Chapter 3

2243 Words
NARA “At bakit naman dito mo ako dinala? Don’t tell me sawa ka ng maging single kaya manghahanap tayo ng boylet natin dito?” Maarteng tanong ng kakambal kong si Keyla. Kakaparada ko pa lamang ng kotse ko dito sa tapat ng resto-bar kung saan kami nagkakilala ni Xandro. Naisipan ko lang naman na dalhin siya dito dahil katatapos lang ng naging mission namin at nagbabakasakali na rin ako na baka nandito si Xandro upang maipakilala ko na rin siya kay Keyla. “Titikim lang tayo ng alak, hindi ko sinabing maghahanap tayo ng jowa dito.” Litanya ko sa kanya at kaagad na rin akong bumaba mula sa driver seat. “Hoy! Intay!” Tawag niya sa akin nang magpatuloy ako sa paglakad papasok. Napalingon ako sa kanya at kumunot ang noo ko habang tinitignan siyang lumakad papalapit sa akin. “Wala ka na bang ibang damit? Sa suot mong yan parang nang-iimbita ka ng mga bastos para bastusin ka eh.” Saway ko sa kanya. Hinila niya pa ang miniskirt na suot niya na kaunting tuwad lang ay kita na ang perlas ng silangan niya. “Haist! Malay ko bang dito mo ako dadalhin!” Nakangusong sabi niya sa akin. Magkaiba talaga kaming dalawa. Kung siya ay confident na ipangalandakan ang ganda niya ako naman ay medyo conservative pagdating sa pananamit. At hindi rin ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Hindi naman ako tomboy, mas gusto ko pang ilarawan ang aking sarili na simple pero maganda at higit sa lahat kaya kong lumaban at protektahan ang aking sarili. Well kaya din naman ni Keyla. Yun nga lang dahil sa over revealing niyang mga outfit mas maraming mga lalaki ang napapatingin sa kanya. At hindi lang yun, sa university na pinagalingan namin lagi siyang bida dahil sa kung paano niya ipangalandakan ang kanyang magandang mukha at katawan niya. Pero kahit ganun siya never siyang tumikim ng lalaki. Kahit kaliwa’t-kanan ang mga lalaking nagkakagusto sa kanya noong nag-aaral pa kami. Kung meron man kaming pinagkakasunduan na dalawa yun ay ang pagsasanay ng seryoso sa pakikipaglaban. Ang aming mga magulang ay mula sa mga secret underground forces. Kaya napili naming sumunod sa yapak nila dahil yun ang namulatan namin nila Keyla at Isaiah. At ngayon nabibilang na kami sa mga magagaling na assassin katulad nila Luna at Sol malakas ang kutob ko na kukunin sila ng bagong organization na itatayo nila Tito Raul. Pagpasok namin sa loob ng resto-bar ay kakunti pa lamang ang tao. Dumerecho kami sa gilid kung nasaan ang bartender na experto sa pagmi-mixed ng mga alak at naupo kami sa mataas na silya. “Hi, Ladies! Mas maganda pa kayo sa evening.” Pambobola sa amin ng lalaking bartender. “Thank you, can you give us your bitter ladies drinks.” Si Keyla ang sumagot. Habang iginagala ko naman ang mata ko sa paligid. Narinig ko pa ang magalang na sagot ng bartender pero wala doon ang isip ko kundi sa lalaking nakilala ko noong nakaraang linggo. “Two negroni for two beautiful ladies.” Nakangiting sabi niya sa amin sabay lapag ng dalawang basong inumin. Kaagad na tinikman ni Keyla ang alak at nakita kong satisfy naman siya sa lasa nito kaya tumikim na rin ako. Sakto lang ang pait at may nalalasahan akong orange feel sa after taste. “Kanina ka pa palinga-linga. May hinahanap kaba?” Nagtatakang tanong sa akin ni Keyla. “Wala naman.” Tipid na sagot ko sa kanya sabay simsim ng alak sa baso. Maya-maya pa ay dumami na rin ang mga pumapasok. “Pogi, palagi bang puno ang resto-bar na ito?” Usisa ni Keyla sa bartender. “Yes ma’am, Lalo na po kung nandito yung mga big boss.” Sagot niya sa amin habang naglilinis ng mga bote na nilalagay sa likuran niya upang i-display. “Big bosses?” Usal ko. “Yes po, yung may-ari ng resto bar na ito at mga kaibigan niya. Madalas kasi silang nagtitipon dito kaya maraming mga napunta dito kapag araw ng byernes. Lalo na po ang mga babae upang makita lang sila.” “Why? Mga guwapo ba sila?” Nakataas ang kilay na tanong ni Keyla. “Hindi lang mga guwapo, kundi mayayamang billionaryo pa! At single silang lima.” Pagmamayabang pa niya sa amin. Na-curios tuloy ako na baka kilala ko din sila. “Wait, diba friday ngayon?” Napatingin ako kay Keyla nang sabihin niya yun at sabay kaming napadako ang tingin sa pinto. Kung saan kami pumasok kanina. “Andiyan na pala sila eh!” Narinig kong sabi ng bartender. Nakita namin ni Keyla ang pagpasok ng limang lalaking nag-uumapaw sa ka-guwapuhan. Nakasuot sila ng business suit Hiondat mas nakaagaw ng atensyon ko si Xandro. Dahil siya lang naman ang nasa unahan nilang lima. Nakangiti pa itong binabati ang mga staff ng resto-bar. “So, yung tinutukoy pala ni Pogi ay yung mga elite bachelors na sikat na sikat sa Asia. Laman ng mga business portal, internet at malalaking billboard sa edsa.” Napatingin ako kay Keyla nang marinig ko yun sa kanya. Namumukhaan ko ang iba sa kanila dahil nakikita ko sila sa internet. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko silang muli dito. “Sis mukhang may kilala ka ng isa sa kanila dahil papalapit na sila sa atin.” Wika ni Keyla kaya napatingin akong muli sa kanila. “Nandito ka ba for me?” Nakangiting tanong ni Xandro. “Kaya naman pala nawiwili ka dito sa resto-bar mo dahil may nag-aantay sayong magandang dilag dito.” Nakangising wika ng kanyang kasama na kilala ko bilang CEO ng Villegas Corporation. “Nandito ako para mag-unwind hindi para sa’yo.” Sagot ko sa kanya. “Sissy, masyado ka naman mataray.” Pumihit si Keyla at bumaba sa upuan niya. “Hi, ako nga pala si Keyla her twin sister. So I guess ikaw ang kinu-kuwento ng kapatid kong si Mr. Hot Cheffy?” “Hot cheffy?” Ulit ko sa sinabi niya. Wala akong maalalang yun ang sinabi ko. Ang sabi ko lang chef na malakas ang dating. Tinaasan ko siya ng kilay dahil baka kung ano na pa ang idagdag niya pero kinindatan lang niya ako. “I mean— chef ng resto-bar na ito.” Pagtatama niya pero halatang humaba na ang ngiti ni Xandro sa harapan namin. “Twin sister?” Ulit ni Xandro. “Hindi sila identical but they’re both gorgeous.” Nakangiting sabi ng isang lalaki sa likuran niya na kilala kong anak ng may-ari ng Ramirez Empire. “Xandro, hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa kanila?” Sabat naman ni Bernard Villegas. “Nice to meet niyo Miss Keyla and I’m glad that you’re here Miss Nara. I’d like you to meet my best friends. Bernard, Inigo, Rafael and Fernan.” Pakilala niya sa amin. Nakipagkamay silang lahat sa amin ni Keyla at tipid na ngiti lang ang naging tugon ko pero si Keyla malapad ang kanyang ngiti sa lima. “Can I invite both of you on our VIP seats?” Tanong ni Xandro habang nakatingin sa akin. “Of course! Let’s go!” Bulalas ni Keyla na ikinagulat ko. “Let’s go?” Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinangap ko naman yun para alalayan akong bumaba. Sa isang malawak na VIP seat kami naupo malaki ang glass na table. At malambot ang sofa. Halos walang nadaan dahil nasa sulok kami ng resto-bar. Magkatabi kami ni Keyla at nasa kabilang side ko si Xandro nasa kabilang side naman ni Keyla si Bernard at nasa harap namin ang tatlo. “Wala ba kayong mga girlfriend? I mean— baka may magalit kapag nakita nila kaming naka-upo dito. Pansin ko kasi sa mga tingin ng mga babae kanina parang gusto na nila kaming lamunin ng buhay sa talas ng tingin nila sa amin.” Wika ni Keyla na ikinatawa nila. Akala ko ako lang ang nakapansin kahit pala abala siya sa kakatingin sa nagu-guwapuhang bachelors sa harapan namin ay nakamasid pa rin siya sa paligid. “Don’t worry wala kami noon we’re all singles. How about you both?” Si Xandro ang sumagot. Imposible naman na wala silang mga girlfriends sa itsura ba naman nila. “Single kami pareho.” Tipid na sagot ko na ikinangiti niya. Sa kanilang lima tanging si Rafael at Fernan lamang ang tahimik. Samantalang si Bernard halatang gustong makipaglandian kay Keyla. Si Inigo at Xandro naman ang tanging approachable sa kanila means hindi sila nakaka-intimidate kausapin. Nabaling ang atensyon ko sa magandang babae na papalapit sa dereksyon namin. Suot ang makapal na make-up at hapit na hapit ang katawan. “So, kaya pala ayaw mong makipag-kita sa akin dahil may panibago ka na namang kalandian dito.” Nakataas ang kilay na sabi niya habang nakatingin kay Bernard. “Alona? What are you doing here?” Kunot noo na tanong ni Bernard sa kanya. “Ipagpapalit mo lang ako sa cheap na babae pa? Why? Mas magaling ba siya sa kin?!” Singhal niya at matalim ang mga matang ipinukol kay Keyla. Wish ko lang na mapigilan siya ni Bernard bago pa hanginin ang utak ng kapatid ko dahil kung hindi baka may paglagyan siya. “Are you referring to me?” Nakataas ang kilay na tanong ni Keyla. Tumayo si Bernard upang mamagitan sa kanila. “Yes, I’m referring to you. Why? May angal ka?!” Matapang na singhal niya sa kapatid ko. Inubos ko ang laman ng basong hawak ko. “Let’s go sissy.” Awat ko kay Keyla dahil maiksi lang ang kanyang pasensya at baka mapaaway pa siya dito. “Sissy? So, magkapatid na higad pala ang nandito at nangangarap na makabingwit ng billionaryo!” Mula kay Keyla ay lumipat ang matalim na tingin ko sa babaeng kanina pa matalas ang dila. Akmang lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ni Xandro. Hinarap naman ni Bernard ang nakakapikon na babae. “Hindi mo kailangan na magalit dahil wala naman tayong relasyon.” Litanya ni Bernard na ikinailing ng kapatid ko. “Wala tayong relasyon? How dare you!” Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Bernard na ikinapaling ng mukha nito. “We had s*x Bernard tapos sasabihin mo wala tayong relasyon?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Wala naman pala kayong relasyon kung maka-over react ka parang inagawan ka ng boyfriend.” Nakangising sabi ni Keyla. Malutong na minura siya ni Alona. “Kung ako sa’yo aalis na ako.” Banta ko sa kanya. “Bakit? Hindi ako natatakot sa inyo kahit magsama pa kayong dalawang mga higad kayo!” Malakas na singhal niya habang namumula ang kanyang mukha sa galit sa amin. “Stop it!” Saway ni Bernard sa kanya. Akmang pipigilan ko si Keyla ngunit huli na…nahawi na niya si Bernard at sa isang iglap ay sumubsub ang mukha ni Alona sa sahig sa malakas na pagkakasampal niya dito. Nagulat silang lahat sa ginawa ng kapatid ko at maski ako ay nagulat dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. “Kung magtatapang-tapangan ka, make sure na may ibubuga ka din.” Litaniya ni Keyla sa kanya. Napahawak sa namumulang pisngi si Alona at masamang tinignan ang kapatid ko. “f**k you!” Akmang tatayo sana ito at susugod upang gumanti mabuti na lamang pinigilan na siya ni Bernard bago kinaladkad palabas. “Ang lakas noon ah? Siguro tangal na ang wisdom tooth ni Alona.” Naiiling at natatawang sabi ni Inigo. “Correction, hindi pa todo yun.” Wika ni Keyla kay Inigo na ikina-awang ng labi nito. “Ito kasi si Bernard sabi ko sa kanya wag na siyang makipaglaro sa mga babae.” Sabat naman ni Fernan. “By the way guys, thank you sa inyo. But we have to go.” “What? Hindi pa nga umiinit ang upuan niyo uuwi na kayo? Dahil ba kay Alona?” Pigil sa akin ni Xandro. Binalingan ko siya ng tingin. “Oo nga, wag muna kayong umalis.” Dagdag pa ni Inigo. “Sorry but dumaan lang kami. Next time na lang.” Wika ko sa kanya. Nagpaalam na rin ako sa kanila at hindi na ko na pinigilan si Xandro na ihatid kami sa labas. Naunang nagpaalam si Keyla at iniwan ako upang mauna siya sa kotse. “I know hindi ka ordinaryong tao. Pero sana wag mag-crossed ang landas natin sa hinaharap.” Makahulugan niya akong tinignan. “I know, yun din ang nararamdaman ko sa inyong dalawa ni Keyla. But I hope maging magkaibigan tayo simula ngayon.” “Kaibigan? Depende sa sitwasyon nating dalawa. I have to go…bye.” Paalam ko sa kanya dahil itinigil na ni Keyla ang kotse sa harapan namin. Kaagad akong sumakay katabi ng driver seat. Hindi ko na binuksan ang pinto at tinanaw ko na lamang siya sa side mirror. “Trip mo?” Seryosong tanong ni Keyla nang makalayo na kami sa kinatatayuan niya. “Ayoko sa lalaking may itinatago at hindi madaling mabasa.” Sagot ko na ikinangisi niya. “Ikaw? Nagustuhan mo ba si Inigo o si Bernard?” “What? Of course not! Yes, they’re all handsome and rich but mas mahalaga sa akin ang pagiging faithful. Ayoko ng may ka-share.” Depensa niya sa akin. Sabay kaming nagtawanan. Kaya hangang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaboyfriend mataas kasi ang standard namin pagdating sa lalaki. Tinaasan kasi ni Dad kaya nahirapan tuloy kaming makahanap ng para sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD