Nag-ipon si Lia ng lakas ng loob. Ilang araw pa ang nakalipas bago niya napagpasiyahang umamin kay Gino.
"Sige na Lia, sabihin mo na! Ilang araw natin pinaghandaan ‘to!" tulak ni Jane sa kanya sa kinaroroonan ni Gino.
Nasa labas ito ng bahay doon sa terrace ng mga ito at may kausap sa phone.
"Mukhang may kausap, eh, saka nahihiya ako." nag-aalangan niyang sabi habang tinatanaw niya si Gino mula sa gate ng bahay nila.
"Sabunutan kaya kita? Ilang araw na ang hiya-hiya mong ‘yan! Kailan mo pa sasabihin kapag paalis na sila? Hindi kayo makakapagmoment niyan kung sakaling gusto ka rin niya! Sige labas!" sermon pa nito at ipinagtulakan na siya palabas.
Napakamot na lang siya sa ulo at saka tumawid para pumunta sa bahay nina Gino. Noong nasa gate na siya nag-aalangan naman siyang pumasok. Nakatalikod si Gino sa gawi niya at hindi pa nito napapansin ang pagdating niya.
Tama ba itong gagawin niya? Kababae niyang tao siya pa ang magtatapat? Pero curious na rin siya! Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang biglang lumingon si Gino sa direksiyon niya. Ngumiti ito na naging dahilan para maging abnormal na naman ang t***k ng puso niya.
"Oh, Lia! Nandiyan ka pala, pasok ka." anyaya nito at binuksan ang gate habang hawak pa rin nito ang cellphone na nakatapat sa tenga nito.
Nanigas pa siya nang akbayan siya nito saka sila pumasok sa loob. Bahagya siyang luminga kay Jane. Ngiting-ngiti ang loka at nagthumbs up pa! Bumunot pa ito ng d**o at kunwaring ginawang pompoms saka iniwagwag at nagmistulang cheerleader ang lukaret! Ewan niya pero pinagpapawisan ang mga palad niya.
Noong makapasok sila ni Gino sa loob ng bahay ng mga ito pinaupo siya nito sa sofa sa may sala.
"Ah ‘yong dumating? Si Lia. Sige na babye na, Ariella." sabi nito sa kausap sa phone saka nito pinatay ang tawag at inilapag ang aparato sa center table.
"Sino’ng Ariella ‘yon?" curious niyang tanong.
Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng inis sa isiping may kausap itong babae!
"Wala. She’s a friend of mine doon sa U.S. Kain ka muna. Open your mouth." malambing nitong sabi at may isinusubong donut sa kanya iyong smidget na nakahain sa center table.
Napanganga na lang siya at tinanggap ang isinusubo nito. At halos wasakin ng puso niya ang dibdib niya sa katitibok noong halikan siya nito sa noo. Pakiramdam niya kinuryente ang kalamnan niya hanggang sa dulo ng buhok niya. Gusto rin kaya talaga siya nito? Napalunok tuloy siya.
"Gwak!" napaubo siya dahil nakalimutan niyang sinubuan nga pala siya nito ng donut.
"Baby!" nandilat ang mga matang tawag nito at mabilis siyang pinainom ng juice saka nito hinagod ang likod niya.
"Bakit kasi hindi mo muna nginuya? Nabulunan ka tuloy!"
"A-Ayos lang ako." sagot niya noong mawala ang hirin niya.
Pero mas lalo siyang hindi mapakali dahil sa kamay nitong humahagod sa likuran niya.
"May lagnat ka ba? Bakit ang pula-pula ng mukha mo?" tanong pa nito saka sinalat ang noo at leeg niya.
Pakiramdam niya matatae na talaga siya ng wala sa oras dahil sa mga kilos nito na nagpapataranta sa kaluluwa niya! Kaya rin siguro namumula ang pisngi niya dahil iyon daw ang tinatawag na blush! Umiling kaagad siya sa tanong nito dahil pakiramdam niya natutuyuan na siya ng lalamunan sa sobrang pagkatense!
"Ano atin baby?" tanong nito pagkukwan nang mahimasmasan na siya.
"Ah, nasaan sina, Carlo?" pasakalye niya. Kinakabahan talaga siya.
"Wala sila nina Mama, bumibili ng souviners para pagbalik namin sa U.S. may maipasalubong kami sa mga kaibigan nila, hindi na ko sumama kasi mas gusto kong makasama ka pa, pupuntahan na nga dapat kita kaya lang naunahan mo ko."
"Aalis na nga pala kayo." hindi na niya naitago ang pagkadismaya sa boses niya.
"Babalik din naman kami in time kapag nakatapos ako."
"Mamimiss ko ang kabaklaan ni Carlo. Haha." tawa pa niya para mabawasan ang kabang nararamdaman niya sa gagawing pag-amin.
"Si Carlo lang? Eh, paano ko? Hindi mo mamimiss?"
"Mamimiss..." matapat niyang sagot.
"Don't worry pwede naman tayong magchat palagi para hindi rin kita masiyadong mamiss."
"Bakit kasi hindi na lang kayo dito mamalagi? Naikwento sa’kin ni Mama minsan na may negosiyo raw naman kayo dito sa Pilipinas. May cargo, advertising at kung anu-ano pa pero iyong Tito Xander niyo raw ang namamahala kasi nga doon kayo sa U.S. nakabased. Bakit hindi na lang kayo dito manirahan?"
Natigilan ito na tila ayaw sagutin ang tanong niya.
"Basta. Babalik ako." tanging naisagot nito pagkukwan.
Napabuntong hininga siya. Mukhang wala itong balak magpapigil.
"A-Ano...may sabihin ako." simula niya sa pakay niya.
"Ano ‘yon baby?"
"A-Alam ko babae ako at hindi ko dapat sinasabi ito sa’yo pero...gusto kita. Gustong-gusto kita hindi bilang kuya pero higit pa doon." pautal-utal na sabi niya saka dinukot ang papel sa bulsa ng short niya na may sulat niya para dito at iniabot iyon dito.
Sabi kasi sa kanya ni Jane dapat gumawa siya ng love letter para raw kapag umalis na si Gino, maaalala raw siya nito palagi kapag nabasa na nito iyon. Noong una hindi pa niya alam paano gumawa niyon. Nabatukan pa tuloy siya ni Jane at ang sabi isulat niya lang daw ang mga nararamdaman niya para kay Gino at love letter na raw iyon.
Natigilan siya nang mapansing nawala ang ngiti ni Gino na palaging nakapaskil sa mukha nito kapag magkausap sila. Mas kinabahan tuloy siya.
"Umuwi ka na." malamig nitong sabi.
"P-Pero-"
He just gave her a cold stare na nagpatigil sa pagtutol niya.
"Gabi na." sabi pa nito at iniiwas ang tingin sa kanya at umalis sa tabi niya saka ito tumayo.
"G-Gusto ko lang naman malaman kung gusto mo rin ako kaya sinabi ko sa’yo."
Hindi niya alam pero unti-unting nag-init ang sulok ng mga mata niya dahil tila hindi nito nagustuhan ang ipinagtapat niya.
"Bata ka pa. Infatuation lang `yan. Mawawala rin kapag nagtagal." tanging sagot nito.
"P-Pero gusto kong malaman ang sagot mo!" lakas loob na sabi niya.
"Fine! Gusto lang kita bilang kapatid ko just like a baby sister! Other than that? Wala na!" sagot nito at napahilamos pa sa mukha.
Parang sinaksak ang puso niya dahil sa tinuran nito at hindi niya namalayang nabitiwan na ang love letter niyang ginawa saka siya dali-daling lumabas. Nadinig pa niyang isinara nito ang pintuan pagkalabas niya.
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang mga luha niya pero umalpas din ang mga ito. Marahas niyang pinunasan ang mga iyon. Ngayon lang siya umiyak dahil sa isang tao. Nagsisikip ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob.
"Ano na?" usisa ni Jane na nakaantabay pa rin pala paglabas niya.
"Kasalanan mo ‘to, eh!" sigaw niya rito.
Natulala naman ito sa lakas ng boses niya. Ngayon lang kasi ulit siya sumigaw. Ayaw kasi ni Gino na sumisigaw siya kapag nagagalit. Simula noon hindi na siya pinansin ni Gino. Kapag nakikita siya nito sa labas ng bahay umiiwas ito at pumapasok kaagad sa loob.
Hanggang sa noong umalis ito, hindi na ito nagpaalam sa kanya. Sa Mama at Papa niya lang. Sinadya niya rin na pumunta ng mall noong araw na aalis na ang mga ito para hindi niya makitang umalis ito.
"Bwisit lang talaga siya! Kapal ng mukha! Akala mo naman kagwapuhan para hindi ako pansinin!" pigil ang luhang reklamo niya habang kumakain ng ice cream kasama si Jane sa isang ice cream parlor.
"Girl, gwapo naman talaga. Kaya mo nga nagustuhan di ba? Saka okay na rin ‘yan! At least alam mo na di ba?" pagkalma nito sa kanya.
"Bruho siya! Eh ‘di sana nagpaalam man lang siya sa akin bago umalis." namumuo na ang luha na himutok pa niya pero mabilis din niyang kinusot iyon.
"Alam mo namang aalis bakit pa magpapaalam?" anito kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Ay naku kalimutan mo na lang siya! Tama na ang iyak-iyak na ‘yan!" saway pa nito.
Hindi na rin siya tinanong ng Mama at Papa niya tungkol kay Gino siguro dahil ramdam na rin ng mga ito kahit hindi siya magsalita. Iyong inaasahan niyang magtatawag-tawagan sila at magchachat hindi na nangyari. Ni isang blank e-mail nga wala! Alam naman nito ang e-mail address niya. Nagpagawa pa ng siya sa Papa niya para lang magkaroon sila ng communication. Hiningi nito iyon sa kanya noong hindi pa siya umaamin dito.
Iyong bahay naman ng mga ito ipinagbili na ng tuluyan dahil namatay na rin ang caretaker makalipas pa lang ang ilang buwan at doon niya lalong napagtanto na hindi na talaga ito babalik. Kaya simula noon, pinilit niyang kalimutan ito. Ang mga ayaw nitong gawin niya, ginawa niya. Hilig niyang manigaw, magsungit, mambatok at manuntok.
At siniguro rin niyang lahat ng magustuhan niya ay makukuha niya dahil ayaw na niyang mareject. Hanggang sa lumala na ang ugali niyang iyon, siguro dahil na rin sa nakasanayan na rin niya which results her into a certified brat!
~*~*~*~*~
"Hoy Lia tapos ka na bang magflashback?" untag ni Jane sa kanya kaya nabalik sa kasalukuyan ang diwa niya.
"Heh!"
"Kakamiss din maging bata ‘no? Pati iyong kalaro nating si Oliver kaso nasa ibang bansa na siya. Kaya panigurado ko namimiss mo na rin si Gino. Haha."
"Bwisit ka-" naputol siya noong tumunog ang cellphone niya.
"O ‘wag ka maingay!" saway niya rito at pinasakan ng brownies ang bibig nito noong mag-uusisa pa ito kung sino ang tumatawag.
Tiningnan niya ang aparato. Unknown number ang tumatawag. Sinagot naman niya iyon.
"Hudas is this?" walang modo niyang tanong.
Tumawa ang boses sa kabilang linya. Para siyang naestatwa nang marinig niya ang pamilyar na tawa na iyon. Ang tawang masarap sa pandinig niya at nagpapatigil sa mundo niya.
"Good to hear your voice again Lia. I'm back..." sagot ng boses sa kabilang linya na kahit anim na taon na niyang hindi naririnig pamilyar na pamilyar pa rin sa kanya!