Aries' Point of View Dahan-dahan lang kaming naglalakad. Tahimik lang dinn ako. Kahit hindi ako tumingin kay kuya Prince, nakikita ko namang sumasabay ang kaniyang mga paa sa mga hakbang ko. Nasa unahan lang namin si ate Charm. Kagaya namin, tahimik lang din siyang naglalakad. “Kumusta ka?” mahina lang iyon na tanging ako lamang at ang kuya Prince ko ang nakakarinig. Pero ramdam kong worried din siya sa akin. “Masakit ba?” Tumigil ako sa paglalakad at huminga nang malalim. Hindi ako sumagot agad pero narinig kong pinapauna na niya si ate Charm sa villa. “Mauna ka na muna sa villa. Kakausapin ko lang sandali si Aries. Susunod ako. Mag-iingat ka.” “Okay. Mag-iingat din kayong dalawa. Mauuna na ako,” sagot naman ni ate Charm. Nang iangat ko ang aking mukha ay nakita kong nagmamadali