?" Nagmamadaling saad niya at tumakbo na siya paalis nang dahil naman sa pagkawala niya e tumahimik na si Xingxing.
"Bakit ka ba nagwawala ha? Ganyan ka lang naman pag may ghost eh." Sabi ko at dinilaan niya ang mukha ko. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay at saka naghanda ng hapunan baka kasi gutom na si Xingxing kaya nag-aangas na siya.