KASALUKUYANG nasa hapag-kainan na ang pamilya Saavedra nang mga oras na iyon. Present din doon si nanay Let na pinahintulutan ng pamilya na kumain kasama nila. Siyempre katabi niya si nanay Queen dahil may sikreto silang dalawang sila lamang ang nakakaalam. Tuloy-tuloy lang ang pagkain nila. Enjoy na enjoy lang din naman ang dalawang bata sa sabaw ng sinigang na baboy at native fried chicken. Sarap na sarap din ang mga ito sa pagkain kasama ng kanilang mga ina. Ang magkakapatid namang sina Prince, Angelo, at Aries ay tahimik lang na kumakain. Kanina pa sarap na sarap ang mga ito sa pagkaing niluto ni nanay Let. Matagal-tagal din kasi silang hindi nakakain nang maayos na lutong bahay dahil sa abala ang mga ito sa kani-kanilang mga trabaho. “Aba, aba! Bakit parang ilang taon kaya kayo hi