Clark
Mula sa malayo ay nakikita ko si Lucinda na naglalakad palabas ng coffee shop malapit sa kanyang condo. Kung pwede ko lamang siyang lapitan at kung pwede ko lamang siyang hagkan at yakapin ay matagal ko nang ginawa. Pero kailangan kong pigilan ang aking sarili lalo na at hindi na ito ligtas para sa akin.
Siguro marahil ay marami nang tanong at pagtataka siya sa kanyang utak lalo na noong natanggap niya ang aking sulat. Pero ginagawa ko lamang ito para sa kanyang ikabubuti at kaligtasan at kahit na nasasaktan na siya ay kailangan kong tiisin ito para sa ikabubuti naming dalawa. Ayaw ko siyang mapahamak sa kung anumang problema na aking kinahaharap ngayon kaya kailangan kong gawin ang dapat gawin. Maya-maya ay narinig kong tumawag si Luke kaya agad ko itong sinagot habang nakamasid sa papalayong pigura ni Lucinda.
“What?” tanong ko.
“Are you stalking your ex again?”
“For now, she’s my ex, but once all of these are over, I will get her no matter what,” sagot ko.
“Baliw ka na dude. Talaga bang natamaan ka na sa babaeng iyan? Paano na lang kung may makita silang koneksyon sa iyo e di nawala lahat ng mga pinaghirapan mo? Just leave her alone, dude and let her move on already.”
“I can’t, and you know that. Hindi ko siya pwedeng pabayaan o iiwan dahil siya lang ang tanging minahal ko dude.” Narinig ko siyang napabuga ng hangin.
“Geez. This is the reason why I don’t take women seriously. I don’t associate myself with them again.”
“Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo na binigyan ang sarili mo ang pagkakataon na magmahal ulit. Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin na pinagpalit ka na niya sa iba at hindi ka na niya gusto?” Pang-aasar ko sa kanya at alam kong lumalabas na ng usok sa kanyang ilong dahil sa galit.
“Ga*o! I fu*cking hate you for bringing that back. Sana lang ay hindi rin mangyari sa iyo iyong nangyari sa akin dahil oras na iwan ka rin niya at hindi tanggapin ay tatawanan kitang tara*tado ka.”
Natawa na lamang ako sa mga pinagsasabi niya dahil alam ko naman na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang first love niya. Kung meron mang magandang example ang salitang first love ay si Luke na iyon. Malas lang niya dahil ako ang kaibigan niya sabay inaasar niya pa ako kaya tuwing kinokontra niya ako ay iyon palagi ang binabato ko sa kanya.
“I have to go. May nalaman ka na ba tungkol sa kanila?” tanong ko.
“Tss. Pasalamat ka talaga kaibigan kita kung hindi ay hindi talaga ako magsasayang ng oras—”
“Yeah, yeah. I get what you mean, you idiot. Hindi mo na kailangang mag-act na ikaw ang dehado rito.” Napamura na lamang siya ulit.
“It’s already confirmed that they know about you, but the good news is, they still don’t know where you are. Mag-ingat ka lang sa mga galaw mo lalo na at anumang oras ay lilitaw na lamang sila sa harapan mo.”
Nagpasalamat ako kay Luke at mabilis na tinapos ang aking tawag at inayos ko ang aking suot na sombrero sabay sinundan kung saan pupunta si Lucinda. Simula nang umalis ako sa bahay nila sa London ay alam kong nasaktan ko na siya ng sobra. Marahil ay marami na ring mga katanungan ang tumatakbo sa kanyang utak at pwede rin na nagtataka na siya sa aking mga ikinikilos.
Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanya ang lahat ay matagal ko nang ginawa pero alam ko kasi na mapapahamak din siya. Saka ko na lamang siya ulit kukunin kapag ayos na ang lahat at tapos na lahat ng aking mga problema. Habang sinusundan ko siya ay wala siyang ginawa kung hindi ang maglakwatsa kung saan-saan at parang wala siyang plano.
Hinahayaan lang niya kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa at alam ko na ginagawa niya iyon para makalimot sa sakit na binigay ko sa kanya. Mabilis ang oras dahil buong araw lamang siya nasa labas hanggang sa makita kong sumakay siya ng isang taxi at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Kaya naman mabilis din akong pumara ng taxi at pinasundan ang sinasakyan niya.
Habang nasa daan ay pansin ko na parang pamilyar sa akin ang lugar na ito at alam kong napuntahan ko na ito. Maya-maya ay tumigil na ang taxi at doon ko na napansin kung saan ang lugar na pinuntahan niya. Nagbayad ako at bumaba ng taxi sabay sinundan siya papasok sa kakahuyan kung saan ay nagpatayo ako ng tree house para sa aming dalawa.
Habang naglalakad ay napapangiti na lamang ako dahil hindi ko alam na sa lahat ng pupuntahan niya ay ang lugar pa na ito. Sinundan ko siya at sinigurado ko na hindi niya ako maririnig o makikita at medyo malayo rin ang distansya namin sa isa’t isa. Pagdating namin sa nasabing tree house ay nagtago ako sa likod ng isang malaking puno.
Nakita ko siyang tumayo at pinalibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng tree house na iyon bago niya naisipang pumasok sa loob. Nang masiguro kong nasa loob na siya ay mabilis ko siyang sinundan at sinilip siya sa isang binata sa may likuran para hindi niya ako makita. Habang sinisilip ko siya ay nakarinig ako ng mga kalansing ng baso kaya hinala ko ay nasa may kusina siya.
Maya-maya ay nakarinig ako ng pagbukas ng isang bote at doon ko nahulaan na mukhang iinom siya at maglalasing. Napahilot na lamang ako sa aking noo dahil ayaw na ayaw ko pa man din na umiinom siya dahil kung ano-ano lang ang pwede niyang gawin at mapahamak nanaman siya. Kaya naman naghintay ako rito sa labas hanggang sa malasing siya para mabantayan ko siya.
Umupo ako rito sa labas ng bahay at hinintay ang ilang oras hanggang sa sumapit na ang gabi. Nakatingin ako sa kalangitan habang nakamasid ako sa mga nagniningning na mga bituin nang pagtingin ko sa aking orasan ay alas otso y medya na. Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at umikot sa may pinto upang silipin kung ano na ang kanyang ginagawa.
Pagdungaw ko sa bintana ng salas ay nakita ko na naka-on na ang ilaw at narinig ko ang isang tunog na nanggagaling sa kanyang cellphone. Napangiti ako nang makita kong sumasayaw siya habang nakahawak ng bote ng alak na umiinom. Lasing na siya dahil napansin ko na nakaubos siya ng limang bote at ika-anim na niya ang kanyang hawak.
Geez. Balak niya bang sirain ang atay niya at parang halos hindi pa yata siya kumakain ng hapunan at ang tanging laman lamang ng tyan niya ay alak. Gusto ko siyang pagalitan pero ayaw ko sanang lapitan siya habang gising pa siya dahil baka bigla niya akong makilala. Pagkatapos niyang sumayaw ay naubos na niya ang ika-anim na bote niya ng alak at ang lakad niya ay para na siyang matutumba.
At dahil hindi na ako makapagtimpi at baka kung mapaano pa siya sa kanyang ginagawa ay napagpasyahan kong pumasok na. Pinihit ko ang busol ng pinto at napailing na lang ako dahil hindi nanaman niya linock ang kanyang pinto. Paano na lang kung hindi ko siya sinundan dito at hindi niya pala alam na may papasok dito? Eh di napahamak nanaman siya ng hindi ko nalalaman.
Bakit ba kasi ugali niya ang hindi magsara ng kanyang pinto lalo na at mag-isa niya? Hays. Pagpasok ko ay dahan-dahan kong sinara ang pinto upang hindi ito gumawa ng ingay. Pagsara ko ay nakita kong halos hindi na niya halos mabuhat pa ang kanyang katawan at nakahiga na lamang siya sa ibabaw ng sofa.
Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa tabi niya habang pinagmamasdan siyang matulog ng mahimbing. Kapansin-pansin na namamasa ang kanyang mga mata tanda na umiyak siya dahil sa pagluha. Pinahid ko ito at medyo nagulat ako nang makita kong napatingin siya sa akin.
“C-Clark?” Natawa siya pero pansin ang lungkot sa kanyang boses. “You are only a dream. Alam ko naman na wala ka talaga sa tabi ko ‘di ba? You are with your family.”
Pinilit niyang makaupo kaya naman tinulungan ko na lamang siya. Pagkatapos ay hinarap niya ako at agad na kinulong ang aking mukha sa kanyang mga palad.
“You feel like you are here, but you are not. Hays. Since nandito ka na rin naman ay marami akong gustong itanong at sabihin sa iyo,” sabi niya sa inaantok na boses. “Bakit mo ako iniwan? Hmm? B-Bakit hindi mo sinabi sa akin na may pamilya ka na at balak mo rin pala akong iwan balang araw? B-Bakit mo pa ako pina-ibig kung sa huli ay alam mo sa sarili mo na sasaktan mo rin lang ako?”
Napalunok ako lalo na nang magsimula na siyang umiyak. Napatungo ako at hindi ko siya kayang tignan sa kanyang mga mata dahil nasasaktan lang ako. Nagsimula na rin siyang umiyak at hindi ko tuloy alam kung ano ang aking gagawin.
“Hindi ko naman pinangarap ang magkaroon ng gwapong nobyo na tulad mo. Kahit nga sana iyong wala nang itsura pero ang importante ay sa akin lang siya. Gusto ko lang naman magkaroon din ng taong magmamahal sa akin at hindi ako iiwan pero iyon ang ginawa mo sa akin at hindi ko iyon matanggap.
“S-Sana hindi ka na lang nagpakita ulit sa akin noong mga panahon na tinataboy kita. S-Sana hindi ka na lang umakto na nagseselos at nagagalit ka tuwing may kasama akong iba. S-Sana hindi mo na lang ako linigawan pero naging maka-sarili ka. Sabihin mo nga, g-ginawa mo lang ba akong parausan mo kasi wala iyong asawa mo rito?
“Kasi easy to get ako? Kasi mabilis kong ibuka iyong dalawang hita ko sa iyo kaya ako ang linoko mo? Sabihin mo sa akin!” sigaw niya at sinimulan niya akong pagpapaluin sa aking dibdib pero hindi ako nagpatinag. “Ang sakit sakit. Sobrang sakit. I-Ikaw lang iyong lalaking minahal ko pero nagawa mo akong lokohin.” Naluha na ako at napalunok ng mariin habang naririnig ko siyang humahagulgol.
“Magsalita ka! Bakit ako? Bakit ako, Clark? Mahal na mahal kita pero linoko at iniwan mo ako!” Hindi ko na napigilan at mabilis siyang yinakap ng sobrang higpit habang umiiyak siya.
Isinumbat niya sa akin lahat ng mga ginawa namin at iyong mga panahon na pinaniwala ko raw siya na mahal ko siya. Wala akong magawa o masabi na makapagpapagaan ng kanyang loob dahil ako mismo ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
“T-Tahan na,” sabi ko pero pilit niya akong tinutulak. “T-Tahan na, chérie.”
Pagkatapos niya sigurong ilabas lahat ng hinanakit at sama ng loob niya sa akin ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Binuhat ko siya at pinasok ko siya sa kwarto upang ihiga sa kama at nang makapagpahinga siya. Inalis ko ang kanyang sapatos at kinumotan ko siya sabay umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kanyang mukha. Bigla na lamang tumulo ang luha sa aking mga mata at agad ko itong pinahid.
“I-I’m so sorry, chérie,” simula ko. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa iyo o kung saan ako magsisimula pero ikaw lang ang tanging babaeng minahal at sinersyoso ko. Alam ko nasasaktan kita at galit na galit ako sa aking sarili dahil sa aking ginawa. Pero ito na lang ang tanging paraan na nakikita ko para maprotektahan ka. Mahal na mahal din kita, Lucinda pero dahil sa mahal kita ay kailangan kitang iwan sandali.” Pumiyok na ang aking boses dahil sa aking pagluha.
Pinahid ko ang mga ito at mabilis na binigyan ng halik sa kanyang noo si Lucinda bago ako lumabas ng kanyang kwarto. Bago ako umalis ay lininis ko ang mga kalat na ginawa niya sa salas bago ako nag-iwan ng isang sulat na sigurado akong makikita niya kinabukasan. Pagkatapos ay lumabas na ako ng nasabing tree house pero bago ako tuluyang umalis ay muli akong napalingon sa bahay at tuluyan nang umalis. Ipinapangako ko na oras na matapos ang lahat ng ito ay babalikan kita at mamahalin kita habang buhay ko.