Chapter 1
KIRA’S POV
“Ano naman kayang nahithit na bawal ng siraulong Arkin na ‘yon at pinadalhan pa pati Mommy’t Daddy mo ng invitation sa kasal n’ya? Gusto pa yata ng bonggang monetary gift ng bwisit na ‘yon!” nakangiwing bulalas ni Mitz, ang kaibigan at isa sa mga scholars ng foundation namin, matapos ko s’yang puntahan sa bahay nila para maglabas na naman ng sama ng loob tungkol sa pagpapadala ng invitation ng ex-boyfriend ko.
It’s been almost three months since we officially broke up because he cheated on me. Buntis ang ipinalit n’ya sa akin at ngayon nga ay mukhang kailangan na n’yang panagutan ang babae kaya magpapakasal.
Arkin and I were High School sweethearts. Hindi s’ya gwapo at hindi rin naman matalino pero hindi ko lubos na maintindihan noon kung bakit panay ang habol sa kanya ng mga babae sa school. Some of them were crying over him and kept on chasing him. He was branded as a playboy that time kaya ilag ako sa kanya. I was never into womanizer and such, I am more into goody goody type that’s why smart guys always caught my attention. Ilan sa mga naging ex-boyfriend ko at crushes ay pawang mga nasa top ng section nila o kaya naman ay mga active sa sports at panlaban ng school sa kung saan saang competition. Until he tried to approached me through my friends. Noong una ay hindi ko s’ya pinapansin kahit na nga ba tahasan na ang ginagawa n’yang panliligaw sa akin. The whole population of girls in our school knew about him pursuing me. Some of them were even helping him to get into me. Ayon sa kanila ay hahayaan lang nila si Arkin basta sa akin s’ya mapupunta. I found it ridiculous at first because I don’t see anything that’s likeable in him. Bukod sa bulakbol s’ya ay tamad din s’yang mag-aral at palaging natutulog sa klase. Until our teacher asked me to teach him in one of our subject which is Algebra. I was quite hesitant at first but when our teacher said that Arkin would fail his subject if he didn’t pass the final grading period, napilitan akong pumayag na turuan s’ya. And that was when we got really close and he proved to me that he can stick to only one girl if he really mean to.
Pinatunayan naman n’yang kaya n’yang magbago at ako naman si gaga ay tuwang tuwa dahil akala ko ay mababago ko ang isang playboy na kagaya n’ya.
We were still together during college, lalo na nang isa s’ya sa mga napiling scholar sa foundation na itinayo ng Daddy ko. My Dad is a very well known Engineer and he was running a foundation to those deserving students na hindi makapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Arkin’s family was a commoner and because they’ve got a huge family, his parents can’t afford to send him in school. That’s why I helped him maintain his grades to get a passes to my Dad’s foundation. Dahil limited lang ang courses doon at wala ang kursong gusto kong kuhanin, which is nursing, ay napilitan kaming maghiwalay ng school. Wala namang naging problema, as far as I know! O baka sadyang magaling lang s’yang magtago kaya akala ko ay wala kaming naging problema about third party and such!
Nagkataong sabay ang naging graduation ceremony namin kaya naintindihan ko s’ya nang sabihin n’yang hindi s’ya makakarating sa graduation party ko. Inisip ko na lang na mayroon rin s’yang sariling celebration kaya in-enjoy ko na lang ang sa akin kasama ang buong pamilya ko. Balak ko pa sana s’yang ipakilala sa kaisa-isang Kuya ko na umuwi pa galing sa Europe pero hanggang sa makabalik na si Kuya ay hindi sila nagkita dahil masyado s’yang naging busy sa paghahanap ng trabaho after graduation. I was quite busy with my reviews and upcoming board exams kaya hinayaan ko na lang s’ya kahit na nga ba madalas na lumilipas na ang isang linggong hindi s’ya nagpaparamdam kahit sa text man lang.
Just a day after I took my board exam, one of our circle of friends asked me if Arkin and I were still together. And when I asked her why, sinabi n’ya sa akin ang nakita n’ya sa mall. Namimili daw si Arkin ng mga baby products kasama ang isang buntis na babae. I was quite hesitant to believe it at first dahil mayroon s’yang ilang babaeng kapatid at ang ilan sa mga ‘yon ay may asawa na. Until I saw them with my own eyes. They looked so in love at parang walang pakialam sa mundo habang naglalampungan sa loob ng sinehan. I told him I wanted to watch a movie with him pero ang sabi n’ya ay busy s’ya kaya nagpunta akong mag-isa, only to caught him cheating right in front of my eyes. With my favorite movie in the background! Sobrang nakaka bastos!
“Baka hindi monetary gift ang makuha n’ya kung sakaling si Kuya ang nakakita nung mga invitations,” naiiling sa sabi ko. Nasa bahay pa naman si Kuya ngayon dahil kasalukuyang under renovations pa ang bahay n’ya. My Kuya is also an Engineer at sa Europe talaga s’ya naka-base pero ngayon ay dito na sa Pilipinas sa kagustuhan na rin ni Mommy na tumulong na s’ya sa paghahandle ng foundation dahil matanda na si Daddy. He was ten years older than me and he was very protective of me. Kaya nga nang tinanong n’ya kung bakit kami naghiwalay ni Arkin ay sinabi kong we both fell out of love and just decided to pursue our dreams first! Kaya kung malalaman ni Kuya ang panlolokong ginawa ni Arkin sa akin ay paniguradong manghihiram s’ya ng mukha sa buhangin! Tapos ang lakas pa ng loob n’yang padalhan ako ng invitations sa mismong bahay pa namin? Kung hindi ba naman naghahanap talaga s’ya ng sakit ng katawan!
“K-kuya? You mean, nasa bahay n’yo ngayon nakatira si Engineer Gelo?” namimilog ang mga matang tanong n’ya at napasapo pa sa bibig. Natatawang tumango ako at napailing nang makita ang halos magpuso na n’yang mga mata. Mitz has a secret crush on him but she was acting like she’s not interested with him kapag magkasama o magkausap sila. Mitz is now working in our foundation as a clerk dahil naging engineering firm na rin ‘yon over the years at karamihan sa mga kliyente nila Daddy ay mga main sponsors din sa foundation. She spent her internship in the firm kaya kalaunan ay in-absorb na s’ya ng company dahil priority talagang kuhanin ay mga scholars ng foundation.
Kuya Gelo was asking me to work there for the meantime habang naghihintay ng results ng board exams and I am considering it because I badly wanted to divert my attention into something that don’t really reminds me of Arkin. Pero mukhang sa klase ng magiging trabaho ko doon ay mukhang hindi magiging madali ang paglilibang dahil baka mas lamang pa ang free time ko kesa sa oras na magtatrabaho ako.
“Oo nga pala, Kira. I have something to offer to you,” rinig kong sabi ni Mitz kaya agad na nalipad ang kung anong iniisip ko.
“Offer?” tanong ko. Tumango s’ya bago umupo sa tabi ko.
“You love kids, right? At sigurado akong malilibang ka dito,” sabi n’ya habang tinitingnan ako. Alam kasi n’ya ang hesitations kong magtrabaho sa foundation dahil hindi naman gaanong marami ang trabaho doon. She’s also aware of my struggles after the break up that’s why she knew what I really needed now. Nakuha na n’ya ang buong atensyon ko kaya tumango ako ng sunod-sunod.
“Yung old employer kasi ni Mama naghahanap ng mag-aalaga sa apo n’ya. English speaking ‘yung bata at saka four years old na at hindi na gaanong alagain. Babantayan lang dahil busy sa opisina ‘yong nanay. I am thinking if you can work as his nanny?” sabi n’ya at alanganing ngumiti. “Pero kung ayaw mo naman-”
“No, Mitz. I can do it,” mabilis na sabi ko na hindi na nag-isip. Wala namang problema sa akin lalo na at mahilig talaga ako sa mga bata at isa pa, gusto ko nga ay iyong malikot para siguradong malilibang ako at makakalimot panigurado. “Let me do it, please? Tell your Mom that I can start as soon as possible,” determinadong sabi ko sa kanya at hinawakan pa ang kamay n’ya nang makita ang hesitations sa mga mata n’ya.