"What babalik na dito sa Pilipinas si Papa Gino?! Sure ka ba diyan Lia?" oa na react ni Jane.
Si Jane Suarez. Kasama niya ito pamula pa ng nagkaisip siya. Her best friend, true friend, close friend and a sister by heart. Katulad niya ay nag-iisang anak lang din ito.
"Oo tange! Kasasabi ko lang `di ba?"
Punyemas talaga, maisip pa lang niya na magkikita ulit sila ni Gino nagtatayuan na lahat ng balahibo niya.
"Bakit parang namomroblema ka diyan? Bago `yan, ah? Si Lia Imperial namomroblema?"
"Tsk, malamang ayokong makita pagmumukha ng hinayupak na iyon! Nakakaumay!"
"Asus kunwari pa siya sa kanya naman tumigidig-tigidig ‘yang heart mo `di ba?" pang-aasar nito kaya sinapok niya ito.
"Aray ko, punyeta ka! Masakit, ah!"
Ganyan talaga sila magbonding, eh.
"Matagal na `yon bata pa ko noon, kumbaga wala pa ako sa tamang wisyo! Saka alam kong masakit ang sapok ko, umaray ka, eh! Shunga lang?"
"Ewan ko sa’yo, pero bakit nga ba siya babalik?" usisa pa nito at ngumuya ng brownies.
Napahalumbaba siya sa lamesa ng wala sa oras sa tanong nitong iyon. Nasa cafeteria sila ng school at naglalunch.
"He's going to be my babysitter."
"W-What? B-Babysitter?! Haha!" humagalpak na ng tawa ang kaibigan niya at kita pa sa bibig nito ang nginunguya nitong brownies sa katatawa.
Napairap siya. Tawanan lang daw ba siya?
"G-Grabe! Ang laki-laki mo na! Ibibabysitt ka pa niya? Fourth year college na nga tayo, eh! Ang lakas mo magjoke!" tawa pa rin nito. Sarap tadiyakan sa ngala-ngala.
"Bakit ka ba tawa nang tawa?! Kung ako nga hindi natatawa sa pakanang ito ni Mama! Ang hirap na talagang magpalaki ng magulang ngayon!"
"Ayos rin `yang si Tita Nadie! Kung tungkol pa sa arranged marriage iyang sinabi mo baka maniwala pa ko! Pero babysitter? What a joke!"
"Letse. Eh, hindi nga raw siya nagbibiro! Paaalagaan daw niya ako kay Gino at nang tumino raw ako! Ang tanga lang ng idea na iyon!" halos umusok ang ilong na sabi niya.
"Sabagay napakabratinela mo naman kasi at natatandaan ko pa dati na kapag nandiyan sa paligid si Gino, tumitiklop ka at kung ano mang sinasabi niya sinusunod mo! Kaya siguro siya ang naisip ni Tita na dumisiplina sa’yo?"
"Dati `yon! And for Pete’s sake! Ipinasok na lang na sana nila ko dapat sa kumbento o kaya naman nag P.M.A ako! Pambihira naman. Sa talagang ganito ko, eh!"
"Asus iyang mga pinaggagagawa mo natural lang sa paningin mo pero para sa iba? Masakit ka sa ulo! Saka as if papayag kang magmadre? At pupusta rin akong magwawala ang mga madre kapag napasok ka sa lungga nila!"
"Pero ‘di ba iyon naman ang typical na ginagawa ng magulang kapag sutil ang anak? Kung saan-saan ipinapasok para tumino? Baka mas matanggap ko pa! Hindi iyong kaabnormalan na ganito?"
"Abnoy ka rin naman kasi! Magtino ka na kaya?"
"Parang sinabi mo na rin na magpakamatay na ko!" palag niya.
"Oh, well kung gano’n humanda ka nang i-welcome si Papa Gino." nakangising pang-aasar nito.
"Alam mo wala kang naitutulong."
"Bakit ba natatakot kang makita siya? Natatakot ka ba na muling ibalik ang tamis ng pag-ibig?" pakanta pa ang huling salita nito.
"Ano’ng muling ibalik ang tamis ng pag-ibig pinagsasabi mo diyan? Para sabihin ko sa’yo walang ibabalik kasi hindi naman naging kami!"
"Exactly! Hindi naging kayo! Kaya bakit nagkakaganyan ka?"
Natigagal siya pansamantala sa tinuran nito. Oo nga naman. Hindi naging sila.
"Huwag ka maraming satsat basta ayoko sa kanya! Tapos!"
"Hindi kaya ka nagkakaganyan kasi bitter ka pa rin? Kasi nireject ka niya dati?"
Sukat doon sa sinabi nito nagbalik sa utak niya ang araw kung saan siya unang nakatanggap ng rejection mula sa taong unang nagustuhan niya. Six years ago...