Lucinda
Nakarinig ako ng mga busina ng kotse at nagtaka ako bigla dahil kung tutuusin ay hindi naman malapit sa kalsada ang aking condo. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakakita ako ng isang kurtina na kulay asul at bigla akong nagtaka dahil hindi ko maalala na pinalitan ko ito. The color of my curtain is actually pink, and I just changed it last week.
Napansin ko rin na parang iba ang amoy ng unan na aking hinihigaan. Hindi naman ito mabaho pero amoy lalaki siya at iyong amoy ng after shave. Nang ilibot ko ang aking mga mata sa aking paligid ay bigla na lamang akong kinabahan kaya agad akong napaupo at nakaramdam ng kaba.
“Where am I?” mahinang sambit ko sa aking sarili.
Hindi naman ako gano’n kalasing kagabi para mapunta ako sa isang bahay na hindi ko alam. Geez. Was I kidnapped? Nalaman ba nila na nanggaling ako sa isang mayamang pamilya at ngayon ay ipapa-ransom nila ako? Hinanap ko ang aking cellphone at nakita ko ang aking purse na nasa ibabaw ng isang mesa.
Akmang ilalabas ko ang aking cellphone nang nakita kong nagbukas ang pinto ng aking kwarto at hinahanda ko ang aking sarili dahil baka ito na iyong kidnapper ko. Natulos ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang lalaking pumasok sa kwarto na nakasuot lamang ng gray na sweat pants. Nakita ko siyang napangiti sa akin at napakunot na lang ang aking noo habang nakatitig sa kanya nang bigla kong maalala ang nangyari kagabi.
“Good morning. Sakto ay gigisingin na sana kita para kumain ng almusal. How’s your sleep?” tanong niya habang sinusuot niya ang kanyang puting sando.
“W-Why am I here?” nagtatakang tanong ko at napatingin naman siya sa akin.
“You don’t remember?” Nakangisi niyang sagot sa akin.
Napakamot ako sa aking ulo dahil klarong-klaro naman na may nangyari sa amin kagabi pero hindi ko lang alam kung paano ako napunta rito. Ngayon na tinitignan ko ang kwarto niya ay sobrang simple nito na halatang parang hindi siya nakatira talaga rito. Wala akong makitang mga kagamitan niya kaya hula ko ay maaaring nasa isang inn kami.
“Let me just jug your memory.” Naglakad siya palapit sa akin habang may hawak na siyang loaf bread. “We had s*x last night, and maybe because of your drunkenness, you fell asleep in my car. Hindi ko naman alam kung saan ka nakatira kaya dinala na lang kita rito. Bread?” sabi niya sabay alok sa akin ng tinapay.
Umiling naman ako sabay kumagat siya sa tinapay. “Okay? I mean, I didn’t expect you to be so straight forward. So? Pwede mo ba akong ihatid pauwi dahil hindi ko alam kung nasaan ako at baka hinahanap na ako ng kaibigan ko.”
“Oh, you mean, Paris? She called a while ago while you were sleeping. Sinabi ko naman na inuwi na lang kita dahil hindi ko alam ang address mo. Hope, you don’t mind me answering her call for you.” Alanganin akong napangiti sa kanya sabay sinuot ang aking sapatos at tinali ang aking buhok.
“Well, I do mind because I’m not a fan of people meddling with my stuff.” Kinuha ko ang aking purse at saka dumiretsong lumabas ng kwartong iyon.
Paglabas ko ay tama nga ang hinala ko na isa nga itong inn pero super luma na parang wala nang masyadong pumupunta rito. Maang na lang akong napatingin sa kawalan dahil hindi ako makakakuha ng cab dito. Pagtingin ko naman sa aking cellphone ay pa-lowbat na rin ito kaya hindi ko matatawagan si Paris para sunduin ako.
“Eat your breakfast before you leave.” Napatingin ako sa kanya na nakasandal sa hamba ng pintuan. “Sayang naman iyong binili kong pagkain kung hindi mo ito gagalawin. Once you have your breakfast, then I’ll take you home.”
Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata at dahil wala rin naman akong choice ay pumasok akong muli sa loob. Katulad nga ng sinabi niya ay may binili nga siyang almusal para sa akin at bigla akong nakaramdam ng gutom. Umupo ako sa harapan ng hapag kainan at sinimulang lantakan ang binili niyang breakfast para sa akin.
Habang kumakain ako ay sinabayan na rin niya ako at hindi ko naman siya pinansin kahit alam ko na nakatitig lang siya sa akin. Pinagpatuloy ko lang ang aking pagkain at hindi ko matagalan ang pagtititg niya sa akin dahil hindi ako komportable. Akmang susubo ako ay tinigil ko ito sabay matapang kong sinalubong ang tingin niya sa ako. Nginitian lang niya ako at napaayos naman ako ng upo sa aking upuan.
“Okay. Let’s be clear. We had a one night stand last night. Ngayon kung binigyan man kita ng rason para magkaroon ng tayo ay huwag ka nang umasa, okay?” Nginisihan lang niya ako at inirapan ko naman siya.
“Okay. It’s just that you were looking at me with admiration from your eyes last night. Naisip ko lang na baka kailangan mo ng companion. Ikaw na rin naman ang nagsabi na available ka kaya hindi naman siguro maging masama kung maging magkaibigan tayo.” Kinindatan niya pa ako at napailing na lang ako sa kanya.
Nang matapos akong kumain ng almusal ay tinupad naman niya ang sinabi niya na ihahatid niya ako pauwi. Pagkarating ko sa aking condo ay nagpasalamat ako sa kanya at akmang bubuksan ko ang pinto ng kanyang sasakyan nang i-lock niya ito. Inis akong napatingin sa kanya at nandoon nanaman ang preskong awra niya na parang siya na ang pinaka-gwapong lalaking nakita ko.
“What? May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na ay pwede bang palabasin mo na ako ng sasakyan mo at marami pa akong gagawin,” mataray kong sabi sa kanya.
“I would just like to ask if you are free to have some dinner with me later.” Tinaasan ko naman siya ng aking kilay.
“I thought I made myself clear that—”
“We had a one night stand last night. I know.” Tuloy niya sa aking sasabihin. “Parehas naman tayong single at sa tingin ko ay mukhang magkakasundo naman siguro tayo. Isa pa hindi ako iyong klase ng lalaki na tumatakbo sa responsibilidad lalo na sa babaeng natitipuhan ko.”
Natahimik ako at napaiwas agad ng tingin sa kanya dahil mukha siyang seryoso. Ito naman talaga iyong dahilan kung bakit ako sumama kay Paris kagabi para makahanap ng nobyo. Nasanay lang kasi ako na lalaki ang unang tumatakbo kapag nagkakaroon ako ng one night stand.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko na mukha naman talaga siyang desidido at hindi siya aalis kahit ipagtabuyan ko pa siya. Maybe it’s worth to try. Wala naman sigurong mawawala sa akin dahil nakuha naman na niya ang kailangan niya sa akin. Pero siya naman itong lumalapit sa akin kaya alangan naman na magpakipot pa ako. Isa pa gwapo rin naman talaga siya at magaling din siyang magpaligaya.
“Okay,” sagot ko. “Don’t be late.”
Binuksan na niya ang pinto at agad naman akong lumabas ng kanyang kotse. Dire-diretso lang akong lumakad at hindi siya liningon hanggang sa marinig ko ang papalayong kotse niya. Napalingon ako at sinundan ko ito ng tingin hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Lihim na lang akong napangiti at umakyat na sa aking condo.
Pagpasok ko ay agad akong napahiga sa aking kama habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Napailing na lang ako tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi ay hindi na ako makapaghintay kung ano ang mangyayari mamaya. Bumangon ako at dumiretso sa loob ng banyo dahil amoy alak pa ako.