MAAGA akong nagising kinabukasan. Nanlalata akong bumangon. Magdamag yata akong umiyak at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Hindi na rin ako nakakain at nakapaglinis ng aking katawan.
I feel so exhausted. Pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako sa buhay.
Tamad akong bumangon at dumiretso sa banyo. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Mugto ang aking mga mata at nangingitim na rin ang ilalim nito.
Matapos maligo ay dumiretso na ako sa baba bitbit ang bag ko pang-eskwela. Dumiretso ako sa kusina at balak sanang mag-almusal.
Ngunit nagsisi ako nang dito ako dumiretso. Nakita ko lang naman dito si Amalia, ang babae ni dad. Naramdaman niya yata ang presensya ko kaya lumingon siya sa gawi ko. Binitawan niya ang basong hawak niya sa mesa at mapang-asar na ngumiti sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at masama ko siyang tinitigan.
"Good morning, Jade!" nakangiti niyang bati. Feeling close talaga!
"Walang good sa morning kapag mukha mo ang nakikita ko!" asik ko. Naglakad ako patungo sa ref. Iinum na lang siguro ako ng fresh milk at sa coffee shop na malapit sa school na lang ako kakain. Nawalan na kasi ako ng gana nang makita ko ang nakakapikon na mukha ni Amalia.
"Ang sama talaga ng ugali mo. Ganya'n ka ba pinalaki ng nanay mo? O baka naman magka-ugali talaga kayo ng nanay mo?" nang-uuyam niyang saad na nagpakulo sa kalamnan ko. Binitiwan ko ang hawak ko na baso at fresh milk sa lamesa at mabilis siyang nilapitan.
"How dare you? Walang-wala ka sa kalingkinan si mommy! Hindi mo deserve ang pakitaan ng kabaitan. For your information, mabait ang mommy ko! Unlike you, the gold digger woman!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan pa ang pagtaasan siya ng boses. Nakakapanginig siya ng laman! I was about to slap her. Pero nagulat ako nang humandusay na lang siya sa sahig na umiiyak nang hindi pa tumatama ang kamay ko sa pisngi niya.
"Isla Jade! What the hell are you doing?"
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang dumagundong ang boses ni daddy sa buong kusina. Ang kamay na nakataas ay agad kong binaba. Dinaluhan ni daddy si Amalia at tinulungan niya itong makatayo.
Humahagulgol ito ng iyak na animo'y sinaktan ko talaga siya. Kinuyom ko ang aking kamao. Mas lalong nagngitngit sa galit ang puso ko.
"Are you okay, darling?" malambing na tanong ni dad kay Amalia. Gusto kong masuka sa nakikita kong eksena sa harapan ko.
"I'm okay... hindi ko lang matanggap ang mga sinabi niya tungkol sa akin."
Masama ko siyang tinitigan.
Ang sarap niyang sabunutan at kalbuhin! Napasinungaling!
"Liar!" sambit ko. Masama akong tinitigan ni dad.
"I got over your rebellion and your lack of respect for me. But after what you did today, I can't get over it, Jade!" may diin niyang sambit.
Nakaramdam ako ng takot. Minsan lang kung magalit si daddy. At alam kong masama siya kung magalit. Ni minsan ay hindi niya pa ako kinagalitan o pinagtaasan ng boses. At ito ang unang beses.
"But, she's lying, dad! Sinabi niyang masama ang ugali ni mommy!" pagtatanggol ko sa sarili. Nakita ko ang pag-iling-iling ni Amalia.
"What? Tinatanggi mo? Totoo naman di 'ba?" asik ko sa kanya. Pero hindi siya tumingin sa akin at nanatiling nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ni dad.
"Enough, Jade!" ma-awtoridad na sigaw ni dad.
"What? Kakampihan mo siya? Siya ang paniniwalaan mo?" nanghihina kong saad sa kanya.
"What you did is wrong, Jade. Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. Nakita ko ang nangyari, sinaktan mo ang magiging ina mo na rin." Naging malumanay na ang boses niya. Nakita niya ang lahat? Eh, 'di sana nakita niya na hindi naman sumayad ang kamay ko sa babae niya!
"She's not my mom! Patay na ang mommy ko. At kahit kailan ay hindi ko siya ituturing na mommy! Never and ever!" sigaw ko.
"Watch your mouth, Jade! Or else—"
"Else what? Sasaktan mo 'ko? Itatakwil mo ako? What dad?" putol ko sa sinasabi niya. Nag-init na ang pisngi ko dahil sa mga luhang bumagsak mula sa aking mga mata.
"Darling, tama 'yan!" pag-aalo ni Amalia kay dad na mas lalong nagpairita sa akin.
Best actress! Sarap palakpakan at hampasin ng trophy sa mukha.
"Tsaka na kayo mag-usap kapag malamig na pareho ang mga ulo niyo," dagdag niya pa.
"Woah! Coming from you! Ikaw nga ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito!" bulong ko pero napalakas iyon at narinig ni daddy. Masama niya akong tinitigan at sinalubong ko ang galit niya na mga mata. Wala na akong pakialam kung magalit siya sa akin o itakwil niya ako bilang anak niya. Dahil simula pa lang na tumuntong ang babae niya sa bahay na ito ay ramdam kong wala na akong ama.
Hindi nagtagal ay tinalikuran ko na sila at iniwan sa kusina. Umaasa akong sa paglabas ko ng bahay ay hahabulin ako ni daddy. Pero hindi iyon nangyari. Umasa lang ako sa wala.
"ALAM mo nakakainis na 'yang babae ng daddy mo, ha!" nagagalit na saad ni Kim. Nandito kami ngayon sa lumang garden ng campus nakatambay. Walang makakakita sa amin dito dahil bihira lang ang may taong nagpupunta rito. May mas bago kasing garden sa campus na 'to at mas magandang tambayan doon. Kin-wento ko sa kanila ang nangyari kaninang umaga sa bahay.
Maging ang nangyari kagabi ay sinabi ko na rin. Wala akong nilihim sa kanila. Sila lang naman kasi ang mapagsasabihan ko ng problema ko at wala ng iba. Mugto na ang mata ko sa kakaiyak. Nanghihina na rin ako dahil hindi pa ako nakakakain ng maayos.
"What if, umalis ka muna sa bahay niyo? Pwede ka naman sa amin o kung gusto mo kina Kim!" suhestiyon ni Stacey. Napaisip ako. Gusto ko ang suggestion niya na 'yon. Pero hindi ko naman hahayaan na magreyna-reynahan si Amalia sa bahay namin!
"What do you think?" pagsang-ayon ni Kim.
"Eh, 'di mas lalong natuwa si Amalia na napalayas niya ako?" saad ko.
"Just for today, Jade. Magpahinga ka muna at magpalipas ng galit mo," mahinahong saad ni Kim. Tinabihan niya ako at yumakap sa gilid ko.
Gumaya naman si Stacey sa ginawa ni Kim at nakiyakap na rin sa amin.
"Thank you, besties! Siguro hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayong dalawa. I'm so lucky to have you!" sambit ko.
"What's the use of our friendship if we don't sympathize with each other?" si Kim.
"Yeah, right! That's what friends are for, sabi nga sa kanta," ani naman ni Stacey at kinanta pa nga ang sinabi.
Sinunod ang payo ng dalawa. Hindi muna ako umuwi at sa bahay muna ni Kim makikitulog. Sakto namang wala ang mommy at daddy niya kaya walang mag-i-interview sa akin mamaya. Mabait ang parents ni Kim. At close na rin kami ng mommy niya. Hindi pa lang talaga ako ready na magkwento sa kanila lalo pa at close ang daddy ni Kim sa daddy ko.
"Kumain na muna tayo sa baba," aya sa akin ni Kim. Tatanggi na sana ako pero hinila niya na ako palabas ng kwarto niya. Alam ko namang hindi niya ako tatantanan kapag hindi ako kumain.
Pinilit kong kumain. Nag-garden salad lang kami at butter bread. Nagda-diet kasi si Kim dahil mabilis siyang tumaba kapag napaparami siya ng kain ng kanin. Samantalang ako naman ay kahit kumain ng kumain ay hindi lumalaki ang katawan. Hindi naman ako sobrang payat. Tama lang ang katawan ko at ang sabi nga ng ibang nakakakilala sa amin ay pwede akong mag-model. Pero hindi ko tipo ang pagmo-modelo. Ayokong nasa akin ang atensyon ng mga tao. I'm a jolly person but a shy type. Ayoko ng buhay na laging pinag-uusapan at pinagkakaguluhan.
Matapos maghapunan ay niyaya ako ni Kim mag-movie marathon. Wala ako sa mood pero sinang-ayunan ko na lang din para malibang ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang nangyari kanina s bahay. Ang matinding sagutan namin ni dad at ang pagpapanggap ni Amalia. Pinatay ko ang phone ko para hindi makatanggap ng kahit anumang tawag mula kay dad. Hindi ako nagpaalam. Sigurado namang hindi niya ako hahanapin.
"Nag-text si tito. He's been asking if you are with me," sambit ni Kim.
"Huwag mo na lang replayan," saad ko.
"Okay. Pinatay ko na rin phone ko para kung tatawag siya aakalain niyang dead batt ang phone ko."
Tipid ko siyang nginitian. "Thank you!"
"You're welcome! Manuod na lang tayo. At ako na ang mamili ng movie," aniya na tinanguan ko. Busy siya sa pamimili ng movie habang ako ay abala naman sa mga notes ko nang may biglang umuungol akong narinig.
Napaawang ang labi ko sa nakikita ko sa screen ng malaking t.v. Tumutirik ang mata ng babae habang may lalaking nakapatong sa kanya.
"Oh, my God, Kim!" sigaw ko at nagtakip ng aking mga mata. Naninindig ang mga balahibo sa buong katawan nang marinig ang ungol ng babae na hindi ko malaman kung sa sarap ba o sa sakit.
Humagalpak ng tawa si Kim.
"Turn off the t.v., Kim!" sigaw ko sa kanya.
"Ano ka ba? Maganda 'to!" tumatawa niyang sambit.
"Ano'ng kinaganda niyan? I can't believe this Kim! Saan mo natutunan ang manuod ng porn?"
"Relax, okay? Magandang may alam na tayo habang wala pa tayong mga boyfriend o asawa."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi porket nanunuod ng porn, malandi o pokpok na! 'Yong iba nanunuod nito para may matutunan!" aniya at malakas na natawa.
Napilitan akong panuorin ang palabas. Pero bakit gano'n? Parang may kung ano'ng kiliti akong nararamdaman sa maselang parte ng aking katawan?