Stacey's POV
Is it all my fault?
As far as I know, it's not.
I am just seeking for their attention, maybe if I will create chaos they might come back to check on me.
Now I am broke and grounded.
I'm on the attick, my canvass, my brushes, my colors, they are all ready, but I'm not in the mood to paint. I can't find things to draw my mind is not in condition. I feel so alone.
After my mom left me with nothing, I became so pathetic.
Yes, I admit I was wrong, naparami lang naman ang shopping ko.
I don't know how to stop, nasa high end store kami and I don't even bother myself to check for the prices. Not until that very moment na sinabi ni mom sa akin na I spend two million pesos.
Great! I have that talent. I'm The Super Gastadora Bratinela. Sorry, adik lang sa shopping.
Mas okay na rin 'yon kaysa naman sa
America o sa Paris ako nag-shopping, mas magastos kapag gano'n and to think na mamumulubi ang parents ko just because of my whim. Of course not! Barya lang sa kanila 'yon. Why feel guilty?
But in reality, I have to face the consequences of my actions.
I can't take this anymore this house is so boring, I am like a prisoner here. Hindi ako pwedeng lumabas to meet my friends, it's just like they're making me look like miserable.
"Miss, where are you going?"
My mom's assistant asked me when she saw me downstairs.
"Outside," I answered giving her a poker face.
"But, Miss__"
"Shhh!" I stopped her from talking.
"Do you think I can go anywhere like this?" sarkastikong tanong ko.
"I'll just catch a fresh air outside, I feel suffocated like a damsel in distress."
"But__" I cut her off again.
"Enough, just leave me alone okay!" sigaw ko.
"Give me some space!" dagdag ko pa at dire-diretso na akong lumabas ng pinto.
Tangkang susundan ako nito.
"Back off!"
"I said back off! I'll shout and make a commotion," pananakot ko rito.
"I'm warning you, like the hell, I care!" I feel so useless and I can't stand to be like this.
Waring natakot naman ito kaya hinayaan akong makalabas pagdating naman sa main gate ay pinigilan ako ng mga gwardiya.
"Open the gate!" makapangyarihang utos ko.
Hindi naman ako pinansin ng mga ito, nakatingin lang sila sa akin.
"I said open the gate!" I shouted in annoyance.
"Let her," mom's personal assistant said.
Nakasunod na pala ito sa likod ko ng hindi ko namamalayan.
Agad namang tumalima ang mga gwardiya at dali-daling binuksan ang bakal na gate.
Sino ba ang amo rito?
Hindi ba ako?
Eh, bakit ang babaeng ito ang sinusunod nila? It's so unfair!
Lumabas ako ng mansion na walang kasiguraduhan kung saan pupunta.
Wala akong dala kung hindi ang aking sarili,
wearing black leggings, pink T-Shirt and I am only wearing slippers.
Out of nowhere may dumaang taxi sa harapan ko.
I wonder kung paano ito nakapasok sa exclusive subdivision with a strict policies and restrictions but it doesn't matter at all, pinara ko ito at agad sumakay, alam kong pinasundan ako ng assistant ni mommy but I don't care. Gusto ko lang makaalis sa lugar na iyon kahit ilang sandali lang.
Thanks a lot, I got the chance to get rid of them. Finally I'm free.
"Ma'am saan po tayo?" tanong ni manong driver sa akin.
I stared at him in the mirror just to find out that he's also staring at me. Medyo nagkagulatan pa ng makita namin sa salamin ang isat-isa.
"Just drive," sagot ko.
Honestly I don't know where to go. Portia's not in the country right now, natuloy ang project niya sa Athens Greece with Franky. Kaya wala akong kakampi ngayon. I'm all by my self .
"Ma'am limang oras na po akong nagda-drive siguro naman alam nyo na kung saan n'yo gustong pumunta?" May himig reklamo sa tono ng boses nito.
Limang oras? Gano'n na pala katagal,
hindi ko namalayan dahil okupado nang maraming bagay ang isip ko.
"Okay, stop the car," utos ko
He stopped the car.
"Five thousand pesos po, ma'am," sabi nito sa akin, iyon ang lumabas sa metro ng taxi niya.
"What?" I got panicked when I realized that I don't have money to pay for him.
Napakamot ito sa ulo.
Hindi po pwedeng hindi n'yo ako bayaran. Napakalayo na ng narating natin, pagod ko, gasolina ko. Ano 'yon ,thank you na lang?" inis na sabi nito.
I'll check myself kung meron ba akong nadalang kahit ano. Lucky enough may suot pala akong hikaw.
"I was hesitant to give my white gold earings it's too expensive, it worth $3,500.00, binili ko pa ito sa sa isang sikat na mall sa America no'ng pumunta ako sa Minnesota, but I have leave with no choice.
Kaya naman pikit mata ko itong inabot kay manong driver.
Barya lang iyon sa akin dati pero ngayon kahit piso mahalaga na para sa akin.
I'm helpless, naiwan akong hindi alam kung ano ang gagawin para maka survive.
Naglakad ako papunta sa kung saan.
Naguguluhan, pero isa lang ang alam ko, ayokong bumalik sa mansion not this time.
Wala akong idea kung nasaang lugar na ako at kung saan ako binaba ni manong driver. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom, sampung oras na akong walang kain. Akala ko kasi mas effective kapag nag-hunger strike ako hindi naman pala, binalewala lang ako ng parents ko.
Nananakit narin ang aking mga paa sa kalalakad. Ang totoo niyan sa sobrang nipis ng talampakan ko pakiramdam ko dumudugo na sila.
I feel thirsty.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad nagbabakasakaling may isa man lang na bahay na mahihingian ng kahit maiinom lang.
Dahil marami akong iniisip hindi ko napansin ang paparating na asul na kotse, mabilis ang takbo niyon, di alintana ang lubak na daan na nababalutan ng tubig. Huli na para akoy makaiwas, sumaboy ang putik na nilikha niyon sa mukha at damit ko.
Gusto ko ng maiyak.
"Sobra-sobrang kamalasan naman ito," reklamo ko.
Ngunit, nagpatuloy parin ako sa paglalakad, may nakita akong mataas na bakod, napakalawak nito. Napansin ko na papalapit na ako sa mataas nitong gate .
Sa itaas ng paarkong gate ay nakasulat ang mga salitang Villa Saavedra.
Huminto ako sa harapan nang malaking tarangkahan . Wala naman akong balak kumatok, naisip kong hindi rin naman ako pagbubuksan ng kung sino man ang nasa loob niyon. Masyadong pribado ang lugar, kung sino man ang nagmamay-ari ng malapalasyong bahay na ito ay nasisiguro kong nabibilang sa mataas na antas ng lipunan.
Pinahid ko ng aking mga kamay ang putik na sumaboy sa mukha ko kanina lang na gusto ko namang pagsisihan dahil lalo lang kumalat ang dumi sa mukha ko.
Halos di ko na nga makilala ang aking sarili dahil sa karumihan.
Sa totoo lang para akong
sumabak sa mud wrestling nito.
"Hoy, Ana! Ikaw na ba yan?"
Muntik na kong mapalundag sa gulat. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.
Nanggaling iyon sa malaking gate, bahagya itong nakaawang. Maya'y may lumabas na babae buhat sa loob. Maliit at medyo maitim ito, sa tantiya ko ay nasa biente siete na ang edad nito.
I have noticed that she's wearing a uniform, a navy blue dress with a white apron. A maid's uniform if I'm not mistaken. It's the same uniform that our maids wearing at the mansion.
"Ana, kaninang umaga ka pa hinihintay ni Manang Fe. Bakit ngayon ka lang dumating?"
tanong nito.
Lumingon ako sa gawing kanan gayundin sa kaliwa ko, pagkatapos lumingon naman ako sa aking likuran. Wala namang ibang tao sa paligid kung hindi kaming dalawa lang.
I am so puzzled, why is she keeps on calling Ana? Is she referring to me as Ana?
I wrinkled
"Pipi ka ba?" nakakainsultong tanong nito.
Wala namang nabanggit si Aling Lorna na pipi ka, ha." Pag uulit pa sa kanyang sinabi.
Aba't, ang lakas mambuwisit ng babaeng ito ah!
Lalo akong nagulat ng bigla akong hilahin nito papasok ng gate.
"Pumasok ka na nga," sabi nito.
"Bakit ba kasi napakarumi mo? Ano ba'ng nangyari sayo?" Hindi siya nauubusan ng tanong as if namang gusto ko siyang kausap. Nakakasuyam
"I'm damn hungry!" bulalas ko.
I feel so hungry and tired.
"Ano raw?" tanong nito.
Hindi ko sya pinansin.
"May pagkain ba kayo d'yan?"
Nilibot ko ng tingin ang paligid.
Wheew.
Tatlong beses higit ang lawak nito sa
mansion namin at wow! Ang daming sasakyan.
Mukhang may collection ng sasakyan ang may-ari ng villa na ito.
Natigilan ako at hindi naiwasang hind manlaki ang mga mata ko sa nakita.
Ang latest model na sasakyan na pinapangarap ko ay nakaparada ngayon sa parking nila. Matagal ko ng pangarap na magkaroon no'n. Na-memorize ko na lahat ng features ng sasakyang iyon dahil balak kong i-discuss sa parents ko kapag nanghingi na ako ng perang pambili. Sobrang high tech n'ya talaga.
I will definitely have it.
But for now all I want is to touch it with my bare hands to make sure that I am not dreaming and it's for real.
Sooner or later I'll have mine.
What Stacey wants Stacey gets. Iyan ang motto ko.
Sila na talaga ang mayaman, kung sino man ang may ari nito masasabing kong may good taste talaga pagdating sa sasakyan.
I can't believe this.
Matapos kong maligo at magbihis ng damit ay nakatanghod na silang lahat sa akin.
Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanila?
I'll just go with a flow.
I just let them believe that I am Ana.
The hell!
Who's Ana anyway?
Hindi ko alam kung sino siya but this is the only way I know for now na makakatulong sa akin na magkaroon ng panandaliang matutulugan at makakainan. Bahala na lang later kung mabisto nilang hindi talaga ako si Ana.
Grabe ang gutom ko, kahit yata plato ay kaya ko ng kainin dahil sa gutom.
Kasalukuyan kaming nasa kusina.
Kumakain ako habang sila naman ay masayang nakatitig lang sa akin.
Really! What's wrong with them?
"Ang ganda mo, Ate," she said.
The youngest among the maids. She was mesmerized by the way I look.
Her name is Yengyeng.
"Sigurado ka bang katulong ang papasukin mo rito?" tanong ng matangkad na payat. Nagpakilala siya bilang si Mabel.
Makahulugan ang mga tingin nito sa akin but
I didn't bother to asked her why she's looking at me like that? They are all weird na para bang ngayon lang nakakita ng tao.
"Pinaglihi ka ba sa manika?" tanong naman ni Odessa ang pinaka mahiyain sa lahat.
"Kayo nga magsitigil kayo ang dami n'yong tanong," singhal ni Mirna. "Magsibalik na nga kayo sa trabaho nyo." utos nito sa lahat. Si Mirna ang nakakita sa akin sa labas ng villa kanina.
Agad namang nagsilabasan sa kusina ang tatlo, takot yata ang mga ito kay Mirna.
Maya'y ako naman ang binalingan.
"Bilisan mo ngang kumain dyan!" pabalag na utos nito sa akin.
I looked at her with a poker face.
Gusto ko s'yang kutusan sa isip ko.
I just can't accept that this stupid girl in front of me is yelling at me and even telling me what to do. She is so annoying. Ako lang ang pwedeng mag utos. I'm Stacey and I'm a heiress.