ISANG linggo na ang nakalipas at isang linggo ko na ring nakakasama dito sa Atlas sa bahay. I get irritated every time I see him. Pero kapag hindi ko naman siya agad nakikita dito sa bahay ay hinahanap ko ang presensya niya. Ang weird ng feeling ko minsan kapag kasama ko siya. At hindi ko alam kung bakit. Hangga't maaari ay iniiwasan ko siya. Ayokong mag-build ng feelings para sa kanya lalo pa at anak siya ni Amalia. He has been interfering with my life for a week. Na lalong nagpapagalit sa akin. Sinusundan niya ako kahit saan ako magpunta. Kahit sa bar! Kahit na hindi siya nagpapakita sa mga friends ko or lumalapit sa akin. But, I don't feel comfortable just being around him. When I'm dancing on the dance floor, he follows me there. Kapag may lalaking lumalapit sa akin ay nagdi