Chapter 14
Zackery's POV
KAAWANG-AWANG Ana. Palagi nalang nahihimatay. Kailangan talagang mapag aralan na niyang mabuti ang pagkontrol sa kapangyarihan niya. Ang hirap talaga sa mga baguhan ay ang ganyang part. Ang hirap turuan at matagal bago masanay. Ganitong ganito ako dati nung ako pa ang nagte-train sa mga student dito. Hindi ko talaga aakalaing masasabak na naman ako dito at hindi ko din inaakalang sa kakaibang babae pa. Sa babaeng maraming kapangyarihang taglay at sa babaeng mas malakas pa saamin.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Ana. Tinititigan ko ang mukha niya. Napansin kong kahawig niya si Queen Tiana.
Tinanggal ko ang pagkakatitig ko kay Ana ng maramdaman kong may paparating. Napatingin ako sa pinto na biglang bumukas. Nainis ako ng iluwa nun ang mortal kong kaaway. Ano na naman ang ginagawa ng isang ‘to dito.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko kay Draco.
“Bakit masama bang alamin ang kalagayan ng alaga natin?” Tumuloy siya sa tabi ni Ana at tinignan ang lagay nito.
“Alaga?! Alaga ba ang tawag diyan? Dahil sa'yo nawalan na naman siya ng malay. Hindi ba't sinabi kong 'wag n'yo siyang gagalitin! Tignan n'yo ang nangyari? Mabuti nalang at walang ibang nangyaring masama.”
Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ako ang may kasalanan. Si Arabella. Siya ang gumalit sa kanya.”
“Eh, bakit hindi mo pinigilan?”
“Akala ko may maiitutulong siya kaya hinayaan ko siya. Kung alam ko lang na ganito mangyayari eh, ‘di sana hindi ko na siya hinayaang mangi-alam.”
Hindi na ako sumagot sa kanya at baka kung ano pang mangyari. Nilayasan ko na siya at baka hindi ako makapag-pigil.
Umalis ako sa hospital at tumuloy sa homeroom ko. Pag pasok ko sa kwarto ko ay nag isip ako ng mga pwedeng gawin para maging maayos na ang magiging training ni Ana sa susunod.
Mayamaya ay napalalim at sa kung saan-saan na napunta ang pag-iisip ko. Alam kong mali ang iniisip ko pero, gusto kong makasama sa kung saang lugar si Ana. Gusto kong siyang makilala pa ng husto. 'Di bale, pag gising niya mamaya aayain ko siya sa labas ng academy.
--**--
Ana's POV
NAGISING ako na si Draco ang nakita kong nagbabantay saakin. “Mabuti naman at gising kana. Anyway, okay na ba ang pakiramdam mo?” Tanong niya agad.
Tumango ako.
“Sorry, dapat pala hindi ko na hinayaang mangi-alam si Arabella. Sorry din dahil sinugatan pa kita.” Na touch ako sa sinabi niya. Hindi ko inaakalang ang seryosong si Draco eh, nagsosorry sa harap ko ngayon.
“Okay lang 'yun. Hindi ba't sabi mo nga parte 'yun ng training at sabi mo din ay dapat masanay na ako dahil sa isang laban ay hindi pwedeng hindi ako masasaktan o masusugatan.”
Nginitian niya ako. “Masaya akong malaman na kahit papaano ay may natutunan ka na sa mga tinuturo ko. Hayaan mo sa susunod magiging maingat na tayo. At ito may ibibigay ako sa'yo,” may kinuha siyang hiwa-hiwang mga prutas sa maliit na table at saka ini-abot saakin.
“Ayan kumain ka ng mga masusustansyang prutas para lumakas ka na ulit,” sabi niya. Nakakatuwa talaga siya. Akala ko eh, gaya ni Zackery ay masungit din si Draco. Nagkakamali pala ako dahil napaka0nice niya.
“S-salamat, Draco.”
--**--
Bandang hapon ay nakalabas nadin ako sa Hospital. Maging sa paglabas ko ay si Draco ang kasa-kasama ko. Ang sabi niya pa nga ay gusto niya akong makilala pa ng lubos. Gusto daw niya na sa pagtraining namin sa susunod eh, dapat patamaan ko daw siya ng apoy kong kapangyarihan para naman daw maranasan niya kung gaano ba kasakit ang tamaan ng gaya niyang apoy din kapangyarihan. Ang baliw niya sa side na'yun.
Naglalakad kami sa hallway ng makasalubong namin ang nakasalubong ng kilay na si Zackery.
“Pwede mo ba akong samahan sa labas ng academy, Ana?” Sambit niya bigla.
“Maaari ba akong sumama?” sabi ni Draco pero Inirapan lang siya ni Zackery. “Hindi pwede. Kailangan ka daw kausapin ni Miss Saskia. Saka Pumunta kana sa kanya at kailangang-kailangan ka na niya ngayon.” Sagot ni Zackery.
“Sayang naman!" Walang nagawa si Draco kundi ang pumunta na sa kwarto ni Miss Saskia.
Umalis na kami ni Zackery at sumakay sa magic carpet niya. Ito ang pangalawang beses na makakalabas ako ng academy.
“Saan ba ang tungo natin?” Tanong ko. “Sa bayan. May mga kailangan lang akong bilhin.” Ang cold niyang sumagot. Kaya ayokong kasama 'to eh. Saka 'yun lang pala ang gagawin niya kailangang kasama pa ako? Tsk! Nag-eenjoy pa naman akong kasama kanina si Draco.
“Dapat hinintay natin si Draco,” sabi ko. Biglang ng iba ang timpla ng mukha niya. Ano nanaman ang nagawa ko? May nasabi ba akong mali?
“Bakit naman?” Tanong niya.
Ngumiti ako. “Gusto niyang sumama eh. Saka malay mo may bibilhin din siya sa bayan. Ang bait niya kasi at ang sarap niyang kasama.” Habang sinasabi ko 'yun ay para bang may kumislot sa puso ko. Teka, bakit ako nag-kagano’n? Wait again, nagugustuhan ko na ba si Draco?
“Tsss! Dapat pala hindi nalang kita sinama,” sabi niya sabay kunot ang noo. Ito na naman siya sa ugali niyang pagiging bipolar. Galit na naman siya.
“Mabuti at naabutan ko kayo! Napaka-gago mo talaga, Zackery. Hindi naman pala ako tinatawag ni Miss Saskia. Sinungaling ka!” Sigaw ni Draco habang nasakay sa magic carpet niya.
Napatingin ako ng masama kay Zackery. Bakit niya ginawa ‘yun? “Ang sama mo, Zackery!” Galit kong sabi.
Lalo ng kumunot ang noo niya. "Ayoko kasing kasama ang taong 'yan. Masyadong epal! Saka isa pa, ang daldal at ang ingay mo ng kasama kaya mabuti pang magsama na kayo! Bina-badtrip nyo ko!" Asik niya.
Inilipat niya ako sa magic carpet ni Draco at doon ay mabilis siyang umalis at iniwan kami.
“Napaka badboy talaga ng isang 'yun!” Wika ko.
“Hayaan mo na siya. Ganyan talaga ugali niyan. Mabuti pa ay sa ibang lugar nalang kita dadalin.” Aniya na tina-nguan ko lang. Mas maganda ng siya ang kasama ko. Kesa naman sa lalaking 'yun na mukhang pinaglihi sa sama ng loob.
Kung saan-saan ako dinala ni Draco. Super amazing talaga ng mga lugar na pinuntahan namin. Manong sa ilog na kulay violet, puno na kasing laki ng building, sa park ng mga hayop na may powers din at sa kung ano-ano pa. Nag enjoy ako habang kasama siya. Ang cute nga eh, para bang nag de-date kami. Bigla tuloy kumislot ulit ang puso ko. Napapansin kong nagiging abnormal na minsan ang puso ko. Anong nangyayari saakin?
“Bakit namumula ang pisngi mo?” Bigla niyang tanong.
Hala! Namumula ba ako? “W-wala ito. Nilalamig lang siguro ako dahil kanina pa tayo dito sa himpapawid.” Sagot ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan. Napatingin tuloy ako sa kanya sabay bigla niya akong nginitian. Oh my gosh! Ang gwapo niya kapag ngumingiti sa malapitan. “Hayaan mong gawin ko ito para kahit papaano ay mainitan ka manlang,” sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang bumilis pa lalo ang t***k ng puso ko. “S-salamat!” 'Yun nalang tuloy ang nasabi ko.
Habang nasa ganoon kaming posisyon ay bigla nalang kaming nakaramdam ng pagsabog. Nasira ang magic carpet ni Draco at kapwa kaming nalaglag sa kung saan. Hindi ako nasaktan dahil sa katawan ni Draco ako nalaglag.
“Aray!” Dinig kong sabi ni Draco.
“Ayos ka lang?” Itinayo ko siya at nagulat ako ng makita kong sira ang damit niya sa likod at isang malaking sugat ang nandoon. “Hala! May sugat ka ,Draco!”
Mayamaya ay nagulat kami ng biglang sumulpot ang sampong tao na may kakaibang kasuotan. Mukha silang mga masasama dahil itim na itim ang mga kasuotan at nanlilisik pa ang mga mata nila. Lalo na 'yung isang lalaki na pula pa ang mata. Mukhang ‘yun ang pinuno nila.
“s**t! Bakit ngayon pa?” Nadinig kong sabi ni Draco. Sa tingin ko ay mga kalaban na nga ang mga ito. Tumayo pagka-daka si Draco at doon ay parang bigla akong pinotrektahan. “Anong kailangan n'yo saamin?” Tanong ni Draco.
“Pinatay ng babaeng 'yan ang isa sa mga panginoon namin kaya dapat din siyang mamatay!” Sigaw nung isang lalaki na may pulang mata. Walang ano-anu'y bigla siyang nagpakawala ng lazer sa mata niya na agad naman naming inilagan ni Draco.
Pinatamaan ni Draco ang ilan ng kapangyarihan niyang apoy at doon tatlong tao kaagad ang napatay niya. Kinakabahan ako dahil wala akong laban. Hindi ko pa kontrol ang kapangyarihan ko.
Lalo kaming nagulat ng ang tatlong napatay ni Draco kanina ay muling bumangon.
“s**t! Bakit nabubuhay pa ulit sila?” Tumawa ang lalaking may pulang mata. “Akala n'yo ba ay basta-basta nalang kami mauubos?”
Bigla akong niyakap ni Draco. Doon ay unti-unting lumabas ang apoy sa katawan niya. Nang bumaklas siya sa yakap saakin ay doon ko lang napagtanto na nilagyan niya ako ng barrier na gawa sa apoy niya.
Mag isang lumaban si Draco. Nakakapatay siya pero nabubuhay lang din ang mga 'yun. Natatakot ako. Mukhang mapapagod at walang mangyayari kung nag uubos lang siya ng lakas sa mga taong napapatay niya na muli ding nabubuhay.
Napangiti nalang ako ng biglang may tumama sa kanila ng kidlat. Dumating si Zackery. Goodtiming! Nag tulungan sila para patayin ang mga 'yun. Lahat ng 'yun ay dapat palang sa puso tirahin para hindi na ito mabuhay pang muli.
Hanggang sa 'yung pinuno nalang ang matira. Nagsasalitan sila sa pag atake doon pero masyado talagang malakas ang isang 'yun.
Mayamaya ay isang lazerball ang pinakawalan nito. Itiama niya ‘yun kina Zackery at Draco. Naiwasan naman nila 'yun pero napasigaw ako ng makita kong pabalik sa kanila ang lazerball.
“Sa likod n'yo!” Sigaw ko. Na shock sila kaya hindi agad sila naka-iwas. Sumabog ang lazerball sa kanilang katawan. Nakita kong malakas silang tumalsik sa damuhan.
Dahil sa malakas na pagsabog ay nilamon ng malaking usok ang buong kapaligiran. Nang maging maaliwalas ay nakita kong duguang nakatayo sina Zackery at Draco. Sa nakita ko ay biglang nag init ang ulo ko. Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari. Hindi pwedeng manahimik lang ako.
Hindi ko alam kung paano ko nasira ang barrier ni Draco na gawa sa Apoy. Lumabas ako doon at galit akong tumakbo papalapit sa lalaking pula ang mata. Hindi ko alam kung paano ko nagawang magpalabas ng yelong hugis espada sa kamay ko. Sa galit ko, hindi ko na talaga alam ang mga ginagawa ko. Dali dali ko 'yung isinaksak sa puso nung lalaki. Walang ano-anu ay unti-unting sumabog ang katawan niya.
Hindi ako makapaniwalang ako ang nakapaskang sa lalaking ‘yun. Matapos ko siyang patayin ay saka ko lang nagawang lapitan si Draco. Puro sugat ang katawan niya.
“Ayos ka lang ba?” Hindi ko alam ang gina-gawa ko pero bigla ko siyang niyakap. Habang yakap-yakap ko siya ay nakita kong nakatingin saamin ang mas sugatan at mas duguang si Zackery. Bumaklas ako ng yakap kay Draco at lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.
“Okay lang ako," Aniya sabay sakay sa magic carpet niya. Kahit mahina na siya ay nagawa pa niyang irapan ako at iwanan kami sa lugar na'yun.
Ano bang problema niya? Bakit kahit sugatan ay napakasungit parin niya. Nakakainis, gusto ko lang naman alamin kung ano ang lagay niya tapos agad-agad namang nagsungit! Badboy talaga kahit kailan! Pero sa nakita ko sa kanya ay hindi siya okay. Ang dami niyang sugat.