Isla Puerto Galar “Alam mo ba na ang tinutuluyan ninyong villa sa Puerto Galera ay sakop na rin ng Puerto Galar?” komento ni Duke nang mga oras na iyon kay Maritoni. Kasalukuyang nagpapatuyo ang dalawa mula sa paliligo kanina sa dagat. Nasa magkabilang parte sila ng maliit na kubong walang pintuan habang ang mga basang damit nila ay sa magkabilang sampayang ginawa ni Duke kani-kanina lang. “Oh, talaga? Ang layo naman ng islang ito sa villa? Sigurado kang nagsasabi ka ng totoo lalo na sa edad mo? Para kasing mas matanda ka sa akin o magkasing-edad lang tayo e,” pagbabara naman ni Maritoni sa kaniya. Palakasan lang sila ng boses. Napahigikgik naman si Duke sa ugali nitong mapagbiro. Napailing pa ito nang mga oras na iyon. Kahit tirik na araw ay malamig naman at presko sa pakiramdam ng