Chapter 3

1306 Words
"Hija teenager ka na dalaga na marami na siguro ang aakyat ng ligaw sa’yo kapag natapos itong party mo." anang Mama niya habang inaayusan siya ng buhok sa harap ng salamin sa loob ng kanyang silid. Ikalabing tatlong kaarawan iyon ng dalagita. "Hoy Nadie! Ano’ng ligaw pinagsasabi mo? Trese pa lang `yang anak mo, ah? Crush lang pwede!" kontra ng Papa niya habang nakatunghay sa kanila. "Napakakontrabida mo talaga Danilo!" "Dan nga sabi, eh!" giit ng Papa niya. Natawa na lang tuloy siya sa mga ito. "Ikaw ba Lia, anak may crush na?" tanong ng Mama niya. "Wala po..." sagot niya kasi wala naman talaga. "Abnormal ka yata anak bakit wala ka pang crush?" "Eh, wala nga po! Saka paano po ba malalaman kapag crush mo iyong tao?" "Oh, well kapag nakita mo siya may kakaiba kang mararamdaman basta ‘yon na ‘yon!" K! Ang galing mag-explain ng Mama niya. At nagsimula na nga ang party. Medyo bongga kasi nga raw isinecelebrate ang pagiging teen niya. "Lia, sayaw tayo!" yakag sa kanya ni Oliver. Kalaro niya ito, tagaroon lang din sa subdivision nila, halos puro naman mga kababata niya ang mga nagsidalo. Nangangawit na nga siya sa heels tapos magyayakag pang sumayaw? "Lumayo-layo ka nga at baka tuktukan kita nitong sapatos ko! Si Jane na lang isayaw mo!" tukoy niya kay Jane na panay ang ngasab ng handa niya. "Ayoko, ikaw may birthday, eh." pangungulit nito. "Oo nga naman! Pagod na ko! Kanina mo pa ako ginagawang proxy mo ah?!" reklamo ni Jane. "Hindi ako marunong magsayaw." "Siya ‘wag na nga! Mamaya niyan tapakan mo lang ako? Jane tara!" at si Jane na ang hinila nito. Nagpatianod naman ang kaibigan niya. "Iha Lia." nakangiting tawag ng Mama niya na palapit sa pwesto niya. Tumayo naman siya. "You have a visitor. Greet to your Tita Susan kapit-bahay natin sila dati diyan sa tapat." anang Mama niya at noon lang niya napansin na may mga kasama ito na hindi pamilyar sa kanya. "Hello po..." bati niya doon kay Tita Susan daw. "Malaki na pala ang unica hija mo at maganda ha!" papuri ni Susan kaya napangiti na lang siya. "Siyempre mana sa pinagmanahan!" singit ng Papa niya kaya natawa na lang sila. "Magbabakasiyon lang sila dito for two months at babalik din sa States." pagbibigay impormasiyon pa ng Mama niya. "Ay! Muntik ko nang makalimutan si Gino! Anak ng Tita Susan mo. Hindi mo na sila natatandaan anak kasi maliit ka pa noong huli kaming nagkita." Hindi na niya halos naunawaan ang mga sinasabi ng Mama niya dahil biglang lumakas ang sound system at napatingin na rin siya sa lalakeng matangkad na nasa likuran ni Susan. Tinanguan niya lang ang lalake. Kagaya ng Tita Susan niya, ngayon lang din niya nakita si Gino. "Greet to her anak it's her birthday." sabi ng Tita Susan niya kaya lumapit sa kanya ang binatilyong anak nito. "Happy Birthday." bati nito at bahagyang yumuko dahil sa tangkad, saka nito inilapat ang labi nito sa pisngi niya. Para siyang naestatwa. First time na may gumawa sa kanya noon pwera sa Papa niya. Kapag kasi iyong mga kalaro niyang lalake inaambaan niya kaagad ng suntok pero itong lalakeng ito? Ang bilis! "Salamat!" sabi niya noong humiwalay ito saka bahagyang sinapak ito ng mahina sa balikat. "Let’s dance?" yakag nito. Buong-buo at lalakeng-lalake ang tinig nito. "Ha? Hindi ako-" bago pa siya makapagreklamo na hindi marunong sumayaw hinawakan na nito ang kamay niya.   Kanina hinalikan siya nito sa pisngi ngayon naman hinawakan ang kamay niya? Napapitlag siya nang hawakan nito ang bewang niya noong makarating sila sa pinakagitna ng garden kung saan idinaraos ang birthday party niya. "Put your hands around my nape." sabi nito. Ewan ba niya pero napasunod siya nito. Sumabay na lang siya sa indak ng katawan nito. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang gwapong mukha nito. Ang matangos na ilong, magagandang mga mata na kulay abuhin, his long and thick eyelashes at ang mga labing tila may nakapagkit na ngiti sa tuwing magtatama ang mga mata nila. Makapigil hininga ang anyo nito. Idagdag pa sa nararamdaman niya ang kanta ni Stephen Bishop na It Might Be You. "Ilang taon ka na baby?" Nanlaki ang mga mata niya. Tinawag siya nitong baby? Bakit parang ang sweet kapag ito ang bumanggit? Kapag sa pelikulang napapanood niya nababaduyan siya. Nagsimula na ring bumilis ang t***k ng puso niya. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Parang kinakabahan siya pero kakaibang kaba na ngayon lang niya naramdaman? "T-Thirteen na...ikaw?" "Sixteen. Know what? I like you." napanganga siya sa sinabi nito. "H-Ha?" offguard na tanong niya. "Astig mo kasi para kang lalake umasta, daig mo pa nga iyong kapatid kong bakla! Haha!" kwento nito saka tumawa. Ang sarap din sa pandinig ng tawa nito. Kapag iyong mga kalaro niya ang humahagalpak nang tawa naiirita siya pero kay Gino hindi. "May kapatid ka? Nasaan bakit hindi mo sinama?" tanong na lang niya. Akala naman niya kung ano na ang ibig sabihin ng 'i like you' nito! "Susunod sila dito ni Papa nasa States pa, eh." sagot nito. "Ah…" tanging nasabi niya. Pakiramdam niya kasi parang magkakabuhol-buhol ang dila niya kapag nagsalita pa siya ng mahaba. "Baby, Kuya Gino na lang itawag mo sa akin, ah?" anito. Parang gusto niyang mapasimangot doon sa gusto nitong ipatawag sa kanya. Ang pagkalito niya sa tuwing nakikita si Gino ay mas tumindi pa sa loob ng dalawang buwan na ipinamalagi nito rito sa Pilipinas. Iyong inakala niya dating haunted house sa tapat nila kina Gino pala iyon kasi naman matandang hukluban lang ang nakikita nilang tao doon, iyon pala ay caretaker. Ang mas nakakatuwa pa nakikipaglaro si Gino sa kanya. Siguro dala na rin ng pagkabagot nito. Nakilala na rin niya ang Papa at kapatid nitong si Carlo na Carla kapag gabi. Nakakatuwa dahil ang tatas din nitong managalog kahit sa ibang bansa lumaki. Siguro dahil na rin sa kalandian ng kapatid nito kaya ito nagtitiyaga sa kanya. Eh, kasi mas astig pa raw siya doon, eh. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ito natutuwa sa kanya. "Tabi! Pahiram ako!" tulak niya kay Oliver sabay agaw sa bike nito. Bakasiyon na sa school kaya free silang maglaro. "Kung kailan ka tumanda Lia saka mo naisipan mag-aral niyan?" sabi nito at ibinigay ang bike. "Paki mo? Saka matanda ka riyan? Trese lang ako! Oh, sa’yo muna ‘tong skateboard ko ng manahimik ka." litanya niya saka niya ibinigay ang skateboard dito. Umalis naman ito at naglaro na. "Ay engot, bakit ko pinaalis? Walang aalalay sa akin? Bakit naman kasi ngayon ko lang na tripan mag-aral nito? Tsk puro kasi skateboard iniintindi ko." bulong pa niya sa sarili. "Hoy Jane! Halika rito alalayan mo ko!" tawag niya sa kaibigan na nasa damuhan at naglalaro ng doll house. "Ay! Ayaw bigat mo!" tanggi nito. "Carlo, ikaw na lang?" yakag niya sa baklita na kasama ni Jane na naglalaro pa ng barbie. "Saka na sisteret! Minsan lang ako makahawak ng barbie kapag wala si father!"   Malandi talaga ang baklang ito. Wala na siyang nagawa kundi magsolo. Akmang magpipidal siya ng may tumigil na kotse. Kotse nina Gino kasama ang Mommy nito na si Tita Susan. Hindi niya alam kung saan galing ang mga ito. Maghapon nga niyang hindi nakita si Gino. Bumilis ang t***k ng puso niya noong bumaba si Gino sa kotse at ang Mommy na nito ang nagpark ng kotse sa garage ng bahay. Umiwas kaagad siya nang tingin at nagpidal na kahit patumba-tumba. Ang hirap magbalance wala naman kasing umalalay sa kanya dahil busy ang mga kalaro. "Baby, bakit solo flight ka diyan?" Napapitlag siya ng may nagsalita. Sino pa ba ang tatawag sa kanya ng baby na magpapatindig ng balahibo niya? Eh, di si Gino. Napalingon siya rito. Tsk bakit naman kasi ang gwapo ng taong ito?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD