Lucinda
Dalawang linggo pagkatapos ng nangyari sa amin ni Clark na kulang na lang yata ay kainin ng aking p********e ang kanyang junior ay bigla na lang akong dinatnan. Kaya naman pala nag-iinit ako noong mga oras na iyon. Nandito lang ako sa aking sofa nakahiga habang nanunuod ng tv nang lumabas mula sa aking kwarto si Clark.
Napaikot na lang ako ng aking mga mata dahil sigurado ako ay doon nanaman siya sa may bintana dumaan. Tinatamad akong tumayo ngayon dahil masakit ang aking puson at ang aking ulo na para bang sasabog na ito. Nang makita ako ni Clark na nakahiga ay agad siyang lumapit sa akin sabay binigyan ako ng halik sa aking mga labi.
“Good morning, chérie. Bakit parang ang tamlay mo yata ngayon? May sakit ka ba?” Sabay pinakiramdaman naman niya ang aking noo.
“Hindi naman. Wala naman akong nararamdamang sakit pero talagang tinatamad lang akong bumangon. I’ll be fine tomorrow.” Ngumiti ako sa kanya.
“Did you already eat your breakfast?” tanong niya at umiling ako.
“Mamaya na lang. Wala pa ako sa mood kumain.” Sumimangot naman siya.
“No. You are going to eat. Masama ang nalilipasan ng gutom. Sandali ang magluluto na lang ako para makakain na rin tayo total ay gutom na rin naman ako.”
Nagluto siya ng pancake at waffles sabay kumuha ng cream sa aking ref at linagyan pa ito ng strawberry sa ibabaw. Napangiti naman ako nang makita ko ang gawa niya at bigla na lang akong nakaramdam ng gutom. Nagsubuan kami habang nagtatawanan hanggang sa maubos namin ang aming kinakain.
Pagkatapos ay natahimik na lang kami at magkatabing nahiga habang nanunuod ng telebisyon. Sana ganito na lang kami palagi ni Clark na wala nang inaalala pero syempre imposibleng mangyari iyon dahil wala namang perpektong relasyon. Maya-maya ay narinig naming nag-ring ang aking cellphone at pagtingin ko ay nakita kong tumatawag ang aking ama. Tumayo ako sabay sinagot ang tawag ng aking ama sa may kusina na hindi naririnig ni Clark.
“Hello, Dad?”
“Anak, kumusta ka na? Nami-miss ka na namin dito. Nakita mo ba sila Angel noong minsan diyan?”
“Opo. Pasensya na kung hindi na po ako nakadadalaw sa inyo. Pero siguro sa susunod na linggo ay lilipad ako papunta ng London.” Napatingin ako kay Clark na nanunuod ng telebisyon. “Uhm, at saka po may ipakikilala sana ako sa inyo.”
“Sakto dahil oras na dumating ka rito ay may ipakikilala rin sana ako sa iyo. Basta sabihin mo na lang sa akin kung kailan ang dating mo para masabihan ko na rin siya.”
“Sige po. Walang problema.”
“I have to go. May meeting pa kasi ako at tinawagan lang kita dahil nami-miss ko na rin naman ang bunso ko.”
Napangiti ako sabay pinatay na ang tawag niya at bumalik na umupo sa tabi ni Clark. Nakangiti ako sa kanya kaya naman nagtataka siyang napatingin sa akin.
“Let’s go to London next week.”
“London? Ano naman ang gagawin natin doon?” tanong niya.
“Ipakikilala kita kay Papa bilang nobyo ko. Huwag kang mag-alala at mabait iyon at hindi rin siya judgemental kaya sigurado akong matatanggap ka niya,” sagot ko.
Tinitigan lang niya ako ng matagal sabay hinawa ang buhok na tumatabing sa aking mukha sabay inakbayan ako. Inihilig ko naman ang aking ulo sa kanyang dibdib sabay tumingala sa kanya dahil bigla na lang siyang naging tahimik.
“What’s wrong? Ayaw mo ba na ipakilala kita kay Papa?” Umiling siya na nakangiti.
“Hindi naman sa gano’n pero natutuwa lang ako na gusto mo akong ipakilala sa tatay mo. Bigla tuloy akong kinabahan dahil hindi ko pa man din pormal na linigawan ka.” Napangiwi ako bigla dahil naalala ko nga pala na ayaw ni Papa ng pre-marital s*x.
“A-Ayos lang iyon.” Hindi ko na sinabi na strikto si Papa dahil baka mas lalo siyang kabahan at hindi na siya sumama sa akin sa susunod na linggo.
“Hindi bale dahil oras naman na makaharap ko siya ay siya na lang ang liligawan ko para hindi siya ma-disappoint sa akin.” Natawa na lang ako sa kanya dahil kapansin-pansin ang kaba niya. “What? Why are you laughing at me, chérie?”
“Nothing.”
Hindi siya naniwala sa akin at kiniliti ako para sabihin ko sa kanya kung bakit ako natatawa. Hanggang sa nag-asaran na lang kami maghapon dahil alam ko naman na natatakot siyang makaharap ang ama ng kanyang nobya.
…
Makalipas ang isang linggo ay nandito na nga kami sa airport ng London kung saan ay isang linggo kaming mananatili rito. Hindi naman nagreklamo si Clark at sa totoo niyan ay simula nang lumabas na kami ng airport ay hindi na siya nagsalita. Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip niya pero kanina ko pa napapansin na ang layo ng tingin niya.
Habang hinihintay namin ang susundo sa akin ay nakailang buntong hininga na rin siya na para bang nailabas na niya lahat ng hangin sa katawan niya. Pagkatapos ay nang hawakan ko ang kanyang kamay ay natawa ako nang naramdaman kong nanlalamig ang mga ito.
“Are you scared?” tanong ko.
“Phew! I’m nervous, chérie. Paano kung hindi ako magustuhan ng Papa mo o kaya paano kung ilayo ka niya sa akin? Does he like guys who have tattoos on the back of their hands? Are my clothes, okay?” Halos pigilan ko ang matawa sa kanya pero natawa rin lang ako sa kanya.
Napansin kong napasimangot na siya at inirapan na lang ako kaya tumigil na ako sa pagtawa. Agad ko namang kinulong ang mukha niya sa aking mga palad at tinitigan siya.
“Ano ka ba? Breathe in, breathe out ka nga. Hindi nangangain si Papa at tulad ng sabi ko sa iyo ay mabait siya. Don’t worry because you’ll do fine.” Napabuga siya ng hangin nang makita ko na sa malayo ang sundo namin. “And please stop sighing because you might blow me away.”
Nang tumigil na ang limo sa harapan namin ay tinulungan na kami ng driver na ipasok lahat sa loob ng sasakyan ang aming mga gamit. Sumakay na kami ni Clark at hinawakan ko ang kanyang kamay na hanggang ngayon ay nanlalamig pa rin. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa malaki naming bahay at agad na ipinarada na ito ng driver namin.
Agad na bumaba ang driver sabay umikot at pinagbuksan kami ng pinto ng kotse. Akmang bababa na ako ay bigla na lang akong pinigilan ni Clark.
“Chérie, I don’t think I can even move my legs. Can we stay here for a while please? Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa kaba.” Muli na lang akong natawa sa kanya at sinabi sa driver na saglit lang.
“Clark, look at me.” Hindi siya tumingin at muli kong tinawag ang kanyang pangalan pero hindi pa rin gumana. “Clarence King Whitlock Jr kung hindi ka titingin ay break na tayo.”
“What? N-No…What is it, chérie?”
“Hays. Clark, nasaan na iyong makulit, mayabang at sweet na lalaki na nagpa-ibig sa akin? Kasi iyong lalaking iyon hindi natakot kahit na alam niyang mayaman ako at hindi niya ako iniwan tulad ng iba. Kung nakaya mong paibigan ako ay makakaya mo rin na harapin si Papa dahil alam ko na tunay ang nararamdaman mo para sa akin ‘di ba?” sabi ko.
“I do. I love you so much,” sagot niya.
“Kung mahal mo ako ay haharapin natin si Papa ng sabay at hindi kita iiwan kahit na ano’ng mangyari.” Napangiti ako at tumango naman siya. “Ready?”
“Sure.”
Sabay na kaming lumabas at agad na kaming pumasok sa loob ng bahay kung saan ay binati kami ng maraming katulong. Alam kong nagugulat siya pero nanatiling nakahawak ang aking mga kamay sa kanya habang papunta kami sa salas kung nasaan sila Papa ngayon. May nakita akong nakaparada na sasakyan kaya sigurado ako na may bisita siya ngayon.
Pagpasok namin sa maluwang na salas ng aming bahay ay nakita ko si Papa na may kausap na isang matandang lalaki rin habang may hawak silang wine. Nang makita ako ni Papa ay mabilis akong yumakap sa kanya at hinalikan naman niya ako sa aking pisngi.
“Glad you are here, Lucinda,” sabi ni Papa. “Siya nga pala gusto kong makilala mo ang isa sa mga matalik kong kaibigan na si Sandro. Sandro, and aking bunsong anak na babae na si Lucinda.”
“Nice to meet you, iha.” Hinalikan niya ang likod ng aking kamay at ngumiti naman ako sa kanya. “Mukhang may kasama ka?”
Napalingon ako kay Clark at sinabing lumapit siya sa amin na kanya namang ginawa. Pagkatapos ay sinukbit ko ang braso ko sa kanyang kanang kamay at agad kong nakita iyon ni Papa.
“Dad, I would like you to meet my boyfriend.”
“N-Nice to meet you, sir. M-My name is Clark Clarence King Whitlock Jr, sir.” Linahad ni Clark ang kamay niya at mukhang nagulat pa yata siya na tinanggap ito ni Papa at nakipagkamay din.
“Nice to meet you, iho. Glad that I’ve got the chance to meet my future son-in-law.”
“Dad…” suway ko sa kanya at nagtawanan naman silang lahat at napansin ko na medyo nahiya pa si Clark.
Bumalik siya sa aking tabi at binulungan ko siya ng, ‘I told you.’ Pagkatapos ay yinaya na kami ni Papa sa dining hall kung saan ay nakahanda na ang aming pananghalian. Tamang-tama dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Nang makaupo kami sa harapan ng hapag kainan ay napansin ko na lima ang plato samantalang apat lang naman kami.
“Dad? May bisita ka pa po ba?” tanong ko sa kanya.
Akmang sasagot siya ay napatingin kaming lahat sa pagbukas ng pinto ng dining hall sa bagong dating lamang.
“Sorry, I’m late. Medyo na-traffic pa ho kasi ako kaya nahuli ako ng dating.” Maang akong napatingin sa kanya at gano’n na lamang ang aking gulat nang makita siya.
“Luke?” tawag ko sa kanyang pangalan at napatingin din siya sa amin.
“Whoah. Lucinda? Clark? Bro, what the hell? What are you guys doing here?” Sabay yinakap niya kami at nakipagkamay naman siya kay Clark.
“Well, I guess I don’t need to introduce you to each other? Mukhang kilala niyo naman na ang isa’t isa,” sabi naman ni Papa.
“Uhm, actually, yes. Si Luke ho kasi ay matalik na kaibigan ni Clark at nakilala ko lang siya mga ilang linggo na rin ang nakalilipas,” sagot ko at napatango-tango naman ang aking ama.
Nagsimula na kaming kumain at noong una ay tungkol sa business ang pinag-uusapan nila kaya hindi nanaman ako maka-relate. Ayaw na ayaw ko kasi talaga ang magtrabaho sa isang kompanya dahil pakiramdam ko ay hindi ako malaya.
“Lucinda, iha, kailan mo balak na hawakan ang kompanya ng ama mo. As you know, your father is not getting young already,” sabi ni Tito Sandro.
“Uhm, w-wala ho kasi akong balak na magtrabaho hanggat maaari sa kahit na anong kompanya, Tito,” sagot ko.
“Sayang naman ang talino mo lalo na at magkakaroon kami ng partnership soon. Kaya nga tinawag ko ang aking anak dahil siya na ang humahawak ng aking kompanya. And it will broaden the company once the two of you are going to get married.” Halos sabay kaming nabilaukan ni Luke sa aming narinig.
“Wedding?”
“Marriage?” Sabay na sabi namin kay Tito Sandro.
“Dad, what the hell are you talking about? Sinabi ko na sa inyo na wala akong balak na magpakasal,” sabi ni Luke sa kanyang ama.
“I know. Kaya nga naisip ko na oras na makita mo sana si Lucinda ay baka magbago ang isip mo pero mukhang naunahan ka na ng kaibigan mo. Hays.” Napatingin naman ako kay Papa na mukhang natutuwa pa sa kanyang nakikita.
“Dad? Is this the reason why you wanted to see me?” tanong ko at umiling naman ang aking ama na aking ipinagpasalamat.
“Pare,” baling niya kay Tito Sandro. “You know that I don’t do arrange marriage between my children. I told you that before because I don’t want them to enter a loveless marriage.”
“Yeah, yeah, yeah. Naisip ko lang naman na baka may pag-asa pa.” Nagtawanan pa sila. “Pero iha,” baling sa akin ni Tito. “Kung sakaling magbago ang isip mo ay nandito lang ako at tutulungan kita sa aking anak.”
“Oh my…Dad! Stop,” saway naman ni Luke sa kanyang ama.
“Pasensya na ho Tito pero sa tingin ko ho ay baka hindi ho mangyari iyon.” Napatingin naman ako kay Clark na kanina pa tahimik. “But I love my boyfriend, and I don’t plan on leaving him.”