Halos isang linggo din silang nanatili sa hospital para sa therapy niya bago sila payagan na umuwi ng bahay. “Bakit ang tahimik mo? Hindi ka ba masaya makikita mo na ang kambal?” Napilitan na ngumiti si Gael sa kanya. Ang totoo simula nang sabihin sa kanya ni Kendric ang tungkol sa pagiging mag-asawa nila ay wala siyang naramdaman na kahit na ano. May pagdududa siya sa mga sinasabi nito. Ngunit ayaw naman niyang itanong dito ang mga bagay na gusto niyang malaman. Dahil wala pa siyang maalala. “I’m sorry Kendric.” Nakayukong sagot nito sa kanya. Kinuha ni Kendric ang kamay niya at ipinatong sa kanyang hita. “Don’t worry, naintindihan naman kita. Ang mahalaga magaling ka na at masisilayan mo na rin ang mga bata. Namimiss ka na nila Gael.” Nakangiting sabi nito sa kanya. Napakaamo ng