Chapter 4

1098 Words
Chapter 4 "Ha? Nag-aaral akong magbike." tugon niya. Nginitian siya nito. Ngiting nagpatalon sa puso niya. "Turuan kita." sabi nito at pumuwesto sa tagiliran niya. "Teka bakit ka nakamask?" takang tanong niya nang mapansin ang puting mask na nakataklob sa ilong at bibig nito. "Ah, wala ‘to. Maalikabok kasi sa labas kaya nagsuot ako pero tatanggalin ko na. Shall we start?" tugon nito at saka tinanggal iyon at ibinulsa. "Sige." "Itong mga kamay mo dapat relax lang `yan. Kailangan mong magbalanse. Diretso ang tingin sa unahan. Focus." instruction pa nito saka hinawakan ang dalawang kamay niya para ipuwesto sa dalawang manibela. Para na naman siyang nakuryente sa hawak nito. Nakapulupot ang isa nitong braso sa may likuran niya sa bandang balakang. May kung ano pa itong sinabi pero hindi na niya naunawaan. Nakakatulala kasi ang mabangong hininga nito. Sobrang lapit pa ng mukha nito. Ang gwapo pala talaga ng isang ito, eh. Ang tangos ng ilong. Iyong mga matang misteryoso kung makatingin na pinarisan ng mahahabang pilik at katamtamang kapal ng kilay. Ang mga labi nitong makipot na akala mo ba kinagat ng langgam dahil mamula-mula talaga, dagdag points din kasi manipis iyon. Ang pantay at mapuputing mga ngipin.Ano ba itong mga sinasabi niya? Bakit dito niya nalaman ang ibig sabihin ng salitang gwapo? Ito na ba ang crush? "Lia, nakuha mo ba?" napapitlag siya noong medyo lumakas na ang boses nito. "H-Ha? Oo naman!" pagmamayabang niya kahit ang totoo wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito. "Talaga? Kanina ka pa kasi nakatitig sa mukha ko. Nagagwapuhan ka ba sa akin?" nakangising tanong nito. Mas nagwala ang puso niya dahil do’n. "Hindi rin makapal `yang mukha mo, ano? Sapakin natin para numipis ng konti?" asar niyang sagot. "Ang baby ko pikon nagbibiro lang si Kuya, eh." sabi nitong natatawa at ginulo pa ang buhok niya. Ayan na naman ang kalokohang kuya nito, hindi nga niya ito tinatawag ng gano’n, eh, kapag kailangan lang. Basta naiirita siya kapag tinatawag niyang Kuya si Gino! "Hoy! Aba`y Lia! Bakit ka ba pangiti-ngiti diyan?" tapik sa kanya ng Mama niya habang nasa hapag sila at kumakain na ng hapunan. "Po?!" taranta niyang tanong. Bakit kasi naaalala niya kung paano siya tinuruan ni Gino kanina magbike? Tapos iniangkas pa siya nito at nilibot nila ang buong subdivision. Pakiramdam tuloy niya yakap-yakap siya nito dahil nasa unahan siya ng bike. "Para kang timang anak. Nalipasan ka ba ng gutom?" dagdag na tanong ng Papa niya. "H-Hindi po..." Ang totoo nga niyan wala siyang gana. Maisip pa lang niya ang mukha ni Gino, busog na siya. Ano ba`ng ginawa sa kanya ng Gino na iyon at ito na ang palaging tumatakbo sa isipan niya? Miske sa gabi hindi na siya masiyadong makatulog dahil ito na palagi ang laman ng isip niya. "Sus ano ‘yan? Crush?" pangangantiyaw ng Mama niya. "Hindi!" tanggi niya kaagad. "Eh, bakit parang pwet ng pasmadong unggoy iyang mukha mo? Ang pula!" ayuda ng Papa niya. "Kung anu-ano po iniisip niyo." "Si Gino ba anak?" tanong ng Mama niya. "Paano niyo po nalaman?" wala sa sariling tanong niya. "Huli ka!" anang Papa niya. Ay grabe! Nadulas siya? "So si Gino nga?" "Ha? Hindi po!" tanggi pa rin niya. "Asus tatanggi pa? Huli na sa sariling bibig, eh!" "Eh, bakit niyo naman nasiguro na siya nga? Joke lang ‘yon." "Eh, kasi anak sa kanya ka namin nakitang medyo tino umasta. Hindi kagaya ng iba mong kalarong lalake na halos ibarog mo na!" explain ng Mama niya. "At napapasunod ka niya, maliban sa mga utos namin ng Mama mo. Dinig ko noong isang araw pinagsabihan ka niya tungkol diyan sa upo mo." dugtong ng ama niya. Oo nga upong lalake kasi palagi ang ginagawa niya at natatandaan pa niya kung paano siya pinagsabihan ni Gino tungkol doon. "Lia, dalaga ka na tapos ang upo mo ganyan? Oo astig ka at gusto ko ‘yon pero dapat mong tandaan na babae ka pa rin." pangaral sa kanya ni Gino habang nakaupo sila sa semento sa tapat ng bahay nila. Open legs kasi siya palagi kung umupo. Pinapanood nilang magbasketball sina Oliver at Carlo. Talande nga ni Carlo tili nang tili kapag naaagawan ng bola. "Act like a lady." sabi pa nito at hinawakan ang magkabilang tuhod niya at isinara iyon. Parang gusto tuloy niyang mapatalon nang maramdaman niya ang mga kamay nito sa mga tuhod niya. Ang init kasi ng mga palad nito. "H-Ha...o sige?" pagpayag niya. Magmula noon kapag nasa paligid si Gino hindi na siya upong kulasa, close legs na siya. Ewan ba niya at napapasunod siya palagi nito. Napakasoft spoken naman at hindi tonong nag-uutos pero napakadali lang para dito ang mapasunod siya. "At hindi mo na rin masiyadong sinisigawan ang mga kalaro mo." dagdag ng Mama niya na nagpabalik sa diwa niya. Tsk oo nga. Bilin kasi ni Gino iyon, eh. Hindi naman daw kasi sila mga bingi para magsigawan. Kaya siya namang si uto, sunod nga. "Mukhang nagiging prinsesa ang pakiramdam mo kapag nandiyan siya, ah?" puna pa ng ama niya. "Tumitino ng wala sa oras haha!" pang-aasar pa ng mga ito. Sinamangutan niya ang mga ito. "Oi ‘nak si Gino oh!" turo ng Mama niya sa bintana. "Asan? Asan!" taranta niyang tanong at nagpalinga-linga pa pero wala naman si Gino! Ang mahirap pa nito gusto palagi niya itong nakikita! Kaya marinig pa lang niya ang pangalan nito napapalingon na siya! "Haha! Hindi raw crush ha?" tawa pa ng mga ito. Oo na crush niya ito. Gusto niya si Gino. Pero ang tanong gusto rin kaya siya nito? "Isa lang naman ang sagot diyan Lia, eh! Eh, di tanungin mo?" suhestiyon ni Jane habang kumakain sila ng popcorn habang nanunod sila isang hapon sa may sala ng bahay nila. Ipinaalam na niya kasi kay Jane. Binilinan niya ito ng mahigpit na huwag ipagkakalat sa iba kundi papatayin niya ito! "Paano kung magalit siya at iwasan ako?" nababahalang tanong niya. "Eh, ano kung magalit siya? Nakakamatay ba ‘yon? Eh, ano kung iwasan ka? Baka nakakalimutan mo isang linggo na lang ang ipamamalagi nila rito at babalik na sila sa U.S.! Kaya magkakahiwalay at magkakahiwalay pa rin kayo. So if i were you sabihin mo na! Kaysa naman sa makucurious ka kung kailan wala na sila." mahabang paliwanag nito. Oo nga pala. Isang linggo na lang. Kapag naiisip niyang aalis na sina Gino parang gusto niyang ngumawa! Pero sabi nito tatawag-tawagan naman daw siya nito o kaya pwede silang magchat. "Tulungan mo ko?" "That's the spirit! I'll help you!" cheer up pa nito na ikinangiti na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD