NAIIYAK ako sa galit habang nakikita ko si Amalia naglalakad papalapit sa altar kung saan naghihintay sa kanya si daddy. Naaasiwa ako sa pagmumukha niyang ngiting-ngiti na akala mo'y nanalo ng jackpot sa lotto. Nagpupuyos ang nararamdaman kong galit sa kanya lalo na kay daddy. Nilason na niya ang utak ng daddy ko.
Sabi niya maging masaya na lang ako para sa kanya.
Paano?
Sino'ng anak ang gugustuhin na inuuto ang kanyang ama?
Pero hindi ko hahayaan na magtagumpay siya. Kailangan makagawa ako ng paraan para mapalayas sa buhay namin ang babaeng 'yan!
Kaunting tiis lang Jade. Pag-aalo ko sa sarili. Sana lang ay mag-work ang mga hidden cameras na nilagay ko sa buong bahay. Sa laki ng bahay namin ay nagkulang pa ang binili naming forty pieces na hidden cameras. Bawat sulok ba naman ay nilagyan ko. Kabado pa kaming dalawa ni Kim nang ikinakabit namin isa-isa ang mga hidden cameras. Mabuti na lang talaga at napaalis ko sa bahay si daddy at ang babae niya. 'Yon nga lang galit na galit si Dad nang makauwi sila. Pinaghintay ko lang naman kasi sila nang apat na oras sa isang restaurant sa tagaytay. Sinabi ko lang naman 'yon para magawa ko ang plano ko.
At nagtagumpay nga kami ni Kim.
Pero ito ang consequences. Kailangan kong um-attend sa araw ng kasal nila. Hindi na ako kumontra pa at pinagbigyan ang hiling ni dad.
Humikab ako at napabuga ng hangin.
"Makahikab lang? Antok ka?" tanong sa akin ni Emily. Ang pinsan ko sa side ni daddy. Siyempre wala namang kamag-anak sa side ni mommy ang pupunta dito. Gaya ko ay ayaw rin nila kay Amalia.
"Ang boring naman kasi." Medyo napalakas ang pagsambit ko niyon kaya sabay-sabay na nag-sshhh ang mga bisita. Nag-peace sign na lang ako sa kanila. Napasulyap ako kay daddy na masamang nakatitig sa akin. Napailing-iling na lang siya at muling humarap sa altar. Nagpatuloy ang seremonyas ng pari. Nagpalitan sila ng vows at kung ano-ano pa. Inabot yata ng halos dalawang oras bago natapos. At nang picture taking na ay lumayo na ako sa kanila. Ayokong makasama sa picture nila. Nakakatamad makipag-plastikan at nakakapagod ngumiti ng pilit.
Masyadong masakit sa panga.
Palabas na ako nang simbahan.
"Ouch!" daing ko nang may bumangga sa balikat ko na matigas na bagay.
At hindi pala ito bagay. Katawan pala ito ng isang lalaki.
And he looks familiar.
"I'm so sorry, Miss. Are you okay? Are you hurt?" sunod-sunod niyang tanong. Pero maging siya ay natulala at nagulat nang mapatingin rin siya sa mukha ko.
"Ohh, it's you! Nagkita ulit tayo," sambit niya. Pagkasabi niyang 'yon ay saka ko lang siya naalala.
The handsome man in Kim's subdivision.
Tipid akong napangiti sa kanya.
I don't know why. Pero may kakaiba akong naramdaman for him.
Hindi ko pa ito mapangalanan sa ngayon.
"Y-Yeah, it's you again. Nice to see you... again," sambit ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.
"So, pwede ko na bang malaman ang pangalan mo, Miss beautiful?" nakatitig niyang tanong. Nakaramdam ako ng pagkailang. At pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Palagi naman akong nakakarinig ng mga ganitong compliments, pero iba ang dating sa akin nang sabihin niya iyon.
"Ahmm—"
I was about to speak when Amalia arrived.
"Ohh, Jade, nagkakilala na pala kayo!" bungad niya. Nilingon ko siya at pinangunutan ng noo. Kasunod niya si Daddy na malawak ang ngiti sa labi. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapairap dahil doon.
"I saw that, honey. Nasa simbahan ka," saway niya sa akin. Ngunit hindi ko siya pinansin. Mas nagpapukaw kasi ng interes ko ang sinabi ni Amalia.
Magkakilala ba sila ng lalaking kaharap ko? Ohh, I forgot his name!
"Atlas, mabuti at nakaabot ka?" tanong sa kanya ni Dad.
Ohh, Atlas pala ang pangalan.
Now I remember.
But, wait... kilala rin siya ni daddy?
Nilingon ko ulit si daddy. At naunawaan naman niya ang ibig kong ipahiwatig.
"I'm sorry, honey. This is Atlas Jay, Amalia's son. And your stepbrother now," pakilala ni dad sa lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang ibalik ko ang tingin ky Atlas. Maging siya ay nagulat sa nalaman pero mabilis rin naman siyang naka-recover at agad akong nginitian.
"Magkakilala na sila, darling. Naabutan ko nga silang nag-uusap," sabat ni Amalia. Hindi ko siya pinakinggan.
So, anak pala niya ang gwapong lalaki na 'to? At ngayon stepbrother ko na?
Ohh, c'mon!
Napatampal ako sa aking noo.
"Are you alright, honey?" may pag-aalalang tanong sa akin ni dad.
"I'm okay. I need to go now," saad ko at akmang tatalikuran ko na sila nang hawakan ni Atlas ang braso ko upang pigilan ako sa paglalakad palabas ng simbahan. Nakaramdam tuloy ako ng inis.
"Let go of me," may diin kong sambit.
"Honey, sabay-sabay na tayong pupunta sa reception," saad ni papa.
"Sa simbahan lang ang usapan natin, dad."
"It's a package deal, honey. Sumabay ka na kay Atlas," ma-awtoridad niyang utos. Nilingon ko si dad at masama siyang tiningnan.
"What? I can drive for myself!" asik ko.
"That's an order, honey!" pagkasabi niyon ay hindi na ako nakapalag pa.
Nakita ko na lang ang sarili na nagpapatinaod sa paghila sa akin ni Atlas patungo sa kotse niya. Nilingon ko ang kotse ko kung saan ito nakaparada. Limang kotse pa ang madadaanan ko bago ako makarating doon. Balak kong tumakbo at takasan ang lalaking kasama ko. Pero sa ayos ko na 'to? Mahaba ang gown at mataas ang suot na heels? Baka hindi pa ako nakakatatlong hakbang naabutan niya na ako.
"Bitawan mo na ako!" ani ko at hinila ang braso ko na hawak niya.
Agad naman niya iyong binitawan.
"Sorry," hingi niya ng paumanhin.
Pero inirapan ko lang siya.
Tss.
Kung no'ng unang pagkikita namin ay nakaramdam pa ako ng kilig sa kanya pero ngayon nang malaman kong anak pala siya ni Amalia, naiinis na ako sa kanya.
TAHIMIK lang ako sa byahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hindi ako nag-aksaya ng oras para lingunin siya. Baka mag-assume pa na crush ko siya.
Maya-maya ay tumikhim siya. Hindi nakatiis.
"Hindi tayo nakapagpakilala ng maayos kanina," basag niya sa ilang minutong katahimikan.
"Narinig mo naman siguro 'yong pagpapakilala ni dad, di 'ba?" sarkastiko kong sambit.
"Sungit mo naman. May regla ka ba?" mapang-asar niyang tanong at kaagad ko siyang nilingon. Diretso lang ang tingin niya sa daan pero may pilyong ngiti ang nakapaskil sa kanyang mapupulang labi.
Shit! Pinuri ko siya?
"What?" iritado kong tanong.
Tumawa siya kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis sa kanya.
"Ang sungit mo kasi. Di 'ba gano'n naman ang mga babae kapag nagsusungit?"
"Hindi lahat ng masungit, nireregla na. 'Yong iba nagsusungit kasi iritado sa kasama!"
"Whoa! It really hurts, huh!" sambit niya at humawak pa sa kanyang dibdib na animo'y nasasaktan. Hindi na ako nagsalita pa. Ayoko siyang makausap.
Napahinga ako ng maluwag nang huminto na ang sasakyan niya. Kaagad kong tinanggal ang suot kong seatbelt at lumabas ng kotse. Tumakbo ako papasok ng hotel kung saan ginaganap ang reception ng kasal ni Dad. Hindi ako magtatagal dito. Dadaan lang ako at babati sa mga tito at tita ko at didiretso na sa kwarto na nakatalaga para sa akin. May pina-reserve na room para sa akin si daddy. Maging sila ay mayroon din. Dito kasi muna sila magha-honeymoon bago lumipad papuntang Hongkong bukas. Masyadong malaki ang nagastos ni dad sa kasal na 'to. Hindi naman kasi mayaman si Amalia. Sa pagkakaalam ko, waitress lang siya sa isang bar kung saan sila nagkakilala ni dad. Malay ko ba kung waitress lang siya do'n? Sa galing niyang umarte. Hindi imposible ang iniisip ko na trabaho niya doon.
Tsk!
"Hey, wait!"
Mas binilisan ko pa ang ginawa kong paglakad nang marinig ko ang humahabol na boses ni Atlas. Kahit magkapaltos-paltos na ang paa ko wala akong pakialam. Ayoko siyang makasama ng matagal. Hindi niya ba nararamdaman 'yon? Feeling close agad?
Manang-mana sa nanay niya!
Pero kahit gaano pa kabilis ang ginawa kong paglakad, naabutan niya pa rin ako. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. Binagalan ko na, dahil wala ring silbi. Kanya-kanyang bati sa amin ng mga staff na nadadanan namin. Hindi rin nakalagpas sa mga mata ko ang kakaibang titig ng mga kababaihan sa kasama kong lalaki. Magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihan ko siyang pangit. At baka mapahiya lang ako kung may makarinig niyon.
"Bakit ba ang bilis-bilis mong maglakad? May lakad ka ba?"
"Wala akong lakad. Ayoko lang makasama ka," prangka kong sabi.
"Nakakarami ka na sa pananakit mo sa akin, stepsister," may babala niyang sabi. Huminto ako sa paglalakad at pinameywangan siya.
"Stop calling me stepsister, b'coz I will never accept you as my brother, nor stepbrother!" asik ko. Ngunit imbes na magalit siya sa sinabi ko ay may kakaibang ngiti na sumilay sa kanyang labi.
Humakbang siya palapit sa akin kaya naman umatras ako ng isang hakbang. Hanggang sa mapasandal ako sa malamig na dingding.
"W-What are you doing?" kandautal kong tanong. Sinalakay ako nang matinding kaba dahil sa masyadong pagkakalapit ng aming katawan maging ng aming mukha. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin. Pero nanginginig ang kamay ko at nawalan bigla ng lakas. Napasinghap ako nang ilapit niya pa lalo ang mukha niya sa akin.
"Don't worry, I don't want to be your brother either," bulong niya. Mariin akong napapikit nang dumampi ang mainit niyang hininga sa earlob ko.
"I will make you my lover, instead," dagdag niya pa. Kakaibang pakiramdam ang sumalakay sa dibdib ko. Ang t***k nito ay mas lalong bumilis.
Takot ba 'to? O, excitement?
Napahugot ako ng hangin nang lumayo na siya sa mukha ko at naglakad na palayo sa akin. Nang tumingin ako sa paligid ay marami nang tao ang nakatingin sa akin.
At lahat sila ay nakangiti na tila kinikilig.
God, nakakahiya!