Aries' Point of View Nakaupo lamang ako sa isang malaking tipak ng bato. Hindi kalayuan ito sa kinaroroonan ng villa. May nagbabantay naman doon sa mga bata. Bitbit ang isang maliit na notebook na may nakaipit na isang bolpen, naglakad-lakad ako kanina upang huminga. Ilang araw at linggo na akong hindi nakakatulog nang maayos dahil sa kaniyang pagkawala. Mukha na nga raw akong zombie sa paningin ng aking mga pamangkin. Kahit bata pa ang mga ito ay alam na alam nila kung paano ako pangitiin. “Tito Aries, stop cryingg na po. Queenie loves you,” iyon ang mga katagang lumabas sa bibig ni Queenie nang pumasok sa aking kuwarto. Pansin ko rin ang pagsunod ng pinsan niyang si Gelo at maging ito ay sumampa rin sa kama ko at niyakap ako. “I love you, tito,” sabi ni Gelo nang makalapit sa akin.