Chapter 2

1221 Words
NARA Ina-antay kong mag ‘go’ signal ang traffic lights nang matanaw ko sa labas ng isang bar ang pagkaladkad sa isang babaeng hapit ang damit at halatang lasing na. Ayoko sanang maki-alam pero nakita ko kung paano niya ito malakas na sinampal. Naikabig ko pakaliwa ang kotse at mabilis akong bumaba. “Pakipot ka pa kasi! Halika ka na!” Narinig kong sigaw ng lalaki. Habang pilit niyang hinihila ang babae sa kotse. “Ano ba! Ayoko nga sa’yo! Bitawan mo ako!” Kaagad kong hinawakan ang braso niya na nakahawak sa babae. “Hindi mo ba narinig yung sinabi niya? Gusto mo ako na ang umulit?” Nagbabantang tinignan ko siya. Pero imbis na magalit dahil sa pangingi-alam ko ay sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. “Bibitawan ko siya pero ikaw ang sasama sa akin.” Nakangising sabi niya na nagpataas ng kilay ko. “Ako? At bakit naman ako sasama sa’yo?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Wala man lang kahit isang katangian na gusto ko sa lalaki ang papasa sa kanya. Bukod doon napakabaho pa ng hininga. “Mayaman ako kaya kong ibigay kahit magkano ang gusto mo.” Nangungumbinsi niyang pahayag sa akin. Napasinghap ako dahil gusto ko na talaga siyang patulan pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil baka mapunta na naman ako sa presinto at malagot na naman ako kay Daddy. “Mukha ba akong dukha sa paningin mo?” Inis na tanong ko sa kanya. Binitawan niya ang babae at nagmadali itong tumakbo. “Hindi naman pero alam ko lahat ng babae gusto mayaman at kayang bilhin ang mga luho nila. Mabuti pa sumama ka na lang sa akin. Total pinakawalan ko na ang babae kaya ikaw na lang ang pumalit.” Nakangising sabi niya. Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa pandidiri sa kanya. Kinuha ko panyo sa likuran ko at pinunasan ang kamay ko na pinanghawak ko sa braso niya. “Matagal pa ba yan? Pilitin mo na nang makaalis na tayo!” Napatingin ako sa bumukas na bintana ng kotse. Hindi lang pala siya ang kundi may iba pang mga tao sa loob at balak pa atang pagtripan ang babae kanina. Mabuti na lamang at dumating ako. “Tara na! Naiinip na sila!” Akmang hahawakan niya sana ako pero mabilis kong pinadapo ang kamao ko sa mukha niya. Napasubsob siya sa kotse at napangiwi naman ako dahil sa tigas ng mukha niya. Paglingon niya sa akin ay duguan na ang ilong niya. “Dapat lang yan sa’yo manyak.” Sambit ko. “Walang hiya ka!” Kaagad siyang lumapit sa akin at akmang susugurin ako pero mabilis kong nailagan ang suntok niya at yumuko ako upang suntukin ang baba niya pataas. Sa lakas ng impak ng suntok ko tumilapon siya at nawalan ng malay. Akmang tatalikod na sana ako upang bumalik na sana sa sasakyan ko nang magbabaan ang mga lalaking kasama niya. “Sandali!” Tawag nila sa akin na ikinalingon ko. “Bakit? Gusto niyo ding masaktan?” Matapang na tanong ko sa kanila. Kaagad silang lumapit sa akin ngunit may malaking lalaki na biglang humarang sa harapan ko. “Wag kang maki-alam dito!” Sigaw ng lalaki sa kanya. “Umalis na kayo dito kung ayaw niyong umuwi ng gumagapang.” Banta niya sa kanila. Lalaking-lalaki ang boses niya pero- kumunot ang noo ko nang makita ko siyang may hawak na stainless tsanse mukhang cook siguro siya sa loob ng bar. Imbis na bouncer ang lumabas yung nagluluto ang lumabas? May suot pa siyang itim na apron kaya napalabi ako habang nakatingin sa kanya. “Mabuti pa ikaw ang umalis diyan kung ayaw mong ikaw ang mabugbog.” Litanya ko sa kanya. Lumingon siya sa akin na parang sinusuri ako ng tingin. “Sa harap mo!” Sigaw ko sa kanya nang akmang susugurin na siya ng lalaki. Hinarap niya ito at ginamit niya ang hawak niyang tsanse para pananga. “Ah!” Impit na sigaw ng lalaki nang tumama sa braso niya ang hawak nito. Parang napapaso itong nagtatalon. “Walang hiya ka!” Sinugod naman siya ng isa pa at nagulat ako nang bigla niya itong sinipa. Tumalsik ang lalaki at napahiga sa kalsada. “Pwede na.” Mahinang sambit ko. “Narinig kong sinabi mo binibini.” Wika niya habang nakikipambuno sa mga lalaking manyak. Sa isang iglap ay lahat sila walang malay na nakahandusay sa semento. Masasabi kong bihasa sa pakikipaglaban ang isang ito dahil lahat ng tinamaan ng tsanse niya ay mga vital points. Mukhang hindi siya ordinaryong chef lang. Bigla akong na-curios kung anong klaseng tao ang may ganitong kakayahan pero nakasuot ng apron at nagluluto sa resto-bar na gaya nito. “Boss Xandro!” Napalingon siya nang may lumapit sa kanyang nakasuot ng maayos na kasuotan. “Ikaw na ang bahala sa kanila. Make sure na hindi na sila makakabalik sa dito at hindi na rin sila mangugulo.” Seryosong sabi niya sa lalaki at tumango naman ito. May mga tinawag siyang malalaki ang katawan at sabay-sabay nilang binuhat ang mga lalaking. “Agoy! Yung niluluto ko!” Bulalas niya na ikinagulat niya. Mabilis siyang humakbang palayo sa akin. Pero kaagad din siyang tumigil at nilingon ako. “Hindi ka mo man lang ba ako pasasalamatan?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Kaya tinuro ko ang aking sarili. “Ako? At bakit naman kita pasasalamatan?” Balik tanong ko sa kanya. Kahit naman hindi siya dumating kayang-kaya ko naman ang mga tsonggo na yun. Umatras siya ng lakad at lumapit sa akin. “Kung hindi dahil sa akin baka nakidnap ka na ng mga yun.” Mayabang na sabi niya sa akin na ikinatawa ko. “Kung hindi ka naki-alam ako sana ang magbibigay ng leksyon sa mga lalaking yun.” Litanya ko sa kanya na ikinaseryoso niya. “Pulis ka ba?” Umiling ako bilang sagot. “Gangster?” Tinaasan ko siya ng kilay. Mukha ba akong gangster? “No, I’m a mafia empress.” Seryosong sabi ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas. “Talaga? Kung ikaw ang mafia empress ako naman ay isang mafia emperor.” Nakangising sabi niya sa akin. Alam niyang nagbibiro lang ako kaya binibiro din niya ako. “Ako nga pala si Xandro Santillian.” Seryosong pakilala niya sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. “I’m Nara Mendoza.” Sagot ko at tinangap ko ang kamay niya. “Kung hindi mo mamasamain pwede ba kitang imbitahan sa loob?” Nakangiting tanong niya sa akin. “No thanks, kailangan ko nang umuwi. May trabaho pa ako bukas.” Hindi ko na inantay ang sagot niya at mabilis ko na siyang tinalikuran. Kaagad akong sumakay sa kotse at nakita ko pa siyang nanatiling nakatayo habang nakatingin sa kotse ko. Ibinaba ko ang bintana at kumaway ako sa kanya. “Next time!” Sigaw ko na ikinangiti niya. Ngumiti din ako sa kanya at pagkatapos ay itinaas ko na ang salamin ng kotse. Mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako habang nagda-drive. He’s too handsome wearing black polo. Napaka-broad din ng shoulder niya at mabango din siya. Halos lahat na ng gusto ko nasa kanya na. Kaya siguro naging ganito ang epekto niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD