Chapter 28

1557 Words

Chapter 28 "O ano wala nganga pa rin?" usisa sa kanya ni Jane habang nasa loob sila ng isang pizza parlor at panay ang nguya nila. Kalalabas lang nila ng school. "Ano’ng nganga?" tanong niya at inom ng iced tea sabay nguya ng pizza. "Iyong sitwasiyon niyo ni Gino, ano ng balita?" "Kagaya ng sabi mo nganga!" "Sabi na, eh. Dapat talaga hindi na pinapatagal ‘yan." naiiling na anito sabi sabay subo ng lasagna. "Bayaan mo siya, hindi siya kawalan." inis na pakli niya sabay buhos ng hot sauce sa pizza dahil hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng inis sa inaasal ni Gino. Ilang araw na kasi silang hindi nagkikibuan. Tuwing magkakasalubong naman sila, hangin treatment ang nangyayari. As in alam nilang nagkakakitaan sila pero hindi naman siya nito kinikibo at ganoon din naman ang ginagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD