Chapter 5 - Katabi sa pagtulog

1641 Words
PAULIT-ULIT na ume-echo sa tenga ko ang sinabi ni Atlas kanina. 'I will make you my lover.' 'I will make you my lover.' "Urgh!" Frustrated akong bumangon at sinabunutan ang aking sarili. Hindi ako makatulog dahil do'n. Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Masyadong inookupa ng lalaking 'yon ang utak ko. "Matawagan na nga lang si Kim," ani ko sa sarili. Kinuha ko ang cellphone sa aking sling bag at ni-dial ang numero ni Kim. Isang ring lang ay sumagot naman din ito kaagad. "Hello," matamlay kong sagot. "Bakit malungkot ang beshie ko?" mapang-asar niyang tanong sa kabilang linya at bahagyang tumawa. "Pa'no naman hindi ako malulungkot? Ako lang mag-isa dito sa hotel room ko. I'm so bored!" iritado kong pamamalita sa kanya. "Hahaha.... puntahan ba kita diyan?" natatawa niyang offer. Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Yes, please. Pegasus hotel room 308 lang ako," imporma ko. "Okay. I'll just change at gogora na ako diyan. Bye!" paalam niya at ito na ang unang nagbaba ng tawag. Bumuntong hininga ako. Feeling ko mag-isa na lang ako. Wala na nga si mommy. Pati si dad wala na rin. Sinampal-sampal ko ang aking sarili. "Bawal malungkot. Just be happy. May friends ka pa na laging nandiyan for you," kausap ko sa aking sarili. Bumaba na ako sa aking kama at dumiretso sa banyo. Maliligo lang ako para mabawasan ang lungkot ko. Nagbabad ako sa malamig na tubig ng ilang minuto bago nagpasyang lumabas ng banyo. Maya-maya lang ay may nag-door bell na. Napangiti ako. Sigurado akong si Kim na 'yon. At hindi nga ako nagkamali. Lumawak ang ngiti ko nang mapagbuksan ko siya ng pinto. Ngiti na hindi man lang siguro umabot sa aking mga mata. "Hello, beshie!" bati niya at nakipagbeso sa akin. "..may beer akong dala!" tili niya at tinaas ang kamay niyang may bitbit na eco bag. Tumili kaming dalawa at excited na umupo sa sofa. Hindi na namin inimbitahan pa si Stacey dahil masyadong strict ang parents no'n. Hindi siya basta-basta pinapalabas sa kanila kapag dis-oras na ng gabi. "So, nadaanan ko ang reception hall kanina. Nagkakasiyahan pa ang mga tao doon. Bakit nandito ka nagmumukmok?" bungad niya habang nagbubukas na ng beer in can. Habang ako ay binubuksan ang pulutan naming chips. Huminga ako ng malalim bago tinungga ang hawak kong beer. "Boring naman do'n. Wala ako gaanong kakilala do'n. Umuwi na rin mga pinsan ko," tamad kong saad. "Wala man lang bang gwapo do'n?" Bumangon ang likod ko sa pagkakasandal ng maalala ko si Atlas. "Speaking of gwapo. Naalala mo ba 'yong sinasabi ko sa'yong lalaking gwapo na nakita ko sa subdivision niyo?" tanong ko sa kanya. "No'ng nag-jogging ka?" "Yup." "What about him? Nagkita ba kayo ulit?" interesado niyang tanong. "Yup. And guess what?" pambibitin ko. "What?" "He's Amalia's son. So meaning, he is my stepbrother now," sabi ko. Napasinghap siya sa gulat. "What? Stepbrother mo siya? How come na nasa subdivision namin siya noon?" may pagtataka niyang tanong. Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Maybe he has a friends there... or napadaan lang," kalmado kong tugon at sinabayan ng pagkibit ko ng aking balikat. Umusod ng kaunti si Kim sa tabi ko at nangingiting tumingin sa akin. "So, gwapo ba talaga? Mabait? May abs? Malaki ba? Ano? Magkwento ka naman!" sunod-sunod niyang tanong na halos hindi na humihinga. Pinamulahan ako ng pisngi sa mga tanong niya. "Ano'ng malaki ang sinasabi mo?" "Syempre 'yong pasensya! Ikaw ha, kung ano-ano ang iniisip mo!" natatawa niyang sambit. Inirapan ko siya. Alam ko namang iba ang tinutukoy niya. "Gwapo siya.. oo—" naputol ang sinasabi ko nang tumili si Kim. "Oh, my, God!" "Manahimik ka nga!" "Sorry naman. Hindi ko maiwasan ang kiligin. Excited na akong makilala siya. Pakilala mo naman ako." "Tss. Ayoko nga siyang makita tapos papakilala pa kita," ani ko. "Bakit? Akala ko ba gwapo. Hindi mo ba type?" Kinilabutan ako sa sinabi niya. Ang isipin lang na mahawakan ang kamay ni Atlas ay kinikilabutan na ako... ang maging karelasyon pa kaya? "Kadiri ka Kim. Kakanuod mo ng porn yan!" "Ano'ng kadiri do'n?" "Hello! Stepbrother ko siya," pagpapaalala ko sa kanya. Hindi yata niya narinig na stepbrother ko na ang gwapong estranghero na nakilala ko sa subdivision nila. "And, so? Stepbrother lang kayo. You're not related by blood, kaya pwede 'yon. Marami na akong nababasa ng mga story na ganya'n," paliwanag niya. "Kahit na. Ang sagwa tingnan na jowa ko stepbrother ko. Kung nasa story kami ng binabasa mo, ano'ng title?" natatawa kong sabi sa kanya. "Falling in love with my stepbrother. O kaya naman, I love you, kuya!" sambit niya at with feelings pa. Binato ko siya ng chips na kinakain ko dahil sa mga kalokohan niya. Marami pa kaming pinag-kwentuhan ni Kim. Pero mas gusto niya talagang pag-kwentuhan namin ay ang tungkol sa stepbrother ko. Hindi ko na binanggit pa sa kanya ang mga sinabi ni Atlas sa akin kanina sa lobby. Baka naman kasi nangti-trip lang 'yon. Mahirap mag-assume. Madaling araw na kami natapos ni Kim. Hindi pa naman ako lasing dahil malakas ang tolerance ko sa alak. Naka-limang beer in can ako, samantalang si Kim ay naka-siyam. Sugapa masyado sa alak. Hindi ko na pinauwi si Kim sa bahay nila. Siya lang naman ang tao doon kasama ang mga katulong. Wala pa kasi ang parents niya at hindi pa nakakabalik galing sa bakasyon. Inayos ko ng higa si Kim sa sofa. Dito ko na lang siya patutulugin, hindi ko naman siya mabubuhat dahil sa bigat niya. Nang maayos ko na siya ay niligpit ko ang kalat namin. Kahit pa mayaman kami at maraming katulong sa bahay. Marunong akong maglinis ng bahay at magluto. Sa paglalaba lang talaga ko sumusuko. Mabilis kasing magsugat ang balat ko dahil sa tapang ng detergent powder. Naalala ko no'n na bata pa lang ako ay tinuturuan na ako ni mommy sa gawaing bahay. Palagi niyang sinasabi na hindi habang buhay ay may katulong kami. At maganda rin daw na marunong ako sa mga gawaing bahay dahil babae ako at madadala ko iyon sa aking paglaki lalo na kapag nag-asawa ako. I missed her so much. She's the nicest mom that I've ever had! At hinding-hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Tapos na akong maglinis. Nakaramdam na rin ako ng antok at hilo. Sinulyapan ko si Kim na mahimbing na natutulog sa sofa. Napangiti ako. Siguro kung nagkaroon ako ng kapatid, hindi ako malulungkot. Kaso wala, ako lang mag-isa. Papasok na ako ng kwarto nang biglang may nag-doorbell. Nagtataka akong napatingin sa wall clock. It's already 2am in the morning. Sino naman ang kakatok dito sa unit ko ng ganitong oras? Hindi naman ako nagpatawag ng helper. Hahayaan ko na lang sana at naglakad na palapit sa pinto ng kwarto nang mag-doorbell ito ulit. Naging sunod-sunod pa ito kaya umingay sa buong unit. Tiningnan ko si Kim. Akala ko'y magigising siya dahil sa paggalaw niya. Good thing ay tulog na tulog pa rin siya. Sa inis ay napilitan akong buksan ang pinto. Narindi na ako sa sunod-sunod na pagdo-doorbell ng tao sa labas. "Ano ba—" nabitin sa ere ang sasabihin ko nang makilala ko ang taong nagdo-doorbell. "Hi, stepsis!" nakangiti niyang bati. Sumilay ang maliit niyang biloy sa magkabilang pisngi. Kinalma ko ang sarili. Lumalakas na naman kasi ang pagtibok ng puso ko. Pero napangiwi ako sa tinawag niya sa akin. Stepsis? What the f**k! "What are you doing here in the middle of the night, Mister?" sarkastiko kong tanong sa kanya nang makahuma ako sa aking pagkatulala. "Salamat naman at nahanap ko na ang unit mo. Makikitulog ako dito," sabi niya at sabay tabig sa akin upang makapasok siya sa loob. "Hey, hindi pa ako pumapayag. At bakit ka dito matutulog? Wala ka bang sariling room?" habol kong tanong sa kanya. Hinarang ko ang katawan ko sa daan patungo sa kwarto. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Nakatingin siya kay Kim na ngayon ay nakanganga na. "May kasama ka pala? Your dad told me that you are alone here," sambit niya. "Wala kang pakialam kung may kasama ako dito o wala. Unit ko 'to at papapasukin ko dito kung sino man ang gusto ko. Kaya pakiusap lang, lumabas ka na dahil matutulog na ako," may diin kong saad sa kanya. Ngunit nginisihan niya lang ako. "Wala ng available na room dito sa hotel kaya dito ako pinapunta ng daddy mo para matulog. I'm drunk at ayaw na niya akong pag-drive-in," paliwanag niya. Ginamit pa talaga si daddy para sa kagustuhan niya. "I will just call dad first. For sure hindi niya gugustuhin na may kasama akong lalaki sa iisang kwarto. Lalong-lalo na sa'yo na ngayon ko lang nakilala," sambit ko at akmang tatawagan ko na si dad nang magsalita siya. "Seriously? Iistorbohin mo 'yong nagha-honeymoon sa mga oras na 'to? What if puro pag-ungol nila ang marinig mo sa kabilang linya. Makakayanan mo?" mapang-asar niyang tanong. Natigilan ako sa sinabi niya at kinilabutan. Na-i-imagine ko pa lang ang ginagawa nila ay tumatayo na ang balahibo ko. "Urghh! Nakakainis ka! Maghanap ka ng ibang hotel na malapit dito. Basta huwag ka dito!" naiinis kong saad sa kanya at tinalikuran na siya. Pumasok ako ng kwarto. Ngunit isasara ko na ang pinto nang biglang itulak iyon ni Atlas. Masama ko siyang tiningnan at sumusukong bumuntonghininga. "Fine! Kung gusto mong dito matulog. Diyan ka! Isaksak mo sa baga mo 'yang kama," sigaw ko at lumabas ng pinto. Hindi pa man ako nakakalabas ay hinila niya ang braso ko at hinapit ang aking bewang palapit sa katawan niya. "W-What are you doing?" hinihingal kong tanong. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang maglapat ang mga katawan namin. What is he doing? "You're going to sleep beside me. Whether you like it or not!" ma-awtoridad at pinal niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD