Chapter 7

1061 Words
Kinaumagahan nagulat na lang siya ng makitang nakaempake ang Papa at Mama niya paggising niya. "Bakit aalis kayo?" takang tanong niya. Bitbit na kasi ng mga kasambahay ang mga maleta palabas ng bahay at isa-isa ng isinakay ang mga iyon sa kotse. "Bad news hija, nasunog ang factory natin ng alak sa Italy. Kailangan naming puntahan although nakainsured iyon, may mga empleyado pa rin natin ang nadisgrasiya. Hindi pa rin kumpirmado kung may namatay ba o ano? Dapat nga makikipagmeet lang kami sa bagong investors pero ito ang nangyari." sagot ng Papa niya habang naglalakad sila palabas. Halatang stressed ito dahil ngayon lang nangyari iyon. "What?!" gulat na bulalas niya. Masama ngang balita. Iyon ang negosiyo nila, alak. Bukod pa roon ang shipyard company nila na minana ng ina sa mga ninuno niya na balang araw ay siya rin ang magpapatakbo. "Eh, sasama ko! Baka kahit papaano makatulong ako do’n?" volunteer pa niya. "Paano ang thesis mo? Saka ang practicum mo? Gusto ko seryosohin mo ‘yon kahit sa company ka natin mag-o-ojt. Okay?" tanong ng Mama niya. Napahilamos siya sa mukha. Oo nga pala. Iyong pesteng thesis niya. Isa pa niyang problema iyon. Pero kapag nakapasa siya doon makakagraduate na siya. Iyong practicum naman niya hindi niya masiyadong problema dahil sa kumpanya rin naman nila siya mag-o-ojt. "Maybe a month or two lang naman kami mawawala. Kung maaga mo namang matatapos ang thesis mo pwede kang sumunod doon." anang Papa niya. "At mapapanatag naman ang loob namin kasi may titingin sa’yo dito habang wala kami." nakangiting dagdag ng Mama niya. Ewan ba niya pero parang may kahulugan ang ngiti nito? Guni-guni lang niya siguro? Natigilan sila ng may humintong kotse sa tapat ng gate nila. Halatang mamahalin iyon. Sino naman kaya ito? Napatitig siya sa taong bumaba mula sa driver seat. Matangkad na lalake at kuntodo shades pa! Samantalang hindi naman ganoon kataas ang araw! "Tito Dan! Tita Nadie!" tawag ng lalake sa mga magulang ng dalaga. Tumalon ang puso ni Lia nang marinig ang pamilyar na tinig ng estranghero. Si Gino?! "Ano`ng ginagawa ng hinayupak na ito dito?" piping tanong ng isip niya. Wala sa loob na pinagmasdan niya ito. Tama ang hinala ni Jane. Kung gwapo ito noon mas gumwapo ito ngayon! Dumoble yata ang karisma na taglay nito. Bagay na bagay rin ang shades na suot nito na nagbibigay emphasis sa matangos nitong ilong. At kung matangkad na ito noon mas tumangkad pa ito ngayon. Tantiya niya ay nasa anim na talampakan ang height nito o baka nga lagpas pa. Naging matipuno rin ang loko. "Ingat po kayo sa biyahe." dinig pa niyang sabi nito sa mga magulang niya ng makalapit. Hindi niya alam kung ano ba ang eksaktong nararamdaman niya. Parang natataranta siya, naiinis na may halong kaba! "Salamat. O paano ikaw ng bahala sa unica hija namin." dinig niyang bilin ng Mama niya na ikinaalarma niya. "Ano`ng siya ang bahala sa akin?!" hindi na niya napigilang sabat mula sa likuran ng mga ito. Humawi naman ang mga magulang niya sa unahan kaya nagkaharap na sila ni Gino. "Gino si Lia, oh. Tingnan mo ang laki na niya dalagang-dalaga na!" proud na sabi ng Papa niya. Tumingin sa kanya si Gino at dahan-dahan nitong ibinaba ang shades sa tungki ng ilong nito. Para siyang naparalisa nang maghinang ang mga mata nila. Nakita na naman niya ang mga mata nitong misteryoso kung makatingin. May kung ano’ng kumalabog sa loob ng dibdib niya! Ngayon lang niya ulit iyon naramdaman after six long years. Una niya iyong naramdaman noong thirteenth birthday niya. Noong gabing nakilala niya ito. Pakiramdam tuloy niya bumalik siya sa nakaraan. Hindi pwedeng may nararamdaman pa siya sa unggoy na ito! Mas lalo siyang parang hindi mapakali noong lumapit ito sa kinatatayuan niya at saka ito yumukod. "Good to see you again my...baby." bulong nito at naramdaman niyang lumapat ang labi nito sa pisngi niya! Naramdaman niyang nanigas siya at binalot ng kilabot ang buong katawan niya. Ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya kapag tinatawag siya nitong baby... "Likewise." pormal niyang sagot at binigyan ito ng matipid na ngiti. Ngiting aso. Hindi niya ito pwedeng pagsungitan sa harap ng mga magulang niya. Baka tuksuhin siya ng mga ito na hindi pa siya nakakamove on kay Gino. "So paano we'll go ahead. Gino, take good care of our daughter." pahabol ng Papa niya at sabay na humalik ang mag-asawa sa pisngi niya. "Eh teka, ano bang-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sumakay na ang mga ito sa kotse. "Bye my princess! I love you!" pahabol pa ng ina niya. Namalayan na lang niya na tinatanaw nila ni Gino paalis ang mga ito. "Ehem." napapitlag pa siya ng tumikhim ito. "Now what?!" naiirita niyang tanong. "Pasok na tayo?" "Ano`ng pasok na tayo? Umuwi ka na! Ano ba`ng ginagawa mo dito?!" sunod-sunod niyang tanong. "Ganyan ka ba mag-entertain ng bisita?" "Bisita? Bwisita kamo!" bulong niya. "What?" "Watawat! Pumasok ka na nga!" pigil ang pagdadabog na paanyaya niya at pumasok na sa loob ng bahay at sumunod nga ang hunghang! "Ah...kamusta ka na?" tanong nito noong makapasok sila. "I'm perfectly fine! Upo diyan! Ano kape o juice?" sarcastic niyang alok. Bakit feeling niya natataranta siya kahit pagsusungit ang ipinapakita niya rito? Umupo nga ang loko doon sa sala set nila. "Kape." tipid nitong tugon. "Kapal talaga ng mukha!" "Manang! Kape nga dito!" utos niya sa kasambahay. Naiirita talaga siya sa presensiya nito dahil hindi siya mapakali. Noong dumating ang kape ininom nga nito. Sayang hindi niya nalagyan ng pamurga! "Titingnan mo na lang ba ko?" nakangiting tanong nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Grabe! Tinitigan na pala niya ito ng hindi niya namamalayan? "Feelingero, hinihintay ko lang na umalis ka." prangka niyang sagot. "Ayaw mo ba kong makasama ulit? Ang kuya Gino mo?" Natigilan siya sa tanong nito. Hanggang ngayon hindi niya alam kung bakit naiirita pa rin siya na marinig ang salitang kuya mula rito. "Ayoko!" mariing sagot niya. "Well sorry to disappoint you pero mukhang hindi pwede ang gusto mong mangyari." seryosong sabi nito. "Ano?!" "Pack your things up. You're leaving." sagot nito na mas ikinalito niya. "Ano`ng aalis ako? Saan ako pupunta?" "You're coming with me." "What? Seryoso ka?!" histerical na tanong niya. "Yes baby at sasama ka sa bahay ko whether do you like it or like it, will be living together."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD