Chapter 7

1368 Words
Nakangiting pinagmamasdan ni Nara ang kulay asul na karagatan. Sumasabay sa mabining hangin ang kanyang buhok. Pati ang maxi dress niyang suot ay tinatangay ng hangin kaya mas nakikita ang kanyang makinis at maputing hita. “Are you with someone sweetie?” Narining niyang tanong ni Alessio sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon at ngumiti. “I’m alone.” Sambit niya at muling bumalik ang tingin niya sa dagat. “Really? I don’t believe you. You’re so lovely and beautiful how come a young lady going on a vacation alone?” Nagtatakang tanong nito sa kanya. “Thank you, but sometimes it’s good to be alone. I can do whatever I want.” Nakangiting sagot ni Nara sa kanya. “That’s good to hear, by the way, I’m Alessio from Europe. May I know your name and country please?” Magalang na tanong nito sa kanya. “I’m Mahal from Phillipines.” Sagot niya dito at inabot niya ang nakalahad na kamay nito. Naramdaman pa niya ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang palad bago nito bitawan. “Mahal? You mean love?” “Yes, how did you know?” Nakangiting tanong ni Nara kahit alam niyang baka kaya alam nito dahil pabalik-balik na rin ito sa Pilipinas. “I’ve had a lot of friends in your country, as matter of fact I have a business there.” Wika nito sa kanya. “Really? So you know our language?” Kunwari’y hindi makapaniwalang tanong ni Nara sa kanya. “Of course, but I’m not fluent my dear.” “It’s okay.” Tipid na sagot niya dito. “Can we talk while having lunch? I mean I’m single also and alone.” Alok nito sa kanya. Hindi na siya tumangi upang mas mapalapit pa dito nang sa ganun ay mas magawa niya ang plano. Sa isang Japanese open restaurant siya dinala ni Alessio. Pagkatapos ay nag-order sila ng pagkain. Habang nag-iintay ay napatingin si Nara sa mga nakatayong bodyguards nito. “I think you’re not an ordinary businessman. Because you have a lot of bodyguards.” Pansin ni Nara habang nakatingin kay Alessio. Senenyasan niya ang isang bodyguard niya at lumapit ito sa kanya. "Vous tous, laissez-nous" "Oui monsieur" Pagkatapos itong kausapin ni Alessio ay umalis na ito. Pati na rin ang iba pa nitong bodyguards. “I’ll ask them to leave us because you’re not comfortable.” “Thank you.” Nakangiting sambit ni Nara sa kanya. Habang nag-uusap silang dalawa si Val naman ay nasa malayo at nakikita kung paano landiin ni Nara si Alessio. Nasa open restaurant din kasi siya upang kumain. At nakikita din siya ni Nara. “Baka naman ma-inlove ka na sa matandang yan.” Narinig ni Nara na sabi ni Val sa earpiece niyang nasa kanan at natatakpan ng kanyang buhok. Tinaasan niya ito ng kilay dahil baka mahalata siya ni Alessio at tinatawanan lang siya ni Val. “Nakakuha na kaya ng uniform ang lalaking yun?” Sa isip ni Nara. Inutusan niya kasi itong pumasok sa cabin ng mga waiters upang kumuha ng uniforme nito para mamaya. “By the way, it’s my birthday today. I hope you’ll come to the top deck for my celebration with friends.” Alok ni Alessio sa kanya. “Really? Happy birthday, I'll come for you.” Kita sa mahabang ngiti ni Alessio na nagtagumpay siya sa plan ‘b’ niya para mamayang gabi. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na siya dito. Naramdaman niya ang pagsunod ni Val sa likuran niya habang pa-akyat sila sa mga rooms. Nang makadaan siya sa banyo ay mabilis niyang hinila si Val papasok sa loob na ikinagulat nito. “Gusto mo ba talagang mahuli tayo? Bakit sunod ka ng sunod sa akin?” Inis na sabi niya dito na gulat pa rin dahil sa pagkakadikit niya sa dingding ng banyo habang nasa harapan niya si Nara at isang dangkal lang ang layo ng mukha nilang dalawa. Binitawan siya ni Nara dahil sa gigil niya hindi niya napansin na naisandal na niya ito ng malakas sa dingding. “Sorry, nabigla lang ako. Ikaw kasi, tumataas na nga ang balahibo ko sa mga pinagagawa ko inaasar mo pa ako.” Inis na sabi ni Nara sa kanya. “Sorry din, hindi ko lang napigilan. Ang galing mo kasi kanina. Hindi naman siguro magdududa ang matandang yun dahil nakikita ko sa kanyang tiwalang-tiwala na siya sa’yo." “I know, pero dapat parin tayong mag-ingat. Mamayang gabi ang party niya. Kailangan bago umalis ang cruise ship sa port ay magawa ko na siyang madala sa kuwarto niya. Kaya wag mo na akong asarin okay?” Tumango si Val sa kanya. “Nakuha mo na ba yung uniform na kailangan mo?” Usisa niya. “Hindi pa, marami kasing tao kanina. Pero siguro mamayang dinner baka makalusot na ako.” Pagkatapos nilang mag-usap ni Val ay bumaba muna siya at bumalik sa kotse naging matalas ang kanyang pakiramdam at panay din ang tingin niya sa paligid upang makasigurado na walang susunod sa kanya. Naiwan naman si Val sa cruise ship upang isagawa ang plano nito. Ilang oras pa ang lumipas ay tapos nang magpalit ng sexy red dress si Nara. Itinaas pa niya ang kanyang push-up bra upang mas umapaw ang dalawang pisngi ng dibdib niya. Inayos din niya ang kanyang wig at nagsuot ng high-heels. Naglagay siya ng makapal na lipstick at foundation upang mas maging kaakit-akit siya kay Alessio mamaya. Bababa na sana siya nang tumunog ang kanyang phone. Bagong bili ito at numero ni Val at ni Alessio lang na hiningi nito kanina ang meron dito dahil pagkatapos ng plano niya ay itatapon na niya ito sa dagat. “Hi love, where are you?” Tanong nito sa kanya. “I’ll be there in a minute.” Sagot niya dito bago nagpaalam. Sinubukan niyang tawagan si Val pero hindi niya ito ma-contact. Bumaba na lang siya sa kotse at nagmadaling umakyat ulit sa cruise. Nagpalinga-linga siya habang patuloy na tinatawagan si Val. Sinubukan na rin niyang kausapin sa earpiece ngunit hindi pa rin ito nasagot. “Nasan na kaya yun?” Bulong niya sa sarili. Akmang ibabalik na sana niya ulit ang phone nang nakita niya sa screen ang pangalan nito. Pinindot niya ang green button upang sagutin ito. “Val? Nasaan ka na ba?” Inis na tanong niya dito. “MA.” Narinig niyang sagot nito. “Ma? Ano bang pinagsasabi mo? Si Nara ito! Nasaan ka—” Hindi na natuloy ni Nara ang tanong niya nang mapagtanto niya ang sinabi ni Val sa kanya. MA (Abort Mission) ang ibig sabihin noon at nasa panganib ang buhay niya. “N-Nasaan ka?” Kinakabahan na tanong niya dito. Nagulat na lamang siya nang may marinig siyang parang bakal na humampas at dinig na dinig niya ang impit na hiyaw nito. Bago maputol ang linya. "Val? Val! s**t!" Nakita niyang umilaw ulit ang phone niya at nakita niya ang numero ni Alessio. Nanginginig ang kamay na pinindot niya ang answer button. “Hi love, hindi ko pala nasabi sa’yo na ako ang may-ari nitong cruise ship. Kaya inimbita ko dito yung kaibigan mo.” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niyang sinabi nito. Hindi niya akalain na magaling pala itong mag-tagalog. At mas lalong hindi niya akalain na ito pala ang may-ari ng Costa Luminosa! “Kaibigan? Wala akong kaibigan.” Derechong sagot niya dito. “Wala kang kaibigan? Sigurado ka ba diyan? Itatapon ko na lang ito sa dagat.” Banta ni Alessio sa kanya. Napasinghap si Nara dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. “Nasaan ka? Puwede ko ba siyang makita?” Tanong niya dito. “Yan…yan ang gusto kong marinig…pumunta ka dito. May susundo sayo diyan. Nakikita ko ang lahat ng kilos mo kaya wag kang magtatangka.” Pagkatapos ay pinatay na ni Alessio ang tawag. Nakita niya ang pagdating ng dalawang bodyguard nito. “Ihahatid ka na namin kay boss.” Wika nito sa kanya. Sumama siya sa mga ito. Hindi niya akalain na hindi basta-basta kalaban ang naging mission niya. At nasisiguro niyang nasa hukay na ang isang paa nilang dalawa ni Val. Ngunit hindi niya maaring iwan na lamang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD