Chapter 23

2040 Words
Lucinda Nang magising ako ay ang una kong nakita ay ang mga ilaw sa kisame na siyang bumubulag sa aking mga mata. Napakurap-kurap ako ng dahan-dahan habang nakatingin sa kisame kung saan ay unti-unting nag-adjust ang aking mga mata sa mga ilaw. Pagkatapos ay napatingin ako sa aking kamay dahil may kung anong nakakabit dito. Nakita ko na may dextrose na nakakabit sa aking mga kamay at nang inilibot ko ang aking paningin ay doon ko lang napagtanto na nasa hospital na pala ako. Nang magbukas ang pinto ay nakita ko ang isang babae na nakasuot ng doctor’s gown at may kasama siyang nurse. May chineck sa akin ang doctor habang kinakausap naman niya ako. Maya-maya ay narinig kong nagbukas muli ang pinto at nakita kong lumapit ang aking ama sa akin sabay hinawakan ang aking kamay. “How’s my daughter?” tanong ng aking ama sa doctor. “She’s still dizzied from all the medicine we gave her, but she’s fine. Oras na magkaroon siya ng lakas ay pwede niyo na siyang pakainin. We will come back later for another check-up.” Tumango naman ang aking ama. Thank you, doc.” Umalis na sila at kaming dalawa na lang ni Papa ang naiwan sa kwarto. “Buti naman at gising ka na anak.” “What happened?” tanong ko. “Hays. Simula nang araw na nalaman mo ang tungkol kay Clark ay natulog ka. You slept for two days straight without eating and drinking. We tried to wake you up, but your body just shuts down from all the stress and anxiety. Kaya naman paggising mo ay sobra kang nanghina at nahimatay ka na lang bigla,” paliwanag ng aking ama. “I see. Uhm, medyo nagugutom na ho ako.” “Of course. Nagpabili na ako sa kanila Edman ng pagkain kaya pwede ka nang makakain maya-maya lang.” Tumango naman ako. Pinilit kong bumangon at tinulungan naman ako ng aking ama. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga si Edman na may dalang pagkain at gad na binigay nila ito sa akin para makakain na raw ako. Sinimulan kong lantakan ang aking pagkain pero tuwing susubo ako ay unti-unti nanamang bumabalik sa aking balintataw ang dahilan kung bakit ako nandito sa hospital ngayon. Habang sumusubo ako ay tumutulo ang aking luha at mukhang napansin ito agad ng aking ama kaya naman umupo siya sa gilid ng aking kama. Tumigil ako sa pagsubo at napatingin ako sa aking ama na nag-aalalang napatingin sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at nakita kong napalunok siya bago siya nagsalita. “Pasenya ka na kung hindi ko muna ito sinabi sa iyo at agad akong nagdesisyon sa aking gagawin kay Clark. Believe me, iha, I really wanted that guy for you. Wala naman akong pinipili para sa magiging katuwang niyo habang buhay pero ayoko lang iyong nasasaktan at niluluko kayo.” Napatungo ako.” Pero noong marinig ko siya noong araw na iyon ay nanilim ang aking paningin na halos gusto ko siyang patayin o kahit na ano. “Alam kong mas masasaktan ka kung ikaw mismo ang makakita o makalaman ng kalokohang ginagawa niya. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangang iyong taong nagkasala sa iyo ang magsabi ng kanyang kasalanan. May mga bagay kasi na mas magandang hindi mo na lang marinig na galing sa boses o bunganga nila para maiwasan kang masaktan. That’s why I needed to do what I have to do.” “Linayo ko siya sa iyo ng hindi mo nalalaman para sa oras na wala na siya ay hindi mo na gugustuhing sundan siya. Hindi ka muling magpapaluko o magpapalinlang sa kanya at ayaw kong mangyari iyon sa iyo dahil anak kita.” Tipid akong napangiti. “Thanks, Dad. Pero ngayon ay hindi ko na alam kung paano ako magpapatuloy sa buhay dahil halos lahat binigay ko kay Clark.” Napakunot naman ang aking ama sa aking sinabi. “Ano’ng ibig mong sabihin iha?” Napalunok muna ako bago ako nagsalita. “May kailangan ho akong ipagtapat sa inyo Dad. I’m a playgirl, dad. I-I’ve had a lot of one-night stands before I met Clark.” Napansin ko ang gulat sa mga mata ng aking ama. “I’m so sorry, Dad. Alam ko na dapat ay ibigay ko lang ang p********e ko sa lalaking pakakasalan ko pero natukso ako. I was curious. At sabi nga ng kasabihan na nasa huli ang pagsisisi dahil noong mapagtanto ko ito ay huli na ang lahat.” “H-How did you met him?” tanong niya. “I met Clark in a bar in Paris, and I had a one-night stand with him even though I don’t know him at all. I tried to move on, but he insisted to court me until he got my heart.” Nagsimula nanaman akong maiyak tuwing naaalala ko ang mga panahon na inaakyat niya ang aking kwarto at nagbibigay siya ng mga bulaklak sa akin at isang bar ng sneakers. “I thought he was the one, Dad, so in just a week, I already answered him and said yes. I didn’t bother to know anything about him, because he’s my first boyfriend. Everything was going smoothly, and we already thought of being together for a long period of time. “Pinakilala ko siya sa iyo at sa araw na iyon ay doon ko lang nalaman ang tungkol sa background niya. Maayos pa naman kaming nag-uusap kahapon pagkatapos ay nagbagsak siya ng isang bomba na hindi ko man lang naiwasan. Sinalo ko lahat ng sakit at sa ilang araw naming pagsasama ay wala man lang siyang nabanggit sa akin na pamilyado na pala siya.” Naluha na ako at tumulong muli ang aking mga mata. “I gave everything to him, but he just used me like a toy. Mas gugustuhin ko pa ho sana na makipag-one-night stand habang buhay dahil hindi ako masasaktan. I’m so sorry, Dad. I’m so sorry.” Humagulgol na ako. “Shh. Tahan na anak. Don’t say that.” Pagpapatahan niya sa akin. “Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi mo sa akin dahil ikaw ang nag-iisa kong anak na babae at gusto ko sana na maging puro kang haharap sa altar. “Pero mukhang na-karma ako dahil noong kabataan ko ay marami akong tinakbuhang babae at tanging ang ina mo lang ang sineryoso ko. Akala ko ay nakabawi na ako sa lahat ng mga kasalanan ko pero hindi ko alam na darating ang araw na mangyayari ito sa aking sariling anak.” Napayuko siya at agad na pinahid ang kanyang luha. Humingi rin ng tawad sa akin ang aking ama at para sa akin ay wala namang kinalaman ang kasalanan niya sa nangyayari sa akin. Dahil kung tutuusin ay kung may sisisihin man ang aking ama ay walang iba kung hindi ang aking sarili, ang anak niya. Naging pasaway ako at hindi ako nakinig sa kanya sa mga pangaral niya at mas pinairal ko ang kagustuhan ko. Na-karma ako hindi dahil sa mga kasalanan ng aking ama pero na-karma ako dahil marami rin akong iniwan na lalaki. Ginamit para sa pansarili kong kagustuhan para lang hindi ako masaktan at dahil sa kagustuhan kong ito ay isang bagsakang karma ang nangyari sa akin. Totoo nga ang sabi sa kanta ni Beyonce na Best thing I never had na what goes around comes back around. Marahil ay masaya ako sa mga kamaliang ginawa ko at hindi ko inisip ang mga masasamang mangyayari sa akin sa hinaharap. Pero ngayon na patuloy na umiikot ang mundo ay bumalik lahat sa akin lahat ng aking mga kasalanan at ngayon ay pinagdurusahan ko na ito. Kaya naman tinaas ko ang mukha ng aking ama at hinalikan siya sa kanyang noo. Sinabi ko sa kanya ang aking mga naiisip at sinabing hindi niya kailangang sisihin ang sarili niya. Lahat naman ng mga bagay ay may kalapit na consequence at nasa atin iyon kung paano natin pipiliin ang patutunguhan ng ating buhay. Masakit man ang ginawa sa akin ni Clark at naiinis at nagagalit ako sa kanya pero may isang banda rin na marahil ay tama lang sa akin ang nangyari. Nang matapos ang heart to heart talk naming mag-ama ay nanatili na muna ako rito sa hospital ng magdamag at sinabi ng doctor na pwede na raw akong umuwi bukas. Kinausap ko ang aking ama na gusto kong bumalik sa Paris hindi para magmukmok kung hindi ang subukang mag-move on na lamang kahit na mahirap gawin. … Makalipas ang isang linggo ay nakalabas na ako ng hospital at katulad ng sinabi ko sa aking ama ay bumalik ako ng Paris kahit na alam kong ayaw pa sana niya. Pero ako na ang nagpumilit dahil kahit marami akong alaala sa Paris na kasama siya at kahit na sinaktan niya ako at pinaiyak ng paulit-ulit ay umaasa pa ako na magpapakita siya sa akin para magpaliwanag. Oo, nakakaramdam ako ng galit at poot sa kanyang ginawang pangloloko sa akin pero hindi ko naman magawang magalit ng direkta sa kanya. Habang nakahiga ako sa ibabaw ng aking kama ay nagmumukha akong martyr dahil kinakaya ko ang masaktan kahit na alam kong dito sa aking condo ay naaalala ko siya. Bawat parte ng condo na ito ay nakasaksi sa mga paglalambingan at pagmamahalan naming dalawa. At dahil wala akong magawa ay tinignan ko ang aking mga videos sa youtube at nakita kong ang daming comments. Merong nagsabi na bakit kailangan ko pa raw i-public ang mga nangyayari sa buhay ko? Hindi raw ba ako nahihiya na hinahayaan ko lang daw ang aking sarili na i-judge ng ibang tao? Meron naman iyong iba na todo support sa akin dahil halos same raw kami ng pinagdaanan pero iba-ibang scenario nga lang. Nang dahil sa pagv-video ko ay marami akong supporters pero kasabay nito ay meron din akong mga haters. Kung dati ay gusto kong malaman ng buong mundo ang nangyari sa akin ay ngayon parang gusto kong maging private na ito. Lalo na at ganito na ang nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Clark. Nang tinamad akong magbasa ng mga comments nila ay naisipan ko na lumabas at mamasyal kung saan ako ipupunta ng aking mga paa. Hindi naman kasi ako iyong klase ng tao na nagmumukmok lang kapag may malaking problema. Sabi nga nila may mga dalawang klase lang naman palagi ng tao e. Iyong pessimistic at optimistic. I’m trying to be on the optimistic side even though it hurts so bad, and I will not let myself succumb to sadness. Kaya naman nagpalit ako ng aking damit saka ako lumabas at pupunta na lang ako sa lugar kung saan ko feel. Ang unang pumasok sa utak ko ay ang coffee shop na malapit sa aking condo at gusto ko lang uminom ng kape. Habang hinihintay ko ang aking order ay binuksan ko ang aking wifi at nag-browse lang ng kunti sa aking cellphone. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating ang inorder kong coffee at nagpasalamat naman ako sa waiter. Saktong iaangat ko ang aking tasa ay may nahulog na maliit na papel at napansin ko na may nakasulat dito. Pinulot ko ito at agad kong binasa kung ano ang nakasulat dito at nang mabasa ko ito ay bigla akong napalinga-linga sa aking kapaligaran. Paano ba naman kasi ang nakasulat dito ay, ‘Wait for me, chérie. I will be back to claim what’s mine.’ Iyan lang naman ang nakasulat at iisang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin dito dahil kung tutuusin ay pamilyado siyang tao at nagtataka ako kung bakit iyon ang sinasabi niya sa akin. Kung gano’n ay nandito lang ba siya at maaaring ako ang pinili niya kaysa sa pamilya niya? Pwes hindi ko siya tatanggapin dahil kahit mahal ko siya ay ayaw kong sumira ng pamilya ng iba at hindi iyon matatanggap ng konsensya ko. Linukot ko ang papel na aking hawak at bigla akong nakaramdam ng inis kaya naman lumabas ako ng coffee shop na iyon at hinanap sa aking paligid si Clark. Pero wala akong nakita kaya naman napabuga na lamang ako ng hangin at naglakad na lamang muli paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD