Lucinda
Napangiti ako sa kanya at agad na hinalikan ni Clark ang aking kamay kaya bigla na lang silang napatikhim dahil mukhang kanina pa yata kami nagtititigan. Humingi kami agad ng pasensya pero tinawanan lang kami nina Tito at Papa. Nang matapos ang main course meal namin ay pinalabas ni Papa ang aming dessert na cake.
“Whitlock?” Napatingin kaming lahat kay Papa. “Your surname sounds familiar, iho. How are you related to Clarence King Sr.?”
Napatingin naman ako kay Clark at napansin na natigil siya sa pagkain sabay napatingin kay Luke. Noon ko pa napapansin na parang may lihim ang dalawang ito pero hindi ko lang alam kung ano o pwede ring nag-iimagine lang ako. Linunok niya muna ang kanyang kinakain bago siya sumagot sa tanong ng aking ama.
“H-He’s my father, sir.”
“Oh, really? Clarence King Whitlock Sr. was my friend when I was in New York,” sabi ni Papa.
“Wow lang Dad. Parang halos lahat na lang yata ng bansa ay may matalik kang kaibigan,” puna ko at nagtawanan naman kaming lahat.
“Sinabi mo pa iha. Your father is very friendly and easy to talk to. May isang salita kasi siya pero at the same time ay mahirap din siyang kalaban,” sabi naman ni Tito Sandro.
“Nah. Nagkataon lang naman na kilala ko ang ama niya. How is he? Ang tagal ko nang walang balita sa kanya ah?” tanong muli ni Papa kay Clark.
“Uhm…h-he, h-he died.” Napatingin ako kay Clark at hindi ko alam na wala na pala ang kanyang ama.
“Oh, I’m…I’m sorry, iho,” hinging paumanhin ni Papa sa kanya.
“Ayos lang ho iyon.”
Nang matapos kaming kumain ng dessert ay medyo nagkwentuhan na muna kami at paminsan-minsan ay napupunta sa aming dalawa ang hot seat. Paano ba namang hindi mapupunta sa amin ang hot seat e ang daming tanong ni Papa lalo na kay Clark. My dad is very strict, but what I like about him is he doesn’t force us to do what we don’t want to do.
Marami siyang naging tanong sa amin kung saan kami unang nagkita, kung nag-date na raw ba kami, kung ilang buwan o taon na kaming magsyota. Seriously, wala na iyong kaba ni Clark kanina pero pakiramdam ko ay babalik dahil sa katatanong ni Papa. Hello, hindi na kaya ako bata Dad para tanungin mo ng ine hundred questions ang boyfriend ko.
“Ano ang trabaho mo ngayon iho?” tanong ulit ni Papa.
“Dad…” Pinanlakihan ko siya ng aking mata pero hindi lang niya ako pinansin. Aba’t…Humanda ka sa akin mamaya papa.
“I’m actually unemployed right now, but I am one of the stockholders of my dad’s company in New York and Italy.” Napatingin naman ako kay Clark.
“Sandro, alam mo ba na ang ama ni Clark ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking oil company sa buong mundo. That company can operate without a CEO, but you can still earn billions from it.” Maang akong napatingin kay Clark na iwas ang tingin sa akin.
“Really? Wow. Maybe I can visit your company one day, and you can tour me around.”
“Stockholder lang naman ho ako roon. My uncle is the one operating it right now.” Napatango-tango naman silang dalawa.
“I also heard that your father has his own agency?” tanong ulit ni Papa.
“Uhm, yes. It’s called Secret Agency of the Government in Italy. Although binigay na ni Papa iyong pamamalakad nito sa isa sa mga kakilala niya ay pinayagan pa rin naman nila akong maging isang stockholder nito.” Nakatunganga lang ako kay Clark habang nagpapaliwanag siya dahil ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito tungkol sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin sabay napangiti kaya ginatihan ko rin siya ng ngiti. At least now, I already know a lot about his family background kahit papaano. I want to know more about him, but maybe for now this is enough. Nang matapos ang lahat ay nagpaalam na kami sa isa’t isa at pinakita na sa kanila ni Papa kung saan sila matutulog.
Ayon sa kanila Tito Sandro ay overnight lang daw sila rito dahil marami pa raw silang aasikasuhin sa Paris. Syempre kami naman ni Clark ay magkahiwalay ng kwarto dahil bka managot kami kay Papa oras na malaman niya na nagsasama na kami kung minsan sa iisang bubong. Nabilib ako kanina kay Clark dahil hindi ko akalain na sobrang yaman pala ng pamilya niya at mukhang kilala pa ni Papa ang kanyang ama. Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit ay nakarinig ako ng katok at paglingon ko ay nakita ko si Papa.
“May I come in?” tanong niya at lumingon naman ako.
Pagpasok niya ay dumiretso siya sa veranda ng aking kwarto at alam ko na oras na ginawa niya iyon ay gusto niyang mag-usap kami. Kaya naman binaba ko na muna ang aking ginagawa sabay lumapit sa kanya at agad naman niya akong binigyan ng yakap.
“I’m proud that you can already live independently, iha,” sabi niya. “So? You really love him, do you?” tanong niya.
“Oo naman, Dad. Pasensya ka na kung ngayon ko lang siya pinakilala sa iyo.” Umiling naman siya habang may ngiti sa kanyang mga labi.
“It’s okay. Ang importante naman ay ginawa mo na siyang maipakilala sa akin at para sa akin ay ayos na iyon. Hindi naman ako mahigpit sa mga taong mamahalin ninyo.” Ngumiti naman ako. “But always remember my reminder, iha. No s*x until you get married.”
“Dad…” halos mamula pa ako sa sinabi niya.
“What? I’m serious, iha.”
“Kahit kiss lang?” tanong ko. “Please?”
“Fine.” Yinakap ko siya at napailing naman siya.
Hays. Kung alam mo lang Papa kung ano ang mga kalukuhan namin ay baka bigla ka na lamang mahimatay. Pero dahil sa ayos naman sa kanya si Clark ay masaya na ako na tanggap niya ito.
Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong humahalik sa aking mga pisngi patungo sa aking mga labi. Alam kong si Clark ito dahil siya lang naman ang gumagawa palagi nito sa akin paggising ko sa umaga. Ang ganda naman ng gising ko sa umaga dahil ngayon na naipakilala ko na siya kay Papa ay okay na okay si Papa sa kanya.
Wait. Papa. London. Clark. Kinabahan ako dahil naalala ko na nandito pala kami ngayon sa bahay namin sa London. Kung gano’n ay sino itong humahalik sa akin ng ganito umaga kung hiwalay naman kami ng kwarto ni Clark? Napamulagat ako ng aking mga mata at agad na tinulak kung sinuman ang taong humahalik sa akin.
Nakarinig ako ng daing sabay ng pagkahulog ng kung sino sa aking kama at agad akong napaupo sa aking kama. Kinuha ko na lang ang kahit na anong makita ko para pamalo sa taong nangahas na halikan ako sa aking mga labi. Pero bago pa ako makasigaw ay nakita ko si Clark na patayo sa sahig habang iniinda ang sakit sa kanyang balakang.
“Clark?” gulat kong tanong. “What the…What the hell are you doing here? At paano ka nakapasok ha?” mahinang sabi ko na may halong diin sa bawat salita para walang makarinig sa amin.
Agad naman akong tumayo at tinignan kung linock niya iyong pinto ko dahil sa umaga ay mahilig pumasok ang yaya ko para buksan ang aking mga bintana at kurtina. Nang ma-i-lock ko ito ay agad kong liningon si Clark na nakaupo na ngayon sa aking kama at nakangiti sa akin.
“Are you crazy?” Pinagpapalo ko siya gamit ang unan ko. “Hindi mo ba alam na anumang oras ay papasok dito si yaya? Paano kung nakita ka niya e di sinumbong niya tayo kay Papa?”
“Aray! Aray! Aray! Chérie, stop…aray!” Tumayo siya kaya hindi na siya napalo sa susunod na palo ko sa kanya ng unan. “Sorry na. I just miss you so bad. Masyadong mahigpit ang Papa mo na halos pinaglayo niya pa tayo ng kwarto. Alam mo ba na halos pilitin kong alamin kagabi kung nasaan iyong kwarto mo para lang gapangin ka?
“Damn. I even tried to bribe one of your maids last night just to know where your room is.” Napabuga ako ng hangin habang umiiling sa kanya. “Ang sakit na ng puson ko mula kagabi chérie dahil hindi kita mahawakan, mayakap o mahalikan man lang. Kaya hindi mo ako masisisi kung gagapangin kita.” Nagpapaawa pa siya na parang bata.
“I know. I understand because I miss you too, but we are in our house. Alam mo ba ang gagawin ni Papa oras na malaman niya na may nangyari na sa atin? Tapos ngayon makikita ka niya rito sa aking kwarto?” Umiling siya. “Pwes magdasal ka na hindi niya ako ilayo dahil oras na ginawa niya iyon ay hindi mo na ako makikita pa.”
Akmang sasagot pa lang siya ay bigla kaming nakarinig ng katok sa aking pinto at iyon na si yaya. Agad ko naman siyang pinatago sa banyo ko dahil baka magtaka si yaya kung bakit nakasara ang aking pinto na hindi ko naman ginagawa noon pa. Kaya naman mabilis kong in-unlock iyong busol ng aking pinto at patakbong tumalon sa aking kama upang kunyari ay kagigising ko lang.
“Miss Lucinda, good morning. Rise and shine na po” Binuksan nga niya ang aking mga bintana at kurtina kaya kunyari ay kagigising ko lang.
“Hmm. Good morning din ho yaya.”
“Miss handa na po ang breakfast at habang kumakain kayo ay ihahanda ko lang ho iyong panligo niyo.” Agad akong napamulagat at mabilis na tumayo sabay pinigilan siya.
“Y-Yaya, hindi niyo na ho kailangang gawin iyon dahil kaya ko na ho na i-prepare ang sarili kong panligo.” Pigil ko sa kanya na kanyang ipinagtaka.
“Pero iyon po ang trabaho ko at nakasanayan ko na iyong gawin noong bata kayo hanggang sa magdalaga kayo.” Nginitian ko naman siya.
“Yaya noon ho iyon. Ngayon kasi ay alam ko na ho ang magtrabaho sa loob ng bahay at gusto ko ho na ako na lang ang gagawa ng lahat. Hindi niyo na ho kailangang gawin iyon para sa akin, promise.” Nasapo naman niya ang kanyang dibdib at proud na napatingin sa akin.
“You are really an independent woman, Miss Lucinda. Sige ho. Pero kung may kailangan kayo ay tawagin niyo lang ho ako.” Tumango naman ako.
Lumabas na siya at agad kong ini-lock muli ang aking pinto sabay nakahinga ng maluwag at agad na dumiretso sa banyo. Binuksan ko ito at pinalabas si Clark at halos magtawanan kaming dalawa sa kalokohan namin. Yinaya ko na siyang bumaba para makakain na kami ng almusal pero bago pa ako makaisang hakbang ay hinila niya ako.
“What?”
“One round. Please? I really need to release it.” Maang akong nakatingin sa kanya.
“No. Kung gusto mo magsarili ka pero sigurado ako na hahanapin tayo ni Papa. Tiisin mo na lang iyan.” Tinalikuran ko siya pero hinarangan niya ako.
“Please, chérie. I really miss you so much.” Tinaasan ko siya ng aking kilay sabay humalukipkip.
“Fine.” Pumalakpak pa siya sa tuwa. “Pero isang linggo tayo rito kaya oras na pinilit mo ang gusto mo ay uuwi kang tigang at sa Paris na ang sunod na session natin. Okay?”
“What? That’s no fair, chérie. Paano naman si junior? Kamay ko lang ang palagi niyang kasalo sa gabi at umaga?” reklamo niya.
“Oo. Ikaw din. Baka mamaya ay mahuli tayo ni Papa.” Nginitian ko siya at lumabas na ako ng aking kwarto.
Paglabas ko ay natatawa ako dahil sa pang-aasar ko kay Clark. Pagkatapos ay narinig ko na lang siya na sumunod sa akin.
“You’ll pay for bullying me, chérie, and you won’t like the punishment.” Naging excited tuloy ako sa sinabi niya.
“Okay. I’ll be waiting for it.” Sabay kindat ko sa kanya at nauna nang naglakad habang natatawa.