'Honey, please go home early.'
Napairap ako sa hangin nang mabasa ko ang text na iyon ni Dad. May dinner kasi kami mamaya kasama ang babae niya! I was very mad at him. How can he do this to mom? Two years pa lang nang mamatay si mommy, at heto ay may kapalit na agad siya. Kahit inisip na lang niya sana si mommy.
I don't like that woman. Iba ang pakiramdam ko sa kanya at hindi ko siya feel para kay dad. Nangangamoy gold digger ang babae na 'yon!
"What's with that face Isla Jade Dela Costa?" maarteng sambit ni Kim na bagong dating. Nandito kami ngayon sa cafeteria.
"Kailangan buong pangalan talaga?" naiirita kong tanong at saka bumuntong hininga. Hindi pa ako nakakapag-order ng pagkain ko dahil nawalan ako ng gana. Siguradong ipipilit na naman ni dad na dumalo ako sa wedding nila. Pero buo na ang desisyon ko. Hindi ako dadalo o magpapakita sa araw ng kasal nila.
"Hulaan ko.... it's about your dad and his gold digger soon to be wife. Am I right?"
Tumango ako. "Pinapauwi ako ng maaga," ani ko.
"Eh 'di hindi ka pala makakasama sa amin ni Stacey mamaya?" tanong niya.
Stacey, one of our friend. Pero sa dalawa, ang pinagkakatiwalaan ko lang ay si Kim. She's my friend since our elementary days. Samantalang, si Stacey ay no'ng high school lang namin nakilala.
We're now in college. Isang taon na lang ay ga-graduate na kami.
Eighteen years old ako noon nang mamatay si mommy. It's very painful for me kasi very close kami. Close rin naman ako kay dad. Pero nang malaman kong ikakasal na siya ay lumayo ang loob ko sa kanya. I was thinking na baka hindi niya talaga totong mahal si mommy dahil ganoon kabilis niya lang ito palitan. Hindi pa nga ako tapos sa pagluluksa eh!
Her mother's death seems like it just happened yesterday. The pain in my heart was still fresh. Hindi pa ako nakakapag-adjust sa buhay ko na wala si mommy. Araw-araw ay lagi ko siyang nami-miss. Kung bakit kasi siya pa ang kinuha agad. Mabait si mommy, mapagmahal, at maalaga. Maraming masasamang tao sa mundo na hanggang ngayon ay nabubuhay pa. Bakit hindi na lang sila ang unang kinuha?
"Hindi na muna ako sasama. Haharapin ko na muna sila mamaya. Siguradong hindi rin ako titigilan ni dad at hindi rin ako makakapag-enjoy," sambit ko. Plano kasi naming mag-bar mamaya. May bagong open na bar sa BGC na pupuntahan namin. After kasi ng lunch break ay hindi na namin papasukan ang susunod na subject. Lagi ko naman itong ginagawa at wala ng bago. Nagsasawa na nga lang ang professor ko sa kaka-report kay daddy.
Yes, I'm rebelling. And Dad knows that. I didn't hide it from him, either. I thought he would leave his woman if I rebelled. But I was wrong. No matter what I did, he didn't listen to me. Noon nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Pero sa unang pagkakataon ay hindi ko nakuha ang gusto ko ngayon.
"Hindi na rin muna kami tutuloy mamaya. Hindi masaya kapag wala ka," nakanguso niyang saad.
"Next time na lang. Maybe tomorrow," ani ko.
PINASUKAN ko na lang ang last subject ko kahit na wala naman doon ang utak ko. Hindi kami magka-klase dito nina Kim at Stacey. Pero mamaya naman ay magkikita kami sa labas ng campus. Nang matapos ang klase ay nagmamadali kong niligpit ang aking mga gamit. Hindi ako excited sa pag-uwi ko. Excited ako na makasama ang dalawa kong kaibigan. Sila lang kasi ang maituturing ko na kakampi ngayon. Dahil ang tanging kakampi ko sa buhay ay may iba ng minamahal.
"Isla!" tawag ng isang pamilyar na lalaki sa akin. Hindi ako huminto at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatda ako sa paglalakad nang huminto si Jude sa harap ko ng hinihingal.
Kinunutan ko siya ng noo at tinaasan ng kilay.
"A-Ang bilis mo naman maglakad!" hinihingal niyang sambit.
"Naabutan mo nga ako!" ingos ko.
"Sungit mo naman ngayon," aniya pero sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Nakatayo na siya ng diretso at nakabawi sa kanyang paghinga.
"Ano ba kasi ang kailangan mo? Can't you see, I'm in a hurry!" saad ko.
"Ihahatid na kita," offer niya.
"May kotse ako Jude. I can drive," tanggi ko.
"How about tomorrow?" pangungulit niya. Inirapan ko siya. Ewan ko ba kung bakit ang kulit niya. Ilang beses ko na ba siyang binasted? At hanggang ngayon ay nandito pa rin siya at matyagang nanliligaw sa akin. Sa dami ng binasted ko, siya lang talaga ang natirang matibay at hindi sumuko.
"Hindi rin pwede. Saka pwede ba? Tigilan mo na ako! Binasted na kita di 'ba?" asik ko. Hindi ko na napigilang ilabas ang iritasyon ko sa kanya. Nalungkot ang mukha niya. Gwapo si Jude, mayaman at maganda ang pangangatawan na mukhang alaga sa gym. Pero hindi ko siya feel at wala akong nararamdaman na kakaibang damdamin para sa kanya. At isa pa, wala pa sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend.
Mahilig akong lumandi lalo na kapag nasa bar kami nila Kim. But, I was never been kissed nang kahit na sino'ng lalaki. Kapag may nagtatangka ay nakakatikim agad ng sampal mula sa akin. Sa touch naman, marami na, pero sa kamay at sa braso lang.
"Hindi uso sa akin ang salitang pagsuko, Isla," aniya. Marahas akong napabuga ng hangin. Sa lahat ng tao na nakakakilala sa akin dito sa school ay siya lang ang tumatawag sa akin ng Isla. Halos lahat kasi sila ay Jade ang tawag sa akin.
"Sumuko ka na, Jude. Wala kang mapapala sa akin," pagkasabi ko niyon ay nilagpasan ko na siya. Luminga ako sa paligid at tama nga ang hinala ko. Marami na ang nakatingin sa amin. Inirapan ko silang lahat at taas noo akong nagpatuloy sa paglalakad. I know they are gossiping about me. Well, I don't care!
Hindi na sumunod sa akin si Jude at hindi ko rin naman siya nilingon. Sa totoo lang ay naaawa na rin ako sa kanya. Mabait siya at wala pa akong nababalitaan na may naging girlfriend siya o niligawan na iba. Simula nang magkakilala kami no'ng second year college pa lang ako ay sa akin lang siya naka-focus kahit na paulit-ulit ko na siyang bina-basted. Pero hindi dahilan 'yon para sagutin ko siya. At kailangan mahal ko ang isang lalaki kapag sinagot ko siya.
"Bakit naman ang tagal mong lumabas?" salubong na tanong sa akin ni Kim.
"Ohh, bakit ganyan ang mukha mo?" si Stacey.
"Si Jude kasi..."
"Bakit ano'ng ginawa niya sa'yo?" may pag-aalalang tanong ni Kim.
Nagkibit balikat ako. "Wala naman," ani ko. Pareho silang napahinga ng maluwag sa sinabi ko.
"Akala ko naman my ginawa siya sa'yo," sambit ni Kim.
"Wala naman yata sa bokabularyo ni Jude ang gumawa ng kababalaghan," sabi naman ni Stacey na sinag-ayunan ni Kim.
"Yeah!"
"Pero makulit siya!" asik ko.
"Gano'n talaga nagagawa ng pag-ibig," natatawang saad ni Kim.
"Wala pa sa isip ko 'yan," sabi ko at naglakad na patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang mga sasakyan namin.
"Baka naman tumanda kang dalaga niyan sa kakapili mo."
"Hindi ako mapili. Gusto ko mahal ko ang lalaki kapag naging boyfriend ko," pagdadahilan ko. Pangarap ko ang kagaya ng love story nina mommy at daddy. They are in love to each other so much. Bihira nga lang sila kung mag-away. Siguro kung buhay pa si mommy ay masaya pa rin kaming pamilya hanggang ngayon.
Nagpaalaman na kami sa isa't-isa nila Stacey at Kim. May kaniya-kaniya kaming kotse kaya hindi na namin kailangan pang mag-comute.
Nang makapag-park sa bahay ay agad akong bumaba. As usual the heavy feeling rose again in my chest. Ibang-iba na ang pakiramdam ko sa bahay na ito. Hindi gaya dati na excited ako lagi sa pag-uwi. Dahil sasalubungin ako ni mommy ng halik at yakap. Malungkot na ang bahay at walang kabuhay-buhay. Huminga ako ng malalim bago pumasok.
Pero gano'n na lang ang pag-ahon ng galit sa dibdib ko nang makita kong naghahalikan si daddy at ang babae niya.
"Dad!" galit kong sigaw. Kaagad naman silang naghiwalay na dalawa at lumingon sa akin. Nairita pa ako nang ngitian ako ng babae. Feeling close? Inirapan ko siya.
"Honey!" nakangiting bati ni dad at hindi pinansin ang galit kong mukha. Sasalubingin niya sana ako ng yakap pero umiwas ako.
"Really dad? Kissing your woman in front of my mom's picture? So disgusting!" inis kong sambit. Alam kong kawalan ng respeto ang sinabi ko. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. I feel sad for my mom. Feeling ko umiiyak siya ngayon habang nakikitang may kahalikan na iba ang daddy ko.
"Don't disrespect me, Jade! I'm your father!" mariin niyang sambit at bakas na rin ang galit sa mukha niya.
"And I'm your daughter. And this is my mom's house!" pabalang kong sagot.
"What the—"
Hindi natuloy ang sasabihin pa sana ni daddy dahil pinigilan siya ng babae niya. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanilang dalawa bago umakyat sa hagdan at dumiretso sa kwarto ko.
Nang makapasok ay padapa akong humiga sa kama at doon ay humagulgol ng iyak.
"Mommy, please hug me!" anas ko habang umiiyak.