Lucinda
Nang matapos kaming nag-almusal ay nagkwentuhan kaming lahat kasama ang ama ni Luke at si Tito Sandro. Wala namang pinagbago dahil tungkol pa rin naman sa business palagi ang pinag-uusapan nila kaya hindi na lang ako umiimik. Hanggang sa nagpaalam na sina Tito Sandro at Luke sa amin para bumalik sa Paris. Akmang aakyat na sana ako papunta sa aking kwarto nang tawagin ni Papa ang aking pangalan.
“Yes, dad?” tanong ko.
“Bakit hindi mo ipasyal si Clark sa farm natin nang makita naman niya kung anong itsura nito?” Napatingin naman ako kay Clark na katabi ni Papa at pakiramdam ko ay may ginawang kalokohan ito.
“Sure, Papa. Maliligo lang ako at magbibihis pagkatapos ay tatawagin ko na lang ho sa Mang Samuel para ihatid kami sa farm. Kayo ho hindi ho ba kayo sasama?” tanong ko at hindi ko hahayaan na matuloy ang kalokohan ng magaling kong nobyo.
“Well, I would love to, but I’d rather be here. Isa pa alangan naman na maging chaperon ninyo akong dalawa?” Napangiti ako kay Papa sabay nag-baby face.
“Hindi naman mangyayari iyon Papa lalo na at ang tagal nating hindi nag-bonding simula nang umalis ako papuntang Paris. Please? Gusto kong sumakay tayong dalawa ulit ng kabayo tulad ng ginagawa natin noong bata ako.” Tumango naman si Papa at agad ko siyang yinakap ng sobrang higpit.
Tinignan ko si Clark at kita ko ang paniningkit niya sa kanyang mga mata at napapailing na lang sa akin. Binelatan ko siya pagkatapos ay humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Papa at umakyat papunta sa aking kwarto. Ang sarap lang asarin ni Clark lalo na at alam kong tigang na tigang na siya.
Nang matapos kaming maghanda ay sabay-sabay na kaming pumasok sa sassakyan kung saan ay papunta ito sa farm na inaasikaso ni Papa. Mahilig kasing mag-alaga ng mga hayop ito lalo na ang mga kabayo kaya naisipan niyang bumili noon ng sariling lupa at ginawa itong farm. Nam-maintain naman ito palagi dahil iyon na yata ang naging bisyo niya simula nang lumalaki na kami.
At para mas maasar sa akin si Clark ay nagsuot ako ng dress na nakikita ang aking legs at mababa ang neckline nito. Napansin ko na kanina pa siya patingin-tingin sa akin pero hindi naman siya nagsasalita kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang pumapasok sa isip niya. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa nasabing farm ni Papa.
Lumabas kami ng kotse pero imbes na sumabay ako kay Clark ay mabilis akong tumabi kay Papa at paglingon ko kay Clark kay naiiling ulit siyang napatingin sa akin. Pagkatapos ay tinuro niya ako pagkatapos ay sa kanya na ang ibig sabihin ay humanda ka sa akin. Natawa na lang ako at agad na pumunta kami sa stable kung saan nakatago ang mga kabayo ni Papa. Pagpasok namin ay agad na sumalubong sa amin si Mang Arthur ang nangangalaga ng mga kabayo rito.
“Senyorito! Buti naman ho at ngayon lang kayo ulit nakadalaw dito,” masayang bati niya sa amin.
“Gano’n din sa iyo, Arthur. Kumusta ang mga kabayo?”
“Ayos na ayos ho ang mga lagay nila, senyorito at bagong paligo lang ho sila. Aba e mangangabayo ho ba kayo?” Tumango naman ang aking ama.
“Oo sana dahil nami-miss ko na rin gawin ito kasama ang aking anak na si Lucinda.” Kumaway ako kay Mang Arthur.
“Aba’y kay gandang dalaga mo na Miss Lucinda. Dati ay bata ka pa noong unang beses mong nangangabayo ah. Tamang-tama dahil meron pa si Spade rito na gustong-gusto mong sinasakyan noon.” Napanganga ako dahil ang akala ko ay naibenta si Spade.
Si Spade ang regalo sa akin noon ng aking mga magulang at kasama ko siyang lumaki pero noong mga oras na lumalaki na ako ay hindi ko na siya nakikita. Sinabi nila Papa na ibebenta nila si Spade pero hindi ko alam na nandito pa pala siya. Napatingin ako kay Papa at ngumiti siya sa akin kaya naman agad ko siyang yinakap at tumakbo patungo sa stall ni Spade.
Ang kulay niya ay parang sa dalmatian na black and white at kapag malayo ay nagmumukha tuloy siyang zebra. Nang makita ko siya ay napatalon ako sa tuwa dahil siya ang paborito kong kabayo.
“Spade! I’m back! Can you still remember me?” tanong ko sa kanya at umungol lang siya na parang naiintindihan niya ako.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya at agad niyang yinuko ang kanyang ulo para ma-haplos ko siya.
“He can still remember you, Miss Lucinda.” May ngiti akong napatingin kay Mang Arthur at agad niyang linabas si Spade.
Lalagyan niya sana ito ng saddle pero ako na ang unang humindi dahil alam ko naman na hindi rin mahilig si Spade na lagyan siya ng Saddle. Agad akong sumakay at hinaplos ko si Spade sa kanyang leeg.
“Iha, mag-iingat ka. Alalahanin mo na matagal ka nang hindi nangangabayo.” Paalala ni Papa na nakasakay na rin pala sa isang kabayo.
Pagtingin ko kay Clark ay mukhang nakasakay na rin siya at nakagat ko ang aking ibabang labi nang makita na mukha siyang knight in shining armor habang nakasakay ng kabayo. Pagkatapos ay may binulong ako kay Spade at muli siyang umungol na para bang sinasagot niya ang sinabi ko sa kanya.
“Hya!” sigaw ko at agad na umabante si Spade.
Maluwang ang farm ni Papa kaya kahit tumakbo nang tumakbo si Spade rito ay hindi siya magsasawa katatakbo rito. Naunahan ko na rin sina Papa at Clark at pakiramdam ko ay para akong bumalik sa pagiging bata. Tumatawa ako habang ramdam ko ang hangin sa aking mukha.
“Whoah! Yes, Spade!” sigaw ko at tumawa ako.
Maya-maya ay dahan-dahang tumigil si Spade at tumigil siya sa paboritong lugar na pinupuntahan ko noon. Malapit kasi sa farm ni Papa ay may isang kakahuyan kung saan sa pinakadulo nito ay may waterfalls kung saan pwede kaming maligo noon. Pagkarating ko rito ay agad akong bumaba at tinali ko sa isang puno si Spade at sinabing dito lang siya.
Naglakad ako at bumalik ang mga alaala ko noong nandito pa kami nina kuya, papa at mama habang masayang naliligo at nagtatawanan. Napalingon ako nang makita kong may nakasunod pala sa akin na kabayo at nakita kong si Clark ito. Bumaba siya at tinali niya rin sa isang puno ang kabayo niya sabay lumapit at tumabi sa akin.
“Si Papa?”
“Nagpa-iwan siya noong nasa kalagitnaan na kami dahil mukhang napagod na yata kaya bumalik na siya sa stable para makipagkwentuhan kay Mang Arthur.” Napatango naman ako. “Wow,” sabi niya.
“I know, right? Dito kami noon nags-swimming nila Papa kapag gusto naming maglaro. Imbes na pumunta kami sa mall ay dito ang punta namin. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito at nanatili pa rin itong maganda.” Napangiti akong muli.
“I didn’t know that you actually rode a horse, well.” Napatingin naman ako sa kanya.
“Are you impressed now?” tanong ko.
“More than impressed.” Natawa ako.
“Come on. Let’s swim. Hindi malamig ang tubig dito.” Hila ko sa kanya pababa at agad na inalis ko ang aking mga sapatos.
Nagsimula akong maghubad at wala akong tinira sabay kumindat kay Clark at mabilis na lumusong sa tubig at lumangoy. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang hindi alam kung ano ang gagawin niya.
“Come on! Kung hindi ay iiwan kita.” Mukhang natauhan siya at nagsimula na rin siyang maghubad.
Mabilis siyang lumangoy papunta sa akin habang lumangoy naman ako palayo sa kanya. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na pumulupot ang kanyang mga braso sa akin at natawa naman ako dahil hindi niya ako binitawan. Hindi na rin ako umangal at mabilis na pinulupot ang aking mga braso sa kanya habang kagat ko ang ibaba kong labi.
“You are so naughty, chérie. Sino ang nagsabi sa iyo na asarin mo ako sa harapan ng Papa mo?” Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi.
“Ikaw kasi e. Masyado kang mahilig kaya inasar lang kita pabalik.” Napailing naman siya sa akin. “Pero look nasa malayo na tayo at walang nagbabantay sa atin.”
“Hmm. Really? Now you want me already? You were running away from me, chérie.” Natawa naman ako sa kanya sabay pinisil ang tungki ng kanyang ilong.
“Well, kung ayaw mo ay pwede naman na tayong bumalik at hindi ka ulit makaka-score sa akin dahil bantay sarado sa akin si Papa.” Akmang aalis ako ay hinila niya ako at mabilis na hinalikan sa aking mga labi.
Pagkatapos ay ipinulupot ko ang aking mga binti sa kanya at agad niyang itinutok sa akin ang kanyang kahandaan na alam kong kanina pa naninigas dahil sa akin. Walang sabi niyang ipinasok ito sa aking kweba at halos sabay pa kaming napaungol. Nagsimula siyang maglabas-masok at nagpadagdag sa sarap ang tubig kaya naman halos kagatin ko na ang kanyang balikat.
Bumitaw ako sa kanyang balikat at inihiga ang aking sarili sa tubig habang ang kamay niya ay nakaalalay sa aking baywang. Sinimulan niya akong araruhin ng sobrang bilis habang parehas kaming umuungol sa sarap. Maya-maya ay nakaramdam ako na malapit na akong labasan kaya naman kumapit ako sa kanyang mga braso.
“I’m going to c*m, Clark.”
Nakita ko siyang napalunok at hinalikan ako sa aking mga labi. Pagkatapos ay nagsimulang manginig ang aking katawan nang marinig ko siyang napadaing at mukhang linabasan na rin siya.
“I love you, chérie.”
“I love you, too.”
Matapos ng pagtatalik namin ay nagpalit na kami ng aming mga damit habang nakahiga kami sa kabatuhan habang nakahiga ako sa isang braso niya.
“I just wished that every day is like this, chérie. Iyong wala nang nanggugulo sa atin at wala nang magpapahiwalay sa atin,” sabi niya habang linalaro niya ang aking mga daliri.
“Well, mangyayari lang iyon kung pinaghiwalay tayo ni Papa pero syempre imposibleng mangyari iyon dahil gusto ka niya para sa akin.” Napatingin siya sabay hinalikan ako sa aking noo.
Kunting katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at kahit na alam kong malapit na ang tanghalian ay hindi ako nakaramdam ng antok, pagod, o gutom.
“Chérie?”
“Hmm?”
“Paano kung sakaling maglaho ako na parang bula sa paningin mo ay ano ang gagawin mo?” Napaisip naman ako sa kanyang tanong.
“Hindi ko alam kung bakit mo tinatanong iyan sa akin pero kung sakaling mawala ka sa akin na parang bula ay syempre malulungkot ako at iiyak. Maghihinagpis. Kasi ang bula ay oras na mawala na ito ay hindi na ito pwedeng bumalik pa. Kahit na gumawa ka ng panibago ay mawawala at mawawala lang ito,” sagot ko. “Bakit mo natanong?”
“Naisip ko lang na sa lumipas na buwan na kasama kita ay parang naging bula ako na bigla na lang nawawala at magpapakita na lang basta-basta. Sabi mo nga mas maganda pa na multo ako dahil kahit papaano ay nagpaparamdam ako.” Napangiti naman ako dahil totoo nga naman iyong sinabi ko.
“Kung ikukumpara naman kita ay para kang kabute at hindi bula noh. Susulpot kung saan-saan.” Nagtawanan kaming dalawa sa aking sinabi.
“Chérie, may gusto akong hilingin sa iyo.” Napatango naman ako. “Kung sakali mang maging bula ako o kabute na susulpot-sulpot ay gusto ko sana na magtiwala ka lang sa akin dahil babalik at babalik ako sa iyo. Pero kung sakali man na maging multo ako ay gusto kong alalahanin mo na palagi akong magpaparamdam sa iyo.”
Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi at tinitigan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Pero wala akong makita ng bahid na nagloloko siya kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang ibig sabihin nito. Nagpapaalam ba siya sa akin? Bakit sa paraan ng pananalita niya ay para siyang nagpapaalam sa akin? Pilit ko na lamang hindi pinansin ito dahil baka nagloloko lang nanaman siya.
“I promise,” sagot ko at hinalikan niya ako sa aking mga labi.
Hindi ko na alam kung ano’ng oras kami nakabalik dahil ilang beses nanaman niya akong inangkin ng paulit-ulit. Iba-ibang posisyon sa bawat parte ng waterfalls na hindi ko halos alintana ang pagod sa aking mga binti. Pero noong pabalik na kami sa bahay ay agad akong nakatulog sa loob ng kotse at namalayan ko na lang na may bumubuhat sa akin. Naramdaman ko ang malambot kong kama at ang paghalik niya sa aking pisngi.