Chapter 12 - The Healing Power

1787 Words
Chapter 12 Ana's POV NANG matapos akong maligo ay dumaan muna ako sa room ni Natalia. Naiintriga kasi ako sa Padam-padam park na'yun kaya sa kanya ako magtatanong. Nandito na ako ngayon sa tapat ng room ni Natalia. Bubuksan ko na sana ang pinto ng room niya nang biglang lumabas si Natalia. “Yes?” tanong niya na naka-cross arm pa. “May itatanong lang ako.” Hinila niya ako papasok sa loob na room niya at doon pinaupo niya ako sa mahaba niyang sofa na design pa mula sa isang libro. Talagang hindi maikakaila na isa siyang manunulat. “Ano ba ang itatanong mo?” Tumingin ako ng diretsyo sa kanya at saka ako nagsalita. “Anong mayroon sa Padam-padam park na'yun?” Tanong ko agad. Nakita kong parang nanlaki ang mata niya sa tinanong ko. “Hala! May lalaki na bang nag aaya sa'yo doon?” tanong niya na tila ba tuwang-tuwa pa. “Oo, si Draco,” sagot ko. “Oh my gosh! Ang haba ng hair mo, Ana!” Hinila niya ako palabas sa kwarto n'ya. Nag clap siya ng isa at agad-agad kaming sumakay sa magic carpet niya. “Where are we going?” Tanong ko. “Doon sa lugar na tinatanong mo. Mas maganda ng makita mo 'yun ng malaman mo kung bakit kinikilig ako,” aniya na tuwang tuwa. Lumipad na ang magic carpet namin paitaas ng Academy. Mayamaya ay huminto kami sa tapat ng malaking gate. “Alam mo na ba ang password ng giant gate natin?” Tanong niya. Tumango ako at hinayaan niyang ako ang magsalita. “Porta!”sigaw ko. Biglang bumukas ang malaking bagong Gate ng Magenta aademy. Napansin kong mas pina-ganda at mas pinatibay pa ito ngayon. Siguradong pag may lumusob ulit saamin na kalaban ay tiyak na hindi na ito agad-agad na makakapasok sa Magenta academy. Nang makalabas na kami ay ako ulit ang nag sarado ng giant gate. "Prope in porta! "sigaw ko ulit. Pag sara ng gate ay tumuloy na kami sa pupuntahan namin ni Natalia. This is the first time na makakalabas ako sa Magenta Academy. At grabe lang sa ganda ng mga lugar na dina-daanan namin. Hindi ako nakakakita ng ganitong ka-gandang lugar sa mundo ng mga normal noon. Kaya naman halos nakanganga ako habang naglalakbay kami sa himpapawid. “Malapit na tayo,” pambasag ni Natalia sa katahimikan naming dalawa. “Ang ganda ng mga tanawin dito,” wika ko habang abalang nakatingin sa kaliwa't-kanan ko na puro kumikinang na malalaking bahay ang nakikita ko. Mayamaya ay nakakita na ako ng isang lugar na maraming upuan. Upuan na gawa sa batong hugis na puso. Dito sa itaas ng himpapawid ay tanaw namin ni Natalia ang isang park na kulay red. Ang mga puno doon ay may bulaklak na hugis puso din. Nakita ko din na halos mga couple ang mga nakaupo do'n at masaya silang nagyayakapan na tila nag de-date. “So, anong nakikita mo?” Tanong ni Natalia. “Lugar na pulang-pula ang kapaligiran na maraming couple ang nakaupo na tila mga nag de-date,” sagot ko. “So, Ayan na. Ito ang lugar na tinanong mo. 'Yan ang Padam-padam park. At alam mo bang hindi lang basta-basta nakaupo lang sila diyan?" Napakunot-noo ako, “Bakit? ‘Wag mong sabihing may kakaiba pang nangyayari?” “Tama ka. May kakaiba talaga. Once, kasi na naupo na kayo ng lalaking makakasama mo sa isa sa mga upuang puso na'yan ay bigla-bigla nalang mag iiba ang paningin nyo. Mag-iiba ang background na nakikita nyo na para bang mapupunta kayo sa isang lugar na tanging kayong dalawa lang ang nando'n.” Sa mga sinabi ni Natalia ay halos nasamid ako. So, ibig sabihin kaya ako inaaya dito ni Draco ay makikipag-date pala siya saakin. Hala! Kaya naman pala ganun-gano’n nalang kung tumawa si Averil at Arlo kanina. At si Zackery, niligtas niya ako kay Draco. Kung natuloy pala kami ay siguradong nag de-date na kami ngayon dito. Dapat pala akong magpa-salamat sa kanya. Gwapo naman si Draco, kaya lang, hindi pa ako sanay mag-boyfriend. NBSB ako. As in No Boyfriend Since Birth. Kaya naman wala pa akong karanasan sa mga ganyan. “Mabuti pa’y umuwi na tayo,” aya ko sa kanya. “Oh, bakit?” “Wala lang. Gusto ko ng umuwi kasi mag te-training pa ako," palusot ko, ayoko lang kasi na ungkatin pa si Draco sa kanya. Alam kong malakas mang-asar ito kaya mabuti ng ilayo ang usapan kay Draco. Saka Ayoko lang kasing isipin pa 'yung padam-padam park na'yan at naaalibadbaran ako kapag naiisip kong inaya ako diyan ni Draco. Hindi ko alam kung kinilig ba ako o nahihiya sa sarili ko dahil alam kong may lalaki nang nagkaka-gusto saakin. “Ganun ba? Sige, umuwi na nga tayo.” Tahimik akong nakatingin sa buong paligid habang pabalik kami sa Magenta academy. Naiisip ko kasi 'yung pagligtas saakin ni Zackery. Bakit kaya bigla niya akong hinila at hinatid sa homeroom ko? Bakit kaya hindi nalang niya ako hinayaan na makasama si Draco? Teka, bakit ba iniisip ko pa’yun? Siguro mas gusto niya lang na isipin ko ang pagpapalakas ko para sa ikakabuti ng magenta academy. Tama. Ganoon nga siguro. “Hoy! Natahimik ka ata?” “Wala lang. Naiisip ko kasi si Zackery,” Sagot ko. Honest ako palagi kay Natalia. Gusto ko alam niya lahat ang nangyayari saakin. Pero sa sinabi ko ay biglang nanlaki ang mata niya. “Bakit? Inaano ka ba ni Zackery?” Seryoso niyang tanong. “Wala naman. Kasi noong inaya ako ni Draco sa Padam-padam park na 'yan, biglang sumigaw si Zackery na tila ba pinagalitan si Draco. Tapos nun hinila niya ako at hinatid sa homeroom ko.” “Oh my gosh! Dont tell me na nagugustuhan ka na din ni Zackery? Hala ka Girl! Ang haba ng hair mo! Dala-dalawa pang heartthrob ng academy ang nasungkit mo.” Pinalo ko ng mahina si Natalia sa hita niya. Inuuga-uga niya kasi 'yung carpet, natatakot ako na baka mahulog kami. Kilig na kilig ang gaga na dapat naman hindi niya ika-kilig. Ayokong mag-assume dahil baka masaktan lang ako pag dating sa huli. “Natalia, 'wag ka ngang masyadong kiligin. Nagkakamali ka lang nang iniisip. Saka baka ang totoo niyan eh, may ibang ka-date do'n si Draco at baka nagpapahatid lang talaga siya. At si Zackery naman kaya niya siguro ginawa niya 'yun ay baka iniisip lang niya ang kalagayan ko. Alam mo naman diba na minamadali na nila ang pagpapalakas at pagte-training saakin.” Umirap siya. "Hmp! Naku basta ako pakiramdam ko may gusto na silang dalawa sa'yo. Tapos ang usapan!" “Whatever!” --**-- Nang makarating kami sa Magenta Academy ay bigla nalang tumunog ang isang bagay na bigla kong kinagulat. Napatingin ako kay Natalia. “Ano 'yun Natalia? Tunog ba'yun na may kalaban na naman na lumusob dito?” Tanong ko. “Hindi. Tunog 'yun sa hospital na ibig sabihin ay may taong naghihingalo ngayon do'n,” sagot n'ya. Sa nalaman ko ay agad ko siyang inaya doon. Nang makarating kami do'n ay nakita naming nagkakagulo at nagmamadali sa paglalakad ang mga Doctor at mga nurse naming fairy sa pagpasok sa loob ng kwarto ni Miss Elidi. “Si Miss Elidi ang naghihingalo?” Biglang wika ni Natalia na nakita kong nagpaluha sa kanya. Unti-unti kaming pumasok doon at halos lahat pala sila ay nando'n nadin. Lahat sila ay malungkot ang mukha habang pinapanuod kung paano iligtas ng mga doctor ang naghihingalong si Miss Elidi. Mayamaya ay bigla nalang tumunog ang aparatong bumubuhay kay Miss Elidi. Tumunog 'yun na para bang isang matining na tunog. Tapos ang kaninang puting ding-ding ng kwarto niya ay unti-unting nang naging itim. Nagulat na rin ako ng bigla na silang mag iyakan. Humarap saaming lahat ang isang doctor at saka yumuko, "Wala na siya," malungkot na wika ng doctor na may pakpak sa likod. Hindi ko narin napagilan ang sarili ko. Ito ang kauna-unahan na naka-saksi ako ng taong namatay. At inaamin ko kahit ilang araw palang kaming nagkakilala ni Miss Elidi ay naging malapit narin ako sa kanya dahil napakabait niyang tao. Lahat sila nakalayo at tila ayaw na lapitan si miss Elidi. Lalapit sana ako para yakapin ito ng bigla naman akong pigilan ni Natalia. “Bawal ng lapitan si Miss Elidi. Bawal ng lapitan ang isang tao kapag namatay na ito,” biglang sabi ni Natalia. “Bakit?” Naguguluhan kong tanong. “Dahil isa 'yung rules dito sa Magenta Academy. Isa daw kasing pag-papakita na isang kaduwagan ang taong umiiyak sa tabi ng taong patay na. At ang rules na'yun ay galing mismo kay Miss Elidi.” “Wala akong pake-alam kung lumabag man ako sa rules. Gusto ko siyang yakapin kahit manlang sa huling pagkakataon,” sabi ko sabay takbo sa tabi ni Miss Elidi. --**-- Natalia's POV NAGULAT kaming lahat sa ginawa ni Ana. Biglang siyang lumapit at yumakap kay Miss Elidi. Walang sumaway sa kanya dahil halos lahat kami ay abala sa pag iiyak dahil sa pag kawala ng isa sa mga namumuno saamin. Habang patuloy kami sa pag-iyak ay napa-nganga nalang kami ng bigla naming makitang umilaw ang buong katawan ni Ana. Ilaw na punong-puno ng ibat-ibang kulay. Nag mistulang kulay rainbow ang buong kwarto at mayamaya ay sa pamamagitan ng mga luha ni Ana na pumatak kay Miss Elidi ay bigla naring umilaw ang wala ng buhay nitong katawan. Napatayo si Ana at nagulat narin sa kanyang nakikita. Lahat kami ay napapatakip ng kamay sa mata dahil sobrang nakakasilaw talaga ang liwanag na lumitaw kay Ana at kay Miss Elidi. Nang biglang mawala ang ilaw ay unti-unti naming nadinig ang pagbukas ulit ng makina na naturok kay Miss Elidi. Tumunog ulit 'yun at pumuti na ulit ang mga itim na ding-ding ng kwarto niya dito sa hospital. Nagulat kami ng nabuhay na ulit si Miss Elidi at 'yun ay dahil sa kapangyarihan ni Ana. “M-may healing power din si Ana?!” Dinig kong bulong ng katabi kong si Zackery. Napatingin kaming lahat kay Miss Elidi. Nakadilat na pala ang mga mata nito at nakangiting nakatingin kay Ana. Sa tuwa ni Ana ay napayakap na ulit siya kay Miss Elidi. Lahat na mga lungkot at paghihinagpis naming ay nawala. Napalitan 'yun ng saya at 'yun ay dahil kay Ana. Nagpapasalamat kami kay Ana at dumating siya sa Magenta Academy. Kung wala siya ay siguro nabura ang Magenta Academy dahil kay Seraphim. Sigurado ding patay na kaming lahat no’n. “Thank you Ana at binuhay mo ang nag iisa naming Queen of the Sun,” sambit ko at nakiyakap na din ako sa kanila ni Miss Elidi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD