“Kumusta na siya?” Tanong ni Kendric kay nurse Jen na siyang nagbabantay dito tuwing wala siya. Kararating lang din niya dahil nagpunta siya sa sites kung saan itatayo ang branch ng hospital nila sa Switzerland. Dito kasi niya nais na mag-aral ang kambal kapag lumaki na ito kaya gusto niyang mag-stay for good. “Normal naman lahat Doc Kendric. Katatapos lang din na palitan siya ng damit.” Halos isang linggo palang ang nakakalipas nang umuwi sila dito at wala pa ring pagbabago sa kalagayan nito. Paminsan-minsa ay binabasahan niya ito ng libro at minsan naman ay pinapakinig niya ito ng music. Gusto niya nang magising ito. Upang mapasalamatan at upang makabalik na rin ito sa kanyang pamilya. Iisipin pa lang niyang ibabalik niya ito ay parang tutol na agad ang kanyang isip. Paano ba naman