Chapter 4

1069 Words
3 years later… Third person's POV Dahil sa paglaganap ng mga kasamaan sa bansa isa lang ang naging tugon ng gobyerno ang magtatag ng isang sekretong organization na tutulong sa mga awtoridad upang mapuksa ang laganap na kremin at illegal na gawain. Ang organization na ito ay tinawag na TAJSO o (Trial and justice secret organization) na layuning puksain ang mga taong nasa likod ng mga illegal na gawain na hindi napaparusahan ng batas dahil sa mataas na impluwensya nito sa lipunan. Nagagawa nilang manipulahin maski ang may mataas na posisyon sa gobyerno para sa sariling kapakanan at tinatapalan lang ng salapi ang kanilang mga kasalan. Kaya nagpasya ang TAJSO na sila mismo ang hahatol sa mga taong involved sa mga illegal na gawain at sumisira sa inosenteng buhay at lumalabag sa batas ng gobyerno. At para maging matagumpay ang organization sa kanilang layunin ay isa si Nara sa nabigyan ng pulang sobre kung saan iniimbitahan siya ng TAJSO upang maging assassin ng organization. Hindi siya nagdalawang isip na tangapin ang imbitasyon dahil gaya ng kanyang mga magulang na kasapi din sa dating secret organization ay nais din niyang tumulong sa pagsugpo ng kremin sa bansa. Lumaki silang mulat sa pakikipaglaban dahil sa kanilang mga magulang maaga din siyang humawak ng armas at nagsanay kasama ang kanyang mga kakambal na sina Keyla at Isaiah. Ipinanganak silang fraternal triplet’s kaya magkaiba ang kanilang physical features. Pero iisa ang nais nilang gawin. Ang maging kagaya o higitan pa sa pakikipaglaban ang kanilang nag-retiro ng mga magulang na sina Brian at Alixane na mas piniling mabuhay na lamang ng tahimik sa isang farm. Sa loob ng tatlong buwan ay nanatili sila sa isang isla upang magsanay. Kasama ang labin-limang individual. At hindi inasahan ni Nara na bukod sa kanyang kakambal na si Keyla ay naimbitahan din sa organization ang identical twins na sina Luna at Sol ang anak ng kaibigan ng kanyang mga magulang. At makakasama din pala nila si Riya na nakilala nila sa universidad na ngayon ay isa ng police. Halos limang taon din silang hindi nagkita-kita ng magkakasama dahil sa magkakaiba nilang pinagkaka-abalahan sa buhay ngunit nanatili ang pagiging magkakaibigan nilang lahat. At mas pinagtibay pa ito dahil silang lima ay nabibilang na sa isang organization na kung saan iisa ang kanilang ipinaglalaban. Pagkatapos ng tatlong buwan na pagsasanay ay binigyan sila ng kani-kanilang misyon at nagawa nila itong mapagtagumpayan. Isang taon din ang lumipas nang makatangap si Nara ng pulang sobre. Binasa niya ang nilalaman ng panibago niyang mission. Naging matagumpay ang mga hinawakan niyang kaso kaya mas delikado na ang ibinibigay ni Mr. X sa kanyang mission. Kaagad siyang pumunta sa headquarters upang malaman ang lahat ng impormasyon na kakailanganin niya. Sakay ay isang pribadong chopper ay agad siyang nagtungo sa headquarters ng TAJSO. Pagkababa niya ng chopper ay nagpasalamat siya sa piloto na sumundo sa kanya at agad din siyang tumuloy sa opisina nito. “Hi, Mr. X” Bati niya dito nang pagbuksan siyan nito ng pintuan. “Mabuti naman nandito ka na kanina ka pa namin inaantay.” Nilakihan ni Mr. X ang pinto at nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa sofa. At nakilala niya ito nang humarap ito sa kanya. “Val?” Tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya. “Hi, kumusta?” Bati nito sa kanya. Tinangap niya ang pagkikipagkamay nito. At ngumiti din siya dito. Ang huling pagkikita nilang dalawa ay noong libing pa ni Kara. Kasama nila ito sa tatlong buwan na pagsasanay ng TAJSO. “Mabuti naman naalala mo pa ako. Kumusta si Keyla?” Tanong niya sa akin. “She’s okay.” Nakangiting sagot niya dito. “Mamaya na kayo mag-usap, kailangan niyo ng umalis as soon as possible.” Naupo silang magkatabi sa sofa. At nasa harapan nila si Mr. X upang ipaliwanag sa kanila ang mission. “He is Alessio Martin, isang European na pabalik-balik sa ating bansa dahil sa mga illegal niyang negosyo dito. Huli siyang bumisita sa bansa noong nakaraang taon upang makipagkita sa isang drug lord na si Naokimoto. Upang magbenta ng mga liquid s*x drugs sa bansa at I-distribute sa mga bigating establishment na pagmamay-ari ng mga drugs dealer. Nagkaroon kami ng information na may malaking shipments ng drugs by sea. Kaya mahigpit naming binabantayan ang pwedeng dadaungan ng mga illegal na shipments na ipapasok sa bansa. Malawak ang impluwesya niya dito sa atin dahil marami siyang mga galamay. At mahirap I-trace yun kaya maguumpisa tayo sa ugat nito.” Paliwanag ni Mr. X sa kanilang dalawa. “You mean ang trabaho namin ay patayin si Alessio?” Tumingin si Mr. X kay Nara. “Mahigpit ang bantay ni Alessio lalo na kapag nasa Europe siya. At kung dito naman sa bansa natin. Baka sa susunod na taon pa siya bumalik dito. Nang dahil sa illegal niyang mga negosyo maraming kabataan ang nasisira ang buhay.” Binuksan ni Mr. X ang projector at pinatay ang maliwanag na ilaw. Bumungad kila Nara at Val ang mga larawan ng mga babaeng wala ng buhay. “Dahil sa pagamit ng kabataan ng s*x drugs karamihan sa kanila ay ginagahasa, namamatay at pinapatay. May iba din sa kanilang ginagawang libangan ng mga taong hayok sa laman. At may iba din sa kanilang hindi nakakayanan ang dosage ng gamot na yun kaya nagkakaroon ng health risk sa nagtatake nito. Ang lalaking utak ng lahat ng ito ay dapat lang na hindi na padaanin sa kulungan. Dahil sigurado akong gamit ang kanyang salapi ay makakalaya din siya at makakabalik sa kanilang bansa.” Dagdag pa ni Mr. X sa kanila. Napakuyom si Nara nang makita ang kalunos-lunos na mga larawan ng babae. “Kailan kami aalis? At saan namin siya makikita?” Seryosong tanong niya habang nakatingin sa larawan ng lalaking dapat nilang tapusin. “Napag-alaman namin na sasakay siya sa cruise ship na Costa Luminosa. Upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan tatlong araw mula ngayon ay dadaong ang Costa Luminosa sa Dubai. Kaya doon kayo sasakay ni Val. Nahanda ko na ang gagamitin niyong fake passport and identity bago umalis ang Costa Luminosa sa Dubai dapat ay natapos niyo na ang mission.” Paalala ni Mr. X sa kanila. Pagkatapos nilang pakingan ang iba pang importanteng bilin nito ay kaagad na rin nilang kinuha ang mga papeles na kakailanganin nila patungong Dubai. At doon na sila sasakay sa cruise ship upang tapusin ang buhay ni Alessio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD