Villa, Puerto Galera “Ano, hindi ka magsasalita?” hindi pa rin tumitigil si Queen sa katatanong sa kaniyang asawang si King. Kasalukuyang nasa maliit na sala ang lahat. Hot seat na hot seat si King Saavedra, ang ama ng tahanan sa magkakapatid na sina Prince, at Angelo. Si Aries ay hindi pa rin maaninag pagkatapos marinig ang sikreto ng kaniyang ama sa matandang si nanay Let. Sina Angela naman at Charie ay nasa loob lang ng silid at binabantayan ang kani-kanilang mga anak na sina Quennie at Gelo. Tahimik lang sila sa loob habang tinatakpan ang tainga ng dalawang batang kanina pa pinatulog ni Aries. Pero kahit pa nasa loob sila ng kuwarto ay napakalakas pa rin ang boses ng kanilang manugang na si Queen Saavedra. “Manahimik at kumalma ka muna kasi, Queen. Please, mahal? Please?” nagmama