Chapter 13 - Waterball with Lightning

1932 Words
Chapter 13 Ana's POV HANGGANG ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nabuhay ng kapangyarihan kong healing power ang wala nang buhay na si Miss Elidi. Habang nakahiga ako ngayon dito sa kama ko ngayong gabi ay isip-isip ko parin ang pasasalamat ng lahat dahil binuhay ko daw ang nag iisang Queen of the sun ng Magenta Academy. Well, maging ako naman nagpapasalamat din sa sarili ko at nagawa ko 'yun. Kanina kasi iyak na ako ng iyak. Ayoko lang kasi talagang may taong nawawala. Lalo pa’t kung malapit na saakin. Habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame ng kwarto ko ay naisip ko bigla na noon pangarap kong mag ka magic. Talagang mapaglaro lang ang tadhana at talagang tinakda pala akong nilalang na may special ability. Naisip ko, sino kaya ang mga magulang ko? Siguro may mga kapangyarihan din sila kaya naman ganitong may powers ako. Nasaan kaya sila ngayon at ano kaya ang dahilan ng pag-iwan nila saakin? Napaka-daming tanong ang tumakbo sa isip ko ng gabing 'yun. At dahil doon nakatulog nalang ako bigla sa kakaisip sa mga magulang ko. I hope one day makita ko na sila. Kinabukasan, maaga akong kinatok ni Draco sa homeroom ko. Pinagayak niya ako ng maaga at itong araw na ito ay ihahasa na niya ako sa pag te-training. Nakaupo siya ngayon sa mahaba kong sofa habang pinapanuod akong mag almusal. Inaalok ko nga siya kaya lang kumain na daw siya. Nang matapos akong mag almusal ay inaya na niya ako sa training field. Pagdating namin doon ay nadatnan naming ang mga studyante na tini-training ni Miss Saskia. Pinanuod ko muna sila. Ang gagaling na nila. Galamay na galamay na nila ang mga kapangyarihan nila. Naiingit tuloy ako. Nakakatawa lang 'yung ibang girls na student. Pasulyap-sulyap sila kay Draco. Mukhang gaya ni Zackery eh, marami din siyang mga fangirl dito. Sabagay, gwapo naman din si Draco. Naalala ko tuloy 'yung time na inaaya niya ako sa Padam-padam park. Ay naku, nakakahiya. Bakit ko ba naalala 'yun? Medyo nailang tuloy ako sa kanya bigla. Napapalo-palo tuloy ako sa ulo ko. Kung ano-anu kasi ang pinag iisip ko. “Mag-pahinga muna kayo at may kakausapin lang ako,” sabi ni miss Saskia sa mga student niya at saka lumapit saakin. “Pwede ko bang kausapin si Miss Ana?” Sabi niya na tila pinapalayo muna si Draco. Tumango lang si Draco saka muna lumayo saamin. “Goodmorning, Miss Ana,” bungad niyang wika saakin. “ handa ka naba sa training n'yo ni Draco?" Tanong pa niya. Nginitian ko siya bago ako sumagot "Opo. Actually, hindi ko nga po alam ang kalalabasan nito dahil hindi ko alam kung matutunan ko bang kontrolin ang kapangyarihan ko. Saka natatakot din po ako. Noong una po kasi akong i-training ni Zackery eh, muntik ko na siyang mapahamak. Aksidente akong nakapag palabas ng halamang may mga blade sa dahon. Inatake kami noon at buti nalang nakapag palabas ako ng yelo. Nakakatakot po talaga,” mahaba kong sabi. Napatawa naman siya sa mga sinabi ko. “Dont worry, Miss Ana. Ganyan talaga sa una. Kapag lumaon ay matutunan mo din 'yan. At sa oras na magawa mo 'yun siguradong napakasaya mo na. At syempre pati rin kami magiging masaya din dahil tiyak na matutulungan mo na kaming iligtas ang princessa nating matagal ng nawawala. Anyway, kailan ba ang ikalabing walo ng kaarawan mo? Tiyak na 'yun na ang araw na magiging 100% na ang kapangyarihan mo.” bigla akong napaisip. Oo nga pala. Malapit na nga pala akong maging isang ganap ng dalaga. “Sa December napo,” sagot ko sa kanya. “Malapit na nga pala. Anim na buwan nalang dalaga kana. Basta tandaan mo, Miss Ana. Kapag pinapalabas mo ang kapangyarihan mo ay dapat konektado ito sa puso mo. Pag galit ka tignan mo napakalakas nang kapangyarihan ang napapakawalan mo. Kaya dapat lagi mong iisipin na kapag gagamit ka ng powers mo ay chill ka lang. Para hindi mo naiibubuhos agad ang lahat. Pag nandiyan na ang mga taong may black magic ay dun ka mag beastmode dahil sila dapat ang mga tao na pinapatay dahil mga wala silang puso. Tignan mo muntikan na nilang mapatay si Miss Elidi. Buti nalang talaga ay nagawa mo siyang buhayin ulit. Isa ka talagang hulog ng langit saamin. Kaya naman asahan mong magiging isa ka na sa mga pinahahalagahan namin dito sa Magenta Academy.” Sa mga sinabi ni Miss Saskia ay para bang gusto kong maiyak. Nakakatuwang isipin na isa na talaga akong ganap na bahagi sa pamilya ng mga taga Magenta Academy. Dahil sa mga sinabi niya ay naging mas gusto ko pa tuloy paghusayan pa ang pagkokontrol sa kapangyarihan ko. “Maraming salamat po, Miss Saskia. Asahan nyo pong pagbubutihan ko pa at hindi ko man maipa-pangakong maiiligtas natin ang princessa ay gagawin ko naman ang lahat ng makakaya ko mai-uwi lang natin siya dito.” Tinapik ni Miss Saskia ang balikat ko. "Hindi na ako makapag hintay, Miss Ana. Nawa'y maging matagumpay sana tayo,” wika niya. “Sige na, maiwan na kita at pababalikin ko nalang muna sa Classroom ang mga student ko ng sa ganun eh, makapag training ka ng tahimik dito. Goodluck Miss Ana.” Nang maging tahimik na ang buong training field ay pumuwesto na kami ni Draco. “Are you ready?” Tanong na n'ya. Tumango ako pero ang totoo kinakabahan ako. Baka kasi mag-kamali na naman ako at kung ano na naman ang mangyari. “'Wag kang mag-alala. Madadali lang ang mga pagagawa ko ngayon,” sabi niya. “Eh, kasi natatakot ako na makapinsala ulit ako dito,” sabi ko. “Dont worry, may barrier na itong training field natin. Ginawa ito dahil sayo. Masyado ka kasi kung magkapag-pakawala na kapangyarihan kaya natatakot na sila na baka ang buong academy ay pasabugin mo na,” natatawan niyang sabi. Dahil doon ay naging panatag ako kahit papaano. Nag simula kami ni Draco sa kung paano magpalabas ng malilit na Fireball, na hindi ko magawa at ni isa ay hindi ako nakapag palabas. “Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano magpalabas,” sabi ko na pilit itinataas ang kamay ko pero wala talagang lumalabas sa kamay ko. “Isa puso mo. Isipin mo makakapag-papalabas ka ng apoy, yelo, kidlat o kahit anong kapangyarihang mayroon ka.” Ginawa ko ang mga sinabi niya. Huminga ako ng malalim. Pinakiramdam ko ang sarili ko. Pinakiramdaman ko ang puso ko at unti-unti kong inisip ang mga kapangyarihan ko. Itinapat ko sa lapag ng training field ang kamay ko at doon pinilit kong magpalabas ng kahit ano. “Ahhhhh!” Sumigaw ako habang nakapikit. Pinakiramdaman ko kung may ingay nabang nangyari pero nang dumilat ako ay napatingin ako kay Draco na nakataas pa ang kilay. “Ano 'yun? Pasigaw-sigaw kapa talaga, wala namang nangyari.” Pang-aasar niya. Nahiya tuloy ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi hindi ko mapalabas ang kapangyarihan ko ngayon? Kainis, nawawalan na ako ng gana. Bakit kung kaylang pag aaralan ko na ito eh, saka pa ayaw makisama ng kapangyarihan ko. “Sorry. Ayaw talaga eh," sabi ko. Nakita kong naging seryoso ang tingin niya. Tingin na para bang may kakaiba siyang naisip. Ayoko ng ganito. Kung makatitig siya ay parang may masama siyang iniisip. Naiilang tuloy ako. "Sa tingin ko ay kailangan ko ng gawin ito," aniya sabay pinatamaan kaagad ako ng isang maliit na fireball sa kinatatayuan ko. Naisip ko ang unang tinuro saakin ni Zackery na dapat ay una kong pag aralan ang pagiging palaging alisto at dapat mabilis umiwas. Kaya sa unang pag atake niya ay naiwasan ko 'yun. “Aba, magaling ah!” Aniya na tila na impress sa ginawa kong pag-ilag. “Eh, eto kaya maiwasan mo pa," sabi niya at nagulat ako ng dalawang maliit na fireball naman ang pinalabas niya. Agad niya 'yung pinatamaan saakin. Ang isa ay naiwasan ko habang ang isa nama'y malas na tumama sa balikat ko. Nasaktan ako at nakita kong parang nag iba ang mukha niya. Parang naawa siya sa nagawa niya. “Sorry! Pero parte talaga ng training ang dapat na nasasaktan ka. Isa 'yan sa mga mararanasan mo kapag sumabak ka na sa laban. Tandaan mo na sa isang laban ay hindi ka pwedeng hindi masasaktan.” Saad niya. Alam ko naman 'yun pero ang sakit talaga ng balikat ko. Ang hapdi nito at tila ba nasunog ang balat ko. “Ano ‘yan? Ang weak mo naman pala! Bakit ngayon ay hindi mo mapalabas ang kapangyarihan mo!?" Nagulat ako ng makita kong nanunuod pala saamin si Arabella. “Hindi ko talaga mapalabas ang kapangyarihan ko ngayon. Saka pakiramdam ay ko wala akong lakas ngayon." “And so what! Bakit saakin ka nagpapaliwanag?” Sabi niya saka siya unti-unting lumapit saakin. Tinitigan niya ako at mayamaya ay napa-nganga ako ng maging tatlo ang katawan niya. Nagulat ako ng magmadali siyang sumugod saakin. Nakasabunot ang isang Arabella sa buhok ko, yung isa naman ay hinahampas ang mga braso ko at ang pangatlo ay sinisipa-sipa ako. “Aray! Nasasaktan ako Arabella!” Reklamo ko. Tinignan ko si Draco. Pinapanuod niya lang kung paano ako bugbugin ng tatlong Arabella. At para saakin ay nainis ako dahil mukang wala siyang balak na tulungan ako. Dahil doon nainis ako. Para bang may namuong galit sa puso ko. Isa pa, nasaktan na ako sa apoy ni Draco kanina tapos ngayon binubugbog naman ako ng tatlong Arabella. Bwisit! Hindi ko na kaya. Nasasaktan na talaga ako! Sumigaw ako ng malakas at doon tumilapon ng malayo ang katawan ng tatlong Arabella. Dahil doon unti-unti ng naging isa ang katawan ni Arabella. Itinayo siya ni Draco habang hinihilot niya ang sarili niyang likod na mukhang nasaktan sa pagkakatilapon niya kanina. Nainsulto ako lalo ng tulungan pa siya ni Draco. Sige, magkampihan kayo. Sa oras na 'yun pakiramdam ko ay beastmode na ako. “Ayan, mukhang mapapalabas na niya ang kapangyarihan niya," ani Arabella na napapa-ngiti pa. Oo, mapapalabas ko na nga talaga at sayo ko agad ito ipapatama. Itinapat ko ang kamay ko sa kinatatayuan nilang dalawa. Nakita kong napalaki ang mata nila na parang natakot bigla. Unti-unti ay mula sa kamay ko ay biglang nagkaroon ng isang waterball na may lightning sa loob. Unti-unting lumalaki 'yun sa kamay ko at tila ba hindi ko na makontrol ang paglaki. Ilang saglit pa ay kusa ko 'yung naitira sa lugar nila na hindi ko napigilan. Natakot ako bigla. Alam kong hindi pangkaraniwan ang napakawalan kong kapangyarihan na naman. “Umilag kayo!” Sigaw ko. Masyado na naman akong nadala sa galit ko. Nakita kong shock parin sila kaya hindi parin umaalis sa kinakatayuan nila. Kinabahan ako kasi tiyak na pag tinamaan sila nun ay mapapaslang ko sila. Sa taranta ko ay hindi ko alam na mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan nila. Sa ilang segundo ay nahila ko sila palabas ng training field. Doon sumabog sa loob ng training field ang malaking waterball na may lightning sa loob. Gulat na gulat sina Draco at Arabella sa nangyari. Hanggang ngayon nakatitig parin kami sa training field na sumabog ngayon. Hindi kami natamaan ng pagsabog nun dahil sa loob lang 'yun ng training field na may barrier sumabog. Habang nakatitig ako sa sumasabog ng training field ay unti-unti ng lumalabo ang paningin ko. Nakaramdam na naman ako ng panghihina at di lumaon ay nabuwal na naman ako. Bago ko tuluyang ipikit ang mata ay huli kong nakita ay may lalaking bumuhat saakin at kahit malabo na at papikit ang mata ko ay alam kong si Zackery ang taong 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD