Chapter 30 "Okay!" masiglang sabi ni Bella nang yayain niya itong magjuice. Feeling siguro nito botong-boto siya rito! Pinaalis niya ang mga maid na nasa kitchen nang makarating sila at sinabi niyang doon muna ang mga ito sa attic o kaya sa backyard maglinis. Dapat kasi walang makakita sa gagawin niya. "Ano’ng juice ang gagawin mo?" nakangiti nitong tanong. Pailalim siyang ngumiti. "Bloody juice," aniya sabay dampot ng kutsilyo at pinadaan sa may bandang braso nito. "B-Bloody juice?" parang nautal at napalunok na tanong nito. "Oo, never heard ba? Ngayon ko lang naman din kasi gagawin ‘yon, sana magustuhan mo." hindi na mapigilan ang ngising sagot niya. "Paano naman gagawin ‘yon?" tanong nitong naging mailap ang mga mata at parang nagsisimula ng pagpawisan ang bandang noo nito.