Chapter 1- The Brat

672 Words
Chapter 1- The Brat "Kailan ka ba titinong bata ka, ha?!" sermon ng Ginang na si Nadie sa anak nito pagka-uwi nila galing sa Deans office. "I'm not the one who started it, naprovoke lang ako," katwiran ng dalagang sinesermonan. "Maryosep naman, Lia! Nineteen ka na at kababae mo pa man ding tao! Sukat nanuntok ka?! Kaisa-isa ka nga naming anak ng Papa mo pero pakiramdam ko labindalawa ang anak ko dala ng kunsimisyon dahil sa pagkabratinela mo!" parang hihimataying litanya pa nito. Napangisi ang dalaga. Oo nanapak siya. Nanapak siya ng kaklase niyang babae. "Paano kasi nilapitan niya ‘yong crush ko, sabi ng akin lang `yon, eh!" nakangusong katwiran niya sa ina habang nakaupo sa malaki niyang kama sa silid. Siya pa naman ang tipo ng tao na kung ano ang gusto makukuha, kapag natipuhan niya sa kanya na. Kapag may humara-hara sa daraanan niya, sasagasaan niya talaga! "Ano na naman ba `yan?" bungad ng Papa niyang si Danilo Imperial sa pintuan ng kwarto niya. Narinig siguro nitong sinesermonan siya ng kanyang Mama. "Tingnan mo Danilo ang asal ng anak mong iyan! Aba`y pinagsasabihan ko ngini-ngitian lang ako! Kuh!" halatang pikon na sumbong ng kanyang Mama. "Dan naman honey, ang bantot ng Danilo, eh." "Ewan ko sa inyo! Mag-ama nga kayo masakit kayo sa bangs!" irap nito sa kanilang mag-ama habang sapo ang buhok na may bangs. "Ano naman ba ginawa ng princess Lia ko?" tanong ng Papa niya saka ito umupo sa tabi niya. "Ayan! Kaya lumaking bratinela ang anak mo! Masiyadong ini-spoiled! Hay naku! Noong isang araw tinulak sa pool ang isang kasambahay, paano kung nalunod `yon? Tapos nitong nakaraan nilagyan naman ng bulate iyong likod ng hardinera natin, tapos noong isang linggo nakipagsabunutan doon sa kaklase niya? At ngayon nanapak?! Mabuti na lang kaibigan ko iyong Dean!" inis na salaysay ng Mama niya. "Paano ko naman siyang hindi itutulak sa pool? Panay ang reklamo niya na mainit kaya hayun pinapaligo ko, bad ba `yon? Saka malulunod ba siya kung hanggang bewang lang ang pinagbagsakan niya?" depensa naman niya. "Anak jusko ‘wag mo nang uulitin ‘yon, baka kung mapaano ‘yon? Mabuti na nga lang at hindi tayo idinemanda saka bakit mo naman nilagyan ng bulate si Stella?" tukoy ng Papa niya sa hardinera nila. "Eh, paano sabi niya malinis daw ang garden at inaalagaan niyang mabuti pero bakit nakakita ako ng bulate? Kaya nilagay ko sa likod niya para makita niya ang sinasabi niyang malinis!" "Eh, bakit pati iyong isang kaklase mo inaway mo rin daw?" tanong pa rin ng Mama niya. "Hinihili niya kasi ako sa buhok niyang bagong parebond, hindi raw kagaya ng buhok kong kulot na wala na raw sa uso, hayun sinabunutan ko para parehas kaming kulot, but don't worry bati na kami." Isa pang ayaw niya iyong pinakikialaman siya at iniinggit sa isang bagay na hindi naman talaga niya kinaiinggitan. Eh, sa proud siyang kulot siya. Kaya hayun sinira niya ang rebond noong si Trina. Kulot na rin ito matapos niyang sabunutan! "Tsk, dapat sa’yo may dumidisiplina," sabi ng Mama niya na parang pabulong na lang sa hangin. "Ano `yon Ma?" "Danilo..." tawag nito sa asawa imbes na sagutin ang tanong niya. "Dan nga honey, eh!" "Whatever!" nakairap na sabi ng Mama niya. "Ano ba `yon?" "Call Gino, kung hindi madisiplina ang batang `yan sa atin, pwes si Gino ang bahala!" "Ma! Ano’ng si Gino?! Bakit mo papupuntahin ang talipandas na iyon dito? Maligaya na siya sa kung saang planeta man siya naroon!" Nakita niyang napangisi ang Mama niya dahil sa inasal niya. "See? Pangalan pa lang niya natutuliro ka na. Paano pa kaya kapag nandito na siya? Pupusta akong para kang pinitpit na luya," anang magaling niyang ina. Wala na! Tameme na talaga siya. Pagdating sa lalakeng iyon nawawala ang compusure niya sa sarili at natutulingag ng wala sa oras! Kung kanina sinabi niyang lahat ng gusto niya ay nakukuha niya, pwes meron pa lang isa na hindi niya makuha-kuha at iyon ay walang iba kundi si Gino Fortaleza!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD