(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW)
“ATE ERICKA, Ate Ericka!” Paikot ikot ang batang multo na si Lloyd sa tabi ko habang nasa loob ako ng klase pero ‘di ko siya pinapansin mamaya ay masita na naman ako ni ma'am dito, kawawa na naman ako kung nagkataon kasi buong – buo na ang record ko sa kaniya.
“Ate, puntahan na po natin si Mama,” saad niya sa akin.
“Mamaya…” bulong ko sa kaniya.
“Sige na ate, diba alam mo kung nasaan si Mama?” tanong na naman niya sa akin.
“Mamaya na Lloyd pagkatapos nitong klase ko, sige ka papagalitan ako ni Ma'am. Mas kawawa ako.” Saad ko sa kaniya at bumalik ako sa ginagawa ko. Naupo na lang tuloy siya sa tabi ko at tumahimik sa gilid.
Habang nagkaklase kami ay may pumasok sa classroom.Nakita kong pumasok si Zenrick doon ng nakayuko at tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ko.
“Hey,” bulong niya sa akin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.
“I got bored, ikaw anong ginagawa niyo, parang mahirap iyan ah?” tanong niya sa akin.
“Ano pa, edi quiz…” sagot ko sa kaniya. Tumingin si Ma'am sa akin at umayos ako ng upo ganon din si Zenrick na yumuko pa para hindi makita ni Ma'am.
“Ms. Del Carlos?”tawag niya sa akin
“Bakit po Ma’am?”
“Are you cheating in my class?” tanong niya sa akin, umiling naman ako sa kaniya.
“Wala naman po akong katabi para mag cheat Ma'am,” sagot ko sa kaniya at mahina akong ngumiti saka ko ginalaw ang upuan ko para ‘di niya mapansin ang nakayuko na lalaki sa tabi ko.
“Class! Focus on your papers! 10 more minutes to go,” she announced nagmadali naman akong matapos ang exam.
“Ma'am naman eh! Number 2 out of 300 pa lang ako!” reklamo ng mga kaklase ko.Umangat ng unti ang ulo ni Zenrick habang tumatawa-tawa pa siya. After 10 minutes pinapasa na nga niya ang mga papel namin at nagsialisan na ang iba naming classmates.
“So, pupuntahan na ba natin yung Mom nung bata?” tanong niya sa akin.
“Mamaya, pagkatapos ko dito.” Saad ko sa kaniya at inayos ko ang gamit ko. Tumingin ako sa batang si Lloyd na libang na libang sa pusang naligaw sa classroom namin.
“Yes, tara na!” sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko at aktong hihilain ako.
“Sandali lang, Zenrick!” sabi ko sa kaniya pero wala na nahila na niya ako palabas ng classroom. Tumatakbo naman na sumunod si Lloyd sa amin.
“Yehey, makikita ko na si Mom!” sabi ni Lloyd sa akin at halos kaladkarin naman ako ni Zenrick. Narinig ko pa na tinawag ako ni Tanya pero di na ako nakalingon pa.
“So where are we going?” saad niya sa akin.Inilabas ko ang papel at pinabinasa ko yung address. “Alam mo ito? Parang malayo kasi yung bahay niya e,” sabi ko sa kaniya.
“I've been there, gusto mo lakarin natin?”he asked me.
“Lakarin?! Mandaluyong kaya ito. Sira ka rin no?” I asked him at tumawa siya sa akin.
“Come on, sige na lakarin na lang natin. It'll be fun.” Sagot niya sa akin pero umiling ako.Ayoko kasi na naglalakad sa kalye dahil iba't ibang uri ng kaluluwa ang nakikita ko.
“Masaya pa naman maging member ng walking society, ilang taon na ako palakad-lakad sa wala tapos wala pa rin akong matinong naalala. Lakad here, lakad there parang ligaw na kaluluwa everywhere. Kasawa…” bulong niya, it was audible pero nagtataka naman ako kung bakit ‘yon ang sinasabi niya.
“Ha? ano?” tanong ko sa kaniya.
“Wala lang, I mean wala lang pabulong- bulong lang ako.” Saad niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya.
“Mag taxi na lang tayo,” saad ko sa kaniya at ako naman ang humila sa kaniya.Nagpara ako ng taxi at sumakay kaming dalawa doon.”Ma'am saan po tayo?” tanong ng Driver.
Inabot ko ang papel kung saan nakasulat ang address. “Dito mo po kami ihatid, manong.” sabi ko sa kaniya. “Pakihatid na lang kami diyan,” dagdag ko pa at pumasok na ako ng taxi.Sumunod naman si Zenrick sa akin at si Lloyd na nakakandong pa sa kaniya pero parang walang ideya si Zenrick na may multong nakakandong sa kaniya.
“Sana nandoon ang Mom ni Lloyd no?” tanong ko sa kaniya. “Sana makita natin siya para matulungan natin si Lloyd.”
“Oo nga no, para naman makauwi na yung batang sinasabi mo para mapunta na siya sa heaven.” sabi niya sa akin at saka siya tumingin sa langit. “So how long have you been seeing ghosts?”he asked me na parang batang nagtatanong.
“Matagal na,” sagot ko sa kaniya at saka ako napahalukipkip.”It's not something na dapat ikahiya mong ikwento. I think you’re special,” sagot niya sa akin.
“Salamat, pero kung ako ikaw, huwag mo nang gustuhin na magkaroon ng abilidad na meron ako.” Sagot ko sa kaniya,huminto ang taxi at tumingin siya sa mirror.
“Ma'am nandito na tayo,” sabi niya sa akin.
“Ah sige po, ito na ang bayad,” sabi ko at nag-abot ako ng 100.Dudukot sana ng pera si Zenrick pero naunahan ko siya. Huminto kami sa tapat ng isang bahay na luma na at parang walang tao.
“Tao po!” saad ni Zenrick pero walang sumagot.
“Tao po!” sabay naming sigaw pero wala talaga.”Walang tao diyan, umalis kaninang umaga. “Bumalik ka na lang,” sabi ng isang babae sa akin na medyo katandaan na.”Dito ba nakatira si Ma'am Flor?” tanong ko sa kaniya.
“Oo, pero umalis sila ng asawa niya. Pupunta yata sa doktor at bukas pa ang balik nila,” saad nito sa amin.
“Ah ganon po ba? Salamat po,” sabi ko sa kaniya.
“Paano ba iyan Lloyd? Wala pa ang mga magulang mo. Hindi mo pa sila makikita ngayon.” Tanong ko sa kaniya.
“Okay lang ate, may bukas pa naman diba?” tanong niya sa akin at ngumiti ito.
“Wag kang mag-alala kakausapin na natin yung Mom mo para hindi ka na maging pagala galang bata.”
“Wait, Ericka!”pagpigil ni Zenrick sa akin tumingin ako sa kaniya na nasa tabi ko lang.
“Kapag ba natulungan mo si Lloyd, mapupunta na siya sa heaven diba? Ano-ano ba ang pwedeng mangyari sa kaniya?” tanong niya sa akin.
“Mapapanatag yung soul niya. Pwede na siyang pumunta sa heaven, makapagpahinga at maging angel. Bata lang siya kaya malaki ang chance na maging anghel siya.” Sabi ko at tumingin muli ako kay Lloyd. Siya na siguro ang pinakacute na angel kung sakali ngumiti si Zenrick sa akin. Bumalik kami sa school matapos nun, may klase pa kasi ako mula 6 hanggang 9 pm.
Ito rin ang oras kung saan nagiging park ng mga multo ang eskwelahan namin. Naki-sit in si Zenrick sa klase at tahimik lang siya na nakikinig minsan nga nakikisagot pa siya sa teacher namin.Nagdadaldalan din kami ng palihim, mabuti na lang walang pakialam yung prof namin.
“Sabay tayong umuwi ulit?” tanong niya sa akin, tumango ako sa kaniya.
“Sige ba,” saad ko sa kaniya, natawa pa ako ng kumandong muli si Lloyd sa kaniya at muli wala siyang kamalay malay.
“Nakakandong si Lloyd sayo, gusto ka yata nung bata.” sabi ko sa kaniya.
“I know, mabigat nga s’ya eh. Medyo mataba…” saad niya. “Malaman siya no?”
“Ha?”Paano niyang nalamang mabigat si Lloyd, saka ‘di naman masama ‘yung soul nang bata para maramdaman niya ang weight nito.
“Hindi ako fat!” nakangusong saad ni Lloyd sa kaniya.
“I mean I can feel it parang mabigat siya.” Sagot niya sa akin at ngumiti siya saka siya bumuntong hininga na tila nabunutan siya ng tinik.
Nang mag-uwian na ay nag-ayos agad ako ng gamit para makauwi na.Iiwan ko si Lloyd sa school kasi dito naman nakadikit ang kaluluwa niya, tapos sabay kami ni Zenrick uuwi.
“Let's go!” Aya niya sa akin at naglakad kami palabas ng room.Makakababa na sana kami ng humabol si Tanya sa amin.
“Ericka wait!” nadinig ko na sigaw ni Tanya.
“Anong nangyayari sayo?”she asked me.
“Anong ibig sabihin mo Tanya?” tanong ko sa kaniya ng nakakunot ang noo ko.Nagpameywang siya sa akin na para bang may nagawa akong mali at nais niya ako pagalitan
“Come on, kanina ka pa bulong ng bulong mag-isa? Nababaliw ka na ba?” tanong niya sa akin.
“Bakit naman ako bubulong kung may kasama ako? I have someone with Tanya,” sabi ko sa kaniya.
“Wala ka kayang kasama Ericka,” pilit niya sa akin nagkunot ang noo ko.
“Meron, siya oh!” sabi ko at tinuro ko si Zenrick, nilingon ko siya pero wala ng Zenrick sa harap ko. Si Lloyd na lang ang nakita ko na nakangiti pa sa akin.
“Nandito siya, pumasok pa siya sa classroom kanina at nakiseat in pa,” sabi ko sa kaniya.
“No one was there, Ericka. You are whispering as if you are talking to someone. Is that a ghost again?” tanong niya sa akin at para akong nanghina dahil doon.
“Meron akong kausap, Tanya. Tao siya. Nahahawakan ko tapos hindi rin siya malamig,” sabi ko sa kaniya.
“Now you are starting to creep the s**t out of me again. Uuwi na nga ako, ayusin mo muna sarili mo baka pagod ka lang tapos pag rested ka na. Sumama ka sa amin mag gimmick. Pakilala kita sa hot guys para naman sumaya ka.” sabi ni Tanya at pumunta na siya sa lobby. Naiwan akong nakatulala sa lobby habang nag-iisip, unting- unti nagiging malinaw ang lahat para sa akin.
“Ericka, ano tara na?” muli siyang sumulpot sa harap ko at hinawakan ako nanlaki ang mga mata ko. “Ah!” malakas kong sigaw at nagtatakbo ako.
“Ericka sandali lang! Bakit ka ba tumatakbo?” tanong niya pero takot lang ang nararamdaman ko. Kaya pala siya inaangasan ni Xing-Xing,'yon pala ay isa siyang mumu na parang tao lang ang itsura.
“Ericka!” sabi niya at bigla siyang sumulpot sa harap ko.
“Anong kailangan mo sa akin?!” sigaw ko sa kaniya.
“What's happening to you?”he asked me instead.
“Multo! Multo! layuan mo ako!” sabi ko sa kaniya at bigla siyang napabitaw pagkakahawak niya sa akin.Tumingin ako sa kaniya and his color turned pale na para talaga siyang multo at bigla na lang siyang naglaho.
***
UMUWI akong tulala sa bahay namin. Iniisip ko kung paano na hindi ko kaagad na nahalatang multo si Zenrick. Saka paanong nahahawakan niya ako na parang normal na tao lang? Hindi ko pa rin mawari iyon.
“Ericka…” halos mapatalon ako ng hawakan ako ni Ate sa balikat ko.
“Ano bang nangyayari sayo at parang nakakita ka ng multo diyan?” tanong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot sa kaniya.
“Hay naku! Ericka, pinag-aalala mo talaga ako. Nakakakita ka na naman ba?” tanong niya muli sa akin. Iiling sana ako pero nakita ko si Zenrick na nakatayo sa likod ni Ate, nakangiti pa siya at kumaway sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako.
“Wag kang matakot sa akin Ericka,” saad niya pero umiling ako.
“Layuan mo ko,” mahina kong bulong sa kaniya.
“Galit ka ba sa akin? Please wag ka namang matakot at magalit sa akin,” sabi niya sa akin at bumuntong hininga siya.
“Ericka, anong nangyayari sayo?” tanong muli ni Ate at umiling na ako bumuntong hininga siya sa akin.
“Alam mo nag-aalala ako sa'yo kada iiwanan kita, pero kailangan ko namang magtrabaho.” Saad niya sa akin panandaliang nawala si Zenrick kaya nakahinga muli ako ng maluwag.
“Ate, wag ka ng mag-aalala sa akin. Kaya ko na po ang sarili ko,” saad ko sa kaniya.
Bumuntong hininga muli siya at kinuha ang bag niya. “May tiwala ako sayo Ericka, malakas ka at alam kong kaya mo. Mahirap pero nandito lang kami lagi para sa’yo.” sabi niya. Nagpaalam na siya sa akin, hinatid ko siya sa labas kasama si Xing-Xing pero pagpasok ko sa loob nandoon ulit si Zenrick na nakaupo sa sala namin. Tumayo siya at mahinang ngumiti sa akin pinikit ko ang mga mata ko.
“Tigilan mo ako,” sabi ko sa kaniya.
“Sorry kung natakot ka. Sorry kung nagpanggap akong tao,” saad niya sa akin.
“Tigilan mo na lang ako,” sagot ko sa kaniya at iniwasan ko siya “Please, ikaw lang naman yung nakikita sa akin at nahahawakan ko. “Wag ka ng magalit,” pakiusap niya sa akin.
“Akala ko tao ka Zenrick, akala ko tao ka na hindi na-weweirdohan sa akin, pero alam mo ba ng dahil sa ginawa mo mas napatunayan ko lang sa sarili ko na abnormal ako!” sabi ko sa kaniya. “Hindi ako makapaniwala na nauto ako ng multo!”
“Hindi ka abnormal okay? If I still exist, I will not find you weird because you are attractive and beautiful,” sabi niya sa akin. Namula ako sa sinabi niya pero agad kong winaglit ang mga sinabi niya sa utak ko. Ang multong ito talagang uutuin pa ako.
“Tigilan mo na lang ako, humanap ka ng ibang mapepeste mo.” Sagot ko sa kaniya at umakyat na ako sa itaas.Inilagay ko ang malaking cross ni Papa Jesus sa pintuan ko para hindi siya makapasok at hindi naman niya nagawang makapasok. Napabuntong hininga ako. Akala ko kasi tao na si Zenrick.Akala ko baka pwede ko na siyang maging kaibigan kasi di kakaiba ang tingin niya sa akin.
Pero mali ako, kasi siya mismo kakaiba.
Isa pala siyang multo, kakaibang multo.
Humarap ako at nakita ko siya sa harap ko. “Paano ka nakapasok rito? May cross na sa pintuan ko ha?” sabi ko sa kaniya. Sa halip tumawa siya at umupo sa kama ko.
“Mabait naman akong multo,” sabi niya sa akin at saka siya bumuntong hininga.
“I’m a kind clueless ghost who doesn’t remember anything,” saad niya sa akin.
“And I'm really sorry if I scared the s**t out of you, na-overwhelm lang ako kasi ikaw yung unang nabubuhay na nahawakan at nakausap ko. No one can see me except other ghost tapos yung iba pa sa kanila parang zombies. Hindi katulad ko naturally gwapo.” Sabi niya sa akin at tumayo siya sa harap ko.
“Hindi ka ba makaintindi, layuan mo na nga ako. Ayokong makipag-usap sa mga multo, gusto kong maging normal kaya please!” sabi ko sa kaniya.
“Eh bakit si Lloyd kinakausap mo?” tanong niya sa akin.
“Sabi ko na nga ba eh, g**o kapag may tinulungan akong multo eh,” bulong ko sa sarili ko.
“Iba si Lloyd, bata siya na gustong makita ang Mama niya. Ikaw, ewan ko sa’yo!Mang-uutong multo ka lang naman!” sabi ko sa kaniya.
“So hanggang bata lang ang tutulungan mo?Saka hindi naman ako nanghihingi ng tulong ah, gusto lang kitang kausap,” sagot naman niya sa akin.
“Edi makipagkaibigan ka sa ibang multo.”
“Ayoko, ikaw ang gusto kong kaibigan. Kasi ikaw pwede kitang mahawakan,” sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.Nakaramdam ako muli ng malamig ng sensasyon sa paligid ko.”And holding give me warmth,”dagdag pa niya sa akin.
“Pakiramdam ko buhay pa rin ako,” muli niyang saad sa akin.