Nagulat si Val nang papaalis na sana siya dahil bumungad sa kanya si Nara sa pinto.
“What happen?” Tanong niya dito. Dumerecho si Nara sa sofa at inabot ang kanyang bag upang kunin ang first aid kit na nakalagay sa kanyang bag. Nakasunod naman sa kanya si Val at hindi na itinuloy ang paglabas.
“Akala ko ba bibili ka ng pagkain? Anong nangyari sa’yo?” Kunot noo na tanong niya dito.
“May bata akong niligtas na muntik nang masagasaan.”
“What? At sino namang tangang magulang ang pababayaan ang kanyang anak sa gilid ng kalsada?”
“Nasa loob ng restaurant ang ama ng bata at sa tingin ko yaya nito ang nagbabantay sa dalawang bata. Hindi niya siguro namalayan na umalis yung bata dahil buhat pa nito ang isang kambal.” Paliwanag ni Nara habang tinatangalan ng takip ang antiseptic na ipapanglinis niya sa kanyang sugat.
“You mean kambal yung mga bata?” Ulit ni Val na ikinatango naman ni Nara.
“Mabuti na lamang at galos ang nangyari sa’yo. Hindi man lang ba nagpasalamat ang ama ng bata sa pagligtas mo sa kanyang anak?”
Napatigil si Nara sa pagdampi ng bulak sa gagas na nasa braso niya at napatingin kay Val. Pero ang kanyang utak ay wala doon inalala niya ang mukha ng lalaking ama ng bata. Napatingin kasi siya sa mag-aama bago siya pumasok sa kotse at nagtama ang mata nilang dalawa.
“Why? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” Nagtatakang tanong ni Val sa kanya.
“I think nakita ko na siya. Pero hindi ko maalala kung saan.” Sambit ni Nara sa kanya.
“Nakilala mo na yung ama ng kambal?”
Napaisip si Nara pero kahit anong isip niya ay hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. At kung bakit pamilyar ang mukha nito sa kanya.
“Yes, but— forget it, may mas importante tayong mission kaya yun na lang ang pagtuunan natin ng pansin. Mabuti pa ikaw na lamang ang lumabas upang bumili ng pagkain.” Wika ni Nara sa kanya.
“Okay, palabas na rin naman ako nang dumating ka. Aalis na ako mabilis lang babalik ako kaagad.” Paalam sa kanya ni Val. Tumango siya dito at tumalikod na ito. Pagkatapos niyang lagyan ng gamot ang kanyang sugat ay nagpalit na rin siya ng mas komportableng damit. At inumpisahan na niyang suriin ang nakuha niyang larawan ng Costa Luminosa mula kay Mr. X. Pati ang mga gagamitin niyang armas ay inihanda na rin niya. At ang kanyang susuoting wig para sa pagpasok ng cruise ship bukas ng gabi.
Isa at kalahating oras din ang lumipas bago bumalik si Val at may bitbit na itong pagkain kaya kumain na rin sila.
Pagkatapos ay inilatag ni Nara ang larawan sa ibabaw ng glass table upang maumpisahan na nila ang plano.
“Ayon kay Mr. X magkakaroon ng birthday celebration si Alessio. At hindi mga kapamilya kundi mga kasama sa kanyang negosyo ang makakasama niya. Ibig sabihin, maaring may mga kasama din siyang involved sa illegal niyang gawain or worse maaring maging kalaban din natin ang mga yun. Kaya kailangan mas maging maingat tayong dalawa sa pagsasagawa ng plano.” Seryosong paliwanag ni Nara nakikinig lang si Val sa kanya.
“You mean hindi natin siya puwedeng tirahin sa party?”
Tumango si Nara sa kanyang sinabi.
“Sa loob natin siya ng kuwarto papatayin. At magagawa lang nating yun kung magpapangap tayong staff ng cruise ship.”
“Staff ng cruise ship?”
“Yes, maaring cleaning service, food service ar maari ding magbigay ng aliw.”
Nanlaki ang mata ni Val sa huling sinabi ni Nara sa kanya.
“What? Don’t tell me you will offered s*x service sa lalaking yun?” Hindi makapaniwalang tanong ni Val sa kanya.
“Why not? Mahirap pumuslit sa loob ng room ni Alessio. Bukod sa nagkalat ang CCTV sa hallway ng rooms ay walang ibang paraan kundi ang pumasok sa loob ng kuwarto niya nang hindi na natin kailangan ng puwersa.” Paliwanag pa ni Nara sa kanya.
“Pero delikado na ipain mo ang iyong sarili Nara.”
“Don’t worry may naisip na akong plan. At ang kailangan mo na lamang ay sumangayon sa akin.” Seryosong sabi ni Nara sa kanya.
Pagkatapos ng pagpaplano nila ay nagpahinga na rin sila. Tumawag muna si Nara sa kanyang mga magulang upang mag-update bago siya natulog.
Kinabukasan ay maaga pa lang naghanda na sila sa pagpunta sa Jebel Ali port kung saan dadaong ang Costa Luminosa. Inabot sila ng halos apat na oras na byahe bago makarating sa sikat na port sa Dubai. At humanap na sila ng mas accessible na parking lot upang mas madali silang makaalis kapag natapos na ang mission.
“Are you ready?” Tanong ni Nara kay Val bago sila bumaba ng kotse. Tanaw mula sa kinaroroonan nila ang malaking cruise ship na Costa Luminosa at naglalabasan ang ibang mga sakay nito upang mamasyal sa Jebel Ali port.
“Kinakabahan ako sa plano mo. Pero I think yun na ang pinakamadaling paraan para mapatay natin si Alessio.” Sagot ni Val sa kanya. Inayos ni Nara ang burgundy niyang wig na nakalugay at hangang balikat ang haba nito. Nakasuot din siya ng maxi dress na kulay pula at hangang talampakan ang haba. Labas ang buong likod at kapag naglalakad siya ay makikita ang mahabang hati nito sa kanyang maputing hita. Ito din ang unang beses na naglagay siya ng makapal na make-up. Maski siya ay hindi na niya nakilala ang kanyang sarili sa kanyang itsura.
“Don’t worry akong bahala. Gawin mo ang pinagusapan natin. Kaya mo naman sigurong makakuha ng room service outfit diba? Mamayang alas-nuebe ng gabi ang alis ng cruise ship sa port. Mahaba pa ang oras natin para pag-aralan ang buong ship at tignan ang galaw ng mga kalaban. Kaya umayos ka Val sabay tayong aalis okay?” Paalala niya dito. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ay bumaba na sila sa kotse at nagtungo sa entrance ng cruise ship dahil sa green card na dala nila ay mabilis silang nakapasok.
Pagdating sa loob ay naghiwalay sila ni Val. Kaagad na hinanap ni Nara kung saan naroroon si Alessio.
Inabot siya ng isang oras bago niya ito natagpuan na nagsusugal sa casino na nasa 2nd floor ng cruise. Nakaupo ito sa upuan at may kaharap na tatlo pang naglalaro ng baraha. May apat na lalaking bantay ito dalawa sa malapit at dalawa sa likuran na nakamasid sa paligid.
Kumuha si Nara ng wine sa isang waiter at nagtungo sa malapit. Dumaan siya sa harapan ni Alessio bitbit ang baso ng wine. Napaangat ito ng tingin sa kanya at bahagyang hinawi niya ang kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tenga at matamis na nginitian ang kanilang target. Tumagal ang titig ni Alessio sa kanya kaya alam niyang napansin siya nito. Kung sa personal hindi aakalain ni Nara na nasa fifty’s na ito dahil sa maayos nitong pangangatawan. At malakas din ang appeal nito kaya hindi magtataka si Alessio kung sakaling magpangap si Nara na nagustuhan siya ito sa unang tingin pa lamang niya.
Pagkalagpas ni Nara sa table nila ay lumingon pa siya at nakita niyang sa kaniya pa din ang mga mata nito.
“Plan ‘A’ successful.” Mahina at nakangiting bulong ni Nara upang marinig ni Val mula sa suot nilang earpiece.
“Naks! Iba talaga ang kamandag ng isang Nara Mendoza.” Pang-aasar nito sa kanya.
“Ayusin mo ang Plan C kung ayaw mong ikaw ang tuklawin ko.” Banta niya. Narinig pa niya ang paghalakhak ni Val sa kabilang linya.
Inubos ni Nara ang laman ng wine at inilagay sa dumaang waiter. Nahagip ng kanyang tingin si Alessio na tumayo na mula sa upuan nito.
Lumabas siya sa Casino at nagpunta sa deck upang lumanghap ng sariwang hangin. At alam niyang nakasunod na ito sa kanya.