NAPILITAN akong makatabi siya sa kama. Walang couch dito sa room ko kaya heto magkatabi kami. Hindi naman literal na magkatabi dahil hinarangan ko ng mga unan ang gitna namin.
Ayaw niya sa carpet na nakalatag sa sahig. Napakaarte!
"You know what? Hindi mo na dapat nilagyan pa ng unan dito sa gitna natin. Mas lalong sumikip," reklamo niya.
'Ang laki mo kasi!' sigaw ko sa aking isip. Nakapikit na ako. I'm trying to get sleep. Pero hindi ko na mahanap ang antok ko. Madilim na rin sa buong kwarto at tanging lamp shade na lang ang nagsisilbing liwanag.
"Are you sleep already?" pangungulit niya pa. Nagtatanong pa kita namang nakapikit na ako. Hindi ako sumasagot at hindi rin ako gumagalaw. Gusto kong isipin niyang tulog na ako, dahil ayokong makipag-usap sa kanya.
Ramdam ko ang paggalaw niya. Hindi ko alam kung tumalikod ba siya sa akin o bumangon. Mariin akong pumikit at kinagat ang aking labi. Pinipigilan ko ang sariling mapadilat. Nakakatakot na baka sa akin pala siya nakatingin o dito pala siya nakaharap sa akin.
"You are not good at pretending," pagkuwan ay bulong niya. "..you're not sleep yet," saad niya pa.
Tuluyan na akong dumilat at masama siyang tinitigan. Kalahating katawan niya ang nakabangon. Nakatukod ang siko niya sa kama para masilip niya ako.
"Pwede ba kung ayaw mong matulog... magpatulog ka!" singhal ko sa kanya.
Umupo siya ng maayos at gano'n din ang ginawa ko.
"I can't sleep because of you. Urghh!" inis kong sabi. Padabog akong bumangon at padabog na lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref. May natira pa kaming beer ni Kim kaya kinuha ko iyon. Bubuksan ko na sana nang biglang may umagaw niyon sa kamay ko.
"What the....!" inis kong sigaw. Tinungga ni Atlas ang beer na inagaw niya sa akin. Napatanga ako habang nakatitig sa kanya. Kitang-kita ko ang adam's apple niya na tumataas baba.
"Hindi ka dapat umiinum," suway niya nang maubos ang beer.
Natulala ako.
Seriously? Inisang tungga niya lang?
"Bata ka pa at bawal sa'yo ang masobrahan sa alak," pagpapatuloy niya. Tinaasan ko siya kilay.
"Wala kang pakialam! Saka hindi na ako bata, I'm already twenty three years old!" ingos ko at tinalikuran siya.
"That's not good for your health," pagpapatuloy niya na hindi man lang yata niya pinansin ang sinabi ko kanina. Uminum na lang ako ng tubig at hindi na muling nagsalita pa. May ginagawa siya pero hindi na akong nag-abalang lingunin siya.
Bahala siya sa buhay niya!
Nilagay ko sa lababo ang ininuman ko na baso at saka ko hinugasan. Palabas na ako ng kusina nang humarang siya sa harap ko. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang hawak niyang baso na may lamang gatas.
"Drink this," aniya at inabot sa akin.
"I'm not a milk drinker. Inumin mo 'yan kung gusto mo," sabi ko at nilagpasan siya. Pero sadyang makulit siya at humarang ulit sa harapan ko.
"It will help you to sleep," he said in a soft voice. Lumamlam ang kanyang mga mata na nagpakiliti sa aking sikmura. Hindi ko alam kung ano'ng hipnotismo ang ginamit niya sa akin at napasunod niya ako.
I just saw myself drinking the milk that he made for me.
It sweet and delicious. I licked my lips. At nakita ko ang paninitig niya sa labi ko. He did the same way. Kaya pinamulahan ako ng mukha.
Is he seducing me?
Pinilig ko ang aking ulo. Kung ano-ano ng kahalayan ang pumapasok sa utak ko.
"Happy?" sarkastiko kong tanong at nilapag sa mesa ang baso bago siya iniwan doon sa kusina.
Humiga ako at nagtalukbong ng kumot. Mga ilang minuto ay naramdaman ko ang pagpasok niya at mga yabag niya palapit sa kama. Ramdam ko ang paghiga niya. At habang humihiga siya ay pigil na pigil ang aking paghinga.
Hindi na siya nagsalita at katahimikan ang namayani sa buong kwarto. Mukhang nakatulong ang gatas na pinaimum niya sa akin kaya dinalaw na ako ng antok at mahimbing na nakatulog.
NAPASARAP ang tulog ko dahil siguro sa kalasingan at pagod. Hindi pa nga sana ako magigising kung hindi pa ako ginising ni Kim.
Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko si Atlas.
Luminga ako sa aking tabi.
Napahinga lang ako ng maluwag nang makita kong wala na siya sa tabi ko.
Saan kaya siya nagpunta? Ano'ng oras siya umalis? Sunod-sunod na tanong ng isip ko.
"Hey, Jade, tulala ka na!"
"Ha? May sinasabi ka ba?"
"Ang sabi ko kung may kasama ka ba ibang tao dito kagabi, kasi parang narinig kitang may kausap," pag-uulit niya sa tinatanong niya kanina.
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"K-Kasama? Tayong dalawa lang naman ang nandito kagabi," pagsisinungaling ko.
May pagdududa niya akong tinitigan.
"Nagpapasok ka ng lalaki, noh?"
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling at pinatigas ang ekspresyon ng aking mukha upang pagtakpan ang kung anumang guilt na gumuhit doon. Pero sa totoo lang ay sinasalakay na ako ng matinding kaba. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Knowing Kim na masyadong berde ang utak. Siguradong kahit sabihin ko sa kanyang wala kaming ginawa, hindi siya maniniwala.
"Of course not!" sigaw ko upang pagtakpan ang kaba sa boses ko. Mabuti na lang at hindi nanginig ang boses ko at nakisama ito.
Hinawi ko ang kumot at bumangon na. Dumiretso akong banyo para makapaghilamos. Pero ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Kim. Hindi niya talaga ako titigilan.
"I don't believe in you. Narinig ko na may kausap kang lalaki kagabi."
"Alam mo, baka sa panaginip mo lang 'yon. Wala akong kasama na lalaki dito!" pinal kong sabi at nagsimula ng magsipilyo.
Hanggang sa pagkain namin ng breakfast at pagbibihis ay hindi ako tinigilan ni Kim. Pero hindi ko lang siya pinansin dahil baka madulas ako at sa huli ay mapaamin rin.
"Malalaman ko rin ang totoo, Jade!" sambit niya nang makalabas na kami sa unit. Pinaningkitan niya pa ako ng mata na agad kong inirapan.
"Bahala ka sa buhay mo," ani ko at nauna ng maglakad sa kanya.
Tahimik kaming dalawa sa elevator. Balak kong umuwi muna at doon ituloy ang pagpapahinga sa bahay. Nag-text si dad kanina, nagpaalam na aalis na sila patungo sa Hongkong.
Nag-reply lang ako ng ingat.
I know he is trying to make me understand our situation. Pero sarado pa ang puso ko para intindihin siya lalo na ang babae niya na doble kara.
"Sure ka bang ayaw mo muna sa bahay?" tanong ni Kim nang pumarada ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Kotse niya na ang ginamit namin at nagpahatid na lang ako sa kanya. Ipapakuha ko na lang sa driver 'yong kotse ko sa hotel.
"Wala naman sila dito kaya solo ko ang bahay. Tatawag na lang ako kapag bored ako. But for now, I need a complete rest," sabi ko.
I assured her that I am okay. Nakipagbeso muna ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng kotse.
"Bye. Ingat sa pag-drive!" sigaw ko at nag-wave pa sa kanya. Bumuntong hininga ako nang makapasok sa gate namin. Tumayo ako sa harap ng bahay at pinagmasdan iyon. Some of happy memories with mommy came back to me. Masaya kaming naglalaro sa garden kasama si Daddy every weekends. Kung hindi naman ay nagpupunta kami sa mall at nagdi-dinner sa favorite restaurant namin.
I missed that scene.
We we're happy when my mom is alive. Siguro masaya pa rin kami hanggang ngayon kung nabubuhay pa rin siya.
Hinayaan kong tumulo ang mga luha sa aking pisngi. Ang dating maingay namin na bahay ngayon ay tahimik na. Nang mamatay si mommy ay kalahati ng puso ko ay namatay na rin. Ang natitira na lang ay para kay daddy. Alam kong selfish ako dahil ayaw ko ang ginawa niyang pagpapakasal. Pero masisisi niya ba ako kung alam ko ang tunay na ugali ng babae niya. She's not the right woman for my dad. Mabait si Dad, mapagmahal at maalaga.
But, that woman? I don't think so.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Mapait akong napangiti nang makita ang family picture namin dito sa sala. And I know sooner or later ay matatanggal na 'yan dito. Pero hindi ko hahayaan na mangyari 'yon. This is my mom's house too. Kung gusto niyang maging reyna, gumawa siya ng sarili niyang palasyo.
Not in here. Not in my mom's house!
'I feel so sorry for my mom!'
Napalingon ako sa bandang kusina. May naririnig akong ingay mula doon.
Tumitili?
Kinikilig?
I was curious so I stepped closer to the kitchen. Nag-uumpukan ang apat naming kasambahay sa counter. Kasama do'n ang matagal na naming katulong na si Manang Dolor.
Dinig ko ang hiritan nila habang malawak ang kanilang ngiti sa mga labi. Lumapit pa ako sa kanila dahilan upang matulala sa pinapanuod nila. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko napigilan ang mapasinghap.
What is he doing here?
And, God! He's only wearing an apron on top!
Kitang-kita ang pag-fi-flex ng muscle niya habang naghihiwa.
Balak niya bang akitin ang mga katulong dito?
Tumikhim ako upang pukawin ang atensyon nila.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga katulong at nagpunta sa kani-kanilang ginagawa.
"You're here," nakangiting bati ni Atlas.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Y-Yes, as far as I remember. This is my house," may diin kong sambit.
Ngunit hindi siya apektado sa pagsusungit ko. Ngumiti pa siya sa akin kaya mas lalong naghurumentado ang dibdib ko dahil sa inis.
"Ohh, I'm sorry. Sabi kasi ng daddy mo, dito muna ako mag-stay habang wala sila," kampante niyang saad at binitawan ang kutsilyo niyang hawak.
"What?" nabuhay na naman ang inis sa dibdib ko.
Bakit kailangan pang patirahin siya dito?
"Yes, stepsis," kalmado niyang sabi. Hindi man lang niya pinansin ang galit kong mukha. Kaya mas lalo akong nainis.
"I can take care of myself. I don't need you here!"
"Don't worry, stepsis. Hindi naman kita aalagaan, unless kung magpapa-alaga ka," wika niya at pinagpatuloy ang ginagawa niyang paghihiwa ng manok.
"I'm not your sister, okay?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin at matamis na ngumiti. Lumitaw na naman doon ang dimple niya na mas lalong nagpa-gwapo sa kanya.
"What do you want me to call you? Sweetheart? Mahal? Baby? or Ba—"
"Stop! Just don't call me anything. Don't talk to me either!" nanggagalit kong saad sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.
How dare him!
Lumingon akong muli sa kanya nang palabas na ako sa kusina. Sinuri ko nag itsura niya na labis kong pinagsisihan. Nanuyo ang lalamunan ko kaya naman hirap akong lumunok.
"P-Put on your clothes! Walang fashion show dito para maghubad ka!"