TINANGHALI ako ng gising kinabukasan. Walang hiyang babae, tinuruan pa akong magsarili! Pero syempre hindi ko ginawa. Nakakailang kaya!
Matagal ko ng kaibigan si Kim, pero ngayon ko lang nalaman na nanunuod pala siya ng porn.
Oh, God! Patawarin niyo po sana ang kaibigan ko. Usal ko ng dasal sa aking isip.
Mabuti na lang ay wala kaming pasok ngayon. Hindi ko alam kung ano'ng oras kami natapos sa pinapanuod namin kagabi. Basta ang alam ko ay mag-uumaga na 'yon. Habang nanunuod ako hindi rin ako mapakali. Parang may gusto akong gawin na hindi ko mawari.
Nilingon ko si Kim sa aking tabi na mahimbing pang natutulog.
Napaismid ako nang maalala ko ang ginagawa niya kagabi sa kanyang sarili.
Ngayon ko lang nalaman na may manyak pala akong kaibigan!
Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Naghilamos at nag-ayos ng sarili. Balak kong lumabas at mag-jogging. Mabuti na lang at may damit ako dito sa bahay nila Kim kaya hindi na ako manghihiram pa sa kanya. Medyo chubby si Kim pero may hubog naman ang kanyang katawan. Makinis rin ang kanyang balat.
Lumabas ako ng silid at iniwan si Kim na tulog pa rin.
Nasalubong ko ang isa sa mga katulong nila at binilinan ko na lang na sabihin kay Kim na lumabas ako kung sakaling magising ito na wala pa ako.
Nang makalabas ng bahay ay sinalubong ako ng pinaghalong lamig at init na hangin.
Alas nuebe na kaya nakalabas na si haring araw.
Maganda dito sa village nila Kim dahil malawak sa labas.
Marami rin akong kasabayan na nagja-jogging.
Malawak din naman sa subdivision nila, pero kakaunti lang ang tao. Maraming puno kaya hindi gaano ramdam ang init.
Mabagal lang ang pagtakbo na ginawa ko upang hindi ako agad mapagod. Gusto ko lang magpalipas ng oras at mapagod para hindi ko maisip muna ang aking mga problema.
Mamaya na naman kasi ay uuwi ako ng bahay at makikita ko na naman ang demonyitang babae ni dad.
Nasa malalim ako ng pag-iisip nang may biglang magsalita sa aking tabi.
"Hi!"
Napapitlag ako at napahinto nang may marinig akong boses sa tabi ko.
Saglit akong natigilan at natulala sa mukha niya.
Oh, s**t! Bakit ang gwapo?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala sa kanya. Kulang yata ang salitang gwapo para i-describe ang lalaking kaharap ko ngayon.
"Hey! Are you okay?"
Natauhan lang ako ng pumitik-pitik ang kanyang daliri sa harap ko.
Umatras ako ng bahagya sa kanya sabay iwas ng tingin.
"Oh, hi!" bati ko nang makahuma ako mula sa pagkatulala at may pilit na ngiti na sumilay sa aking labi.
He gave me a sweet smile.
Honestly, he's very handsome. He finds me attractive.
Lalo na ang dimple niya na lumabas nang ngumiti siya. Bagay na bagay sa kanya at mas lalo siyang gum-wapo dahil doon.
Ngayon ko pa lang siya nakita pero may kakaiba na akong naramdaman para sa kanya. Bumilis ang pagtibok ng puso ko na hindi naman normal kapag may nakakasalamuha akong ibang lalaki.
Pilit kong pinakalma ang sarili. Tumukhim ako upang mawala ang nagsisimulang pagbara sa lalamunan ko.
"Bago ka lang ba dito?" pagkuwan ay tanong niya. Luminga pa ako sa paligid maging sa aking likuran kung may ibang tao. Pero kaming dalawa lang ang nandirito. Malayo na ako sa bahay nila Kim.
At ang nandito lang ay ang mga bakanteng lote at wala pang gaanong nakatira. Malayo na rin ang mga kasabayan ko kanina mag-jogging. Mas mabilis kasi ang pagtakbo nila kaysa sa akin.
Hindi naman ako natatakot sa kanya. Nagtataka lang kung bakit niya ako kinakausap.
"Ahm. Hindi ako taga-rito," sabi ko at tatalikuran na sana siya nang hawakan niya ang braso ko.
May kuryente akong naramdaman doon kaya naman agad kong inagaw ang braso ko sa kanya. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba 'yon.
"Oh, I'm sorry. Gusto ko lang kasi magpakilala."
Kinunutan ko siya ng noo. Sa kabilang bahagi ng utak ko ay nag-uudyok na magpakilala ako. Pero ang kabila naman ay nagsasabing 'Don't talk to stranger, Jade.'
"I'm Atlas Jay," pakilala niyan at nilahad ang kamay sa harap ko. ".. and you are?" tanong niya naman sa akin.
Ayokong maging bastos kaya kinuha ko ang kamay niya pero binitawan ko rin agad naman 'yon at hindi ako nagpakilala.
Mabilis akong tumalikod sa kanya at tumakbo ng mas mabilis.
"Wait... what's your name?" habol niya pang sigaw sa akin. Pero hindi ko siya nilingon. Nedyo nakalayo na ako nang magsalita aki. Mas nilakasan ko para marinig niya ako.
"Bye, Atlas. Nice meeting you!" sigaw ko nang hindi siya nililingon.
Mabuti ay hindi niya ako sinundan kaya nakahinga ako ng maluwag.
"OHH, bakit namumutla ka?" bungad na tanong ni Kim sa akin nang makapasok na ako dito sa kusina nila. Halatang kagigising niya lang dahil magulo pa ang buhok niya at mapungay pa ang kanyang mga mata. Doble-doble ang bilis ng t***k ng puso ko. 'Yong isa dahil sa pagtakbo ko, at 'yong isa naman dahil sa estrangherong lalaki na nakilala ko.
Umupo ako sa harap niya at napainum muna ng tubig bago siya sagutin.
"May nakilala akong gwapong lalaki," pahayag ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya at mahigpit akong hinawakan sa braso ko.
"Saan? Taga-rito ba?" sunod-sunod niyang tanong.
"Doon sa bakanteng lote. Nagulat na lang ako nang may mag-hi sa tabi ko. Hindi ko naman alam kung taga-rito siya. Pero hindi ba bawal naman pumasok dito kapag hindi dito nakatira?"
"Oo. Pero may mga nakakalusot pa rin. Kung gwapo ang nakita mo, for sure taga-rito 'yon!" sigurado niyang sabi sabay hampas sa braso ko.
"Aray!" daing ko at hinimas iyon.
"Bakit hindi mo kasi ako sinama?" kunwa'y naiinis niyang tanong.
"Sarap ng tulog mo. Tsaka baka napagod ka sa ginawa mo kagabi!"
I grinned when I saw her face turned red.
"Huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sa'yo!" bulong niya at tinapat pa ang daliri niya sa aking bibig.
"Hindi naman nila alam ang pinag-uusapan natin," ani ko at inirapan siya.
Tumayo na ako at nagtimpla na rin ng aking kape. Mamayang hapon na lang siguro ako uuwi. Para kaunting oras ko na lang sila makikita. Magkukulong na lang ako sa aking kwarto.
"Nag-text ulit si tito. Nag-aalala na sa'yo," pagkuwan ay imporma niya.
Napairap na lang ako.
"Hayaan mo siya. Nando'n naman ang babae niya," sabi ko na tila walang pakialam.
"E, kung kausapin mo kaya siya."
"Ilang beses ko na siyang kinausap. Pero buo na ang pasya niyang pakasalan ang babae na 'yon!"
Naiirita kong sabi habang hinahalo ang tinimpla kong kape. Nang matapos ay sinimsim ko iyon at muling umupo sa tapat niya.
"So, ano na ang plano mo?"
Napaisip ako. Wala naman talaga akong plano. Pero gusto kong napaalis si Amalia sa bahay at sa buhay ni Dad. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko.
"I don't know. Basta gusto ko lang, mapalayas ang babae na 'yon sa bahay at buhay namin," may diin kong sambit.
"What if, maglagay ka ng mga hidden cameras sa bahay niyo? What do you think?" she suggested.
"Para saan?" nagtataka kong tanong.
"Para kung may ginagawa siyang kababalaghan sa bahay niyo at sa'yo, may proof ka," paliwanag niya.
Tumango-tango ako.
Tama siya. Kailangan ko nga siguro 'yon para kapag may ginawa siya ulit sa akin. May ipapakita ako kay dad.
"Ang talino mo do'n bestie!" masaya kong sambit.
"Hindi naman ako bobo!" nakasimangot niyang saad na ikinatawa ko ng malakas.
GAYA nga ng plano. Bumili kami ng mga hidden cameras. Ikakabit namin ito mamaya sa bahay. Nag-isip muna ako ng gagawin oara mapaalis muna sa bahay sina Dad at ang babae niya. Ayokong makita nila ang ginagawa ko. At sana alng ay hindi nila ito mapansin.
"Maglalagay ka rin ba sa kwarto ng daddy mo?"
"Hindi! Baka kung ano pa ang makita ko do'n!" singhal ko sa kanya nang may maalalang mga eksena sa utak ko. Hindi na talaga nabura sa utak ko ang eksena na napanuod namin sa porn kagabi. Rinig na rinig ko pa nga ang ungol ng dalawang nagtatalik na tila sarap na sarap sa ginagawa nila. Grabe naman kasi ang wild nila at walang kapaguran.
"Eh, paano kung do'n siya maghasik ng lagim?"
"Baka ibang lagim naman ang mapanuod ko!"
"Kasama na 'yon, Jade. Dapat meron din sa kwarto nila!" pagpupumilit niya.
"Pero.... paano kung iba naman ang makita ko?"
"Eh, 'di 'wag mong panuorin. Pasa mo sa akin."
"Gaga ka talaga! Saan mo natutunan 'yan?" nakapameywang kong tanong.
"Wala! I just want to explore. Syempre kailangan natin maging active sa mga ganyan for the future. Mga lalaki ngayon, kapag hindi ka magaling sa kama, iiwan ka!" may pagka-bitter niyang sambit.
Hindi ko alam na ganito pala ang definition niya pagdating sa love.
"Tss... kaya dapat kapag pipili ka ng lalaki, siguraduhin mong mahal ka talaga!" pangaral ko sa kanya.
Which is true. Kaya nga hanggang ngayon hindi ako nagbo-boyfriend kahit pa marami namang nanliligaw sa akin. Bukod sa wala naman akong nararamdaman para sa kanila. Hindi ko rin alam kung ano ang tunay na motibo nila. Paano kung s*x lang din pala ang habol nila sa akin? At kapag nakuha na nila ang gusto nila'y iiwan na lang nila ako at maghahanap ng iba. Hindi ko yata hahayaan na mangyari iyon sa akin.
Love is not about s*x. Kung mahal ka ng isang lalaki. Magiging kuntento na ito sa'yo. Magaling ka man o hindi sa kama.