Chapter 22

2020 Words
Lucinda Pagbangon ko kinabukasan ay nag-inat ako ng aking mga kamay dahil super sakit ng aking katawan na para akong nabugbog. Pero alam ko naman na ang dahilan nito ay ang paulit-ulit na pag-angkin sa akin ni Clark sa waterfalls kahapon. Napapangiti na lang ako tuwing naaalala ko ang ginawa namin at halos ramdam ko pa ang kahaban niya sa akin. Kahit ilang beses na yata kaming nagtalik ay hindi pa rin ako nasasanay sa kanyang laki na siyang nagpaparating sa akin sa kasukdulan. Bumangon na ako at napansin kong nakabukas na ang aking bintana at kurtina at pagtingin ko sa aking orasan ay nakita kong tanghaling tapat na pala. Ang tagal ko na pa lang nakatulog at nararamdaman ko na ang gutom dahil tumutunog na ang aking tyan. Paglabas ko ng aking kwarto ay napansin ko na sobrang tahimik na para bang walang katao-tao ngayon. Ang una kong naisip na puntahan ay ang kwarto ni Clark dahil sigurado ako na kapag ganitong oras ay wala si Papa sa bahay at lumalabas siya papuntang mall. Masaya akong pumunta sa kwarto ni Clark at mabilis na kinatok ito ng ilang beses. Inayos ko pa ang aking sarili at excited akong makita siya pero walang nagbukas sa kanyang pinto at muli ko itong kinatok. Pero sa pangalawang pagkakataon ay wala ulit sumagot kaya inuliy ko ito ng inulit. “Miss Lucinda?” Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan at nakita ko si yaya. “Good afternoon ho, yaya. Uhm, napansin niyo ho ba kung lumabas na si Clark o kung nandito lang ho siya sa kanyang kwarto?” tanong ko pero hindi siya sumagot agad. “Yaya?” Napansin ko na napaiwas siya ng tingin sa akin na aking ipinagtaka kaya naman napatingin akong muli sa kwarto ni Clark. Pinihit ko ang busol ng pinto at agad na pumasok sa kanyang kwarto habang nakasunod naman sa akin si Yaya. Pagpasok ko ay napansin ko na sobrang linis na ng kanyang kwarto na para bang lahat ng mga kagamitan dito ay napalitan na. Bigla akong kinutoban kaya naman tinungo ko ang closet niya kung saan nakalagay ang kanyang mga gamit at nakita kong malinis na rin ito. Nagsimula na akong mabahala kaya naman hinalughog ko ang buong kwarto kung nasaan siya at ang kanyang mga gamit. Pero malinis lahat at walang bahid na may natulog dito ng dalawang araw. Napatingin ako kay yaya at nakita kong napatungo siya nang mapatingin ako sa kanya. Agad akong lumapit sa kanya at tinanong kung nasaan si Clark. “Miss Lucinda…” “N-Nasaan si Clark?” tanong kong muli. “Sumama po siya sa ama niyo papuntang airport kaninang madaling araw.” Agad na napakunot ang aking noo at lumabas sa kwarto. Mabilis akong pumanhik papunta sa baba at wala akong nakitang papa sa salas, sa kusina, sa kwarto niya o kahit sa study room niya ay wala siya. Hindi ako naniniwala na aalis na lang si Clark ng gano’n gano’n lang na wala man lang paalam. At kasama pa talaga niya si Papa papuntang airport ng madaling araw? Saan nila balak pumunta ng gano’ng oras at bakit hindi man lang nagsabi sa akin si Papa? May plano na ba sila mula kahapon at hindi man lang nila binabanggit ito sa akin? Pilit kong inisip na baka balak lang nila akong sorpresahin dahil mahilig sa mga surpresa si Clark at marahil ay kinakuntsaba niya si Papa. Pinakalma ko ang aking sarili kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan ako at maraming mga negatibo na bagay ang pumapasok sa aking utak ngayon. Ang gutom ko kanina ay bigla na lang nawala at hindi na ako makakain hanggat hindi ko nalalaman kung saan pumunta sina Papa at Clark. Makalipas ang isang oras ay wala akong mahintay ni isa kaya naman tinawagan ko na ang aking ama at nag-ring naman ito pero hindi niya ito sinasagot. Naiiyak na ako pero pinilit kong maging matatag at sinabi sa aking sarili na okay lang at hindi pa ako iiwan ni Clark dahil nangako siya sa akin. Maya-maya ay narinig ko na ang ugong ng sasakyan ng aking ama at agad akong napatayo dahil marahil ay bumalik na sila at kasama niya si Clark. Lumabas ako at agad na sinalubong sila habang hinihintay na lumabas sila sa kotse at makikita ko ang ngiti niya. Nang tumigil ang sasakyan ni Papa sa harapan ng bahay namin ay pinagbuksan ng driver namin sila Papa at agad kong nakita na lumabas si Papa. Hinintay ko na may susunod pang lumabas pero wala na akong nakita pa at tangin si Papa lang ang nandito. Nang makalapit sa akin si Papa ay kapansin-pansin ang lungkot sa kanyang mga mata pero pilit pa rin siyang ngumingiti sa akin. “Dad? Where’s Clark? Sabi ni Yaya na sabay daw ho kayong pumunta ni Clark sa airport? Hindi niyo ho ba siya kasama? May binilin ho ba siya sa inyo?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Iha, let’s talk inside first, okay?” yaya ni Papa sa akin pero umiling ako. “Dad, nasaan si Clark?” ulit na tanong ko. “W-Where is he?” Huminga si Papa at tumitig siya sa aking mga mata. “He already left, Lucinda. He will never come back.” Pagak akong natawa at hindi ako naniniwala sa sinabi ni Papa. “No. No, no, no. Uhm, isa ito sa mga surpresa niya ‘di ba? Mahilig siya sa mga surpresa at alam ko na dinamay ka lang niya rito.” Nagsimula nang tumulo ng luha sa aking mga mata pero agad ko itong pinahid. “Where is he, Dad?” “He left because I asked him to.” Napakunot ako sa kanyang sinabi. “What?” mahinang sabi ko. “He left because I know that he’s not the right guy for you, iha. Hindi siya makabubuti sa iyo at manganganib lang ang buhay mo oras na makasama mo siya. I asked him to leave.” Huminga ako ng malalim at napailing. “You made him leave because you think he’s not the right guy for me?” Turo ko sa aking sarili at medyo tumataas na ang aking boses. “What happened to not meddling with your children’s relationship, huh? Ano’ng nangyari sa hindi ko pipilitin ang mga anak ko sa taong hindi nila gusto? Ano’ng nangyari sa mga paniniwala mong iyon, Dad?!” sigaw ko. “You want to know the truth?” sigaw na rin ng aking ama. “Yes! Tell me. Tell me, Dad.” Hamon ko sa kanya. “I caught him calling to his family, Lucinda!” sigaw niya. “Nahuli ko siyang kausap ang pamilya niya at hindi lang basta pamilya niya na nanay o kapatid niya. He’s talking to his real family. With his wife and kids.” Napasinghap ako. “He’s been fooling you, Lucinda. That guy is married, and I asked him to leave quietly because I know that you’ll be hurt. Alam ko na puro kasinungalingan lang ang sasabihin niya sa iyo at hindi ko hahayaan na lokohin ka pa niya ulit.” Umiling ako at nagsimula na akong umiyak. “Pinagpili ko kung gusto niyang makulong o huwag na lang magpakita sa iyo kahit kailan. He chose to leave quietly, Lucinda. Ngayon kung hindi ka naniniwala sa akin ay bahala ka na pero hindi ako papayag na patuloy ka niyang lokohin o paasahin pa.” Iniwan na ako ng aking ama at pumasok na siya sa loob. Huminga ako ng paulit-ulit na para ba akong nawawalan ng hangin at umiling hanggang sa maramdaman ko ang yakap sa akin ni yaya. “Miss Lucinda…” “No! No! No!” sigaw ko habang unti-unti na akong nawawalan ng lakas para tumayo pa at unti-unti nang napaupo. Umiyak ako ng umiyak na parang wala nang bukas pa habang inaalo ako ni yaya pero wala na akong maramdaman na kahit ano. Pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako at gusto ko nang gumising. Pero alam ko na totoo ang lahat ng ito dahil sobrang sakit ng puso ko na para bang nawawarak ito ng paulit-ulit. Na parang natutusok ako ng kutsilyo sa bawat parte ng katawan ko at parang nauubusan na ako ng dugo sa aking katawan dahil sa panghihina. Wala akong pakialam kung marinig ako ng buong bahay pero sumigaw ako ng paulit-ulit para lang mawala ang sakit na aking nararamdaman. Wala akong pakialam kung mawalan ako ng boses kinabuksan pero kailangan ko itong isigaw kung hindi ay hindi ko na alam ang aking gagawin. “Miss Lucinda, pumasok na ho tayo sa loob,” yaya sa akin ng aking yaya. “Is it true, yaya? Totoo ba ang sinasabi ng aking ama?” Tumingala ako sa kanya na kahit gawin iyon ay kailangan kong kunin ang aking lakas. “I-Is Clark m-married? Is that the reason you can’t tell it to me a while ago? Nakita mo ba ang nangyari?” “Y-Yes, Miss Lucinda. N-Nagising kami dahil sa sigaw ni Sir kanina at ang akala ko rin ay pati kayo narinig niyo. H-Halos magwala ang ama niyo nang malaman niya ang tungkol sa nobyo niyo at halos ipatawag na niya sa akin kanina ang pulis.” Muli akong umiyak at napapikit at muling napailing. Sinubukan akong tinulungan ni Yaya at nagtawag na rin siya ng iba pang mga maid para tulungan akong tumayo pero umiling lang ako. Ipinasok nila ako na para ba akong lantang gulay dahil hindi ko maramdaman na tumatapak ang aking mga paa sa sahig. Hindi ko na rin halos nakita ang aking ama sa loob at hindi ko alam kung saan na siya nagpunta. Pinilit nila akong pakainin pero umiling lang ako at nagpahatid na lang sa aking kwarto dahil gusto kong mapag-isa. Alam ko na hindi sila sang-ayon sa aking desisyon pero sinunod pa rin nila ako at tulala lang akong naglalakad papunta sa aking kwarto. Pagdating ko sa aking kwarto ay inihiga ako ni Yaya at sinabing tawagin ko lang daw sila kapag may kailangan ako. Oo, may kailangan ako pero alam ko naman na hindi nila ito maibibigay sa akin. I need Clark, and I need to confirm if everything he is saying is true. Napatitig ako sa aking kisame at unti-unting lumalabo ang aking mga mata na para ba akong mawawalan na ng malay. Pagkalipas ng ilang minuto ay tuluyan na akong nakatulog. … Paggising ko ay sobrang bigat ng aking ulo na para bang namaso ito at hindi ko alam kung mabubuhat ko ba ito. Tumayo ako para pumunta sa aking banyo at halos matumba pa ako dahil talagang nanghihina ang aking mga tuhod. Binuksan ko ang gripo sa aking banyo at naghilamos sabay pinagmasdan ang aking mukha sa salamin. Maya-maya ay nagsimula nanaman akong umiyak dahil alam ko na iyong nangyari kanina ay hindi panaginip lamang. Alam kong totoo ang lahat ng nangyari kanina at mas nanaisin ko pang matulog na lamang para hindi ko ito naaalala tuwing gigising ako. Nagsimula akong humagulgol hanggang sa nagsimula na akong umupo sa sahig at doon yinakap ang aking sarili. Nasa loob ako ng banyo ng hindi ko alam kung ilang oras dahil narinig ko na lang na kinakatok ako ni yaya pero iyong boses niya ay parang sobrang layo. Para bang wala na akong naririnig pa na para bang nasa loob ako ng isang malalim na balon. Madilim, malamig, nag-iisa at walang karamay. “Miss Lucinda!” rinig kong sigaw sa akin ni Lucinda at nagbukas ang banyo kung saan ay nag-aalala siyang nakatingin sa akin. “Diyos ko po. Linalagnat ka Miss Lucinda. Call Sir Luther.” Naramdaman ko na umangat ang aking katawan sa ere habang nagsisimula na akong bumalik sa dilim at mga boses na parang ang layo sa akin. Narinig ko ang boses ng aking ama pero hindi ko alam kung ano ang kanyang sinasabi hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay. Hinihiling ko na sana paggising ko ay nasa may kakahuyan lang kami ulit para mapigilan ko pa si Clark. At sana ay hindi na muna ako magising dahil ayoko nang maalala iyong sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD