“Anak, mag-iingat ka.” Paalala ng kanyang ama kay Nara. Alam kasi ng mga ito na delikado ang naging mission ni Nara at kinailangan pa niyang magpunta sa Dubai para sa tapusin ang isang masamang tao.
Ngumiti si Nara at sabay na niyakap ang kanyang ina at ama.
“Don’t worry Dad and Mom, kaya ko po ito pagbalik ko mag-out of town naman tayo para makapag-relax after my mission. Tawagan niyo na rin po si Keyla at Isaiah namimiss ko na ang mga pamangkin ko.” Paalam ni Nara sa kanila. Hinatid siya ng mga ito ito sa gate dahil nandoon na ang private vehicle na sundo nila ni Val.
“Tatawagan ko po kayo kapag natapos ko na ang mission.”
Kumaway siya sa kanila at kinuha naman ni Val ang bag na dala niya upang ilagay sa compartment ng kotse. Bumati din si Val sa kanyang mga magulang dahil kilala niya ang ama nito na si Brian. Madalas kasi ito sa headquarters noon upang dalawin ang kambal.
“Mabuti naman hindi nag-alala sa’yo ang mga magulang mo?” Usisa ni Val ng makasakay na sila sa kotse na sumundo sa kanila.
“Nag-alala pero tiwala naman sila sa kakayanan ko kaya nila ako isinali sa TAJSO. At isa pa, marami na rin akong pinasok na delikadong mission nakita mo rin naman noon kung paano tayo nagsanay. Bakit? Duda ka ba sa kakayahan ng partner mo dahil isa akong babae?” Tanong niya na ikinailing ni Val.
“Duda? Imposible yan, sa lahat ng batch ko na nagsanay kayong lima lang ang hindi ko nakitaan ng pagsuko. At marami din akong narinig tungkol kay Mr. X sa mga hinawakan niyong mission ni Keyla bago pa kayo maging member ng TAJSO.” Sagot niya dito.
“Yun naman pala eh, ang mabuti pa magplano na tayo kung paano natin tatapusin ang buhay ni Alessio. May ilang oras lang ang pagdaong ng Costa Luminosa sa port ng Dubai. At kapag hindi natin siya napatay sa itinakdang oras baka mapasama tayo sa pag-alis ng cruise ship. Mabuti na lamang may green card tayo. Madali tayong makakapasok doon gamit ito.”
Ibinigay niya kay Val ang isang piraso ng card na katulad ng card na binibigay sa mga pasahero ng cruise ship kapag dumadaong ito sa port upang makapamasyal ang mga pasahero sa landmark ng lugar na dinadaungan nito.
“Galing ito kay Dad, kayang kopyahin ng green card na ito ang last na nag-swipe sa machine without adding passenger numbers. Kaya hindi tayo magkakaroon ng record doon at paniguradong matatagalan silang malaman ang imbestigasyon dahil sa dami ng tao na naroon.” Paliwanag niya kay Val na ikinagulat nito.
“You mean makakapasok tayo gamit ang fake green card na ito?”
Tumango si Nara sa kanya. At isinilid ang green card papasok sa kanyang maliit na body bag.
“Ngunit kailangan parin nating mag-ingat. Imposibleng walang magagaling na tauhan si Alessio na kasama sa cruise ship.” Seryosong paalala ni Nara sa kanya.
“I know, don’t worry kahit naman baguhan lang ako marami na rin akong karanasan sa harapang laban. Hindi ako magiging pabigat sa’yo.”
“Hindi yan ang gusto kong marinig Val. Ang gusto ko makauwi tayo ng buhay. Dahil may nag-iintay sa ating pamilya. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin diba?”
“Oo naman!”
“Good, mabuti pa magpahinga muna tayo dahil malayo pa ang magiging byahe natin. At sa Dubai na tayo mag-usap tungkol sa plano.” Wika niya na sinang-ayunan nito.
Bago sila tumuntong sa airport ay naglagay muna siya ng hijab sa ulo dahil yun ang nasa fake passport niya. At ganun din si Val pareho silang naka-muslim attire upang hindi sila makilala.
Pagpasok nila ay patay malisya lang sila upang hindi sila mahalata.
Nakahinga lang sila ng maluwag nang makarating na sila sa eroplano. Halos sampung oras din ang naging byahe nila bago lumapag sa Dubai UAE ang airplane nila. Naghanap muna sila ng matutuluyang hotel upang maghanda.
“Sigurado ka okay lang sa’yo na sa isang room lang tayo?” Nag-aalangan na tanong ni Val nang sabihin ni Nara sa front desk na isang room lang ang kukuhanin nila. Napabaling ang tingin niya dito at nginitian niya ito bago makahulugang binantaan ng tingin.
Nakuha naman kaagad ni Val ang ibig nitong sabihin. Kaya tumahimik na lamang siya.
Binigyan sila ng mamahaling kwarto dahil isa’t kalahating araw sila na kailangang manatili sa Hotel bago magtungo sa Jebel Ali port kung saan dadaong ang cruise ship.
“Paano tayo magpa-plano kung magkahiwalay tayo ng kuwarto? At isa pa wag kang mag-alala hindi kita type at subukan mo lang din na manyakin ako may paglalagyan ka sa akin.” Banta niya na ikinatawa nito.
“Manyakin ka diyan, hindi rin kaya kita type.” Natatawang sabi ni Val sa kanya.
“Okay, that’s good. Malaki naman itong kuwarto at malaki naman ang sofa kaya doon ka na matulog mamayang gabi. Lalabas lang ako para suminghap ng hangin dito.” Paalam sa kanya ni Nara nang maibaba na niya ang kanyang mga gamit.
“What? Iiwan mo ako dito? Akala ko ba pag-uusapan natin yung mission?” Kunot noong tanong niya dito.
“Ano kaba? Kakarating lang natin sa mahabang byahe. Maghahanap ako ng restaurant na puwedeng makabili ng Pilipino food para mamaya sa dinner natin. Kung gusto mong gumala okay lang basta mamaya bumalik ka din dito bago mag-alas sais okay?”
Napilitang tumango si Val sa kanya at hinayaan na siya nitong lumabas ng hotel sakay ang kotse na pinahiram sa kanila ng connected sa TAJSO ay nagawa niyang makapag-ikot sa City. Para ma-familiarize din siya sa lugar in case na kailanganin nilang tumakas at hindi magtagumpay ang plano.
May nakita siyang restaurant na Philippine cuisine kaya doon napunta ang kanyang attensyon. Pagkaparada pa lamang niya sa harapan ng kanyang kotse ay natanaw niya ang isang toddler na humiwalay ng hawak sa babaeng nakatayo at may karga ding bata.
Nagmadali siyang bumaba at tinakbo ang batang babaeng patungo na sa kalsada upang kunin ang pink na bola nito.
“s**t!”
Mas binilisan ni Nara ang pagtakbo nang may matanaw siyang van na mabilis ang takbo at patungo na sa bata. Sa bilis ng pangyayari ay nagawa niyang buhatin ang bata at hinawakan niya ang ulo nito dahil nawalan siya ng balanse at nagpagulong-gulong sila sa gilid ng kalsada. Umalingaw-ngaw naman ang malakas na busina ng van pero hindi na nito kinaya pang mag-preno.
“Celine!” Narinig niyang sigaw ng isang lalaki at nagmadali itong lumapit sa kanila.
Napangiwi si Nara nang maramdaman ang sugat sa kanyang siko at binti. Pero mas inalala niya ang batang iniligtas niya kung nagkaroon ba ito ng galos.
“Are you okay baby?” Nag-aalalang tanong niya dito. Hindi man lang niya nakitaan ng takot ang baby at ngumiti pa ito sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag dahil alam niyang hindi nasaktan ang bata. Nagulat si Nara nang biglang kunin ang bata sa kanya at sinuri pagkatapos ay niyakap ito ng isang lalaki.
“Oh my god!” Nag-alalang sambit nito. Pinilit ni Nara na tumayo.
“M-Maraming salamat po sa inyo… kung hindi dahil sa inyo… baka kung napaano na ang alaga ko…” Humihikbing sabi ng babaeng may buhat pa na isang bata. Saka lang napansin ni Nara ang pagkakamukha ng dalawang bata.
“Okay lang pero sa susunod sana mag-ingat na kayo.” Wika niya dito bago siya tumalikod ngunit may pumigil sa kanyang braso kaya napalingon siya dito.
“Thank you, niligtas mo ang anak—”
Napatigil sa pagsasalita ang lalaki nang makita niya ang buong mukha ng babae.
“Wala yun, ginagawa ko lang ang magagawa ko. Pero sa susunod sana doublehin niyo ang pag-iingat lalo pa nasa high way kayo.” Sagot niya dito pero sa sugat na niya natuon ang kanyang atensyon. Dahil nasira pa ang kanyang long sleeve kaya kinailangan niyang bumalik sa hotel.
“Sigurado ka bang okay ka lang? Malapit lang ang clinic ko dito.” Alok niya pero tinangihan siya ni Nara at kaagad siyang nagpaalam. Habang sumasakay si Nara sa kotse ay hindi inalis ng lalaki ang kanyang paningin dito.
“Totoo ngang maliit ang mundo Nara Mendoza. Kung kailan tumigil na ako sa pagpahanap sa’yo saka pa kita nakita. Sa pangalawang pagkakataon nagawa mong iligtas ang buhay ng anak ko.” Sambit ni Kendric habang tinatanaw ang papalayong kotse ni Nara.