Chapter 6

1414 Words
"Gino Hijo! Good to see you back!" salubong sa kanya ng ama ni Lia na si Danilo Imperial sa airport. Ito ang nagprisintang sumundo sa kanya ng malaman nito ang pag-uwi niya. Napangiti naman siya. Siya lang ang umuwi dito dahil kailangan niyang magtake-over pamula sa pamamahala ng Tito niya sa mga negosiyo nila dito. Nasa edad na rin kasi siya at gusto na lang daw magchillax ng Tito Xander niya. Napasinghot pa siya ng hangin. Amoy Pilipinas na talaga! It's been what? Six years ago mula noong huli siyang umuwi dito. "Thank you po Tito. Si Tita Nadie nga pala?" tanong niya habang ipinapasok ng driver ang mga bagahe niya sa compartment ng kotse. "Ah, nag-iimpake paalis kasi kami bukas. Out of the country. Alam mo naman ang negosiyo hindi rin pwedeng pabayaan. May imimeet kaming bagong investors." sagot nito noong nakasakay na sila. Tumango-tango lang siya. Kilala kasi ang pamilya ng mga Imperial sa isa sa mga may pinakamalaking shipyard na negosiyo sa bansa. Idagdag pa ang negosiyo ng mga itong alak. "Si Lia po...kamusta?" wala sa sariling tanong niya. "Naku ang batang `yon!" parang konsumidong sagot nito. "Bakit Tito?" "Napakapasaway! Araw-araw halos pasakitin ang ulo naming mag-asawa..." At nalaman niya ang mga kalokohang pinaggagawa nito pamula noong umalis siya. Sa kwento pa lang nito parang sumasakit na rin ang ulo niya kay Lia. Hindi niya akalaing magiging certified brat ito. Oo nga at may pagkapilya ito noon pero hindi naman malala. "Biniro nga namin ng Tita mo na pauuwiin ka namin dito para disiplinahin mo kung ayaw niyang magtino! Hindi ba`t noong mga bata pa kayo, nakikinig siya sa`yo? Hindi makaporma ‘yon ng pang-aalaska sa mga kalaro niya kapag nandiyan ka." tawang-tawang kwento pa nito. Napangiti na lang siya sa mga sinabi nito. Natatandaan pa kasi niya noon kung paano siya sundin ni Lia sa mga sinasabi niya. Ngayon kaya sundin pa rin siya nito? Lalo pa nga at hindi naging maayos ang paghihiwalay ng landas nila? Lihim siyang napailing ng maalala niya kung paano ito umiyak noong araw na umamin ito sa tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Gusto niya itong patahanin pero nag-alangan siya dahil sa galit na nakita sa mga nito. "Pwede naman Tito `di ba wala siyang kasama kapag umalis kayo?" wala sa loob na sabi niya. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Doon na siya nananghalian sa bahay ng mga Imperial dahil mapilit ang mga magulang ni Lia. Nakaramdam siya ng pagkadismaya ng malamang nasa school pa pala si Lia. Pagkatapos noon pinayagan na rin siya ng mga itong makauwi. Pagdating niya sa bagong bahay na binili niya dumiretso siya ng kwarto at nahiga sa kama. Kinuha niya ang cellphone at idinial ang number ni Lia na ibinigay ni Tito Dan sa kanya para raw maipaalam niya dito na nasa Pilipinas na siya. Panigurado raw magugulat ito. Ilang ring lang ng may sumagot. "Hudas is this?" mataray na sagot sa kabilang linya. Natawa ang binata sa sagot nito. Kahit na ano pa`ng itinaray ng boses nito alam niyang ito pa rin si Lia. Ang baby Lia niya. "Good to hear your voice again Lia. I'm back…" "So? Eh, di ikwento mo sa pagong!" sagot nito at pinutol na ang tawag. Napailing na lang siya. Mukhang nag-iba na nga ito. Pero pagkukwan ay napangisi siya. Pasaway, ah? Pwes tingnan na lang niya kung umubra ang pagkabratinela nito sa kaniya. ~*~*~*~*~             Samantala sa kabilang banda ay napamura na lang ang dalagang si Lia matapos patayin ang tawag. Alam niyang si Gino iyon kahit hindi siya magtanong. "O bakit na naman?" tanong kaagad ni Jane. "He's back." nakasimangot niyang sagot. "Si Gino? Siya ba ang tumawag?!" tila gulat na tanong nito. "Yeah." walang gana niyang tugon. Kapal ng mukha! Ngayon lang naisipan tumawag makalipas ang maraming taon? Pakialam ba niya kung nagbalik na ito? "Ano na kayang itsura niya? Gwapo pa rin kaya o mas gwapo?" tila nag-iimagine sa hangin na tanong nito. "Landi mo alam mo `yon?!" nakairap niyang pasaring. "Landi kaagad? Para nakucurious lang ,eh. Selos ka naman?" nakangising pang-aasar nito. "Gusto mong mamatay? Selos? Yuck!" Tumawa naman ito. Bwisit! Mukhang hindi talaga nagbibiro ang Mama niya. Napauwi nito si Gino! "Lia..." napalingon siya ng may tumawag sa pangalan niya. Pagtingin niya lalakeng may dalang bulaklak. "Sino ka nga ulit?" tanong niya kaagad dito dahil ang pamilyar mukha nito. "Ah Terrence Drake Quintana, iyong crush mo."  mayabang na pakilala nito. Ah, natatandaan na niya. Ito ang crush niya noong isang araw. Ito ang dahilan kung bakit siya nanapak kaya siya napatawag sa Deans office at nasabon ng Mama niya. "And then?" plain niyang tanong. "I just wanted you to know that i have also a crush on you. In fact i like you." nakangiting pahayag nito. "K." "Iyon lang?" kunot noong tanong nito ng iyon lang isinagot niya. "Reklamador ka masiyado, pasalamat ka nga at kinakausap pa kita and for your info crush lang kita noong isang araw, ngayon hindi na kaya `wag kang masiyadong feelingero." "Pakipot ka alam mo `yon? Nakipagsapakan ka pa nga para sa akin tapos malalaman kong hindi mo na ako crush?!" tila hindi makapaniwalang tanong nito. "Sorry to say this, but you should always remember that there's nothing constant in this world but change, kaya `wag kang magtaka kung bakit hindi na kita crush ngayon! Isa pa bored lang ako no’n." Totoo naman kasi na bored lang siya noon at nagkataon lang din na matagal na siyang inis sa babaeng sinapak niya ng makitang nilalandi nito si Terrence. Ginamit lang niya siguro ang pagkakataong iyon para sapakin ang babae dahil napakaarte naman talaga nito. "Really?! O ito bulaklak mo!" pagalit nitong sabi at ipinagtulakan sa kanya ang bouquet na dala nito saka tumalikod. "Wait lang Terrence..." malumanay niyang tawag kahit nabigla siya sa inasal nito. "What?!" nakasimangot na nilingon siya nito. Saktong paglingon nito inahagis niya ang bouquet sa harap nito. "Keep it or better yet throw it to the trash! Hindi ako tumatanggap ng basura." taas noong sabi niya at lumakad na palabas ng cafeteria. Ramdam niyang nakatingin sa kanya ang mga tao doon. Nagbubulungan pa. "Napakabratinela talaga niya! Pasaway!" "Naku sinabi mo pa!" ilan sa mga bulungan pero hinayaan niya lang. Tutal alam naman niyang hanggang doon lang ang kaya ng mga ito. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Jane. "Sorry Papa Terrence, ah. Mainit lang kasi ulo niya." dinig pa niyang paumanhin ni Jane dito. "Impakta ka talaga! Bakit mo naman ginanoon ang campus heartthrob natin? Sayang `yon!" sermon sa kanya ni Jane habang naglalakad sila patungong parking lot. "Tantanan mo nga ako! Kung gusto mo sa’yo na siya?" "Talaga! Crush ko talaga `yon eh, naunahan mo lang ako! Pero saan ba punta mo? May klase pa tayo, ah?" tanong nito noong sumakay siya sa kotse niya. "Sa bahay magtutuos kami ng Gino na `yan! Pababalikin ko siya ulit sa pinanggalingan niya para malaman niyang wala siyang mapapala dito!" "Eh, teka sama ko! Suportahan kita." "Huwag na! The last time na ginawa mo `yan pumalpak lang ako!" tanggi niya at pinaarangkada na ang kotse palabas ng campus! "See you later alligator!" paalam pa niya dito. "Tse! Impakta ka talaga! Gusto mo lang masolo si Papa Gino!" nagdadabog na reklamo nito. Natawa na lang siya pero humanda talaga ang Gino na ‘yan! Pagkarating niya sa bahay dali-dali siyang pumasok. "Oh, hija nandiyan ka na pala!" salubong ng Mama niya. "Hi Ma!" bati naman niya at humalik sa pisngi nito. "Napaaga yata uwi mo, di ba may klase ka pa?" "Ah wala si prof panot! Masakit daw ang buhok." "Hay naku!" napailing na lang ito ng marinig ang bansag niya sa professor niya. "Sayang kagagaling lang dito ni Gino, hindi tuloy kayo nagkita." kwento pa nito. Talaga pa lang bumalik na ang bruhong iyon! "Pabalikin mo na siya sa America, Ma! Hindi ako papayag na magpapaalaga sa kanya! Ang laki-laki ko na!" "Asus para nagbibiro lang naman ako noong sinabi kong uuwi siya para alagaan ka! Umuwi ang batang `yon dito kasi siya na ang mamamahala ng mga negosiyo ng Papa niya dito, hindi ka naman siguro masiyadong umasa doon sa sinabi ko ano?" pang-aasar nito. "Of course not!" matigas na tanggi niya kahit medyo nadismaya siya. Tange rin naman niya kasi! Bakit nga ba niya inisip na uuwi si Gino dito na siya ang dahilan? Hindi nga naman pala siya importante dito. Ano lang ba siya sa buhay nito? Hayan nagpakafeelingera na naman kasi siya! Namroblema sa wala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD