Chapter 6-Pretentious°

1592 Words
Stacey's POV Pretending to be some one else is the answer to my problem. I just embraced the idea of being Ana Marasigan, the new maid of the Saavedra's. "Ano ba'ng nangyari sayo sa daan at dumating kang putikan? Wala ka man lang dalang kahit na ano," tanong ni Nana Fe ang mayordoma sa villa. Nandito kami sa kusina katatapos ko lang kumain ng lapitan niya ako at kausapin. "Na-holdap 'yang si Ana!" sabat ni Mirna sa usapan ako ang tinatanong pero siya ang sumagot, atribida talaga itong si Mirna. Pero, nagustuhan ko naman ang sinabi niya, hindi ko na kailangang mag-isip pa ng alibi kaya sinang ayunan ko iyon. May pakinabang din pala ang pagka atribida ng babaeng ito. "Ganu'n ba? Naku! Mabuti na lang at hindi ka ginawan ng masama ng damuhong holdaper na 'yon!" May pag-aalala sa tono ng boses ni Nana Fe. I don't know why, but suddenly I felt sad. How I wish my Grani is still here to look after me, I miss her a lot. "Inutusan ko na si Yengyeng na bumili ng mga damit mo para may maisuot ka, pati damit panloob," sabi nito. "Mamaya uuwi ang mag-asawang Saavedra kaya ihanda mo ang iyong sarili kasi haharap ka sa kanila upang magpakilala," dagdag pa nito. Bigla akong nakaramdam ng nerbiyos sa sinabi ni Nana Fe. Anong gagawin kong pagpapakilala sa mga ito. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Sanay akong makisalamuha sa ibat- ibang klase ng tao. Pero iba ang isang ito, kasi haharap ako bilang Ana Marasigan hindi bilang si Stacey Del Castillo. Hindi ko kayang magpanggap na ibang tao kaya lang napasubo na ako. Wala na akong ibang mapupuntahan. Sa servants quarter, naging abala ako sa pag usyoso sa laman ng mga plastic bag na pinamili ni Yengyeng sa bayan. Ewww...Ang baduy naman ng taste ng batang 'to. Limang pirasong palda na iisang design lang ngunit ibat-ibang kulay ang bumungad sa akin, tapos limang pirasong bulaklaking blusa rin na parehas din ng design pero magkakaiba lang din ng kulay. The nerve! Baka pagpiyestahan na ako ng mga paruparu nito. "Ito na yata ang sisira ng career ko bilang isang socialite at modelo. Ano pa at nag aral ako ng fashion design sa Paris kung magmumukha lang din akong manang. "Whoah!" "Nagustuhan mo, Ate?" Inosenteng tanong ni Yengyeng sa akin, hindi niya alam kung ano ang ipinaglalaban ng kalooban ko, kung sususutin ko ba ang mga damit na iyon o aalis na lang sa bahay na ito. Bahagya lang akong tumango. Di ako nagpahalata na nadismaya ko sa mga nakita ko. What do I expect ng biglang sumampal sa akin ang katotohanang, I am not here para magbuhay prinsesa. Simula ngayon ay hindi na ako si Stacey. I'm a servant here so better act like one. Huh! Ano nga ba ang alam ko sa gawaing bahay? Naku naman! Problemang malaki ito. SA LIVING room naroon daw ang mag asawang Saavedra and they are expecting me to be there. Alumpihit akong buksan ang seradura ng pinto. Para kasing may pumipigil sa akin na gawin iyon at umatras na lang. Katatapos ko lang kumatok at nagsalita naman ang nasa loob na pumasok na raw ako. Nabungaran ko sa sala ang isang lalake at babaeng sa tantiya ko ay nasa limampung taong gulang. Surgeon Carmelita Saavedra, Philanthropist & Business Tycoon Atty. Alexander Saavedra. Sobra ang tense ko nang makita ang magiging mga amo ko. Nakapasok na ako sa loob and there's no way out. Bahagya natigilan si Mrs.Saavedra ng makita ako, di ko alam kung bakit pero ayoko ng alamin. "You must be, Ana?" paniniguradong sabi ni Mr. Saavedra. "Ye_" I stopped my self from talking, It's just that I realized I can't find words to answer the question in tagalog. From the very start, I have lots of adjustment to make most especially with how I talk, its really hard for me to speak in straight tagalog. Kaya kung di rin lang importante di na ako nagsasalita. "Po? O_opo, Sir!" tarantang sagot ko. Parang ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. Hindi naman kasi ako sanay na magsinungaling at alam kong napakalaking pagsisunungaling ang gagawin ko ngayong nagpapanggap akong ibang tao. Wheew! addressing some one with Sir is so unusual for me I never used that word. Kind'a weird. "I never expected this! She looks, so young , innocent and very beautiful," sabi ni Ms.. Saavedra. Manghang-mangha ito sa akin. "Am I right Alexander?" Nakangiting tanong nito sa asawa na para bang hinihingi nito ang opinyon ng asawa tungkol sa akin. I am overwhelmed, what a compliment? Nag-init ng pisngi ko pati ang aking tenga sa papuring natanggap coming from a very respectable woman. "So true, my dear". Sang ayon naman ni Mr. Saavedra. Hindi nawawala ang ngiti nito sa labi. Para bang nasanay na ito na laging may nakalaang ngiti sa kahit sino mang taong makasalamuha nito. Ano pa't naging maganda ang pagtanggap ng mag asawang ito sa akin. Kaya naman nakahinga ako nang maluwag ng makalabas sa kwartong iyon. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa dibdib. GRABE ang pagod ko ng gabing iyon. Magkatulong kaming nilinis ni Odessa ang kusina, nakatoka ako sa mga hugasan habang ito naman ay sa paglalampaso ng sahig. "Ana!Ayusin mo! Sabunin mong maigi para mawala ang sebo." Si Odessa na nakatingin pala sa ginagawa ko. "Bakit gano'n parang 'di ka marunong sa gawaing bahay?" kunot noong tanong nito sa akin. "Ha... ah, eh!Marunong kaya, naninibago lang siguro ako," pagsisinungaling ko. Hindi ako pwedeng mabuko kaya kahit wala talaga kong alam sinikap kong gawin nang maayos ang trabaho na naka atang sa akin. Alas diyes na ng makapasok kami sa servant's quarter. Dalawang kama ang naroroon ang isa ay kina Odessa at Mabel ang isa ay para sa amin ni Yengyeng. Naglinis muna ako ng katawan at nagbihis ng pantulog bago tumungo sa kama, naabutan ko pa ang tatlo na nanunuod ng tv meron kasing telebisyon sa loob ng kwarto namin. Hindi na ako nakisali pa sa tatlo, talagang napagod ako nang sobra idagdag pa ang mahabang biyahe at layo nang nilakad ko kanina. Ano pa't wala pang tatlong minuto pagkalapat ng aking katawan sa kama ay nakatulog na agad ako. Naglalakbay na ang diwa ko sa kung saan. "ARAY!" Nagising ako sa lakas ng galabog. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tunog na iyon. Laking gulat ko ng sa aking pag upo ay nakita ko si Yengyeng sa sahig. "Uy! Ano'ng ginagawa mo d'yan?" takang tanong ko. "Ate naman, eh!" Mangiyak-ngiyak na ito habang tumatayo at hinahawakan ang kanyang balakang. "Bakit?" maang na tanong ko. "Pangatlong hulog ko na ito, eh! Ang likot mo namang matulog," reklamo ni Yengyeng sa akin. Napanganga ako sa sinabi nito. "Hindi nga?" "Aysus! Nagmaang-maangan pa to, kunwari ay walang alam. Sabihin mo lang kasi na ayaw mong may katabi sa pagtulog pwede naman tayong humiling ng isa pang papag sa mga amo natin," sabi nito habang hinihimas ang puwetan. "Tsk! Paano ba naman kasi napakalaki ng kama ko sa mansyon. Kahit sampung katao pa ang humiga ay kasyang-kasya doon. Isa pa ay hindi talaga ako sanay ng may katabi sa pagtulog. Alas sais ng umaga ng sipatin ko ang oras sa orasang nakapatong sa gilid ng aming higaan. "Hay naku, kaasar naman!" Balak ko pa sana uling matulog ng sumilip sa aming kuwarto si Mirna. "Prinsesa lang! Magsibangon na nga kayo, kanina pa nag-aantay si Nana Fe sa ibaba. Kompleto ang pamilya kaya siguradong mag-aalmusal ang mga iyon bago pumasok sa kani-kaniyang mga trabaho. "Talaga! And'yan na s'ya?" excited na sabi ni Mabel na para bang kinikilig. "Yeheey!"si Yengyeng na tuwang-tuwa. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila, kaya nanahimik na lang ako at naghanda na para maligo. PAPUNTA na sana ako ng kusina para tumulong ng mapagawi ang tingin ko sa itaas ng hagdan. Nakita ko ang unang pinto sa itaas na bahagyang nakaawang. Naingganyo akong umakyat para silipin kung anong nilalaman niyon. Namangha ako sa aking nakita ng ako'y makapasok, napakaraming libro sa loob. May isang couch at kwadradong lamesang itim na yari sa fiber glass. Napako ang tingin ko rito malinis ang lamesa ngunit may isang itim na libro na nakapatong sa ibabaw nito. Na-curious akong tingnan ang libro kaya naman nilapitan ko ito at hinawakan para mabasa ang pamagat. A Journey To Life ang title ng libro. Sa totoo lang wala akong tiyaga sa pagbabasa. Na-curious lang ako sa cover ng aklat. Bigla akong napakislot ng may marinig akong kaluskos. Sa sobrang gulat ay awtomatikong nailagay ko sa aking likod ang tangan kong libro. "INTRUDERS ARE NOT ALLOWED IN HERE!" Muntik na akong mapalundag sa takot boses ng lalaki iyon, maya'y lumabas ito mula sa kung saan. Halos malaglag ang panga ko ng mapagmasdan ang itsura ng nagmamay ari ng tinig na iyon. Matangkad na lalake na sa tantiya ko nasa 5'10 hanggang 6 feet ang taas nito. Mestiso ang lalake at mamulamula ang kutis. Gano'n siguro talaga kalag laki ka sa aircon. "Teka!Nanaginip ba 'ko?" Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata.Napaka gwapo niya, mahihiya ang modelo kapag siya na ang nakatabi. Tsh! Parang hindi naman makatarungan ang kagwapuhan nito. Ito ang klase ng lalake na kapag nakasalubong mo sa daan ay hindi mo mapipigilang lingunin ng paulit-ulit hanggang sa ikaw ay magka stiff neck at tubuan ng kulani sa leeg. Pa'no ba naman ang laki ng pagkakahawig nito kay Chris Evans. Nang nagpasabog yata si Lord ng kagwapuhan ay gising na gising ito kaya naman nasalo niyang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD