I. The girl who sees

2200 Words
(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW) BATA pa lang ako nakakita na ako ng mga multo. Alam niyo ba na ang mga ghost ay nagpapakita sa'yo dahil sa may kailangan silang sabihin? Ginagawa lang nila iyon kung alam nilang relax ang utak mo. Pero sa katulad ko, kahit 'di ako relax ay nagpapakita sila sa akin. Kahit na magpanggap akong walang nakikita, ewan ko ba malakas ata ang sensors nila at nararamdaman pa rin nila na nakakakita ako ng mga multo. Tulad nitong katabi ko ngayon sa restaurant.Nakatingin siya sa akin habang nanonood ako sa I wantTV ng On the Wings of Love, tapos kinikilig pa ang multong ito. Crush daw niya si James Reid at inis na inis na siya sa character ni Paulo Avelino.Kulang na nga lang ay hampasin niya ako sa kilig. Kaya ito ako, nagpapanggap na hindi ko siya nakikita. “Can I get your plates, Ma’am?” tanong sa akin ng waiter. “Ano ba 'yan! Panira sa panonood.” Reklamo nang multo na nakikinood lang sa tabi ko. Tiningnan ko siya sa refleksyon ng screen at nakita ko ang itsura niya. “Sure, paalis na rin naman ako,” saad ko sa waiter at saka kinuha ang bag ko. I need to leave or else. Damn! “Di ko pa tapos panoorin ‘yung On the Wings of love tapos aalis ka na?” tanong ng multo sa akin. I pretended not to hear what it said to me. Wala akong naririnig, wala rin akong nakikita kahit na alam kong mayroon. Kinuha ko na ang mga libro ko at saka ko pinatay ang cellphone ko para makaalis na. “Huwag kang aalis!” nakakatakot niyang sigaw sa akin. Lumabas ang litid ng mga mata niya at ang mga dugo dito, muntikan akong mapasigaw pero pinilit kong maging stoic. “Dito ka lang! Alam kong nakikita mo ko!” sigaw niya muli sa akin.Napalunok ako at uminom ng tira kong pineapple juice. Mapapasubo ako dito sa multong ito, Oh Lord God please help me. “Huwag kang aalis! Akin lang si James Reid!” sigaw niya muli sa akin at napaatras ako paano kasi nakita ko na ang paglabas ng eyeballs niya. Bigla siyang lumuhod at gumapang papalapit sa akin. Umatras ako ng umatras, at umatras ulit hanggang sa matumba ako. “Wag kang aalis… H’wag… pakiusap, huwag…” sabi niya muli sa akin. “Miss, are you okay?” tanong waitress sa akin tinuro ko yung babaeng multo. “Ma'am bakit?” tanong niya muli sa akin. “Yung babae…. m – multo siya…” Nanginginig kong tugon sa waitress, halos ‘di ko na nga ma-i-angat ang aking daliri dahil sa takot na aking nararamdaman. “Ma'am, wala naman pong babae diyan? Wala po akong nakikitang multo,” sabi niya sa akin. “Gumagapang siya, yung mga mata niya…” nanginginig kong saad sa kaniya. “Ma'am, wala po talaga eh. Ano po bang ginagawa nung babaeng nakikita niyo?” tanong niya sa akin. “Yung mata niya natatanggal tapos papalapit na siya sa akin. Nakakatakot siya, sobrang nakakatakot.”sumbong ko habang papalapit ang babae sa akin. “Wag kang aalis, wag kang aalis,” bulong niya at ang sunod na nangyari ay naghiwalay naman ang kaniyang bunganga. “Ma'am parang ganito po ba ang ginagawa niya?”Napatingin ako sa waitress at ito naman ang nagtanggal ng eyeballs at gumawa ng nakakatakot na itsura. “Ah!” sigaw ko na lang sa kawalan. *** “MS. DEL CARLOS!”sigaw iyan ng prof namin ng magising ako ng sumisigaw.Nagtawanan ang mga classmates ko dahil sa sigaw ko. “Natutulog ka na nga sa klase ko, nag-iingay ka pa!” sabi niya sa akin. “Sorry po,Ma'am. Hindi po kasi ako nakatulog kagabi.” Saad ko sa kaniya at yumuko ako.Pagyuko ko naman ay may bata na nasa tatlong taong gulang ang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at nagpanggap na hindi siya nakikita. “Ms. Del Carlos! Wala ka na ngang silbi sa klase ko ay natutulog ka pa! Sana naman kahit sa pagtulog mo ay manahimik ka.”Sita niya sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot. “Sorry po ma'am,” mahina kong bulong sa kaniya at saka ako napabuntong hininga. Ako nga pala si Ericka Del Carlos, 23 anyos na ako ngunit nasa pangatlong taon pa rin ako ng kolehiyo, bakit? Nahinto kasi ako sa pag-aaral dati nung matuklasan ko na nakakakita ako ng mga bagay na di ko dapat makita. Mga multo, maligno, dwende, maging demonyo. Lahat iyan nakikita ko, anghel na nga lang ata ang 'di ko nakikita. Sana nga puro mga anghel na lang ang nakikita ko imbes na mga masasamang elemento.  Hindi na rin nga ako nakapag-aral dahil sa abilidad kong ito. Lapitin kasi ako ng mga multo at madalas nilang napapasok ang katawan ko o kaya ginugulo ako. Ang siste, hindi ako makapag-aral ng seryoso at madalas akong lumilipat sa mga eskwelahan na walang multo. Dahil doon napagkakamalan akong baliw ng mga bata sa aming probinsya sa  Isabela. Kaya iyon, limang taon akong nahinto ng pag-aaral. Minsan palipat-lipat ako ng eskwelahan dahil sa hindi ko kinakaya ang pagpaparamdam.Sa kagustuhan kong mabuhay ng normal ay nagpanggap na lang ako na magaling na at hindi na nakakakita upang makapagsimula ulit. Ngunit sobrang hirap pala ang magtago sa mga bagay na nakatago na dahil sa sila mismo alam nila kung may nililihim ka. Alam ng multo kapag nakikita mo sila, ganoon kalakas ang instincts nila.  Tumunog ang school bell at natapos ang aming klase tiningnan  ko ang cellphone ko at bumungad ang wallpaper ng cat ko na si Xing-Xing. “Sana uwian na, mas safe doon sa room ko walang ghost d'on eh.” Sabi ko sa sarili ko habang niyayakap ang aking balikat. Chills are all over me. Sa bahay kasi walang multo doon tapos hindi pa nakakatakot. Lumingon ako at nakita ko na palabas na ang mga kaklase ko.Nagmadali akong sumabay sa kanila kasi mga totoong tao naman sila. “Erika, bakit ka naman ba tulog kanina ha?” tanong ni Cristine, isa siya sa mga kaklase ko sa subject na ‘to. Actually kinakabigan nga nila ako ni Tanya pero ayoko baka kasi maweirdohan lang sila sa akin. “Di kasi ako nakatulog eh.” saad ko naman sa kaniya. “Alam mo mag sleeping pills ka kaya at ng makatulog ka. Lagi kang tulog sa klase halata ‘yang puyat mo masyado. Mabuti na lang at matalino ka at ‘di bumabagsak.” saad niya sa akin. “Kahit anong gamot ang inumin ko para walang makita e wala namang epekto. Kung bubulong- bulong din sila sa paligid mo, wala rin.” Saad ko sa kaniya. “Maybe you just need to do something that will help you.” Christine said while smirking, tumingin ito kay Tanya na tila naman nagkaroon ng light bulb sa ulo nito. “Alam mo kung ano ang kailangan mo. You need a dumadagundong na social life. Trust me ‘yang ghost hallucinations mo mawawala. Effective ‘yon,” Tanya suggested. “Hindi ko na kailangan ng social life.” Saad ko. “You need it para ‘di magmukhang weird. Everyone in this class sees you as a weird person.”Sabi niya sa akin at may sumulpot na isang shillouette ng lalaki sa likod n’ya, the only thing visible about him is his red eyes. Kumapit ito kay Tanya at masamang tumingin sa akin. “Tanya, may lalaki sa likod mo.” I said while stuttering, the way the black shillouete was staring at me looks awful. “Wala kaya,” sabi niya sa akin. “Hindi meron!  Pula ang mga mata niya at itim na itim siya at galit, Tanya!” sabi ko sa kaniya at nangamoy sunog ang paligid namin. “Okay, you are getting creepy Erika. Ang creepy mo talaga scared na ako,” sabi niya sa akin at bumuntong hininga siya. “You really need a social life girl, you know what? Sumama ka sa amin. Gigimik kami!” sabi niya sa akin. “Ayoko nga! Maingay doon at  saka maraming multo d'on,”pagtanggi ko sa kaniya. “Come on, it's not a cemetery, it's a  bar saka sa sobrang saya sa bar na ‘yon, mahihiya lahat ng ghosts! Kaya come with us and let's have fun para naman 'di ka magmukhang weird at mapagalitan ulit ni Prof. Nelehilda Del Torre kapag wala nang dalaw.” Sabi naman ni Tanya at hinila niya ako saka nawala ang itim na lalaki na nakakapit sa kaniya. Sinama nila ako at ito ako ngayon nagtitiis sa ingay, halos music at sigaw ng mga kaluluwa ang mga naririnig ko. Nagsasayawan ang mga kaklase ko sa isang gilid. “Alam kong naririnig mo ko,tulungan mo ko.”Hindi iyon pakiusap kung ‘di utos ng kaluluwa sa gilid ko, bulong siya ng bulong ng kung ano  anong bagay. “Pinatay nila ako…” sabi niya muli sa akin habang humihikbi. “Hayop!” sigaw niya muli sa tainga ko.  Tinakpan ko ang tainga ko. “Tigilan niyo ko,” bulong ko. “Naririnig mo nga ako, Tulungan mo ko! Tulungan mo ko!”paulit ulit niyang bulong sa tainga ko.Agad akong tumayo at nagtatakbo pero sinundan niya ako hinabol habol niya. “Ah!” sigaw ko ng sumulpot siya sa harapan ko. Isang babae na puro dugo ang mukha at may nanlilisik na mata.Nakangiti din ito na para bang pinagtitripan niya ako.Tumutulo mula sa labi niya ang dugo, kasabay ang pagkaputol ng kaniyang dila. “Tulungan mo ko,” sabi niya. “Aah! Ahh!” sigaw ko at muli akong tumakbo. “Erika! Where are you going? Are you drunk?” tanong ng isang boses na sa tingin ko ay pagmamayari ni Tanya. “Tigilan mo ko! Please naman!” sigaw ko at saka ako nagtatakbo dala ng aking takot. Alam ko na lang ay nasa road na ako at nakatakip ang aking tainga.“Lasing na ata siya, habulin natin!” nadinig kong sigaw ni Christine. “Miss!” sigaw ng isang lalaki sa akin pero di ko siya pinansin nasa likod ko pa rin ang babaeng multo na ito. Nabigla ako ng may humatak sa akin at sobrang lakas na ng busina ang nadinig ko.Pagmulat ng aking mga mata ay isang lalaki na ang nasa ibabaw ko. Nakatingin siya sa mga mata ko at saka siya ngumiti.  “Are you okay?” tanong niya sa akin, hindi ako nakasagot dahil na-mesmerize na ako sa kaniya. Napakagandang lalaki naman nito parang ang perpekto niya. Matalas na jawline, matapang na mga mata, morenong balat at katamtamang katawan. “Miss?” tanong nito sa akin. Nagising ako sa pagtitig sa kaniya at bumalik ako sa ulirat.Wala na yung multong iyonat tanging itong gwapong lalaki na lang ang nasa harap ko. Napabuntong hininga ako at tumayo na ang lalaki at hinawakan ang kamay ko. “Tulungan na kitang bumangon miss,” sabi niya sa akin at inangat niya ako nagsilapitan ang mga tao sa paligid. “Wala ka bang sugat, Miss?” tanong niya sa akin umiling ako. “Okay lang ako, salamat sa pagliligtas mo,” saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti sa kaniya. “Walang anuman. It’s nice to see you safe. Sige, mauna na ako.” Sabi niya at tumakbo na siya paalis.Tumayo ako para habulin siya pero isang matandang lalaki ang humarang sa akin. “Naku Miss, pasensya na. Hindi ko sinasadya. Hindi ka ba nasaktan?” tanong sa akin nung matandang lalaki pero di ako nakasagot. Hinanap ko siya pero umalis siya agad. Bakit siya nawala agad? Hindi ko pa nakukuha ang pangalan niya? Niligtas niya ako, sobrang saya ko dahil niligtas niya ako. “Miss, hindi ka ba nasaktan?”tanong muli ng matandang lalaki. Umiling ako sa kaniya bilang sagot. “Hindi, pakiramdam ko nga na-bless ako ng langit…” nakangiti kong giit rito. Dinala ako ng matandang lalaki sa malapit na hospital para patingnan kung may galos ako. “Naku Miss, mabuti talaga at ligtas ka kung ‘di naku ay sana mapatawad mo ako,” sabi niya sa akin. “Manong, eh okay lang po 'yon, pasensya na po at tumakbo ako kahit nakago may humahabol kasi sa a--” natigil ako kasi baka akalain ni Manong e baliw ako. “Basta po, pasensya na rin po,” sabi ko sa kaniya. “Ako dapat ang humingi ng pasensya sa’yo, hija. Mag-iingat ka na lang ‘din sa susunod ah?” saad niya sa akin. Mabuti mabait si Manong at hinatid pa niya ako pauwi. Wala naman akong sugat kaya ‘di na siya gaanong nag-aalala pa. Pag-uwi ko ay wala na si Ate Ria, ang aking kapatid. Call center agent kasi siya sa kumpanyang nagngangalang Alorica kaya wala siya sa bahay pag gabi tapos yung punyateramg boss niya ay nilipat siya sa night shift. Imbes na sana may kasama ako t’wing gabi, ito ako mag-isa na. Natatakot na tuloy ako ngayon kasi mag-isa lang ako dito sa bahay, minsan kasi may mga dumadalaw dito na mga kaluluwa e. Nag-sign of the cross pa ako bago ako pumasok sa loob ng bahay.Pinindot ko ang display na nagte-terminate ng bad spirits at binuksan ko ang ilaw at inilapag ang sarili ko sa sofa. Naiwan ko yung bag ko sa haunted bar na ’yon na puno ng mga espirito. Sana dinala rin nila Tanya iyon pauwi kung ‘di ubos ang mga gamit at libro ko. Sinindihan ko ang insenso at pinikit ang mga mata ko.Naalala ko yung nagligtas sa akin na lalaki. Kailan ko kaya siyang makikita ulit? “Maraming salamat sa’yo kuya, kundi baka naging multo na rin ako.” sabi ko sa sarili ko habang inaalala ang poging lalaking na ‘yon. Sobrang gaan ng loob ko sa kaniya. “Meow!” Malakas na sabi ni Xing-Xing at saka siya pumunta sa bandang tiyan ko para mahiga.“Xing-Xing, kumusta ka na?” tanong ko sa kaniya pero inirapan niya ako napangiti na lang ako. “Alam mo ba may nagligtas sa akin kanina, sa tingin mo ba makikita ko ulit si Kuya Jawline?” tanong ko sa kaniya. “Meow!” sagot niya sa akin at kiniskis niya ang ulo niya sa aking tiyan at saka nahiga muli ng prente do’n. “Sana pag nakita ko siya maging friends kami tapos-- hanggang do’n lang siguro yun.Baka kapag nalaman niyang sinto-sinto ako dahil sa third eye ko baka lumayo ‘yon. Wag na nga lang,” sabi ko ulit kay Xing-Xing na nakapikit na at kasalukuyang natutulog sa tiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD