Lucinda
Pagdating namin sa nasabing bar ay mahaba na ang pila dahil alas-sais nga naman ang bukas nito. Pero dahil VIP kami rito at halos kaibigan din ni Paris iyong may-ari nito ay hindi na namin kailangang pumila. Nang lumapit kami sa bouncer ay agad na niya kaming pinapasok at pagpasok ay medyo marami na rin pala ang taong nandito.
Agad na bumungad sa amin ang kantang Next Level na english version kasabay nito ay napatingin ako sa mga katrabaho ni Paris na agad na sumalubong sa amin. Nakikita ko naman sila minsan at nakasama ko na rin siguro sila ng mga dalawang beses na. Nang makita nila ako ay nakipagbeso-beso na rin ako sa kanila.
Agad akong hinila ni Paris kay Mamang bartender at agad kaming nag-order ng hard liquor. Nang bigyan kami ni kuya ng shot glass ay agad naming tinungga ito ng diretso at medyo napangiwi ako sa lakas talaga ng tama ng hard liquor. Sinamahan na rin kami ng mga katrabaho ni Paris hanggang sa dumami na nang dumami ang mga tao.
Hindi namin namamalayan ang oras at hindi ko alam kung nakailang baso na rin kami ni Paris pero nagsisimula na rin akong matamaan pero hindi pa naman gaano. Marami na ang nagsasayawan habang ang iba naman ay kapansin-pansin na rin na nahihilo na sila. Natawa na lang ako nang may halos matumba na at nakatulog na sa may upuan at inalis pa ang kanyang damit.
“That guy looks so yummy,” sabi ng babaeng katrabaho ni Paris at kung naaalala ko ay Emily yata ang pangalan niya. “I’ll just go there, ladies.”
Napangiti naman kaming dalawa ni Paris dahil ang pinuntahan niya ay iyong lalaking tinatawanan ko kanina lang na natumba na dahil sa sobrang kalasingan.
“Ikaw babae?” Napatingin ako kay Paris. “Wala ka bang balak na makipag-flirt sa mga lalaki na nandito? Sigurado ako na lahat ng mga nandito ay pwedeng single o heart broken. Iilan lang ang mga may kapareha rito kaya gamitin mo iyang malaswa mong damit para mang-akit.”
“Ga*a! Hindi ko kailangang magpakapokpok para lang may mag-uwi sa akin na lalaki, okay? Isa pa kung trip nila ang suot ko ay ako ang lalapitan nila.” Napailing naman siya sa akin at tinuloy ko na lang ang pag-inom.
Maya-maya ay sa sobrang dami ng aking nainom na alak na yata ay napuno ang aking pantog at nakaramdam ako na lalabas na ang waterfalls. Agad akong nagpaalam kay Paris na pupunta lang muna ako ng banyo na agad naman niyang sinang-ayunan. Nang nasa cr ako ay agad akong pumasok ng isang cubicle at nakaramdam ako agad ng ginhawa.
Nang matapos ay naghugas na muna ako ng aking kamay sabay tinignan ang aking itsura sa salamin. Nakita ko naman na ayos pa naman ang aking itsura maliban na lang sa aking pisngi na namumula dahil sa aking pagkahilo. Nang matapos ay doon ko naramdaman na mukhang may tama na ako kunti ng alak.
Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng banyo at nang ihahakbang ko na ang isa kong paa ay medyo natalisod ako. Akala ko ay natumba ako pero pagmulat ko ng aking mga mata ay agad na may sumalo sa akin at tinulungan naman niya akong tumayo ng mabuti sa aking mga paa.
“Are you okay?” tanong niya.
Napatingin ako sa kanya at halos matulala ako sa gwapong lalaki na nasa aking harapan ngayon. ‘Ang gwapo,’ sigaw ng aking utak at napakurap-kurap pa ako sa kanya. Paano ba naman kasi ay parang hindi ako naniniwala na may mga ganitong mga lalaki pa na pinagpala ng Maykapal.
Iyong tipo na gwapo talaga at parang halos bawat parte ng kanyang katawan ay hinulma ng sobrang perpekto. Ito iyong literal na makalaglag panty ang gwapo na para ka talagang maiihi. Nang makatayo ako ng mabuti ay napahawak ako sa kanyang dibdib at naramdaman kong matigas ito na parang bato.
“Miss?” tanong niya at agad naman akong napangiti.
“Uhm, y-yes. I’m fine. Pasensya ka na. Marami yata akong nainom na alak kaya medyo nahihilo na ako.” Natawa naman siya ng mahina at halos literal na manghina ang mga tuhod ko nang marinig ko siya.
“I’m guessing you’re Filipino. Hindi ko alam na may makikita rin pala akong kababayan ko rito sa Paris. Although, hindi naman na siguro nakapagtataka iyon dahil nagkalat na ang ibang lahi rito.” Napangiti ako at natutuwa ako na isa rin pala siyang pinoy na tukad ko.
“I’m Lucinda.” Ako na ang unang nagpakilala sa kanya para naman malaman ko ang pangalan niya agad.
“Clarence, but you can call me Clark for short.” Nakipagkamay siya sa akin at lalaking-lalaki iyong kamay niya. “May kasama ka ba? Ihahatid na kita at baka mamaya ay bigla ka nanamang mahilo oras na maglakad ka.”
Kinilig ako nang maramdaman ko na nakapulupot ang kaliwang braso niya sa aking baywang at ramdam na ramdam ng makinis kong likod ang mainit niyang palad. Mukhang touchy rin pala si Clark dahil hindi man lang nahiya na ipulupot niya ang kamay niya sa aking baywang. Nang makalapit kami kay Paris ay medyo nagulat siya na may kasama na akong lalaki galing sa banyo. Pati ang mga katrabaho niya ay medyo nawindang sa gwapong kasama ko ngayon.
“Hi,” bati sa kanya ni Paris. “I’m Paris, Lucinda’s friend. You are?”
“Clark. Nice name you have. Your name is just like Paris itself.” Nakipagkamay siya at gano’n ang ginawa niya sa iba pang katrabaho ni Paris.
“That’s weird,” simula ni Paris. “I remember that you went to the bathroom, and you came back with a hunk.”
Natawa naman si Clark at agad ko namang pinanlakihan ng aking mga mata si Paris pero hindi niya ito pinansin. Napansin ko rin na hindi inalis ni Clark ang pagkakayapos niya sa aking baywang at ramdam ko na hinihimas niya ang aking likod gamit ang kanyang hinlalaki. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kiliti kasabay ng kilig sa aking buong katawan.
Maya-maya ay nagsimula nang magkapalagayan ang loob namin kay Clark at tumatawa na lang kami sa lahat ng mga jokes niya. Napatingin si Paris sa kanyang cellphone at biglang sumeryoso ang kanyang mukha sabay napatingin sa akin.
“May problema ba?” tanong ko.
“It’s my father. He’s asking me to go home because there’s an emergency at the house right now. Paano iyan hindi na kita maihahatid pauwi? Okay lang kaya na mag-taxi ka na lang pauwi?” Sasagot na sana ako nang mapatingin kami kay Clark.
“Uhm, if it’s okay, I’ll send you home.” Alok niya at nagkatinginan naman kaming dalawa ni Paris sabay tumango.
“Thank you, Clark. You’re a life saver.” Sumaludo naman si Clark sa kanya sabay humalik naman si Paris sa aking pisngi at nagmamadaling umalis.
Napahinga naman ako ng maluwag at agad na tinungga ang alak na natitira sa aking baso nang mapatingin ako kay Clark na mataman na nakatitig sa akin.
“What?” tanong ko.
“Do you have a boyfriend?” Medyo nabigla ako sa tanong niya at mukhang napansin niya naman iyon. “I think I just asked the wrong question. Sorry, let me rephrase that. Are you available?”
Nakagat ko ang aking labi at nakita kong napangiti naman si Clark sa akin. “Ano’ng gagawin mo kapag sinabi kong available nga ako?”
Napangisi siya sa akin at namalayan ko na lang na sumakay kami sa kanyang sasakyan kung saan ay para kaming sasabog sa init ng katawan namin. The next thing I knew, I was moaning and shouting his name as I c*m several times. Nang matapos kami ay medyo napagod ako kaya mabilis akong umalis sa pagkakaibabaw sa kanya at inayos ang aking damit. Sa sobrang pagod ay halos makatulog na ako sa kanyang sasakyan at nakaramdam na lang ako ng halik sa aking pisngi.