(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW)
“ATE bakit hindi mo pinapansin si Kuya Zenrick?” tanong ni Lloyd habang nasa classroom kami.Wala pang tao sa room. Wala kasing pasok ngayon at pupuntahan ko rin ang Mama ni Lloyd kasama syempre si Lloyd, nawala nga sa isip ko na multo si Lloyd akala ko bata talaga at sinundo ko pa. Sabagay, bata pa naman talaga siya.
“Wala akong kilalang Zenrick,” sagot ko sa kaniya. “Hala, ate LQ po ba kayo ni Kuya Zenrick? Ano pong nangyari?” tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa bata. “Teka, bakit mo alam ang meaning ng LQ? Ikaw ha, ang bata mo pa!”
“Duh, ate! Sa tagal ko dito lahat ng terms narinig ko na mula BH, LQ, BJ, Oral pati mga Momol e!”
Nanlaki ang mga mata ko, “Aba, Aba! Itong batang ‘to. Diyos ko wag na wag mong gagawin ‘yang mga naririnig mo lalo na ‘yung Momol!”
“Opo ate! Hindi po! Multo naman na ako ‘di na ako magiging malaki!” Giit niya sa akin, somehow nakaramdam ako ng awa sa kaniya. After this, he will disappear, hindi na siya mabibigyan ng pagkakataong mabuhay ulit dahil kaluluwa na lang siya.
“Tara na puntahan na natin ang mama mo,” aya ko sa kaniya at lumabas kami ng classroom. Napagdesisyunan kong hindi pansinin ang multong ito para matahimik na ang buhay ko.Pagkatapos kong tulungan si Lloyd ay wala na akong ibang multo na tutulungan pa. Tulad nga ng sabi ko,mapanganib pumasok sa buhay nila lalo na at patay na sila.
“Ericka naman wag mo na akong iwasan, mas lalo kitang hindi titigilan niyan eh,”sabi niya sa akin pero di ko siya pinansin.
“Ate, kawawa naman si Kuya Zenrick pansinin mo na siya. Kawawa naman siya ate baka maging scary ghost siya.” sabi niya muli sa akin.
“Isa ka pa, alam mo na ngang multo pala 'to hindi mo man lang ako binalaan,”sita ko sa kaniya.
“Eh sabi kasi niya secret lang daw namin na ghost siya eh.” Sagot naman ni Lloyd sa akin. “At ano namang kapalit ang inalay niyan para mauto ka?” tanong ko kay Lloyd. “Kagwapuhan lang ang inalay ko Ericka at saka mabuti akong multo. Hindi ako nanakot ng tao!”sagot naman niya kaya inirapan ko nalang siya atsumakay ako ng taxi kasama silang dalawa.Pumunta kami sa bahay ng nanay ni Lloyd.
“Pansinin mo na ako Ericka, please?” pakiusap muli ni Zenrick sa akin.
“Tao po! Tao po!” tawag ko sa bahay, mamaya maya ay may bumukas na pintuan at may lumabas na matandang lalaki mga nasa 60 na siguro siya.
“Anong kailangan nila?” tanong niya sa akin.
“Magandang araw po, pwede ko po bang makausap si Ma'am Flor?” tanong ko sa kaniya.
“Ang asawa ko? Bakit tungkol saan?” tanong naman niya pabalik sa akin.
“Si Papa, Papa! Papa! Nandito ako Papa,” sigaw ni Lloyd sa kaniya at tumatalon talon pa ito.”Hindi ka niya maririnig, multo ka diba?” sabi naman ni Zenrick sinamaan ko siya ng tingin at umiwas naman siya.
“Sorry na kasi,” sabi niya muli sa akin.
“Ang gwapo ko kaya para madedma ng ganito, diba nagagwapuhan ka naman sa akin bakit ayaw mo kong pansinin?” sabi niya muli sa akin at ngumuso pa siya sa akin.”Hindi naman ako nakakatakot, ang gwapo ko kaya.” Pag-ulit na naman niya, muli ko siyang sinamaan ng tingin dahil doon.
“Tungkol po kay Lloyd, yung anak po niya na namatay sa school.” sabi ko sa kaniya.“Anong tungkol sa anak namin?” tanong niya muli sa akin.“Gusto po kasing makita ni Lloyd ang Mama niya, alam ko po mahirap paniwalaan pero nakausap ko po si Lloyd.” sagot ko sa kaniya at mahina akong ngumiti.
“Matagal nang patay ang anak namin kaya wag mo akong niloloko, umalis ka na!” sigaw niya sa akin.
“Papa, maniwala ka.Nandito ako,” pakiusap naman ni Lloyd.
“Sir, please po. Gusto talaga makita ni Lloyd ang mama niya, hindi po matahimik si Lloyd dahil namimiss niya ang Mama niya.”
“Ate sabihin mo kay Papa gusto ko ulit magplay nung malaking airplane na gift niya yung color red na airplane,” sabi naman ni Lloyd sa akin tumingin ako sa papa niya.
“Gusto daw po ni Lloyd na laruin yung pulang airplane na gift mo sa kaniya,” sabi ko at tumingin ako sa bata. “I want to play with Papa and Mama,” sabi niya ulit sa akin.
“Gusto daw po niyang makalaro kayo ng Mama niya,” sabi ko sa kaniya sandali itong nag-isip at binuksan niya ang gate.
“Talaga bang kasama mo ang Lloyd namin?” tanong niya sa akin.Tumango ako at tuluyan na niya akong pinapasok. Dinala ako ng Papa ni Lloyd sa salas nila kung saan may babaeng nakaupo sa butaka.
“Mama!” sigaw nito at agad na yumakap sa Mama niya.“Sir, yung anak niyo po. Matagal ng pagala-gala yung kaluluwa niya sa classroom namin. Akala niya po nung una naglalaro pa rin siya. Akala niya po hinihintay pa rin niya ang mama niya at natagalan lang ito kasi may klase siyang tinuturuan,” sabi ko sa kaniya.
“Mahigit 30 taon na ang lumipas ng pumanaw si Lloyd. Nalaglag siya sa butas ng ginagawang classroom. Sinama siya ni Flor noon sa klase dahil walang magbabantay sa kaniya sa bahay pero hindi namin akalain na mamamatay ang anak namin,” pagkwento niya sa akin.
“Mama, Mama bakit ka nakatulala lang? Mama nandito na ako. I promise not to be playful again. Mommy…. Mommy!” sabi ni Lloyd at nagpumilit na kumandong sa kaniyang ina.”Ano pong nangyari kay Ma'am Flor?” tanong ko sa kaniya
“Hindi niya kinaya ang pagkawala ng anak namin. Gusto ko na siyang gumaling pero sa tingin ko si Lloyd lang ang makakapagpagaling sa kaniya,” sagot niya sa akin at tumingin si Ma'am Flor sa akin.
“Nakita mo si Lloyd ko?” tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kaniya at lumapit. “Ma'am, gusto po kayong mayakap ni Lloyd,” sabi ko sa kaniya. “Nasaan anak ko?” tanong niya sa akin.
“Nasa tabi niyo po siya, umiiyak po siya kasi pakiramdam niya kasalanan niya kung bakit kayo naging ganito.” Sagot ko sa kaniya tumingin siya sa tabi niya kung nasaan si Lloyd na nakatingin sa kaniya.
“Lloyd, kailangan mo na mag-message sa Mama mo para makatulong sa kaniya.” Sabi ni Zenrick sa kaniya.
“Kuya, kapag ba sinabi ko kay Mommy na wag na siyang mag-worry sa akin, gagaling ba siya? “ tanong niya kay Zenrick.Lumebel si Zenrick sa kaniya at tumingin sa akin, iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya dahil kunyari di ko na siya nakikita.Kailangan ko galingan ang pagpapanggap ko.
“Oo naman, message ka na para maka cross over ka na rin, para hindi na mag-aalala ang Mama mo,” sabi ni Zenrick sa kaniya at tumingin ang bata sa kaniya ngumiti ako sa kaniya para i-cheer up siya.
“Sabihin mo kay Mommy, sorry kasi nag play ako ng malikot ako namatay tuloy ako, hindi na ako uulit Mommy. Sabihin mo sa kaniya, okay lang ako. Hindi ko na siya pag-aalalahanin pa. Uuwi na ako sa dapat kong puntahan,” sabi ni Lloyd sa akin.
“Ma'am Flor, sabi po ni Lloyd nasa maayos siya na kalagayan. Sorry daw kung malikot siya at napahamak siya.Hindi na daw siya uulit,” sabi ko sa nanay niya umiyak ito.Ramdam ko ang pighati niya sa iyak niya.
Maging ako naiiyak na din.”Anak, anak nandito ka diba? Sorry ha? Hindi ka nabantayan ni Mommy. Pinagalitan ka niya tapos hindi ka pa nabantayan. Pabaya ako anak, sorry,” umiling si Lloyd.
“Hindika pabaya Mommy, kind ka saka mapagmahal. Sorry po Mommy, sorry kung pasaway ako.” Sabi ni Lloyd at umiyak ito ng umiyak, yumakap siya sa Mama niya ng mahigpit.
“Sorry daw po Ma'am Flor,” sabi ko sa mama ni Lloyd.
“Mahal kita Mommy, super love kita.” sabi ni Lloyd.
“Mahal ka daw po niya, sobrang mahal ka niya. Nakayakap po si Lloyd sa inyo. Gusto po niyang ituloy niyo ang buhay niyo kahit wala na siya. Gusto niyang maging masaya ang Mommy at Daddy niya,” sabi ko sa kaniya. Mahinang ngumiti si Lloyd sa akin at nakita ko siyang unti-unting nagiging invisible.
“Thank you Ate Ericka, kailangan ko na yatang umalis,” sabi niya sa akin. Yinakap niya muli ang Mama niya at hinalikan ito sa pisngi.
“Babay Mommy, magiging okay ka na, I promise po,” sabi niya at tumingin siya sa akin.
“Kailangan na pong umalis ni Lloyd Ma'am, pag-alis niya daw dapat mag start over kayo.Pangako niya na magiging okay na daw po kayo,” sabi ko sa nanay niya at tuluyan ng naglaho si Lloyd.Agad siyang niyakap ng asawa niya at nag-iyakan sila. Niyakap nila ang lumang litrato ni Lloyd at nagpasalamat sila sa akin. Mahina akong ngumiti at umalis na ng bahay nila.
“Case number 1, solved~!” sabi ni Zenrick pero dinedma ko siya.
“Nasaan na kaya si Lloyd?” tanong niya sa akin.”Siguro nasa heaven na siya, kasi nakita na niya yung Mom niya,” sagot ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga, mamimiss ko si Lloyd nito.
“Baka pwedeng ako naman yung case number 2.” Nakakaakit n’yang bulong sa akin. Oo, nakakaakit talaga ang bulong n’ya sa akin at saka niya ako hinarang. Lumebel siya sa akin at nakaramdam ako ng goosebumps dahil sa mga titig niya.
“Nakikita mo ako, alam ko kaya wag mo na akong dedmahin. Sige ka tatakutin kita. Rawr!” panakot niya sa akin diniretso ko ang paglalakad ko, nadaanan ko pa nga ang kaluluwa niya e. Akala n’ya ha? Kahit attractive siya hindi ako magpapauto. Pero minsan lang ako makakita ng gwapong multo at isa s’ya sa may pinaka mayro’ng itsura sa lahat.
“Sige na, Ericka! Please naman kausapin mo na ako. Mananahimik lang ang kaluluwa ko kung kakausapin mo ko,” sabi niya muli sa akin pero dinedma ko ulit siya.
“I never begged for any girls' attention, ikaw lang ang ganito.” Sabi niya muli sa akin.That’s because I am the only one who can see you. Kung buhay ka, will you beg like this? And why the hell am I thinking this way?!
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at nagulat ako ng may tumamang paa sa noo ko.Tumingin ako sa taas ng puno at isang babaeng nakabigti ang nakita. “Aaahhh!” napasigaw ako at napaatras sa nakita ko.
“Tulungan mo ko….” sabi nung babaeng nakabigti sa akin.
Kulay puti ang damit niya at duguan ito, nakasuot siya ng belong pangkasal at may dugo dugo sa kaniyang leeg.Biglang nalaglag ang katawan niya sa lupa at pagapang siyang lumapit sa akin.
“Tulungan mo ko,” pakiusap niya muli sa akin at napaatras ako.
“Wag kang lalapit,” sabi ko sa kaniya.
“Halika na!” sabi ni Zenrick sa akin at nilahad niya ang kamay niya pero hindi ko kinuha iyon, masyado akong takot sa nakikita kong babae na duguan. Pakiramdam ko papasukin niya ang katawan ko, hinawakan ni Zenrick ang kamay ko at hinila niya ako paalis sa tapat ng punong iyon.
Noong mga oras na hila hila niya ako, parang nawala lahat ng mga entities na dinededma ko sa paligid. Siya na lang ang natira, tumatakbo kaming dalawa na parang kaming dalawa lang ang nilalang sa mundo nagulat na lang ako ng nasa eskinita kaming dalawa.
“Nawala na ba?” tanong niya sa akin habang nasa harap ko siya nakatingin lang ako sa kaniya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit masyado akong nalulunod sa kaniya?
“Ako lang yata yung multong lagi mong tinititigan ha?” tanong niya sa akin.
“Hindi ah, nagulat lang ako kasi hinila mo ako.” Sagot ko sa kaniya at saka ko siya tinawanan.
“Talaga ba?” tanong niya sa akin at inangat niya ang kamay ko. Tumingin siya doon at biglaang nagkunot ang noo n’ya.
“What the…” bulong n’ya at saka binalik ang tingin niya sa akin.
“Saan galing tong kwintas na hawak mo?” tanong niya sa akin at nakita kong may hawak na ako sobrang lumang kwintas.
“Hindi ko alam, kanina siguro noing natumba ako sa gulat, baka nakuha ko sa lupa. Hindi ko alam,” sagot ko sa kaniya.
“Andrea,” iyon ang nakalagay na pendant sa kwintas.
“Tulungan mo na ako please,” narinig ko na naman ang boses ng babaeng iyon. Napatingin din si Zenrick sa paligid.
“Pinatay niya ako…” bulong muli nito tumingin ako sa itaas at nakita ko ang babaeng nakalutang sa hangin, umiiyak ito nang dugo.
“Tulungan mo ko, niloloko niya ang lahat,” sabi niya sa akin habang palutang lutang siya. “Pinatay niya ako matapos ko s’yang mahalin! Pinatay niya ako!”
“I think may case number 2 na tayo Ericka,” sabi niya sa akin.
“Anong case number 2?! Mag-isa ka diyan!” sigaw ko sa kaniya at saka ako nagmartsa paalis pero hinarang ako ng multo na iyon.
“Please?” pakiusap muli nito sa akin at pinakita niya ang mukha niya na hindi nakakatakot. Isang magandang dalaga na na nakasuot ng wedding gown, napakaamo ng mukha niya.
“Tulungan mo ko, maling tao ang nakulong nila. Iba ang pumatay sa akin, mali ang pinagkatiwalaan nila.” Sabi niya sa akin at hinawakan niya ang noo ko.
Nakita ko ang isang binatang nakasuot ng barong na pang kasal kasama din ang isa pang binata.Nakatingin sila sa patay niyang katawan na para bang tuliro ito agad akong bumalik sa ulirat ko.
“Pakiusap, tulungan mo ko,” sabi niya muli sa akin.
“Sorry pero hindi ako pwedeng tumulong sa mga multo. Masyadong mahirap, hindi kaya ng powers ko.” sabi ko sa kaniya.
“Pero ikaw lang ang may kaya. Ikaw lang nakakakita sa akin sa punong 'yon,” sagot naman niya sa akin.
“You know what, Ms. Andrea. Ako na ang bahala na kumausap sa kaniya at tutulungan ka namin, hahanapin namin ang pumatay sayo,” sabi niya sa multong babae. Sinamaan ko siya ng tingin pero ningitian lang niya ako.
“Adventure case number 2 will now open!” bulalas niya sa akin.
***
“26 YEAR old girl, found dead at Mabuhay Lane. Some said it's suicide but investigation results to foul murder. The Victim Andrea Del Torre was supposed to get married on the day that she was murdered, but she didn't attend the wedding ceremony. Instead she was found dead the day after the supposed wedding.”
Pagbasa sa akin ni Zenrick, nakaupo siya sa computer room ko tapos sa kama ko naman nandoon yung duguang babae na naghihintay na parang ewan. Hindi ko tuloy alam kung saan lulugar, multo everywhere ang peg nila.
“Tama iyan, pinatay ako gabi ng kasal ko.” Sabi ni Andrea yung multo at nagsimula na siyang umiyak ng sobra. Dugo agad ang iniluha niya, ang creepy tingnan kaya napaiwas ako ng tingin.
“Pinatay ka halos 18 years ago. Matagal na rin pala, paano ka ba namatay?” tanong ko sa kaniya. “Nakita ko ang bestfriend ko at ang magiging asawa ko na naghahahalikan bago ang kasal namin,” Saad niya sa akin, aray naman kahit pala nung 19 kopong kopong talamak na ang ahas.
Never palang naluluma ang ahas noon pati bestfriend mo ahas.
Uso na rin pala ang Bessss noon.
“Tapos patay na ako, nabigla na lang ako na patay na ako,” pagkwento niya sa akin.”Nangyayari pala iyan sa totong buhay. Akala ko teleserye lang,” sabi ko sa kaniya at umupo ako sa bakanteng upuan.
“Oo nga eh, parang pagdating ko sa buhay mo akala ko teleserye lang din 'yon,” sabi ni Zenrick sa akin at kumindat pa siya, inirapan ko ulit siya.
“Grabe ka naman, kinakausap mo na ulit ako kanina eh,” sabi niya sa akin.
“Wag kang mag-aalala Andrea, tutulungan kita pero wag mong itsismis sa ibang multo na tumutulong ako ha? Baka kasi maulit na naman 'to, lagot ako,” sabi ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin.“
“Salamat Ericka, maraming salamat,” saad niya sa akin at naglaho muna siya. Naiwan kami ni Zenrick sa kwarto.
'Hindi ka ba aalis? Umalis ka na rin kaya. Try mo sumama sa kaniya, baka makakita ka ng friends na bagay sa’yo.” Pagtataboy ko sa kaniya.
“Ayoko nga, dito lang ako hanggang hindi pa tayo bati,” sabi niya sa akin.
“Bahala ka na,” sumbat ko. Naglakad ako palabas ng kwarto pero may naapakan akong balat ng saging na nakakalat sa bahay. Bakit may balat ng saging dito?
“Ah--” natigilan ako ng nasambot niya ako.“Isa pang aksidente mo at nasalo ulit kita, iisipin kong pinagtagpo na tayo,” sabi niya sa akin.
“Ulol, patay ka na. Wag ka ng umasa sa destiny, dapat sayo nasa loob ng kabaong nabubulok.” sagot ko naman sa kaniya at tumawa lang siya sa akin.
“Awww! That hurts!” And he disappeared.